Hindi siya makatulog buong gabi kaya kinabukasan, para siyang sabog na bumaba ng hagdanan at parang kasapi ng rugby gang. Kumakamot pa siya sa ulo papuntang kusina at uminom ng sobrang lamig na tubig para tuluyan magising ang inaantok niyang diwa pero walang epekto.
“Goodmorning!” masiglang bati sa kaniya ni Zyd.
Kumakamot pa si Lianne sa kaniyang singit. “Good morning din.”
Sino ba kasi ang maagang mag-goodmorning sa kaniya? Maliban sa hindi pa sila nagkakasalubong ni Zyd sa loob ng bahay na ito tuwing umaga, si Lula at Tacu lang ang naisip niyang babati sa kaniya. Salamat naman at nakakapagsalita na ang mga aso sa bahay na ‘to.
“Are you sick or something?”
“I’m okay—” Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalalang hindi naman pala nagsasalita ang mga alagang aso.
Kitang-kita niya ang bagong ligo na si Zyd at sobrang presko tingnan. Tumama pa ang sinag ng araw sa mukha nito at bigla nagsiawitan ang mga anghel. Teka, teka— bakit biglang nagkaroon ng sunlight sa kusina? Napatulala siya sa sobrang kagwapuhan nitong taglay at hindi makahinga. Ito na yata talaga ang sign.
“Elhouette...”
Napakagat siya ng labi sa bedroom voice nito. Kung ganito ba naman kaganda ang bubungad sa umaga niya, araw-araw na siyang gigising ng umaga.
“Y-yes...” Bakit parang paungol ang pagkakasagot niya?
Lumapit sa kaniya ang lalaki at ramdam niya ang kaka-ibang titig nito. Sa sobrang lapit ng kanilang distansya, naaamoy niya na ang aftershave nitong gamit at nahihipotismo siya. Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, sa sobrang bilis nga nito pakiramdam niya ay aatakehin siya ng love-attack!
“Elhouette...” inulit pa nito ang pagbigkas ng kaniyang pangalan at inabot ang kaniyang pisngi.
Napapikit siya at hinihintay ang gagawin nito. Baka pag mainip siya, hindi niya ito matantiya.
“Naglalaway ka.”
Bigla siyang napadilat ng mata at mabilis na dinama ang bibig, naglalaway nga siya. Napatingin siya kay Zyd, nakangisi na ito at biglang namulsa. Hayop, hayop! Hiyang hiya siyang napatakbo papalapas ng kusina pero bago siya nakalabas, lumingon muna siya sandali rito at kitang-kita niya ang nang-iinis na ngiti nitong nakasunod ng tingin sa kaniya. May araw ka rin! Tuluyan niyang tinakbo ang hagdanan paakyat sa itaas.
Kinakabahan si Lianne habang katabi si Zyd sa passenger seat. Papunta na sila sa ‘Meet My Family’ na sinasabi nito. Halos nainom niya na ang isang litrong tubig sa tumbler ng lalaki sa sobrang kabado. First time niya ito, at hindi niya alam kung paano umarte. Ang advice sa kaniya ni Sheena, ‘be yourself’, pero paano niya gagawin iyon kung sa kasama pa lang niya ngayon, nawawala na siya sa sarili.
Halos naging tuod siya nang akayin siya ni Zyd papasok sa malaking bahay ng parents nito. Kung hindi pa siya nito hinawakan sa kamay at hilain papasok, hindi pa niya magawang ihakbang ang mga paa na nakasuot ng heels.
“Hi Mom, Dad.”
“Oh hello, son! We’re glad you came to—” sandaling tumigil sa pagsasalita ang ginang na sa tingin niya ay nasa mid 50’s. Sa kulay ng buhok at tingkad ng balat nito, isa itong purong Canadian. “Who is this beautiful young lady?” Lumapit ito sa kaniya at tiningnan siya ng malapitan.
“Mom, don’t do that. You’re making her anxious.”
Tumawa naman ang ginang at humingi ng paumanhin. Napahinga naman si Lianne at hilaw na ngumiti sa ina ng lalaki. Muntikan na siya ro’n, baka mahalata ng ginang na ang eyeshadow, blush on at lipstick niyang ginamit ay iisa lang. Wala siyang make up pallets. Hindi siya si Sheena na siyang laging nag-aayos sa kaniya sa tuwing dinadala siya nito sa mga bar or club dati.
Kung nalula siya kanina sa labas, mas nalula siya nung nasa sala living room na sila. Kung kanina ay masayang nag-uusap ang mga taong nando’n, ngayon biglang nagsitahimik ang mga ito at lahat nakatingin sa kanila, especially sa kaniya. Naasasiwa siya bigla at napatingin sa suot.
Lihim siyang napakagat-labi sa suot na fitted jeans at simple blouse. Ang sabi ni Zyd, simpleng gathering lang ang pupuntahan nila. Family dinner. Family dinner daw! Pero bakit halos umabot sa 30 kataong nakita niya sa loob?! May nakaligtaan ba siya sa biography nito?
“Everyone, I want you to meet my wife, Elhouette.”
Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Zyd nang sabihin nito ang katagang iyon at lahat ay hindi makapaniwala. Nagsimula itong nagbubulungan pero walang sumalungat sa sinabi ng lalaki. Pagkaraan ng ilang segundo, ngumiti ang mga ito na parang walang nangyari at umarteng welcome siya sa family. Balik ulit ang saya at ang iba sa mga babae ay lumapit sa kaniya at nakikipagbesuhan.
“Ihing-ihi na ako,” pabulong na saad niya nang hilain niya ang kamay ni Zyd. Inom kasi siya nang inom ng tubig, eh.
Mabilis itong nagpresinta sa kaniya na samahan siya papuntang toilet pero umayaw na siya. Nagpaturo lang siya sa lalaki at agad niyang sinunod ang sinabi nito. Punta sa unahan, pagdating sa unahan, lumiko siya pakaliwa, pagkatapos kumaliwa, kumanan siya, at pagkatapos kumanan, kumaliwa siya ulit. At kapag wala siyang makitang banyo, ‘wag na raw siya umihi.
Nakahinga siya ng maluwang matapos lumabas ng toilet room. Sa sobrang ihing-ihi niya, akalain ba niyang namemorya niya ang sinabi ni Zyd. Pabalik na siya sa lalaki at handa nang maki-pagplastikan nang marinig niyang may nag-uusap. Binalewala niya iyon pero nung mahagip niya ang kaniyang pangalan sa bibig ng mga ito, bigla siyang natigilan at nakinig.
“I don’t like her. To think that she’s part of our family was repugnant for me.”
“Neither do I. She’s way too crummy and look, have you seen her eye shadow and lipstick? Eww! I feel imbittered.”
“You mean... Extremely obnoxious?”
“Exactly!”
Sabay na nagsitawanan ang mga ito ng sobrang lakas at nagbiruan pa laban sa kaniyang pangalan na sobrang bantot daw. Ah, talaga? Imbes na magalit at mag-walk out, hinintay niya ang mga ito tutal papunta naman ito sa kaniyang deriksyon. Natatakam na rin naman siyang makipagpaaway. Kailan ba siya huling nakipag-away ng bongalicious?
Parang nakakita ng multo ang mga ito nang makita siyang kampanteng nakasandal sa sementong dingding. Imbes na mag-sorry ang mga ito sa kaniya, tinaasan lang siya ng kilay nung kulay dilaw ang buhok na parang tae. Tae ka ghorl?
“What?” asik nung brown ang buhok at pinameywangan siya.
Wow ang lupit! Iba talaga mga kabataan dito sa bansang ito, nakaka-panggigil.
“You know, most of the days when I look in a mirror, I feel ugly.” nagsitawanan agad ang mga ito sa kaniyang sinabi. “But when I LOOK the two of you, I feel lucky.”
“You bitch—”
“Uh-oh,” agap niya sa anumang sasabihin ng dalawa. “Calling someone on that doesn’t make you smarter. Oh! One more, I may says, ‘Intelligence’ is key, and you two are LOCKED OUT.” Ngumisi siya at iniwanan ang dalawang babaeng hindi makahuma.
Tumatawa-tawa siya nung pabalik na siya nung maka-salubong niya si Zyd... Hindi, hindi ito ang lalaki dahil iba ang kasuotan nito. Pero bakit kamukha ni Zyd? Natigilan siya at gano’n din ito. Napatingin ito sa kaniya.
“Elhouette?!”
“C-caiden?!”
Nanlaki ang mga mata nito at bago pa ito nakalapit ng tuluyan sa kaniya at yakapin siya, sinampal niya na ito.
“Wife?” boses ni Zyd ang kaniyang narinig at nung lingunin niya ito, kaswal lang itong nakapamulsa. Lumapit ito sa kaniya at agad siyang inakbayan. Kinilig siya ng mga wanhaf pero mabilis din nawala.
“Woahhh! You two ended up together? Wow,” palatak ng lalaking kamukha ni Zyd. “Now I believe the internet.” Humalakhak ito.
Hindi niya na kailangan pang magtanong, kitang-kita na ito ‘yong nangloko sa kaniya thru online. Pero imbes na magalit, kalmado na siyang humarap dito at ang isang sampal na binigay niya ay sapat na ‘yon sa kabwesitan ginawa nito sa buhay niya.
“He’s my younger brother, Zig Caiden. We always been called twins since kid, but we aren’t twins.”
Kaya naman pala. Pinagtaasan na lang niya ito ng kilay. ‘Yong feelings niya ‘kuno’ dito sa lalaking nagngangalang Zig, wala na. As in wala na talaga. Pagkainis lang kung bakit ginawa nito ay gumamit ng ibang katauhan, gayun hindi naman pala ito ang tunay na Capt. McCluskey.
Chossy ka pa, Lianne? You should be thankful na lang kasi ‘di ba, sa love-attached mong ‘yan nasa piling ka na ni Zyd at namuhay ng mala-donya? Sandali siyang natigilan sa bulong ng kaniyang utak. Kung sabagay...
“And she’s my online girlfriend.” nakakalokong kinindatan siya nito.
Kadiri.
“She’s my wife.”
“Fuck, no ways! Really?” nanggagagong tanong nito.
“I am, you idiot. Now, get your ass out from my sight!” asik niya rito at hinila si Zyd pabalik sa dining room kung saan ando’n ang pamilya nito.
“Wow, she’s really a fire.” narinig pa niyang habol ni Zig. “Well, good luck on that Elhouette. My brother is a mother fucker!”
Tahimik lang na nakikisabay si Lianne sa isang tabi sa pamilya ni Zyd. Nalaman din niya ‘yong brown na buhok na ka-engkwentro niya kanina ay bunsong kapatid ng lalaki. So what? Awayin pa niya ito, eh. Masyadong bastos ang bibig. Maingay ang buong paligid at kaniya-kaniyang tawanan ang mga ito at nag-uusap habang sandaling umalis ang asawa raw niya sa papel dahil tinawag ito ng ama.
“Can I have a few words with you, young lady?” Lumapit sa kaniya ang ina ni Zyd. Nakangiti ito kaya kampante siyang sumama rito nung akayin siyang mag-usap sila sa balcony.
“Tell me dear, on what earth why my son marry you instead of Kate?” nakangiting tanong nito.
Natigilan siya. Kahit nakangiti ang magandang Ginang sa kaniyang harapan, hindi niya maiwasan iba ang tono nito.
“Ma’m, may I ask you a query?”
Nagdaan muna ang ilang segundo bago ito tumango. Nakatayo sila pareho at may bitbit itong wine glass. Oras na mag-ala ‘you’re nothing but a second churva ito’, handa siya.
“Do you firmly agree about cheating is a choice?”
“Unless there’s a reason why the person cheated on the relationship.”
“What if your husband cheated on you. What’s the first thing you will do?”
“What kind of queries are you trying to protrude?”
“You can ask Zyd Caiden about it, Ma’m. I don’t want to go further but at least, I’m giving you some hints.” Ngumiti siya nang sabihin niya iyon.
Tumango-tango naman ito at marahan sinimsim ang wine na iniinom. Parang binabalanse ang kaniyang sinabi saka ngumiti.
“I like the way how you answer. It reminds me of myself back when I was at your age. I was... bold and straightforward person.”
Medyo nakahinga ng maluwang si Lianne sa sinabi ng ginang. Para siyang nabunutan ng tinik. Akala niya talaga bubuhusan siya nito para naman mahanda niya ang sarili na mag-walk out at hahabulin siya ni Zyd. Sayang naman!
“I must say, you’re charming and beautiful at your young age. I wonder how your husband got hooked on your beauty, Ma’m.”
Humalakhak naman ito at masayang tinampal siya sa balikat. “Ah, the good old days!” kinikilig na sambit nito.
Napangiti siya ng tagumpay. Beauty points, check! Masaya na silang nag-uusap sa buhay teenager nito hanggang sa nagkajowa at lumandi.
“Ang landi niyo pala before, Ma’m!” humahagikhik niyang sabi.
“What?”
“You’re funny po, like me.” Natawa na lang siya sa sinabi. Sino ba mag-aakalang maging ganito sila ka-close agad ng ina ng lalaki?
Natigilan si Zyd nang makita ang kaniyang ina at si Elhouette na masayang nag-uusap sa balcony na parang matagal ng magkakilala. Hinanap niya ang babae sa isipin na baka na out of place na ito after matapos siyang kausapin ng ama. He must say, strict ang kaniyang ina at sobrang mapili kaya hindi nito gusto si Kate pero nirespito nito ang kanilang relasyon dalawa. Napakuyom siya ng kamao at iniwaksi sa sistema ang babaeng hindi na dapat pa pagbigyan ng pansin. Pero ang makita si Elhouette kasama ang kaniyang Ina, parang may kung anong fondness ang gumapang sa kaniyang puso kaya napatitig siya rito na hindi niya namalayan.
“She’s heavenly stunning, right?”
“Right,” mabilis na sagot niya.
“Irresistible gorgeous?”
“Without doubt.”
“You love her?”
“Ha?” bigla siyang naalimpungatan sa tanong na iyon at do’n niya napansing nasa tabi niya si Zig at tumatawa. Tiningnan niya ito ng masama at humakbang paalis.
“Pardon me for using your name and background, big bro. I was having fun before with her when things went south. So I have no choice but to stop everything and left her like I always did.” kampanteng saad nito habang sinundan siya.
“Stop following me, Zig,” kalmadong sagot niya. Dume-ritso siya sa mini bar para kumuha ng maiinom.
“But tell me how the hell she managed to find you here? Its Pensylvannia, like woah! That’s really surprised me.”
“Shut up.”
Tumatawang nilagok nito ang kopitang may laman alak imbes siya ang iinom. Minsan talaga, hindi sila magkakasundo ng nakakabatang kapatid. Masyado itong happy go lucky, walang pakialam sa paligid at wala siyang panahon para punain mga mali nito. Last time he did that shit, nagpambuno lang sila at nauwi sa sakitan.
“But she’s one of a kind. One of the reason why I left. I can’t continue playing her. Goodluck on that, Zyd. I know how you love Kate. So yeah, take care my bro.”
Napahinga siya ng maluwang nang umalis na si Zig. Bina-balanse niya ang sinabi nito at masasabi niyang sa kalokohang ginawa nito, ito ngayon at siya ang sumalo.Pero sa kabilang bahagi, nagpapasalamat siya. Sa ngayon, hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil walang problema kay Elhouette na gamitin niya para sa sariling kagustuhan. Nilagok niya ang isang kopitang whiskey at bumalik sa sala kung nasaan ando’n ang lahat at nagsisiyahan.
Hindi pa rin makapaniwala si Lianne na ang bilis niyang nakasundo si Mrs. McCluskey. Pakaba-kaba pa siyang nalalaman, eh sobrang bait naman pala nito.
“What do you think of my Mom?” mayamaya’y tanong ni Zyd nung pauwi na sila habang sakay sa sasakyan nito pauwi.
“Mabait, sobra!” Nag-thumbs up siya sa lalaki at ngumuti ng sobrang tamis.
Natawa ito sa kaniyang reaksyon at tumango. “Same with her son, the Captain Zyd Caiden McCluskey?”
Napasimangot siya at maarteng tumingin sa lalaki. “Hindi.”
Kunwaring napa-ouch ito sa kaniyang sinabi at hindi niya maiwasan tuloy ang matawa rin sa kalokohan nito.
“Guess my Mom likes you.”
“Anong guess ka d’yan, she likes me talaga. I’m so prettylicous and maganda kaya.” Maarteng nag-flip siya ng buhok at umarteng prinsesa. Sus, maliit na bagay lang ‘yan sa kaniya.
“Yeah, yeah I agree on that.” sumulyap ito sa kaniya at nagbigay ng magandang ngiti.
Agad naman siyang natigilan at napatanga. Nagagandahan daw si Zyd sa kaniya? Parang gusto niyang kiligin mga isang balde lalo na sa napakagandang ngiti nito. “You agree that I’m maganda?”
“Yeah— I mean no.”
Bigla siyang napasimangot sa naging sagot nito. Iyon na sana eh, okay na sana eh, kikiligin na siya naudlot pa. Napahalukipkip siya sa isang tabi at lihim na inirapan ang lalaki. ‘wag na ‘wag siya nitong kausapin, they’re not close. Kausapin lang siya nito kung masigurado na nitong maganda nga siya.
***