Walang Frahisto na nagsabing bibisita sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan ang number nito sa de-keypad cellphone niyang pwede ng pang-donate sa museum, pero naka-off ang phone ng binata. Ilang beses din niyang tinawagan ang phone ni Frahisto pero wala talaga kaya hindi na siya sumubok pa. Hinayaan na lang niya ito at baka nakalimutan na siya. Baka sa sobrang busy nito, wala na itong pakialam.
Tatlong araw lang ang lamay ng Itang niya, saka ito nilibing. Pinakiusapan din siya ng kaniyang magulang na umuwi muna sa Luzon at baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa probinsya. In which, tama ang mga ito at si Tina... may nagpunta sa lamay ng matanda na tatlong lalaking nakaitim ang buong kasuutan. Wala naman itong ginawang masama pero panay lingin at tingin ang mga ito sa bawat tao. Hindi siya hinayaan ni Tina at nang magulang nito na lumabas siya ng bahay. Nasa loob lang siya at sa kabilang bahagi ng kaniyang puso, nakaramdam siya ng takot. Sino ba ang hindi? Kung pagbabasihan ang pagmumukha ng tatlong lalaki, hindi basta-basta ang mga ito at walang kinakatakutan.
“Odessa, ihahatid ka ni kuya mamayang madaling-araw sa terminal. Hindi pwede na ikaw lang ang umalis at baka kung ano ang magyari sa`yo.”
“Unsa man ka oy, kaya nako akong self daii. Gwapa lang ko pero ‘di ko tanga para magpatsugi dayon.” Ano ka ba, kaya ko ang sarili ko day. Maganda lang ako pero ‘di ako tanga para magpapatay agad.
Napabuntunghinga ito at may inabot sa kaniya, pera. Nang makita siya nitong nagdadalawang isip na tanggapin iyon, ito na mismo ang kumuha sa kaniyang kamay at nilagay sa palad niya ang pera.
“Basta mag-iingat ka, ha? Kung pwede lang dito ka muna pero baka malaman nilang andito ka... Alam mo naman na...”
Ngumiti siya at ginanap ang kamay nito. Si Tina lang ang maituturing niyang best friend sa buong buhay. Wala naman kasing gustong maging makipagkaibigan sa mahihirap na tulad niya nung nag-aral pa siya.
“Naiintindihan ko at alam ko naman na ‘di ako pwedeng magtagal pa rito. Ayukong madamay ang pamilya mo, Tina. Saka pangako, mag-iingat ako promise! Babalik ako bruha ka at dapat ‘yang munggo mo, lumaki na ha at naging pakwan na.” Sabay silang nagtawanan sa kaniyang sinabi pero agad din tumahimik. Pareho silang nalungkot sa nangyari.
Ang plano niyang magong teacher sa baryong ito, parang naging malabo. Mapait siyang ngumiti at humugot ng buntunghinga. Kahit nagtatampo siya dahil walang Frahisto na dumating, kailangan niyang magpatuloy. Balang-araw, magbabayad din ang demonyong pumatay sa kaniyang tiyuhin. Hindi man ngayon pero alam niyang darating din ang sinasabi nilang karma.
Nakasuot siya ng jacket at sombrero. Ingat na ingat din siya at panay lingon sa paligid. Simula nung kasama siya ni Frahisto sa takbuhan nila nung nasa loob sila ng kakahuyan at hinahabol ng mga tauhan ng kanilang Mayor, parang naging matalas na rin ang kaniyang pakiramdam. Nagiging alerto siya. Mga alas-singko nang madaling araw at konti pa lang ang mga taong nasa daan. May ibang nagbubukas nang maliit na tindahan, nag-iigib ng tubig, nag-eehersisyo at ibang papuntang bukid at palayan na isa sa naging tanging produkto sa kanilang lugar.
Mabilis siyang napalingon. May pakiramdam siyang may matang nakatingin sa kaniya. Napasulyap siya sa kaniyang kamay na ngayo’y nagsimula ng manginig.
Okay, listen Odessa! Goddess ka at ang mga diyosa, ‘di basta nagpapatakot. Kailangan mong umalis. Hindi tayo pwede lumapit sa Pulis at baka ‘di sila pwedeng pagtiwalaan. Sabi nga ni Frahisto; Never trust someone. Okay, kalma. Kalma lang tayo...
Nagmadali siyang pumunta ng terminal. Sasakay pa siya ng Van; ang tanging transportation nila para pumunta sa City. Hindi niya afford ang mag-airplane kaya sasakay ulit siya ng barko— kahit nagka-phobia siya after nung lumubog ang barko but she doesn’t have any choice. It’s either gusto niyang lumayo na buhay or gusto niyang mamatay sa probinsya.
Nakahinga siya ng maluwang nang makasakay siya ng Van. Dalawang byahe meron siya. Pagdating ng Pagadian City, sasakay siya ng bus papuntang Ozamis. Saka kukuha ng ticket para makauwi. Sandali niyang hinamig ang sarili at napatingin sa paligid, wala naman kahina-hinala. Nanghihinang napasandal siya at nagsimula na naman siyang kainin ng lungkot at sakit.
Sobrang bilis ng pangyayari. Hanggang ngayon, ‘di pa rin siya makapaniwala na gano’n-gano’n na lang ang nangyari sa taong tinuring niyang ama. Akala niya, naubos na ang masamang tao sa kanilang Baryo pero nagkamali siya.
Dahil sa kulang siya sa tulog at puyat nitong nagdaang araw, agad siyang ginupo ng antok nung umalis na ang sasakyan at tuluyan na silang bumyahe. Nagising lang si Odessa nung biglang huminto ang sinakyang Van sa gitna ng kalsada at malayo pa sa kabihasnan. Puro kahoy ang nakapaligid mabuti na lang at sementado ang kalsada.
“Unsay problema kuya? Ngano nihunong ta?” Anong problema kuya? Bakit huminto tayo?
“Nibuto ang ligid, Ma’m. Pasensya kayo sa mga pasahero, ayuhon sa nato ang ligid.” Pumutok ang gulong, Ma’m. Pasensya sa lahat ng pasahero, aayusin lang muna natin ang gulong.
Tumango-tango siya at umayos na upo. Medyo maliwanag na ang paligid at bahagya niyang nayakap ang sarili. Weird. Pakiramdam niya, may something sa paligid kaya ang nangyari, naging un-easy siya sa kinauupuan. Hindi siya mapakali. Marami sila sa loob ng van at sa totoo nga, siksikan pa sila. Kulang na lang, gawin silang sardinas sa loob.
Lahat sila, pinalabas muna at aayusin muna ang kinakalawang na van. Matatakot ang sasakyan mismo pag makakita ng Junk Shop dahil baka timbangin ito. Kung sakaling madisgrasya sila, hindi sa aksidente sila mamatay... Sa tetano.
Eksaktong pababa na siya nang mula sa kung saan, may humintong itim na van. Agad kumislot ang kaniyang dibdib! Iba na talaga ang naramdaman niya. Mas lalo pa siyang nagulat nung nagsilabasan ang tatlong lalaking kilalang-kilala niya! Iyong lalaking pumatay sa kaniyang Itang!
“Ha!” Bigla siyang napaurong at nalito kung ano ang gagawin. Dito na ba? Dito na ba siya mamamatay? Isusunod na ba siya?!
“Goddess Elairon...”
Napasigaw siya nang hawakan ng isang lalaki ang kaniyang braso at hinila palabas. Umalma ang kaniyang mga kasamang pasahero kasama ang driver, pero nung nilabas ang dalang baril ng mga ito... Lahat natameme. Nagsiksikan ang mga ito at natakot.
“Take her! Put that woman inside the van.”
Agad siyang nagpumiglas. “No! Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako!” Hinila niya ang kamay pero mahigpit ang pagkakahawak ng isang lalaki sa braso niya. Mababali yata ang kaniyang buto sa ginawa nito. “Ano ba! Ano ba ang kasalanan namin ng Itang ko sa inyo, ha?! Sabi ng pakawalan mo ako!” Sinipa niya magkabilang hita ng lalaki at napaigik ito sa sobrang sakit.
Nagkaroon naman siya ng pagkakataon makawala rito at makatakas. Pinihit niya ang paa para tumakbo pero nahila ng isang lalaki ang kaniyang buhok at isang malakas na sampal ang kaniyang inabot. Nagsigawan naman ang mga pasaherong kasama niya at nagsiksikan sa isang tabi. Nagsimulang mag-iyakan ang mga batang kasama nila sa Van.
“Sasama ka ng maayos o lahat pati sila, susunod sa matandang tiyuhin mo?”
“Ano? Mamili ka.”
Napakagat siya ng labi at dahan-dahang bumagsak ang luha sa kaniyang mata. Masakit ang sampal na binigay ng lalaki at namanhid yata ang kaniyang pisngi.
“Take her.”
Wala siyang magawa kundi ang mapasunod sa lalaking marahas na humila sa kaniyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak at mababali yata ang maliit niyang braso sa malaking kamay nito. Tuluyan siyang kinaladkad ng mga ito at walang nag lakas-loob na tulungan siya.
“A-ano ba ang kailangan niyo sa ‘kin?! P-pinatay niyo na ang Itang ko! Wala kayong puso. Wala kaming kasalanan sa iny—” Napaigik siya sa sakit nang mariing pinisil ng lalaking may bigote ang kaniyang braso.
“Tahimik!”
Tuluyan siya nitong naipasok sa loob ng van. Nasa gitna siya ng dalawang lalaking konting galaw lang niya, kamatayan ang kaniyang aabutin. Mukhang hindi madadala ang mga ‘to sa pasimpleng awa na gagawin niya. Habang ‘yong isa, nasa unahan at walang sabing pinaandar ang sasakyan.
“Saan si Fortocarrero?”
Napatili siya nang tutukan ng lalaking nasa tabi niya ang kaniyang ulo ng revolver. Damang-dama niya ang lamig na nagmula sa dulo ng baril at aaminin ni Odessa, kinakain siya ng takot sa mga oras na iyon. Ang buong akala niya, matatakasan niya ang mga ito nung umalis siya pero parang hinintay lang ng mga ‘to na siya mismo ang lumabas sa kaniyang lungga.
“Sumagot ka, babae!”
“H-hindi ko alam! Hindi ko alam!”
Mas lalo siyang napasigaw sa sobrang takot at sindak nang ikutin nito ang 357 Magnum Revolver na hawak saka diniin sa kaniyang ulo. Isang kalabit lang nito sa trigger, patay siyang babagsak ngayon.
“I’m asking you again. Where is Farhistt Fortocarrero?”
Napakagat siya ng labi at mariing pinikit ang mata. Wala siyang alam kung saan ang binata. Kahit sabihin niyang hindi niya alam kung saan ito, alam niyang ‘di siya papaniwalaan. Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa kaniyang lalamunan at ilang sandali lang, tutupukin siya ng sarili niyang takot.
Frahisto... Saan ka? B-bakit mo ako hinayaan mahulog sa kamay ng kaaway mo?
“Kill her.”
“Hindi! H-huwag, please!”
Huminto ang sasakyan sa isang tabi at ‘yong mismong nag-drive na lalaki ang muling tumutok sa kaniya ng calibre. Walang takot sa mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
“That crazy Fortocarrero killed our big boss and ruined every single illegal business we had. So, answer me, where is he?!” malakas na sigaw nito.
Natigilan siya. Litong-lito siyang napatingin sa lalaki at pilit na ina-absorb ang sinabi. Si Frahisto ang may kasalanan pero siya at nang kaniyang Itang ang nagbayad? Mapakla siyang natawa sa likod ng kaniyang isip. Anong ginawa ni Frahisto sa buhay niya? Sa buhay ng taong malapit sa kaniya?! Bakit sila ang nadamay? Bakit?
Sunod-sunod siyang umiling habang panay bagsak ang luha sa kaniyang mata. Wala siyang alam kung saan impyernong namasyal ang binata! Ne text o call, wala. Tapos, biglang may mga lalaking tulad ng nga ito at basta-basta na lang sinunog ang bahay nila para lang sa hanapan siya ng nawawalang Frahisto? God! Oh, God. Mababaliw yata siya.
“Patayin ang babaeng ‘yan. Walang silbi.”
“Wait! A-alam ko... S-sasabihin ko na...”
Matiim siya nitong tinitigan. Mas lalong diniin sa kaniyang noo ang dulo ng calibre at naghahatid sa kaniya iyon ng tripleng takot. “One lie, one bullet.”
Napalunok siya ng laway at mabilis na nagpunas ng luha. Kailangan niyang laruin ang oras. Oo, natatakot siya pero ang isiping mamatay siya ng ganito na lang? Hindi pwede.
“Ang huling sabi niya sa ‘kin, pupunta siya ng C-china... Oo, China!” napasigaw siya nang tumunog ang revolver. Dalawang baril ang nakatutok sa kaniyang ulo ngayon at konting-konti na lang, mawawan na siya ng ulirat sa takot. “Nasa China siya for assignment! I-isang secret assignment na ‘di niya sinabi kung ano iyon. Please, please... Pakawalan niyo na— ‘wag po!!!” Napatili siya nang kalabitin nito ang trigger ng baril.
Bagsak sa isang tabi ang lalaking tumutok sa kaniya ng revolver. Ito ang tinamaan ng bala nang mula sa kung saan, may rumaragasang big bike at humarang sa kanila. Napatili siya at nagtakip ng teynga nang walang awang pinagbabaril ng lakaking nasa motorsiklo at may suot na helmet ang lalaking driver. Sa ulo ang puntirya nito at sa lakas ng impact ng bala, halos lasog-lasog ang ulo ng lalaking driver at tumalsik ang parteng utak.
Sigaw siya nang sigaw at hindi alam kung saan magtatago. Halos atakehin siya ng sobrang takot at hilam sa luha ang kaniyang mata. Mabibingi yata siya sa alingawngaw ng baril at halos mawalan siya ng ulirat nang tumalsik ang mga dugo sa kaniyang mukha at ibang laman.
“Itang! Itang tulungan niyo ako! Itanggg! Tulungan niyo ako rito!!!”
“You lied to us, bitch!” galit na hinila ng lalaking nasa tabi niya ang kaniyang buhok at pinalo siya ng calibre na hawak nito sa kaniyang ulo.
Napapikit siya sa sobrang sakit at damang-dama ang dugong kumawala. Huli niya ng maisip nang bumagsak ang kaniyang katawan. Pero bago siya nawalan ng malay... Narinig niya ang malakas na boses ni Frahisto na tinawag ang kaniyang pangalan.
“F-frahisto... B-bakit...”
NAGISING si Odessa na masakit ang ulo at ibang kapaligiran ang kaniyang nakita. Nasa langit na yata siya. Kinapa niya ang kaniyang ulong pinalo ng lalaki ng baril, may bendang nakalagay ro’n. Napatingin siya sa kaniyang kamay, may IV fluuid nakakabit do’n. Napatulala lang siyang nakatingin sa kamay niya saka lang niya tuluyang na-realize nasa hospital siya.
Anong ginagawa niya sa hospital? Kung buhay siya, buhay rin ba ang taong humabol sa kaniya? Wala na ba ang mga ito? Hindi na ba siya papatayin? Ang kaniyang Itang... Ang kaniyang Itang na sinunog kasama ang munting bahay nila. Nagsimula siyang mapasigok at sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya.
Napakislot siya nang bumukas ang pintuan. Agad siyang napasiksik sa isang tabi at tinakpan ang mata. “P-please! H-hindi ko alam kung saan si Frahisto! H-hindi ko alam!” nagsimula siyang maging hysterical sa takot. Naririnig pa rin niya ang mga alingawngaw ng baril at ramdam na ramdam ang mga malagkit at pulang-pulang dugo na tumalsik sa kaniyang mukha at katawan.
“Odessa! It is me, Frahisto.”
“Wala nga akong alam saan siya! Wala! Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako! H-hindi ko alam saan siya. Hindi... Hindi...”
Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kaniya habang siya, nagwawala pa rin at nagpupumilit na kumawala. Biglang naging dugo ang tingin niya sa buong paligid at paulit-ulit pa rin ang naririnig niyang putok ng baril. Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak at nauwi sa hikbi. Natatakot sa sariling buhay!
Kung noon, hindi niya magawang matakot habang hinahabol sila ni Frahisto at napunta sa batis, iba iyon. Ibang-iba. Dahil sa mga panahong iyon, kasama niya ang lalaki. Safe and secured siya sa bisig nito. Ramdam niya ang security sa piling nito pero nung kinuha siya ng tatlong lalaki... Nung nakita niya ang pagbaril at pagtalsik ng dugo sa kaniya. Ang pagkabasag ng bungo... Ang dilat na mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang kalahati ng ulo basag... Matinding takot at trauma ang kaniyang nakuha.
“I’m sorry Vida Mia... I am sorry...” Mahigpit lang siyang niyakap ni Frahisto habang nagwawala siya. Garalgal ang boses at pinipilit siyang inaalo. “I’m here... Ako ito. Please, ako ito... Andito na ako. Hinding-hindi na ako aalis. Hindi na... Please, Odessa.”
“Huwag!!! Ayuko. Ayukong mamatay. Please maawa kayo sa ‘kin. Pakawalan niyo na ako. Hindi ko alam kung saan si Frahisto. Hindi ko alam! Hindi ko alam. Hindi ko alam...” Naramdaman na lang niyang nanghihina ang kaniyang boses at dahan-dahang bumagsak ulit ang kaniyang katawan. May itinurok sa kaniya at ilang segundo lang, nakatulog siya.