Napasunod ang tingin ni Azael sa kaniyang magulang na lumabas kasunod ang lalaking nagpakilalang kapatid ni Amara. Hinintay niyang lumabas si Theon at hindi nga siya nagkamali, sumunod ito. Saka siya napatayo at lumapit sa kinaroroonan ni Amara.
Nailipat na ito sa isang private room at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi nagtagumpay ang plano ni Penelope na patayin ito. Fuck! Everytime na maalala niya ang ginawa nito ay nandidilim ang kaniyang paningin. Sa ngayon, nakasampa na ang kaso at isa sa mga araw na darating ay sa kulungan ang bagsak ng babae kasama ang magulang na pinapaimbistegahan niya at pinakunan ng background kay Hudson.
“Amara...”
Napatingin ito sa kaniya at marahan bumuka ang labi. “A-azael...”
Ngumiti siya. Ayaw niyang umalis pero kailangan niyang asikasuhin ang kasong personal niyang inaayos. “Pagaling ka.” Tumalikod siya at tinungo ang pintuan.
NAGISING si Amara na maingay ang buong paligid. Eksaktong pagmulat niya ng mata, ang totoong ina niya ang namulatan. Nasa tabi niya ito at hawak ang kaniyang kamay.
Naglibot siya ng tingin, ando’n din ang kaniyang unang namulatan na ina, namumula ang mata nito. Halatang galing sa mahabang pag-iyak. Simula nung bumisita si Berkham nung nakaraan araw sa kaniya, iyak lang nang iyak ang ginang at hindi pa rin nito matanggap ang nangyari. But the same time, tinanggap nito na si Celestine ang tunay na anak. Si Berkham na ang nagpaliwanag sa lahat.
“M-ma, dito pala kayo,” mahinang sambit niya.
“Amara! Akala ko mawawala ka na naman sa`min!”
Napangiti siya. Akala mo talaga kamatayan niya, eh ‘no? Hindi siya mamatay dahil kung kagandahan lang ang basihan sa pahabaan ng buhay, jusko, immortality na ang kaniya. Malas naman nung bumangga sa kaniya, maliban sa binalian lang siya nito ng paa the rest is sobrang ganda pa rin niya from head to toe.
Kulang na lang ay pingutin ng ginang ang kaniyang teynga kung wala lang siguro siya sa kama. Agad siya nitong niyakap at pinagaralan ng mahabang-mahaba. Saka lang ito kumalma nung tumikhim si Berkham at sumenyas na andito ang mga Legrand. Agad umayos ang kaniyang ina at humingi ng pasensya sa mga ito.
Nakita niyang ando’n si Theon, Celestine, ang kaniyang mapagmahal na Mommy at Daddy pero wala si Azael. Nasaan ito? Bakit wala na ito ngayon? Sa tuwing nagigising siya ay una niyang nabubungaran ang pagmumukha nito kahit hindi nagsasalita. Ito lagi ang nagbabalat sa kaniya ng mansanas at ibang prutas. Ito rin lagi ang nag-aasikaso sa kaniya mula sa maliit na bagay hanggang sa pagtawag sa Doctor na siyang tumitingin sa kaniyang kalagayan. Napakunot siya ng noo sa isipin saan ito pero agad din naglaho iyon nang ganapin ng Mommy nila ni Azael ang kaniyang kamay.
“Does it mean, mawawala ka na naman sa`min hija?” tanong nito.
Parang kinuyom ang kaniyang puso. Masyadong masakit iyon. Hindi niya alam ang isasagot kaya nakagat na lang niya ang labi.
“It’s okay darling. Nagpapasalamat pa rin kami ng Daddy mo dahil natagpuan namin si Celestine sa tulong mo. Nagpa-pasalamat kami dahil natagpuan mo din ang totoong pamilya mo kahit ang totoo, gustong-gusto ko sa`min ka lang ng Daddy mo. We love you so much, honey.” naiiyak na saad nito at hinaplos ang kaniyang buhok.
Napaluha siya. First time niyang marinig ang katagang ito sa bibig nito. Ibig sabihin, tanggap na rin nito ang lahat kahit labag sa kalooban.
“Don’t cry. Mommy and Daddy were still here for you.” Lumapit ang kaniyang ama sa katauhan ng matandang Legrand. Ngumiti ito at naluluha.
“Daddy... Mom...”
“Thank you darling... Thank you.”
Tuluyan siyang napaiyak nang yakapin siya nang mga ito. Ang sakit-sakit sa dibdib pero karapatan ni Celestine na maram-daman ang pagmamahal ng totoong pamilya nito. Pinapangako niyang dadalawin pa rin niya ang mga ito kahit anong okasyon.
“Paano si Theon? Ang asawa mo?” Ang Mommy niya.
Napatigil siya. Oo nga pala, hindi pa sila nagkausap ni Theon kahit saglit. Alam niyang nasaktan niya ito. Alam niyang naguguluhan din ito tulad niya nung una.
Napatingin siya sa binata, ngumiti ito at tumango saka tumalikod. Nagtungo ito sa pintuan para umalis.
“Theon!”
Napatigil ito. Marahan itong umikot at tumingin sa kaniya. Malungkot ang mga mata.
“Pwede ba kitang makausap? ‘Yong tayo lang? As your wife pwede ko bang...”
Napakuyom na lang ng kamao si Azael sa narinig sa loob. Nasa pintuan lang siya at nakikinig. Parang huminto ang kaniyang mundo sa salitang binanggit nito, `As your wife...’ fuck! Hindi niya na pinagpatuloy ang sinabi ni Amara. Fuck it! Umalis na siya at madilim ang mundo na nagtuloy-tuloy sa parking lot.
Ang saya na sana niya dahil hindi sila totoong magkapatid and void ang kasal nito dahil hindi naman ito Legrand. pero sa salitang narinig niya, alam niya na ang gusto nitong iparating! Mahal nito si Theon kahit hindi na sabihin sa kaniya nang harapan. Tanginang pag-ibig ‘yan. Bakit ba patay na patay ito kay Theon?! Kung si Theon kaya ang patayin niya? Mas magandang plano. Inis na sinuntok niya ang manibela.
Kung sana’y kasingganda sila ng lovestory nila Cuhen at Vraiellah, Hudson at Abhaya, Farhistt at Goddess... Ang saya niya siguro ngayon pero wala, puro lovestory lang ng mga ito ang kaniyang naaayos.
Dapat pala nung nasa cruise sila nung birthday ni Theon isang taon na nakaraan, hinulog niya na ito sa dagat para pagbalik ng nag-iisang babaeng mahal niya ay pag-aari na lang niya ito at wala na itong babalikan! Ang bobo niya rin minsan, bakit hindi niya naisip ang bagay na ito? Dapat na ba niyang pagplanuhan ang kamatayan nito?
Fuck! Galit niyang pinasibad papalayo ang sasakyan. Kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang isip at puso sa kaniyang private yatch baka sakaling magtino siya at hindi na balakin pa’ng patayin ang lalaki.
Kalmado lang si Azael na nakahiga sa ibabaw ng deck at nakatingin sa kalangitan ng gabing iyon sa kaniyang yatch. Nasa laot na siya at nag-iisa. Wala. Wala muna siyang planong bumalik sa lungsod. Ganito ‘yong ginagawa niya dati, kapag gusto niyang takasan ang reyalidad.
Malabo siyang tumambay sa kaniyang mansiyon, mas marami siyang oras sa yate niya kesa makasama ang babaeng araw na lang ang binibilang ay hahawak na ng rehas.
Alam niyang mali ang kaniyang ginawa nung bayaran si Dr. Alferez at pinalabas na positive ang resulta ng test. Nasa kaniya ang totoong test that time at hindi alam nito kung gaano siya kasaya, niyakap pa niya ang Doctor at hinalikan ito sa noo sa sobrang tuwa dahil negative ang resulta nito. Ginawa lang naman niya iyon para pahintuin ito sa ginawang pag-imbestiga sa sarili pero dahil sa kaniyang ginawa, mas lalong lumayo ito. Puta! Bakit ba ang hirap magmahal?!
Tinungga niya ang alak kahit nakahiga siya at binilang sa isip ang mga bituin nang gabing iyon. Hindi niya mabilang. Parang pagmamahal niya sa babae, imposibleng matugunan. Putangina!
Nagplano siya. Yes.
Dudukutin niya si ang dakilang Willoughby. Alam niyang magpapakasal ulit ang mga ito. Hell no! Hindi niya ito papayagan. Ipapatapon niya ito sa Atlantic Ocean at nang siya lang ang makita ni Amara. Tama, iyan ang gagawin niya pagsikat ng araw bukas. Masyado itong epal sa pagmamahal niya sa babae at hindi na lang ito tumahimik sa isang tabi. Bakit nagpakita pa letse!
Sino ba ang nagsabi na parte ito nang pagkakaibigan nila ni Cuhen, Hudson, Zyd at Farhistt?! Sampid lang ito at itatapon niya ito bukas na bukas din. Napangisi siya sa kaniyang plano. Ilang bote pa ng beer ang tinira niya saka siya hinila ng antok. Sana dalawin siya ng napakagandang panaginip.
Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kina-bukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang pag-inom. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin si Theon Willoughby na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara.
Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan.
Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha pero naram-daman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata.
“Damn! Pinahirapan tayo ng lokong ‘to.”
“Good. Now he’s asleep. Let’s bring him.”
Nagising si Azael na iba ang kapaligiran. Agad siyang napabangon at napakunot noo. Hindi ito ang kaniyang silid at mas lalong hindi niya kilala ang silid na nakikita ng kaniyang mata. Pinilit niyang alalahanin kung anong nangyari at napamura siya ng malutong. Kung si Penelope ang may gawa nito, sinasabi niya magdasal dasal ito dahil magkakamatayan sila ngayon.
Agad niyang tinakbo ang pintuan at natuwang hindi lock iyon pero nagbago ang kaniyang utak na doon dumaan para tumakas. Why not used the window? Mabilis niyang tinungo ang bintana at hinawi ang puting kurtinang nagmistulang tumatabing doon.
Unang pumasok sa utak niya ay talunin ito pero agad napako sa hangin ang kaniyang plano nang dumako ang kaniyang tingin sa isang taong nakatayo sa unahan. Nakapamulsa ito at malayo ang tinitingnan. Napakunot siya ng noo.
Theon Willoughby!
Walang hirap na tumalon siya pababa kahit nasa second floor. Sanay siya sa mga gano’n bagay. Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito at bago pa ito makaharap sa kaniya, suntok niya ang tumama sa mukha nito. Sapol! Kapaplano pa lang niyang dudukutin niya ito at ito, naunahan siya. Puta! Patayin niya na kaya ito ngayon?
“Ang sakit naman ng pambungad mo!” reklamo nito at sumadsad sa buhanginan.
“Tumayo ka d’yan! Patunayan mong kaya mo `kong patumbahin.”
Napangisi ito sa kaniyang sinabi. “Sabi mo, eh.”
Mas maganda. Magpatayan sila kung para matigil na ito at mapasakaniya na si Amara. Isang suntok ang binigay niya sa mukha nito at sipa naman ang kaniyang natanggap. Napasubsob siya sa buhanginan pero agad din tumayo at binigyan ito ng malakas na sipa sa mukha kasabay ng pag-atake ng kaniyang kamay at braso para balian na ito ng leeg. Ililibing niya na ito sa buhangin mismo at pagtitirikan ng kandila.
“Hey-hey dude, wait! Wait!” napasigaw ito nang simulan niya ng ipitin ang leeg, “Amara is here!”
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at matiim na tiningnan ito. Umuubo-ubo itong umayos ng tayo at inayos ang kasuotan.
“Bago mo ako patayin hayop ka, ito ang susi ng rest house ko. Tandaan, it’s my rest house. Nasa loob si Amara sa isang guest room sa baba. Mahimbing na natutulog. Ikaw na bahala sa kaniya. Alam kong, alam natin dal’wa kung bakit ginawa ko ito,” sandali itong tumigil at hinubad ang suot na singsing sa daliri, “I’m setting her free. Sayo na ang wedding ring namin.”
Umasim ang kaniyang mukha, “At bakit ko aangkinin ang pangit mong wedding ring na mukhang pinaglumaan baryang ginawang singsing?”
Natawa ito sa kaniyang sinabi at napakamot sa ulo. Isinilid na lang ni Theon ang singsing at hinagis sa kaniya ang susi. “Gotta go, ikaw na bahala rito. Goodluck.” kumindat ito at tumalikod pero agad din napabalik. “Nga pala, may nakalimutan ako...”
“Fuck!” napamura siya sa sakit nang tumama ang kamao nito sa kaniyang panga.
“Bye!” Tumatawang tumakbo ito papalayo.
Susundan pa sana niya ito at totohanin na ang pagpatay sa lalaki pero agad siyang natigilan nang maalala ang sinabi ni Theon. Imbes na sundan ang hayop na lalaki, sa bahay ang hakbang ng kaniyang mga paa at tinungo ang silid na sinasabi nito.
Halos mabingi siya sa sobrang kaba nang buksan niya ang pintuan. Doon niya nakita ang mahimbing na natutulog na si Amara. May IV na nakasabit sa kamay nito at naka-plaster cast pa rin ang paa. Damn! Is he dreaming? Sinubukan niyang gisingin ang kaniyang sarili pero kahit iuntog niya pa, totoong ang kaniyang prinsesa ang nakikita ng mga mata niya.
Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Ayaw niyang makalikha ng ingay at baka kapag nangyari iyon bigla itong mawala sa paningin niya. Parang hinaplos ang kaniyang puso ng anghel nang makita ng kabuuan ang mukha nito. Hindi niya mapigilan yumukod at umupo sa tabi ng babaeng pinakamamahal niya at haplusin ang makinis nitong pisngi. Ito lang ang bukod tanging pinakamagandang babae sa kaniyang paningin. Damn! Parang maluluha pa yata siya. Napansin niya ang maliit na note na nakapatong sa unan ni Amara kaya kinuha niya iyon at nalamang sulat-kamay ito ni Theon. Ang pangit ng hand writing nito.
Azael Pangit,
Please take good care of her, ikaw na ang bahala sa kaniyang mahalin siya sa paraan hindi ko magawang ipakita sa kaniya. Mas mahalin mo siya ngayon.
From,
Theon Gwapo.
Nilamukos niya ang papel. Kailan ito naging gwapo? At kahit hindi na nito sabihin, matagal niyang alam na gwapo siya at mahal niya si Amara. Tumayo siya at umalis sandali. Kailangan niyang maghanda ng pagkain para pag nagising ito, nakahanda na ang pagkain at gaganda ang mood nito.
Pakiramdam niya, panalong-panalo siya sa Lotto at kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa habang papunta ng kusina. Sana naman hindi na ito matatapos, habangbuhay na silang ganito.
Ano ba ang ihahanda niya? Damn. May tiwala siya sa kaniyang cooking skills pero bahala na! Ito ang una-unang pagkakataon na lulutuan niya ang dalaga at patitikimin sa masarap niyang putahe. Napangisi siya.
Maliban kasi sa masarap naman talaga siya, masarap din siyang magluto. Sana, unang tikim pa lang ni Amara mai-inlove na agad ito. Natawa siya ng tuluyan at hinanda ang lulutuin sa araw na iyon. Sa sobrang saya at excited niya, pwede na siyang magpatayo ng restaurant sa buong Manila.
Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara. Based sa pangalang tinawag nito, parang gustong manakal ni Azael.
Pesteng Willoughby ‘yan!
Bakit nga ba hindi niya binalian ng buto si Theon kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na ‘yon?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae.
Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito.
“A-azael...”
Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. “Tayo lang dal’wa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka sa`kin ng asawa mo at...” napakuyom siya ng kamao. “At huwag mo na siyang hanapin. Ang isipin mo ay ang maka-recover agad.”
Kung may mangyayaring masama talaga kay Amara, babalatan niya talaga ng balat si Theon. Dapat nasa Hospital ang babaeng prinsesa niya at nagpapagaling, hindi sa silid na ito.
“Gutom... Ako...”
Perfect! Nagluto siya ng soup para madali lang dito. Walang sabi na umalis siya sa harapan ni Amara. Mabilis niyang kinuha ang soup na hinanda niya at isang basong gatas. Nagdala rin siya ng mangga panghimagas nito. Napangiti siya nang maisip na siya ang magsusubo para kay Amara. Sa araw na iyon mismo, siya ang magsisilbi sa kaniyang prinsesa sa ayaw man at sa gusto nito. Siya ang masusunod.
Hindi nagreklamo si Amara nang alalayan niya ito at maingat na pinaupo. Kahit papaano, medyo okay na ang babae. Nilagyan niya ng unan ang likuran at ingat na ingat na huwag itong masaktan sa maling galaw niya.
Ngumiti ito at nagbaba ng tingin nang magsimula siyang subuan ito ng mainit-init na sopas. Sa sobrang ka-excited niya kanina, wala siyang matinong maisip kundi ay sopas ang ihanda. Soup Restaurant na lang ipatayo niya sa Manila.
Marahan niyang hinipan ang sopas bago dinala sa bibig ni Amara. Ang tagal niyang pinangarap ang ganitong tagpo at masama na kung masama, natutuwa siya sa nangyari ngayon. Parang ngayon siya pinagbigyan ng panahon na magawa ang kaniyang gusto, ang alagaan at pagsilbihan ang babaeng pinakamamahal niya.
“A-aren’t you tired?”
Sandali siyang natigilan at nagkibit ng balikat. “For what?”
Hindi ito sumagot. Nagbaba lang ito ng tingin at pinagpatuloy niya ang pagsisilbi rito. “Where are we?” maya-maya’y tanong nito.
“Away from the city.”
Napamangha ito sa kaniyang sinabi at lumarawan ang saya pero agad din nawala nang maalala nito ang kalagayan. Kaya nag-offer siya na dadalhin niya ito at ipapasyal sa dalampasigan pagkatapos nitong kumain. Hapon naman at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw, maliban sa may mga punong niyog, malakas din ang simoy ng hangin.
Maingat niyang isinakay ito sa wheelchair. Sa unang pagkakataon, wala siyang naririnig na reklamo sa bibig nito na dati nitong ginagawa sa tuwing magkalapit silang dalawa.
Marahan niyang itinulak ang wheelchair papalabas ng silid at nang bahay. Agad bumungad sa kanila ang malamig na samyos ng hangin at magandang tanawin. Pero kung siya ang tatanungin, wala nang mas hihigit pa sa magandang tanawin ang papantay kay Amara. Ito langang bukod tanging pinakamaganda sa kaniyang mga mata.