Hindi pa rin makapaniwala si Lianne nang pumasok siya sa Coffee Shop kinabukasan. Inisip na lang niya na isang napakasamang panaginip ang nangyari kahapon pero sa tuwing nasasagip ng mata niya ang singsing sa kaniyang kamay, napapasabunot na lang siya ng buhok sa nakakahiyang pangyayari kahapon.
“Oh my! Real diamond ba ‘yan? Shocks! Trixie, halika. Si Lianne may suffer-RING na.” Mabilis na hinawakan ni Hera ang kaniyang kamay at tinawag ang lukaret pa nilang kasama.
“Welding ring?!” Magkapanabay na sambit ng dalawa at nagtingininan. Parehong napanganga sa sariling naisip.
“Anong welding ring?” napakunot siya ng noo.
“I mean, Mrs. McCluskey ka na?! Shuta ka girl, naglandi ka jud talaga. Kapanget mo talaga hindi mo kami inivite magakain sa birthday—”
“Kasal.”
“—Yes sa kasal mo. Kagaling mo talaga na hindi kami mo invited. Shuta kang belat ka! Kahaba ng hair mo.”
Natawa siya sa Davao Conyo lines ni Trixie. Kinasal lang siya ng madalian, napasukan nang demonyo ang kasama niya. Inirapan lang niya ang dalawa at binawi ang kamay. Ayaw niyang magkwento at baka pagtawanan lang siya, mga bruha pa naman ‘to.
“Ka-bad mo sa`min talaga!” Maarteng napahawak ng puso naman si Trixie at nag-collapse kunwari. Kinurot niya ang singit ng babae kaya maarte itong napaaray. Bwesit na babaeng ito, masyadong ginalingan ang role.
Mabuti na lang at may maaga silang customer kaya hindi na siya nabwesit ng dalawa pero mali ang akala niya, tatlong reporter at isa ro’n ay journalist ang maagang bumungad sa kanilang harapan.
Anong meron?
“So this is the Country’s Coffee Shop...” saad ng babaeng kulay dilaw ang buhok at tumingin sa kaniya. “Are you Ms. Vergara?”
Napatango siya. Walang pagdadalawang isip naman ang mga ito na lumapit sa kaniya at nagpakilala kung sino ang mga ‘to. Nakiusap ang mga ito na kung pwede ba siyang ma-interview ng sampung minuto. Napatingin siya kay Hera at Trixie, nagkibit lang ang dalawa ng balikat.
“What’s the purpose of this interview?” seryusong tanong niya.
“There’s a rumor about this Coffee Girl.”
Mabilis niyang naitago sa likod ang kaniyang kamay at baka makita ng mga ‘to ang suot niyang wedding ring. Alam niya na kung ano ang paksa ng tatlong nasa harapan niya. Mabait siyang ngumiti at umiling. Ito na nga ang isa sa kakaharapin niya balang araw, dapat kailangan handa siya. Nagpaalam na ang tatlo at lihim siyang napahinga ng maluwang.
Binasa niya kagabi ang napakahabang kaartehan ni Zyd. Isa lang ang tanging tumatak sa isipan niya, ang pera. Magtatapos ang contract nilang dalawa by April 14, 2015. Then birthday niya July 17. By that time, 27 na siya at unang gagawin niya ay magtatayo ng negosyo pagkauwi at magbuhay reyna. Tinandaan niya ang araw na iyan at kailangang niya pa makuha ang kasunod na bayad.
Napangisi siya sa naisip na wala na siyang problema at makakapadala na siya ng pera sa Pinas. Okay lang sa kaniya na nasa ganitong sitawasyon siya ngayon, basta pagdating sa pamilya at dalawang kapatid niya... Maibigay niya ang para sa mga ito. Importante sa kaniya ang pangarap ng dalawa at kalusugan ng magulang nila. Happiness niya na ‘yon ang makitang nakangiti ang mga ‘to.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-assist sa mga bagong dating na customer nang dumating ang lalaking kilala niya sa pangalan Kodi. Nakangiti ito kaya medyo gumaan ang kaniyang paki-ramdam.
“Captain wants me to check you how you doing her,” bungad nito.
Nagtaas siya ng kilay at nagdabog sa harapan ng binata. “Look, we’re busy. Go away!”
Napakamot na lang ito ng ulo at ngumisi. “He’ll be here after the practice. Be ready. Bye Elhouette! Rule number 10.”
Napaismid siya sa number 10 na sinabi nito. As if magpaano siya sa lalaki? Over her dead body! Maarte siyang bumalik sa kahera at nagseryuso sa trabaho.
Masayang kumaway-kaway si Lianne sa kasamahan na nagsiunahan sa pag-uwi kaya ang nangyari, siya ang natokang magsara ng shop. Eksaktong pagtapos niyang i-lock ang Coffee Shop nang may nagsalita sa kaniyang likuran.
“Done reading the consortium?”
“Ayy palakang may bangs!” galit na hinarap niya ito. Bakit ba sobrang paborito nitong gulatin siya, eh ‘no? Alam niyang nagiging magugulatin siya these past week. Nagiging sabog din siya at dumagdag pa ito. “Are you trying to kill me?” inis na tanong niya.
“No. But fuck you, yes.” Ngumisi ito nang nakakaloko.
Napaubo siya sa sinabi ni Zyd at hinampas dito ang hawak niyang bag. Swerte nitong bibigay siya. “Ano ka, hello?”
Natawa ito at saka nagseryuso. “Kanina pa ako rito,” anas nito at tumalim ang titig sa kaniya. “Let’s go.” Hinila siya nito at hindi siya nakapalag.
Sa kotse siya nito bumagsak at hinatid siya nito pauwi kahit anong pigil niyang huwag dahil baka atakehin ang kaniyang auntie at pinsan pag nakita ito.
“Hi, I am Zyd Caiden McCluskey of Pittsburgh Penguin. My pleasure to meet you.”
Shutaaa! Gusto niyang himatayin nang magpakilala ang lalaki sa tiyahin at pinsan niya nung sumama ito sa kaniya sa loob ng kabahayan kahit anong pilit niyang huwag. Wala na, sira na ang pangarap niya. Ang kagandahan niya. Ang pagkakababae— oh well, matagal ng winarak ng deputang lalaking ‘to. Napangiwi na lang siya at hindi alam kung ano ang sasabihin habang ang pinsan niyang si Sheena ay tumili sa sobrang kilig.
“I may sounds rude but I’m taking Elhouette with me,” seryusong saad nito sa kaniyang tiyahin na hindi makahuma.
Pigil ang hininga at titig na titig lang ang kawawang auntie niya rito na parang nakakita ng napakagwapong nilalang. Hindi nito magawang makapagsalita sa sobrang gulat. Dilat na dilat ang mga mata nito at parang naengkanto.
“Zyd Caiden!” nanlaki ang kaniyang mata at pinigilan ito sa sasabihin. Jusko, bakit siya nasilaw sa pera?!
“Elhouette is my wife.”
Ang tiyahin niya? Wala, bumagsak at nahimatay sa kasunod na sinabi ng lalaki. Napasabunot na lang siya ng buhok habang si Sheena ay kulang na lang hubaran siya ng kaluluwa. Nandidilat ang mga mata nito at hinila siya sa isang tabi para kausapin ng pabulong.
“Anong nangyari? Anong nangyari babae ka! Bakit andito si Captain? Nagka-amnesia ba siya kaya sabi niya ikaw ang asawa niya o ginayuma mo siya dahil imposible ‘yong nauna kong sinabi? Sabihin mo Lianne, mababaliw ako sa kilig sa inyo!”
Napangiwi siya sa lakas ng boses nitong umabot na yata sa kabilang kapitbahay. Hinarap niya si Zyd sandali at kinausap ito na pwede bukas na lang siya sasama sa bahay nito dahil kailangan pa niyang mag-explain ng bongalicious bago umalis sa bahay na ito kahit ayaw na ayaw niya. Yeah, nabasa niya sa kasunduan nito. Kahit sa ayaw at sa gusto niya, sasama siya. Tumango lang ito at nagpaalam na sa kaniyang pinsan na parang teenager na kilig na kilig.
“Ang gwapo-gwapo niya. Ang shalap-shalap tingnan!”
Inirapan niya si Sheena at pinakiusapan buhatin nila ang ina nitong bumagsak sa sahig papuntang kwarto. Sino ba kasi ang hindi magugulat sa balitang sinabi ni Zyd? Kahit nga siya nagulat na mag-asawa na pala sila ni Zyd at may nangyari— ibig niyang sabihin, nagulat sa buong pangyayari. Sana hindi siya makukurot nito sa singit pag nagising na auntie niya. Ngayon pa man ay na-stress na siya.
“Ito dalhin mo ‘to.” Pinakita ni Sheena kay Lianne ang isang sexy na lingerie. “Kailangan mo ‘to para sa honeymoon niyo ni Captain!” kinikilig na sambit nito.
Nabatukan ni Lianne ang pinsan at inismiran ito. Walang honeymoon nangyari dahil nauna na. Gusto sana niyang sabihin sa babae ang katagang iyon pero mas lalo lang siya nitong bwesitin at pilitin magkwento hanggang umaga.
“Ito, ito, ito rin.” Pinagdadampot nito ang mga sexy nitong nighties sa closet at nilagay sa luggage niya. “Lahat, suotin mo’yan at tikman mo siya ng bonga! Ibulong mo agad sa`kin kung gaano siya kasarap, ah?” humagikhik ito habang pinagpapasok sa loob ng kaniyang bag ang mga damit na hindi niya kayang suotin buhay niya.
Mapapa-sign of the cross na lang talaga siya sa mga kasuotan at lingerie na pinadala nito sa kaniya. Ang weird lang dahil hindi naman siya magsusuot ng mga ganito. Si Sheena na ang nagligpit para sa kaniya, lahat ng mga gamit niya ay nilagay sa kaniyang malaking trolley bag at pinabaunan pa siya ng tig-iisang litrong feminine wash. Kailangan daw laging mabango ang kaniyang pempem para masarap kainin. Shutaaa talaga ang pinsan niya!
Kinabukasan, hindi na siya nagtaka nung mabungaran niya si Zyd gamit ang ibang sasakyan nito. Naka-cap pa rin ang lalaki at naka-facemask na ngayon. Anong drama nito? Feeling famous lang— yeah, famous nga pala talaga ang deputang lalaking ‘to.
Tulad nung nuna, nahimatay na naman ang tiyahin niya nung magpakilala ulit si Zyd at nagbigay galang. Si Sheena na ang nagtulak sa kaniya na umalis na siya at sumama sa lalaki. Baka raw kapag nagtagal pa sila, baka sa morgue na raw dalhin ang tiyahin niya. Ito na raw ang bahala sa ina na mag-explain.
Napangiwi na lang siya at napaisip na mas halatang excited pa ang lukaret niyang pinsan sa kaniya. Ano ba ang nakakaexcite na makasama ang lalaking hindi naman siya mahal at ginamit lang siya para paghigantihan ang ex nito habang siya ay grab opportunity agad kasi nagkulang siya ng pera.
“Your cousin likes me,” pasimpleng sabi ni Zyd nung bumiyahe na sila papunta sa empyerno.
Nag-ikot siya ng mata sa sinabi nito. Feeling! “Captain ka lang pero ‘di ka gwapo. ‘Wag feeler, na-excite lang pinsan ko.”
Napangisi itong sumulyap sa kaniya pero hindi nagsalita, nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Huminto sila do’n sa malaking bahay na minsan niya ng pinuntahan. Hindi siya nakatiis, bago siya bumaba ay nakuha niyang magtanong.
“Ilan ba bahay mo?”
“Three,” walang alinlangang sagot nito. Pinagbuksan siya nito at ito na ang nagdala ng kaniyang bag.
“Wala kayong practice?”
“The captain is here.”
Napatingin siya sa lalaki at lihim na napataas ng kilay. Wow, brief and panty answer. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili, this is it pansit! Take note, may asawa na siya. May asawa na siya good for 1 year at Mrs. McCluskey na siya ngayon. Namula siya sa malanding bahagi ng isip niya nung sumagi ang rule number 10. Pesteng number 10 talaga ‘yan.
“Are you gonna stare me all day?”
As if tinitigan niya ‘to? Kapal muks. Inirapan niya ito at sumunod sa lalaki. Hindi ibig sabihin na Mrs. McCluskey na siya ngayon ay babait siya ng mga x10, wala ‘yon sa kaniyang dictionary. Kailangan siya nito, kailangan din niya ito. To make the story short, they both needed themselves together.
“I have a 2 dogs in this house, a husky and a golden retriever. I tell you this to give you warning, never wander near at the back door. My doggies will eat you alive.”
Napaurong siya sa sinabi nito nang humakbang sila sa hagdanan papuntang 2nd floor ng bahay. Aso? Pakshet na ‘yan. Inisip pa lang niya na lalapain siya ng buhay pinagtaasan na siya ng balahibo sa katawan.
“Pinapunta mo lang ba ako rito para ipakain sa aso mo?”
Lumingon ito sa kaniya at ngumisi. “Precisely.”
Tumaas ang dugo niya at inis na pinagtaasan ito ng boses. “Are you crazy? Ba’t mo ‘ko ipapakain—”
“But my dogs doesn’t want a pussy, so that mean I can eat you instead.” ngumisi ito at tuloy-tuloy na humakbang.
Saka lang niya naisip ang kabastusan sinabi ni Zyd. Gigil na hinampas niya ito ng bitbit niyang envelope na ang laman ay ‘yong contract nilang dalawa. Natatawa lang itong sinalo ang kaniyang hampas at hindi siya pinansin sa kaniyang pagsasalita na parang armalite.
Napahanga siya sa silid na bumungad sa kaniya. Sobrang ganda at triple ang laki nito sa silid niya sa Pinas. Kaso ang kulay ay dry at walang kabuhay-buhay. Awtomatikong napatigil siya at napasulyap kay Zyd, does it mean na magtatabi sila sa pagtulog nito?
Ene be ‘yen, eyeke! Malanding sigaw ng kanang bahagi ng utak niya at napakagat labi pa talaga siya.
“My room was located in the 3rd floor.” Lumabas na ito pero mabilis niyang sinundan.
“Bring me to the Coffee Shop. I still have work to do.”
“The moment you signed as my wife, your only work is to be with me at all time.”
Awtomatikong napanganga siya sa sinabi nito at napailing-iling. Ibig ba sabihin nito, mag-aano sila lagi sa ano... sa ano... Shutaaa! Napatakip siya ng bibig at hindi kinaya ang revelations na sinabi ni Zyd. Akala ba niya walang bed scenes sa kanilang dalawa?
“Stop thingking that I’m gonna fuck you, Elhouette. You are here, to act as my contract wife. Rule is rule. Bear that in mind.”
Namula siya sa sinabi nito at para matabunan iyon, tinarayan niya ang lalaki. “Dahil ba ako lang ang babaeng pwedeng pagselosan ng pussy mong ex?”
“Pussy?” napakunot noo ito.
“Yes, pussy. Kate... Means cat, and cat is pussy. Bastos ka ba? Hindi perlas ng pacific sea ang ibig kong sabihin,” mahabang lintanya niya habang nakapameywang.
Napailing-iling ito at hindi na sinagot ang kaniyang tanong. Deri-deritso na itong nagtungo sa 3rd floor at iniwan siya. Napaismid siya nang pumasok siya sa kaniyang kwarto at excited na lumundag sa kama. Nagpagulong-gulong siya ro’n hanggang sa malaglag siya at mapaigik sa sakit.
Ano kaya ang mangyayari sa buhay niya? Alam niyang hindi basta-basta itong pinasok niyang set up. Paano niya haharapin ang media at mga tanong na ibabato sa kaniya ng mga tao lalo na sa mga fans nito? But ayon sa agreement nila na nakasaad sa papel, ngumiti lang siya at ‘wag magsalita ng kahit ano if ever babatuhin siya ng mga tanong ng taong bayan. Dapat din daw siyang maging handa na maraming manghaharass sa kaniya at dapat sobrang sweet niya pag may camera o may mga taong nakatingin sa kanila. Paano ba maging sweet?
Nagpasya siyang bumaba ng hagdanan at pinuntahan ang bag sa ibaba. Bwesit na lalaking ‘yon, ah. Hindi man lang dinala bag ko sa taas! Gigil na gigil na bulong niya.
Maganda ang buong bahay, iyon talaga ang pangalawang critique niya. Saka siya nakaramdam ng uhaw nung nasa ibaba na siya. Kaya imbes na bumalik sa taas na dala ang bag, nagpunta siya sa kusina. Nagkandaligaw-ligaw pa siya.
Malamig at preskong hangin ang sumalubong sa kaniya nung binuksan niya ang isang pintuan. Wow! Napanganga siya sa sobrang ganda nang makita na isang lake sa unahan mga ilang metro ang layo. Ang ganda! Anyong hahakbang siya papunta ro’n nang magulat siya sa lakas ng tahol ng mga aso.
“Jusko!” nanlaki ang kaniyang mata nang maalala ang sinabi ni Zyd na may alaga itong aso at nangangain ng magaganda.
Napatingin siya sa pinanggalingan ng tahol at napa-sign of the cross siya sa sobrang lalaki ng mga ‘to. Napatili siya ng malakas nang tumakbo ang mga ito ng mabilis papalapit sa kaniya at bigla siyang sinunggaban.
“Okay na ako kung Zyd kakain sa`kin, ‘wag lang kayoooo!”
Nanigas ang kaniyang buong katawan at napapikit ng mariin. Kung kainin siya ng aso, dapat kay Zyd na lang pala siya nagpakain tutal mukha rin naman ‘tong aso. Dalawang kahol ang narinig niya at ramdam niyang may dumila sa kaniyang magkabilang kamay.
Ayan na! Kakainin na siya. Pinanlamigan siya ng katawan at baka hindi na siya aabutin ng umaga nito. Hinintay niyang kagatin siya ng mga aso pero lumipas na lang ang napakahabang segundo, walang kumagat.
Ba’t ayaw nila akong kagatin? Hindi ba ako maganda?
Naglakas loob siyang magbukas ng mata at para siyang nabunutan ng tinik nang makitang nakaupo ang dalawang aso na sobrang laki ng katawan at halos kasingtangkad ng kaniyang height ‘pag nakaupo. Nag-puppy eyes ang mga ito.
Nag-alangan pa siya nung una na hawakan ang mga ito dahil baka sunggaban ang kaniyang maliit na kamay pero nung mag-wag tail na ang dalawang aso, napa-shit siya sa sobrang bait. Hinimas niya ang mga ulo ng mga ‘to at ang babait ng response. Humiga ang mga ito sa damuhan at nagpa-pet sa kaniya. Kung ganito lang naman pala kabait ang mga asong ‘to, aba hindi na siya magpapakain kay Zyd.
“Elhouette?!”
Napalingon siya sa malakas na sigaw sa loob ng bahay. Hindi na siya kailangan magulat do’n dahil wala naman siyang ibang kasama kundi ang lalaki. Awtomatikong napataas siya ng kilay nang marinig niya ang tumatakbong yabag papunta sa kaniya. Bumungad sa kaniya si Zyd na naka-topless.
Para siyang nabilaukan sa nakitang napakagandang view. Akala niya ‘yong lake ang isa sa napakagandang view ang nakita niya rito sa Pensylvannia, hindi pala, kundi abs nitong 6 packs.
Mukhang meshelep s’ye...
“Are you okay? Did Lula and Tacu bit—” naputol ang anuman sabihin nito nang makita siyang nilalaro ang alaga nitong mga aso. Gulat na gulat itong napatingin sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin. “How did you— I mean, they’re friendly I know it but they’re also pretty aggressive to strangers.”
Ngumisi siya at pinagtaasan ito ng kilay. “Naamoy kasi nilang asawa mo ako kaya—” Awtomatikong napatakip siya ng bibig. Hindi naman halatang proud na proud siya na asawa nito, eh ‘no?
Namumulang napatingin siya rito at kitang-kita niya ang nakakalokong ngiti nito pero agad din nagseryuso. Kumahol agad ang aso nitong si Lula at Tacu at mabilis na lumapit sa lalaki. Lihim naman niyang pinagalitan ang sarili sa nasabi.
“Elhouette...”
Inosenteng lumingon siya kay Zyd at hinintay ang anu-mang sasabihin. Nakikipaglaro ito sa aso. “Oh?”
“I’m going.”
“E ‘di umalis ka. Dala ko ba sasakyan mo?”
Ngumiti lang ito at kinausap ang aso, habang siya ay nakikinig lang sa lalaki. Pakiramdam niya ay nagsiunahan sa pagtibok ang nanahimik niya ng puso habang pinagmamasdan si Zyd. Ang bilis niyang dinama ang dibdib at pinakalma. Para kasi itong pangatlong aso sa kaniyang mata na handa siyang laruin sa kama.
Shutaaa wait no! Bakit may kasamang kama sa isip niya? Mga ilang minuto na ang lumipas saka niya na-realized na umalis na ang lalaki at iniwan siya kasama ang mga aso nitong naglalaro ng habul-habulan. Sila kaya ni Zyd? Kailan ito makikipaglaro ng habulan sa kaniya?
Mabilis siyang tumakbo sa loob ng kabahayan at hinanap ang lalaki, kailangan pa nilang mag-usap dalawa. Napa-facepalm na lang siya nang wala na ito. Napaikot siya ng tingin at napangisi, magkano kaya ang mga gold trophy at mga gamit nito kung ibebenta niya? Agad siyang napailing at tinakbo ang telephone sa sala. Nasa kaniya pa rin ang number ni Zyd kaya dinial niya agad ito.
“Yes?” agad na sagot nito.
“Bakit mo ‘ko iniwan? You should’ve told me to tag along.”
“I was asking you earlier if you wanna come, you just say no.”
Matagal siya bago nakaimik, “Dapat inulit mo,” reklamo niya. “Anyway, pupunta lang ako ng coffee shop para magpaalam ng maayos.”
“I can sustain your needs.”
Napakunot siya ng noo. Anong koneksyon do’n sa pupunta siya ng coffee shop? “Eh, saan ‘yong pang-unang bayad ko?”
Natawa ito sa kabilang linya at pinatayan siya ng tawag. Wait! Dinial niya ulit nag number nito pero wala ng sumagot sa kabilang linya. Inis na dinala niya sa taas ang kaniyang bag. Bakit ba walang elevator sa bahay na ‘to? Ang hirap.
Nagliwanag ang kaniyang mata nang bumungad sa kaniya ang isang cheque na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang kama. Dinampot niya iyon at tumataginting na 500,000 dollars ang nakalagay. Hihimatayin yata siya. Ang laking pera! Dali-dali siyang nagbihis at tumakbo papalabas, maliban sa kailangan niyang i-withdraw ang perang kaniya na ngayon, ilalagay niya ito sa kaniyang bank account at magpapadala sa Pinas.
Nakangiting bumalik siya ng Shop nang hilain ni Hera ang kaniyang mahabang buhok. Maarteng napaaray siya at inirapan ang babae.
“Umalis ka na rito babae ka.” pinandilatan siya ng mata ni Hera at dinala siya sa back door ng kanilang shop.
“Bakit?”
“My God ka talaga! Ang dami naghanap sa`yo na reporters. Kanina pa sila nakaabang pero sandali muna silang umalis, hello? Eh, ‘di ka nila namukhaan kaya be thankful. Umuwi ka na, Lianne. Mainit ka sa mata ng tao ngayon lalo na’t pinikot—what I mean is ikaw ang pinakasalan ni Captain, imbes na ang long time girlfriend niya.”
Bigla siyang napakunot noo. Paanong nalaman ng mga reporter na sinakal... Este kinasal siya kay Zyd? “Paano nila nalaman?”
Mabilis naman napasipol si Hera at tinuro si Trixie na napangiti ng hilaw. “Na-excite lang ako kaya naikwento ko sa kausap kong customer na taga-press pala,” napangiwi ito, “Sorry?” Ngumiti ito at nag-peace sign.
Kinurot niya ang singit nito sa katabilan ng bibig. Minsan ang sarap talagang hambalusin ng babaeng ito. Pinay na Pinay talaga, nakuha nito ang ugali ng kapit-bahay nila sa probinsya.
Magkanapabay silang sumilip nang may nag-order ng coffee sa counter. Pinaasikaso niya sa dalawa ang mga customer nila sa araw na iyon at magpapadala na lang yata siya ng resignation letter thru email kay Ms. Williamson. Nagyuko siya ng ulo at tinakpan ang mukha ng bag nung lumabas siya ng shop. Hooh! Ganito pala kapag feeling artista at sikat.
“Sulat ka Lianne, ah? Mamimiss ka namin. Sumulat ka. Rest in peace!”
Bakit ba ang drama ng kaibigan niyang si Trixie? Naglakad siya papuntang sakayan ng bus nang maalalang hindi na pala siya sa apartment ng tiyahin niya siya uuwi simula sa araw na ito. Nagpasya siyang pumara ng taxi nang may humabol sa kaniyang limang tao at may dalang mga camera.
“Mrs. McCluskey!”
Napatingin siya sa mga ‘to, “Me?” Tinuro niya ang sarili.
“Can we have a moment with you, please?”
“Who? Me?” ulit niya. Tumingin siya sa likod. Wala siyang ibang kasama so baka talaga siya ang kailangan ng mga ito.
“Yeah! Can we?”
Napairap siya. Silang lima na kasama ito sa moment-moment? Masyadong mahal ang oras niya para sa hinihinging moment ng mga ito. Kay Zyd pa nga lang ay nauubos ang oras niya, sa mga ito pa kaya na lima?
“No, I’m busy.” Eksaktong may humintong taxi sa kaniyang harapan at mabilis siyang sumakay ro’n. Nag-wave siya ng bye sa mga ito at ngumiti.
“Are you a filipina actress, Ma’m?” nakangiting tanong ng Driver.
Napatingin siya rito at ngumiti ng matamis. “Nope, but I’m the wife of Captain Zyd Caiden McCluskey.”
Ngumiti ito. “You’re the 10th one who says that line to me, Ma’m.”
Naglinya ang kaniyang kilay. So, ‘di siya kapani-paniwala na asawa siya ni Zyd?
***