Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 9

Lumipas ang isang linggo na walang masyadong problema sa pagsasama nila... What she mean is pagtira niya sa bahay ni Zyd. Madalang lang itong nagpapakita sa bahay, kung minsan ay sa kabilang bahay ito nagpapalipas ng gabi. In which walang problema iyon kay Lianne. Okay rin na wala siyang cellphone, according kasi sa source niyang si Trixie at Hera isama na rin ang kaniyang pinsan. Naging mainit sa news at tsismis ng tao ang pagpapakasal ni Zyd sa ibang babae.

Kaharap niya si Tacu at Lula nang araw na ‘yon nang dumating ang lalaki at deritsong binati ang alagang aso. Napaismid siya, mukhang hindi siya nito nakita. Pinagmasdan na lang niya ito habang naglalaro sa alaga. Nag-stay lang ito nang ilang minuto at umakyat na sa 3rd floor kung saan ang kwarto nito. Nagkibit lang siya ng balikat at hinarap ulit si Lula; ‘yong golden retriever. Si Tacu kasi ay nakakatakot ang hitsura nitong para handang lumapa ng tao lalo na ang mata nitong kulay abuhin.

“May period yata ang amo niyo.” natatawang sabi niya kay Lula at hinimas ang ulo nito. Kahol naman ang naging sagot nito at napatango siya.

Ah, pagod lang pala siya sa puspusan training. Buti pa itong aso, nagkakaintindihan sila. Tinamad siyang tumayo at humakbang papuntang lake, kumahol ang dalawang aso pasunod sa kaniya. Kahit anong pilit niyang ‘wag lumabas ang mga ito sa gate, wala... Nauna na itong tumakbo at hinintay siyang sumunod.

Napangiwi siya sa isipin baka makita sila ni Zyd. Isa sa rule nito, bawal makalabas ang mga alaga dahil sobrang aggressive at pwedeng manglapa ng taong makita. Mukhang hindi naman siguro, ang cute kaya ng golden retriever at husky nitong halos beywang niya ang taas. Paano na lang kung nakaupo? Sabay na silang nagsitakbuhan papuntang lake habang hinabol naman siya nang dalawang aso.

“Habulin niyo ako!” parang tanga lang na sigaw niya at para rin tangang tumakbo.

Nasa kwarto si Zyd nang sandaling iyon at nagpapahinga sa kama nang marinig niya ang kahulan ng mga alaga niya sa labas. Nakabukas ang glass window sa kaniyang kwarto kaya malinaw sa pandinig niya ang malakas na tawa ni Elhouette at kahulan ng kaniyang aso. Mabilis siyang napatakbo sa bintana at napatanga sa nakita.

“Damn!”

Ang unang pumasok sa isip niya ay takbuhin ito sa labas at papasukin si Lula at Taco, hindi pwedeng makalabas ang mga alaga niya. Nung huling sinubukan niyang dalhin ang mga aso sa lake na may tali, nagwala ang mga ito nang makakita ng tao.

“Damn her! I told her not to—”

Pero nang makita niya kung gaano nag-enjoy ang babae sa paglalaro sa aso, bigla siyang natigilan at napatitig dito kung gaano kasaya ito ngayon.

Aminin niya o hindi sa sarili, magandang babae si Elhouette. Kakaiba ang ganda nito para sa isang Pinay. Ang kulay ng balat nito na tinatamaan ng sinag ng araw, ay mas lalong kumikinang ang pagkakamorena. Napangiti siya. Hindi niya mapigilan ihambing ito sa mga babaeng nakita at nakasalamuha. Natigilan lang siya nung pumasok sa isipan niya si Kate at naihambing dito.

“Taco come back here!” tawag nito sa asong tumatakbo papalayo.

Napasunod ang kaniyang tingin sa asong tinawag nito. Kinabahan siya nang makitang tumakbo ito papunta sa dalawang lalaki na naglalakad. Damn! Ito na nga ang sinasabi niya. Awtomatikong napalundag siya mula sa ikatatlong palapag at bumagsak sa bubong ng pangalawang palapag. Tinakbo niya iyon pababa at walang kahirap-hirap na tumalon sa damuhan.

“Tacu! Come here, boy.” Tinawag ito ni Elhouette at sinundan habang nakasunod si Lula.

Nakita niyang huminto ang kaniyang asong husky sa dalawang lalaki at mabait na humarang sa daraanan. Napakuyom siya ng kamao nang makitang nakalapit na ang babae sa mga ito at humingi ng pasensya. Ngumiti ang dalawang kausap nito at hinimas ang ulo ng dalawang aso niya. Nagkwentuhan pa si Elhouette sa mga ito nang ilang minuto bago nagpasyang bumalik ang mga ito sa bahay niya.

Bigla siyang kinain ng galit at sinalubong ito sa bungad ng gate. Una, hindi ito sumunod sa rule nila. Pangalawa, wala itong karapatan na ipasyal ang aso niya sa labas na walang paalam galing sa kaniya.

“Elhouette!”

Gulat na gulat itong napatingin sa kaniya. Nang makabawi, nagtaas agad ito ng kilay. Isa yata sa mannerism ng babae, ang tumaas ang kilay at sumimangot lagi sa kaniya. Mabilis nagsitakbuhan ang kaniyang aso papasok sa loob at nagsipasok sa loob ng bahay-bahay kulungan.

“You startled me!” asik nito at nameywang sa kaniyang harapan.

“Being you as my wife doesn’t mean you can take Lula and Tacu with you. You don’t know how dangerous they are when provoked.”

Sandali itong natigilan at hindi kumibo. Pero ang akala ni Zyd na mas magandang sign iyon na tatahimik ito, nagkamali siya. Umismid lang ito at nakakamatay na umirap.

“This is too arduous!” palatak nito.

“What?” napantastikuhang tanong niya. Ito pa ang may ganang mapagod na pinagsabihan niya. Kakaiba talaga ang babaeng ito, nakakapang-init ng ulo.

“Mababait ang aso mo, okay? Ikaw lang ‘tong hindi—” Nagtakip agad ito ng bibig at tumingin sa malayo.

“You’re being ridiculous, Elhouette.” Pinilit niyang kumalma at tiningnan ito ng nakakatakot. “No letting out of my dogs next time, if you do, you’ll be punish... in bed and in fucking hard way.”

“Ay, gusto ko ‘yan!” namimilog ang mga mata nitong sumagot. “I mean— ah... B-baliw ka ba?! Hindi mo pwede gawin iyon sa`kin. R-rule is rule,” ganting sagot.

“Good. Better stick to my rules.”

Mas mabuting matakot ito. Hindi ibig sabihin asawa niya ito sa papel, gagawin nito ang mga bagay na gusto nitong gawin. Not in a fucking way. Marami siyang babaeng pwedeng gawing asawa pero ito lang ang pwede. Maliban sa sasakalin lang siya ng mga kababaehan dito sa Pensylvannia, baka pag sa divorce stage na sila ay magkakaproblema at hindi na pumayag. Maraming gustong talian siya sa leeg, iyon ang totoo. At isa pa, inis sa kaniya lagi si Elhouette at baliw na kung isipin, ito ang isa sa kaniyang nagustuhan.

Dumertiso si Zyd sa kusina at nagsimulang maghanda ng lunch. Binuksan niya ang fridge. Kumuha siya nang sangkap para sa lulutuin do’n at nagsimulang magluto. Natigilan lang siya nung maalala ang ex niyang manloloko.

Oh fuck.

Inalis niya ang mukha ni Kate at nagseryuso sa pagluluto. Mula sa sulok ng kaniyang mata, nakita niya si Elhouette na naka-silip na parang timang sa gilid ng pintuan. Lihim siyang napangiti sa ginagawa nito. Para itong bata na ayaw makita kaya nagtatago.

“Come out. I see you from here.” tinatamad na saad niya habang busy sa paghahanda.

Namula naman ang babae at mabilis na nagtago. “Wala ako rito!”

Fuck! Napabuntunghinga siya sa naging sagot ng babae at pinagpatuloy ang pagluluto.

“Come out, Elhouette or I’ll fuck you right now, right there.”

Mabilis naman lumabas ito at nakasimangot. Sumupil ang ngiti sa labi niya pero pinigilan ni Zyd na ‘wag mahalata ni Elhouette.

“Suit yourself.” Tinuro niya ang isang stool para umupo ito ro’n.

Agad naman itong tumalima at excited na umupo habang nakatingin sa ginagawa niyang pagkain. “Now I’m starving. Can I eat you?”

“What?”

“A-ang ibig kong sabihin, can I eat your savory—delectable and yummy foods you prepared?” namumulang tanong nito sabay turo sa karneng hiniwa niya.

“Hilaw pa ‘yan.”

“Ay shutaaa!”

TINATAMAD na binuksan ni Lianne ang malaking flat screen TV sa sala nang hapong iyon. As usuall, wala si Zyd. Nasa game nito at minsan siyang nag-presinta na sumama pero umayaw ng lalaki. Ano ba ang silbi ng sinasabi nitong ‘Support him in every game?’, hindi na siya nag-insist. Nanatili siya sa bahay para magpaka-bored.

Napaunat siya ng likod nang eksaktong mukha ni Henrik ang unang nakita niya habang naglalaro ng hockey. Napasapo siya sa ulo sa alaalang nagyaya pala ito sa kaniya nung nakaraan linggo at nawala na sa utak niya. Ano na lang ang iisipin nito? Masyadong mabait ang lalaki sa kaniya kaya hindi nito deserves na tratuhin ng ganito.

Agad niyang tinakbo ang sariling kwarto at hinanap ang number nito sa kaniyang bag. Napangiti siya nang makita niya iyon at bumalik ulit sa sala. Napatanga siya nang tumutok ang camera kay Zyd na naglalaro at nakikipag-agawan ng puck kay Henrik. Bigla siyang napalundag sa sofa at tutok na tutok ang mga mata sa dalawang nagtutuos sa ice hockey game.

“Go, Henrik!” malakas na sigaw niya. “Sige, talunin mo ‘yan. Yeah, way to go. Loser Zyd!” napatayo siya at pumalakpak ng mabawi ng lalaki ang puck at naipasa sa team nito.

Pero sandali lang iyon dahil mabilis nahabol sa team ng Pittsburgh Penguin ang puck at mabilis nabawi ng hockey stick nito sabay pasa kay Zyd. Napanganga siya kung paano kabilis tumakbo ni Zyd thru skating at nahataw pa-goal.

“Bakit?!” Napatulala siya habang nagsihiyawan lahat ng mga tao sa loob ng rink.

Imbes na sumaya dahil ang team ni Zyd ang nanalo, napasimangot lang siya habang pinapanood ang lalaki na nagsipagyakapan sa mga teammates nito. 3 over 2 ang score. Nag-dadalawang isip si Lianne kung tatawagan ba niya si Henrik at i-congratulate o hindi? Kapag gagawin naman iyon, lumalabas na nang-iinsulto siya.

Alam na rin kaya niyang naglolokohan kami ni Zyd sa papel? Nagkibit siya ng balikat at humiga sa sofa habang si Lula ay nasa kaniyang paanan. Walang rule na sinabi si Zyd na bawal ang alagang aso nito sa loob ng bahay kaya hinayaan niya itong kasama siya sa sala habang nanonood.

“Marry me, Zyd!”

Napairap siya sa mga naggagandahang babaeng nagsisigawan sa loob ng rink. Napairap siya at natingin kay Lula.

“Duh! Asawa ko siya. Ano ‘yon, kabit kayo?” muli siyang napairap. “Lula, you think I’m pretty?” inosenteng tanong niya sa aso.

Tumahol lang ito at winagayway ang buntot. Napangisi siya pero nawala rin agad. Pati aso tinatanong niya. Ito yata ang salitang bored na bored, kaya nagpasya siyang umalis at puntahan ang coffee shop. Mabilis siyang sinalubong ng madramang si Trixie at sabunot kay Hera na akala mo matagal siyang nawala.

“Akala namin patay ka na,” anas ni Trixie.

“Baliw.” pairap niyang tugon sa babae at umupo sa pinakasulok ng shop.

“Patay sa sarap! Ano, girl? Kumusta ang pempem natin d’yan? Warak na warak na ba?” matabil na bibig ni Hera ang sumalubong sa kaniya. Nakataas pa ang kilay nito.

“Hindi lang warak, baka hinalukay na ‘yan ni Captain tapos umakyat sila ika-100th floor ng heaven! Hera, ang kilig-kilig no’n. Ang sarap-sarap siguro ni fafa Zyd humalukay ng ube ‘no?” kilig na kilig na saad ni Trixie at binato pa siya ng basahan na bitbit nito.

Sinimangutan niya ang dalawa, “Alam niyo, ang babastos ng mga bibig niyong dalawa. Ang rated spg niyo.”

“Asus!” natatawang sinundot siya ni Hera sa tagiliran. Tumabi pa ito ng upo sa kaniya. “H’wag ka ngang feeling virgin d’yan. Ikaw pa, baka ginapang mo si Captain at pinagsamantalahana ng kahinaan niya.”

“Ay bet ko ‘yan!” At nagtawanan ang mga ito. “Baka nag-riding in tandem sila—”

“Anong riding in tandem?”

“Iyong nasa taas si Lianne at nasa ilalim si Captain, gano’n.”

“Gaga! Riding horse ‘yon.”

Napasapo siya ng noo nang wala sa oras. Mamatay yata siya ngayon sa kabwesitan sa mga ito. Nagkamali yata siya ng desisyon na magpunta ng Shop.

“Bumalik nga pala si King Henrik dito nung nakaraan araw,” panimula ni Hera. Seryuso na ito.

“Hinanap ako?” napatingin siya sa babae.

“Mahalaga ka?”

Nag-ikot siya ng mata sa ganting sagot ni Trixie. Hinayaan na lang niya iyon at nag-order siya ng tig-iisang coffee para sa kanilang tatlo. Nagdadalawang isip siya kung magkikwento siya sa dalawa pero sa kalagayan at katabilan ng bibig ni Trixie, ‘wag na lang. Baka bukas, nasa news na siya sa kadaldalhan nito.

“Alam mo ba minsan pumunta rin dito si Kate?”

“Pahanap,” sagot niya sa panimulang kwento ni Trixie.

“Nang?”

“Paki ko sa kaniya.” Ngumisi siya at katakot-takot na irap ang kaniyang nakuha kay Trixie. Sumenyas pa ito sa kaniya na ipapatumba siya. Pinagkibitan lang niya ito ng balikat at nagseryuso.

Marami siyang iniisip at sa sobrang dami, hindi niya alam kung ano ang unang pagbibigyan ng pansin.

“Wala ka pa rin cellphone?”

Tumango siya habang malayang sinimsim ang coffee na gawa ni Hera. Wala siyang panahon bumili ng cellphone dahil laptop binili niya, pang-videocall sa Pinas. Skype lang sapat na. Hindi niya na kailangan ang phone para makipagplastikan sa social media na puno ng toxicity.

“Zyd?” napatingin siya sa lalaking naka-cap at naglalakad. Pumasok ito sa kaharap nilang Bakery.

Sabay naman nagsilingon ang dalawang lukaret na kasama niya sa kaniyang tinitingnan.

“Okay ka lang? Masyado bang masarap ang inagaw mo para tawagin mo siya ng ganiyan? Haler, kakatapos lang ng laro nila kaya nasa team pa niya ‘yon. Exaggerated ka, ghorl?” mahabang lintanya ni Trixie at pinagtaasan siya ng kilay.

Agad naman niyang kinurot sa singit ang babae. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig nito. Maarteng umaray ito at pinagpag ang kaniyang kamay. “Ouch!”

“Nakita ko kasi siya pumasok d’yan.” Ninguso niya ang Bakery House.

“Minumulto ka lang ng konsensya mo kasi nang-agaw ka.”

Pinandilatan niya ng mata ito at agad naman itong nag-peace sign. Inubos na lang niya ang kapeng inorder at nagpaalam din agad sa dalawa. Oras pa ng trabaho at hindi pwedeng makipagkwentuhan siya sa mga ‘to.

Dumeritso siya sa isang bookstore sa Downtown at halos nagtagal do’n nang dalawang oras sa kalituhan kung ano ang kaniyang bibilhin, libro o ang mga pusang nasa katabing pet store. She’s a cat lover since then kaya kahit mga gusgusin pusa sa daan, pini-pet niya ang mga ito nung nasa Pinas pa siya. Ang iba nga, dinadala pa niya sa bahay.

“Zyd?” naulit na naman ang pagtataka niya nung makita niyang pumasok ito sa katabing pet store. Glass window lang ang pagitan kaya kitang-kita niya na ito nga talaga.

Nagpasya siyang tingnan ito mula sa kaniyang kinaroroonan kung anong ginagawa nito. Hindi naman siguro ito bibili ng panibagong aso. Sa mga alaga nga nito, wala itong time.

Nagulat siya nang may yumakap na babae sa likuran nito at humalik sa labi. Bigla siyang napipihan. What?! Inayos niya ang konting bangs na tumatabing sa kaniyang mata, baka nagkamali lang siya sa nakita.

Napaismid siya. Kalandian talaga ng lalaking iyon. Akala ba niya hindi rin ito nagloloko sa relasyon nito kay Kate, eh, sino itong babaeng bago ngayon at mukhang matagal na yata itong naglalandian? May pa rule is rule pa itong bawal siyang mag-cheat kuno sa marriage nila kasi raw pagmamay-ari siya nito— eww.

Mabilis siyang dumampot ng sampong libro na hindi niya tiningnan ang mga pamagat at deritsong binayaran sa counter. Makauwi na nga! Nasira ang araw niya. Sa bahay na lang siya at makikipaglaro ng habulan kay Lula at Tacu sa lake.

Kaharap niya si Lula at kinakausap ito habang lihim na nakikinig sa sintemyento niya. Si Tacu naman ay masyadong walang paki sa kaniyang kadramahan at natulog lang sa kaniyang paanan. Ang plano na lumabas sila papuntang lake ay ‘di natuloy dahil naalala niya ‘yong punishment ng lalaki. Hindi siya baliw para pumayag sa punishment nitong sinasabi.

“Answer me Lula, do you think I’m pretty?” pag-uulit niya sa kaniyang tanong pero hindi ito sumagot. Pati aso napagod na sa kaniyang pag-iinarte.

Ito last question na lang bago siya pumasok sa loob at tumambay sa kahit saang sulok ng bahay habang mag-basa ng librong hindi niya alam ang mga title. “Do you think... He... Likes me?”

Napasimangot siya nang maghikab ito at natulog sa kaniyang paanan. That’s it, nakakapagod nga talaga siyang kausap. Nag-walk out siya at hinayaan ang mga ito na matulog. Nagtuloy-tuloy siya sa kusina at kumuha ng pagkain do’n. Isa sa advantage niya bilang nakatira sa bahay ni Zyd, libre siya sa pagkain, libre pa siya sa kuryente’t ilaw! Masaya naman mamuhay mag-isa at may tatlong aso na kasama. Si Zyd ang pangatlo.

Minsan, sa sobrang laki ng bahay nagkakandaligaw-ligaw siya. Sa kusina pa lang nito, parang hihingalin siya sa paglalakad papuntang ref lang. Pagdating naman sa mga bathroom, naloloka at nalilito siya sa sobrang high tec ng kagamitan. Basta, buong kabahayan na ito ay nakakaloka kaya pati siya ay naloloka na rin.

Tamang upo lang siya sa stool paharap sa breakfast bar, habang nakataas ang kaniyang isang paa sa isa pang stool na pinagdikit niya sa kaniyang upuan at tahimik na nagbabasa. Maganda ang napili niyang libro, erotic na may halong comedy. Napangisi siya sa habang binabasa ang unang bungad na nag-perform ng making love scenes ang mga character.

Napangiti si Lolita nang ipasok ni Lando ang malaking sandata nito sa namamasa nitong kweba. Sa sobrang dulas, pwede ng maglaro ang mga bata at magpa-slide-slide sa loob ng kweba nitong madilim pa sa future nito kung bakit napili nitong magpa-jugjug kay Lando macho pero hindi gwapo.

Napahalakhak si Lianne sa nabasa. Halos ubuhin pa siya habang iniimagine ang scene. Uminom muna siya sandali ng tubig sabay lamon nang lamon ng cake na ginawa niya kagabi.

“Oh Lando!” daing ni Lolita na parang sinaniban ng pitong dragon balls.

“Yes bebeque?”

“Ipasok mo na sa loob ko. Kanina pa ako takam na takam!”

“Bebeque, kanina pa nakapasok. Hindi mo ba ramdam ang 7 feet ko?” nagtatakang tanong ni Lando dahil kanina pa ito nag-zebra boy sa taas ng dalaga.

“7 feet?” naguluhan naman kunwari si Lolita.

“Itong sandata kong handa kang ipaglaban hanggang sa tumirik ang mga mata mo. 7 feet.”

“7 bridge ‘yon, tanga!”

“Gaga ka pala, eh. Parehas lang iyon. Choosy ka pa, ikaw na nga jinujugjug ko. Maghiwalay na tayo.”

“Mas mabuti nga. Lits brek on this love tugeder. Kala mo daks, goodbyeness!”

Madramang dumampot ng tissue si Lianne at nagpahid ng luha. So sad, nag-break agad ang mga bida. Napahalukipkip siya at napatingin sa chocolate cake na kinakain niya, malapit na itong maubos. Dinampot niya ulit ang tinidor at sumubo ulit ng sobrang dami nang marinig niyang may nagsalita sa kaniyang likuran.

“Elhouette...”

Pakshet! Bigla siyang nabilaukan sa kinakain. “Tu-tubig!” Hayop! Ubos na ang tubig niya.

Mabilis naman kumuha ng tubig si Zyd at agad siyang dinaluhan. Nakahinga siya ng maluwang at imbes na mag-pasalamat, pinagtaasan niya ito ng kilay at inirapan. Maarte siyang nag-walkout sa harapan nito sabay flip sa mahabang buhok niya.

Cheater! Maarteng sigaw ng kaniyang utak at tuluyang umalis. Sa kwarto niya sa itaas siya bumagsak at nagpahinga nang maalala niya ang librong binabasa na naiwan sa breakfast bar. Awtomatikong napalipad siya pabalik, para lang manghina sa nakitang binabasa ito ng lalaki at kunot na kunot ang noo.

“Give that to me!” Mabilis niyang inagaw sa kamay nito ang kaniyang libro. Baka kung ano pa ang isipin nito. “Bawal ‘to sa mga bata. Rated spg.”

“You’re reading that kind of book?”

“Why not?” malditang sagot niya.

“I’m thinking,” wika nito at sumupil ang nakakalokong ngiti.

“Na?”

Tumalikod ito at natatawang tinungo ang refrigerator. Kumuha ito ng tubig at deritsong ininom habang nakatitig sa kaniya ng nakakaloko. “Be ready,” anas nito pagkatapos.

Takang napataas siya ng kilay. Kanina pa ito pabitin magsalita, ah. Nanggigigil na siya, mga wamport.

“Ready sa?”

“We’re going to see my family.”

Nanginig siya sa narinig. Oo nga pala, nakalimutan niyang may pamilya nga pala ito at sa parteng iyon ay kinabahan na siya. Mabait din ba kaya ang magulang nito?

“Y-you mean, by now?”

“Tomorrow evening. And I need you to get ready. They’re kinda... Excited to see you.”

Mas lalo siyang kinabahan sa ‘excited’ na sinabi nito. Mukhang kailangan nga niyang ihanda ang sarili para bukas. Baka bukas kakatayin siya tulad nung lagi niyang napapanood na horror o kaya baka bukas babayaran siyang mas dobleng halagang pera— ay okay lang. Tatanggapin niya rin. Malandi siyang natawa sa isip.

“What do you want for dinner?” Mayamaya’y tanong nito at umupo sa stool.

“Ha?” natigilan naman siya at napatitig sa lalaki. Pansin niyang pagod na pagod ito at kailangan magpahinga pero heto, tinatanong siya kung ano ba ang gusto niya sa hapunan nila.

“Hey?” ulit nito.

Napaigtad siya at nag-iwas agad ng tingin. Ayaw niyang mag-suggest, depende na lang sa lulutuin nito. Nakakahiya naman kasi. “Ikaw ang bahala.”

“Okay—”

“Pero gusto ko sana... Chicken Fricot, Asian Salmon, Squash Soup... ano pa? Ah, steak!” pahabol niyang sabi saka ngumiti. Depende rito kung lulutuin ba nito lahat o hindi, pero mas maganda kung lahat.

Deritso siyang tumalikod at bitbit ang kaniyang libro. Nagtungo siya sa sala at nanood ng movie. Ang saya naman talaga ng buhay niya, parang prinsesa. Tamang-tama natapos niya ang pinapanood na dalawang magkasunod na Barbie Movie nang puntahan siya ni Zyd.

“Tapos ka na?” gulat na gulat siya at hindi makapaniwala.

Tumingin lang ito sa kaniya ng mariin at walang sabing dumukwang sa kaniyang harapan. Napatili siya sa ginawa nito pero saglit lang dahil agad niyang natakpan ang bibig. Sobrang lapit ng distansya ng kanilang mukha dalawa, ang magkabilang kamay nito ay nasa magkabilang bulsa habang mariin pa rin siyang tinitigan.

“B-bakit?” nilangkapan niya ng pagtataray ang boses.

“Let’s eat...”

Napahawak siya sa kaniyang dibdib! Ang boses nito... Parang nang-aakit at naaakit siya— no! Inayos niya ang sarili at umarteng hindi naaapektuhan sa kagwapuhan nitong taglay. Minsan, hayop din talaga itong lalaking ‘to, eh. Alam naman nitong malandi ang puso niya at beke megpeheret s’ye.

“Elhouette...”

Napapikit siya. Ayaw niyang makita na halikan siya nito! Ayaw niya talaga. Baka hindi siya makapagpigil. Baka hindi niya matantiya. Baka magahasa—

“Hey?” Isang malakas na pitik sa noo ang kaniyang nakuha.

Maarteng napaaray siya at inis na tiningnan ito ng masama. “Ang sakit!”

“Let’s eat.” natatawang saad nito at naunang tumalikod sa kaniya.

Gigil na gigil naman siyang sumunod dito at nagdadabog sa hindi alam na dahilan. Kung ano man ang dahilang iyon, ayaw niya ng malaman. Masakit ang pitik na binigay nito! Kainis lang.

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.