Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 11

Hinawakan lang ni Farhistt ang kamay ni Odessa habang malaya itong pinagmamasdan na mahimbing natutulog. Marahan niyang pinisil ang namumutlang kamay nito at masuyong hinalikan iyon. If he could turn back the time, he’ll fucking do it. Kung may masamang nangyari kay Odessa, fuck, baka tuluyan siyang mabaliw.

Ang pangako niya, babalik siya agad pero hindi niya natupad nang magakaro’n ng problema si Tiverius. Sumabit ito sa naging assignment na kaniyang binigay, at ‘yon ang patayin ang big boss ng Blood Diamond. Kung wala ang dalagang anak ni Mr. Genovese, alam niyang ‘di papalpak si Tiverius. Masyadong dinaan ng lalaki sa personal na bagay ang binigay niyang assignment dito kaya nagkandaletse-letse. Muntikan itong mapatay at kung ‘di siya dumating, baka bangkay na lang ang aabutan niya.

Kinailangan niyang lumipad papuntang Indonesia, kung saan nando’n si Mr. Genovese kasama ang mga tauhan at anak nitong babae sa isang mamahaling restaurant at kumakain. Sinubukan siyang tigilan ni Tiverius but the deal must be close. Kung hindi tutuldukan ng secret organization nila na may private connection sa government, magpapatuloy ang masamang gawain ng matanda.

Isang bala ang tumama sa ulo ni Mr. Genovese gamit ang sniper na kaniyang dala. Sa lakas ng impact ng bala, bahagyang nawasak ang bungo nito. Wala siyang naramdamang awa o takot na pinagmasdan niya ang matandang humandusay habang naliligo sa sariling dugo. Masyadong lagpas na sa impyerno ang masamang gawain nito kaya mas mabuting manahimik na ito habang-buhay. Devil must be buried in hell. Agad silang lumayo ni Tiverius at nagpasya siyang manatili muna sa isla bago puntahan ang dalaga. Nag-iisip siya kung anong magandang surprise ang pwedeng gawin niya at pasalubong na dalhin.

Saka lang niya natanggap ang maraming miscalls at messages ni Odessa nang buksan niya ang cellphone. Nasa table lang ng kaniyang office ang cellphone at ang unang nabasa niya, ’Wala na si Itang.’

Kapag nasa assignment siya, iba-iba ang phone na kaniyang ginagamit. Mostly, ‘di siya nagdadala ng phone. Nakikipag-usap siya mga kasamahan thru watch hologram. And fuck! That’s the most stupid thing he’d ever done.

Agad siyang sumakay gamit ang kaniyang private helicopter at nagpunta ng Mindanao. Hinahabol niya ang oras at chinicheck ang exact location ng dalaga mula sa hologram. Nasa baryo pa ito. Kaya eksaktong pagkababa niya, mula sa kung saan may dumating na big bike na pinasuyo niya kay Magnar na ipadala ng tao nito.

Hindi na siya nagsayang ng oras, mabilis niyang pinaharurot ang big bike matapos magsuot ng helmet. Ramdam na ramdam niyang ibang ang sinisigaw ng kaniyang instinct. May masamang nangyari at alam ng puso niya iyon.

“Odessa!”

Iyon lang ang tanging nasambit niya nang bumagsak ito. Walang awa niyang pinagpapatay ang tatlong lalaki. Ang isa sa kaniyang pinatay, anak ng leader na kaniyang pinatay nung ayaw sumuko sa nakakataas at pagbayaran ang kasalanan. Hindi siya Santo kaya ang baril niya ang nagbigay ng desisyon.

Nakasagupa niya ang mga ito nung araw na hindi siya agad nakabalik sa bahay ng babaeng mahal niya sa Baryo Hunasan. Sa loob ng tatlong araw na hindi siya nagpakita, tinapos lang niya ang dapat tapusin para maibigay ang buong oras at panahon kay Odessa pag uuwi ito ng Mindanao.

Iyon nga lang, dahil leader siya ng organisasyong kaniyang binuo... Hindi niya pwedeng iwan ang grupo at mga kasamahan. Kailangan siya ng kaniyang mga taong nasa kaniyang pamamahala. Ang mali lang niya, ang malaking pagkakamali lang niyang nagawa... Hindi niya naprotektahan ang babaeng pinangakuang poprotektahan niya habang-buhay.

Hindi man lang niya naisip ang dalaga kung okay ba ito or kung wala bang masamang nangyari. Masyado siyang naging focus at kampante na walang gagalaw sa dalaga. Na kahit kailan ‘di siya pumapalpak sa trabaho kaya walang makakaalam sa relasyon niya kay Odessa. Na walang kaaway niya ang makakaamoy sa kaniyang pribadong buhay.

Napakislot siya nang magising ang dalaga. Napilitan siyang tarakan ito ng pampakalma kanina kahit ayaw niyang gawin iyon. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Natatakot siya. Natatakot siya na baka tulad ng kaniyang asawa at anak, iniwan siya dahil sa uri ng kaniyang trabaho. Damn it! Palpak na naman siya.

“Vida Mia...” napatingin ito sa kaniya. Bahagya itong nagulat nang masilayan siya. Para siyang nabunutan ng tinik nang ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Odessa...” nagsimulang manubig ang kaniyang mata pero pinigilan niya. Lalaki siya. Hindi siya pwedeng maging emotional sa harapan ng dalaga.

“Frahisto...”

“Yes, it’s me... Andito na ako. I won’t leave you again. I won’t, Vida Mia... Dito na ako lagi sa`yo.”

Mapait itong ngumiti at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Bahagya siyang napapikit sa haplos na ginawa ni Odessa. May ibang ibig-sabihin ang ginawa ng dalaga at ramdam niya ito. Nang magmulat siya ng mata, sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga. Akmang pupunasan niya iyon pero umiling-iling si Odessa. Parang sinuntok ang kaniyang dibdib sa sakit lalo na nung bawiin ng dalaga ang kamay nitong humaplos sa kaniyang pisngi.

“I-itigil na natin ‘to.”

“Odessa!” napasinghap siya sa malamig na boses ng dalaga at walang emosyon na mga mata nito.

“Narinig mo naman siguro ako, Farhistt Fortocarrero. Itigil na natin ito. Lahat ng kung ano man meron tayo ngayon.”

Matagal siya bago nakapagsalita. Pinilit niyang intindihin bawat katagang sinabi ni Odessa. Basta lang siyang nakatingin sa dalaga.

“T-tama ang sabi ng dalawa kong Itang... Pag nagmahal ka, h-hindi puro saya at kilig. Ngayon ko lang napagtanto, na kung gaano mo kamahal ang isang tao..Gano’n ka grabe ang sakit na babalik sa`yo. Tama si Itang, dapat handa ako sa sakit at lungkot pero bakit? Bakit hinayaan mo ako? Hinayaan mo mawala ang Itang? Bakit ang inosenteng tao ang nadamay sa kapabayaan mo, Farhistt?” Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha nito at damang-dama niya ang sakit.

Fuck! Tinawag na siya nito sa first base ng kaniyang pangalan. Parang may malaking kamao ang sumuntok sa kaniyang puso. Gusto niyang yakapin ng sobrang higpit ang dalaga pero naunahan siya ng pagkaduwag. Natatakot siya na baka isang maling galaw niya ulit, tuluyan siyang kamuhian nito at itaboy.

“Vida Mia...”

“A-ang sabi mo... Habang nabubuhay ka, hindi mo hahayaan ang ibang taong saktan ako, na walang makakapanakit sa ‘kin pero Farhistt... Ikaw... Ikaw ang nanakit sa ‘kin! Ikaw ang dahilan bakit naging ganito ang lahat. A-alam mo, tanggap ko kung anong trabaho ka... Kahit killer ka pa, tanggap ko. Ang hindi ko lang matanggap, hayaan mo kami ng Itang na mahulog sa kamay nang mga kaaway mo! Alam mo paano pinatay si Tatang, ha? Alam mo ba!”

Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kayang titigan ang galit sa kislap ng mata ni Odessa. Ibang-iba sa babaeng nakilala niya na laging masaya, mahiyain at inosente. Napapaso si Farhistt sa galit na nakikita niya.

“Ni h-hindi ko man lang siya nasamahan sa huling lamay niya! Hindi ko man lang siya naihatid sa sementeryo. Hindi man lang ako nakapagpaalam! Na sana kung alam ko lang na ‘yon pala ang huling pagkikita namin, sana sinulit ko na. At sana rin... Hindi na rin kita nakilala, Farhistt... O kung nakilala man kita, sana hindi humantong sa ganito. Hindi na lang sana kita minahal. Pakiramdam ko kasi, sa tuwing magkalapit tayo... Malapit din ako sa kamatayan at ilang beses ko na ‘yon napatunayan. Kaya kung pwede lang sana, pakiusap, layuan mo na ako.”

Damn No!

“Hey! No please?” Ginanap niya ang kamay nito pero binawi ng dalaga at marahang pumikit. Tanda na ayaw siyang kausapin pa o pakinggan. “Odessa... ‘Wag ganito. Hear me out, please? I’m sorry... I’m sorry kung napabayaan kita. Damn it! Hindi ko alam na magiging ganito. Hindi ko ito ginusto... Odessa...”

Nagtaas ito ng kamay at tinuro ang pintuan. Nanatiling nakapikit ang mata ng dalaga. “Leave.”

“Odessa...”

“Kung totoong mahal mo ako, umalis ka.”

Para binagsakan ng malaking bato ang kaniyang puso. Mapait siyang ngumiti at wala sa sariling napasabunot sa ulo. Marahan siyang tumayo at tinungo ang pintuan. Sarado ang isipan ng dalaga at alam niyang anong pilit ang kaniyang gagawin, hindi siya nito pakikinggan.

Eksaktong pagsara ni Farhistt sa pintuan, nanghihina ang kaniyang tuhod kaya napasandal na lang siya ro’n at galit na pinagsusuntok ang dibdib.

Fuck! Fuck! Nasaktan na naman niya. Nasaktan na naman niya ang babaeng pinangakuan niyang poprotektahan. Hindi siya makakapayag! Hindi. Kahit papaliguin siya ng apoy sa impyerno ni Odessa para lang mapatawad nito, gagawin niya. Gagawin niya lahat huwag lang siya nitong iwan.

ISANG dipa lang ang layo ni Farhistt kay Odessa. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ng kama habang malamig ang matang nakatingin sa labas ng bintana. Wala ng swerong nakakabit dito at pwede na itong iuwi ayon sa Doctor.

“Iuwi mo na ako.”

Mabilis siyang tumango at nilapitan ito para alalayang tumayo pero pinigilan siya ng kamay nito.

“Kaya kong tumayo. Huwag kang lumapit, please?”

Napaurong siya at ilang segundo muna ang nagdaan bago siya tumango. Naiintindihan niyang galit ito. Hinintay niya si Odessa ang tumayo at bahagya itong nawalan ng balanse. Akmang lalapitan niya ito pero sumenyas ang kamay ng dalaga na huwag na huwag siyang lumapit dito. Napabuntunghinga na lang siyang tumango at walang magawa kundi ang sundin ang gusto nito.

Nakasunod lang sa kaniya si Odessa habang naglalakad sila. Sinigurado nitong may space sa pagitan nilang dalawa at hindi ito kumikibo. Panay ang sulyap ang kaniyang ginawa at baka malingat siya. Baka tuluyang mawala sa kaniya ang babae and for fucking sake, ‘di niya pahihintulutan iyon.

Gamit ang kaniyang private helicopter, hinatid niya ang dalaga. Ilang beses niyang sinubukan kausapin ito pero nanatili itong tahimik at tila ‘di siya naririnig o sadyang wala itong planong pakinggan ang pakiusap niyang mag-usap sila.

Hanggang sa makapasok ito ng bahay at makapagpaalam siya sa pamilya nito, wala itong imik sa kaniya. Tanging si Mang Orlando lang ang kaniyang nausap at ang Ina nito. Nagluluksa ang mga ito sa nangyaring pagkamatay ni Mang Bartolome at nagpapasalamat ang mga ito sa kaniya na hinatid niya na ligtas si Odessa.

Napabuntunghinga siya. Kung sakaling malaman ng mga ito ang totoong pangyayari, baka hindi na siya hahayaan ng mga ito na makaapak sa pamamahay ng Elairon. Alam niyang ayaw siyang makausap ni Odessa o makita ang kaniyang pagmumukha. Magpapadala siya ng taong magbabantay ng sekreto sa pamilya ng dalaga.

Matapos niyang magpadala ng limang taong magbabantay araw-araw sa pamilya ng dalaga, bumalik na siya sa Maynila. May naka-installed na maliit na camera sa puno na nasa bakuran ng bahay ng Elairon. Buong paligid, pinalagyan niya ng camera na walang makakapansin. Mino-monitor niya bawat galaw ng dalaga at nang pamilya nito. He makes sure that they’re are secured and protected.

Galing pa sa magkapatid na Noam at Zinc ang kaniyang mga high tech na gamit. Magagaling ang dalawang magkapatid pagdating sa invention pero kung gaano kagaling ang dalawa, gano’n kasalungat ang puso ng mga ito pagdating sa babae. Laging naloloko at naiiwan.

Aburido lang siya nang pumasok si Tiverius sa kaniyang opisena habang pinagmamasdan ang malaking screen, na ando’n ang mukha at galaw ni Odessa. Malaya itong nakaupo sa maliit na balcony habang nililipad ng hangin ang malambot na buhok nito.

“Bakit ‘di mo puntahan? Instead na magmukmok ka rito at pinagmamasdan ‘yang malaking screen at puro mukha ni Odessa.”

Mapakla siyang natawa at masamang tiningnan si Tiverius. Mabilis itong nagtaas ng kamay na parang sumusuko sa kaniya. Tawang-tawa pa ito pero nung nakita ng lalaki na ‘di siya natutuwa, bigla itong nagpalit ng mood at naging seryuso. Umupo ito sa malambot na couch at pinaglalaruan ang kaniyang mini-robot.

“I’m sorry.”

Nagkibit lang siya ng balikat at humugot ng malalim na buntunghinga. Binalik niya ang kaniyang tingin sa malaking screen. Dalawang araw pa lang ang nagdaan pero para na siyang pinaparusahan sa impyerno. Walang maayos na tulog, gulong-gulo ang buhok at hindi nakapagpalit ng damit simula kahapon.

“Wala kang kasalanan. I am the one to blame here. Kasalanan ko. Napabayaan ko ang babaeng mahal ko.”

“Kung ‘di siguro ako nagpadala sa kahinaan ko, baka naprotektahan mo siya nang mga sandaling iyon.”

“Nagpunta ka lang ba rito sa office ko para ipamukha sa ‘kin ‘yan?”

“Hindi naman. Nalulungkot lang ako Yx and seeing you like this? Parang napatunayan kong lagi akong palpak sa bawat assignment na binibigay mo. Kailan ba ako naging tama? Binibigyan kita ng sakit ng ulo every project na pinapahawak mo sa ‘kin and that’s because I am too stupid and weak. Hindi ako nababagay sa organization na ‘to.”

“Tiverius!” Napatingin ito sa kaniya. “Kung tapos ka na sa pagsasalita d’yan nang walang kwentang bagay, lumabas ka na.”

Napabuntunghinga ito, “Okay-okay! I gotta go. I’m sorry I failed you again.”

Hindi niya na pinansin ang sinabi ng lalaki. Hinayaan niya itong umalis at hinarap ulit ang malaking screen. Bawat isa sa mga kasapi ng organisasyon, alam niya ang bawat kahinaan ng isa. Hindi niya lang naisip na naging sanhi iyon para sa pagkabagsak ng isang magaling na sniper niyang si Tiverius.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo, tama ang lalaki. Kesa magmukmok siya rito, bakit ‘di na lang niya puntahan ang dalaga? Pero natatakot siya... Baka oras na puntahan niya ito may nakasunod na naman na kamatayan sa kaniya. Sa uri ng kaniyang trabaho, normal na ang sundan ng kamatayan. Pero damn! Ang isipin na susunod sa hukay ang babaeng mahal niya? Magpapatayan sila ni Satanas kahit saan sulok ng impyerno.

Agaran siyang tumayo at nagtungo sa shower room. Nagulat lang siya nang mapadaan siya sa malaking salamin. He fucking look wasted! Para siyang tumanda ng ilang taon at ang lalim ng eyebags niya. Nakatutok lang siya 24 hours sa monitor, sinisigurado na nasa okay na kalagayan ang pamilya ni Odessa.

“Yx!” masayang bungad sa kaniya ni Magnar. May dala itong Stick-O at malayang kinakain. “Pinapabigay pala sa`yo ni Gallagher. Baka raw kasi nagugutom ka na.” Inabot nito sa kaniya ang isang Stick-O na hawak, may kagat at— may laway.

Tumalim ang kaniyang mata rito at ‘di pinapansin si Magnar. Deritso lang siyang nagtuloy-tuloy sa shower room na sinundan naman siya.

“Yx!”

“Will you please let me shower?”

“May tanong kasi ako.”

Humarap siya rito at hinintay ang sasabihin ni Magnar. “What?”

Umilap naman ang mata nito habang pa-dramatic effect na kinagat ang Stick-O. “Ah... Ano kasi... Um... Broken hearted ka ‘no? ‘Wag ka sanang ma-offend sa tanong ko, isa lang naman akong concern citizen na nag-aalala— Gallagher tulong!”

Mabilis na binato niya ang tsinelas dito. Agad itong nagtatakbo papalayo at humihingi ng tulong kay Gallagher. Damn! Naturingan ang mga ito ng four constellation pero minsan, lumalabas ang ugaling bata ang meron sa mga ito.

Pagkatapos siyang maligo, pupuntahan niya ang dalaga. Kahit sa malayo lang siya, kailangan niyang makita ito. Mababaliw yata siya kung sa malaking monitor lang siya nakatingin lagi. Gustong-gusto niya na itong yakapin at halikan.

Sa isiping iyon, bigla siyang nanabik at mabilis na kumilos. Hindi siya isang Farhistt Fortocarrero kung lalampa-lampa siya sa isang babae. Kung kailangan lumuhod siya ng buong araw sa harap ng dalaga, mapatawad lang siya at tanggapin ulit nito gagawin niya. Gagawin niya lahat ‘wag lang itong tuluyang lumayo at kalimutan kung ano man ang meron sila.

Mahal niya si Odessa. Mahal na mahal.

PERO biglang nag-init ang ulo ni Farhistt sa nakita. Si Odessa, may kasamang lalaki sa hunasan at masayang nag-uusap habang namumulot ng lamang-dagat. Nakikita niyang panay ang tawa ng lalaki at halatang kinikilig habang nakangiti ang kaniyang Odessa.

Damn!

Jealousy attacked and irritated his heart. Alam niyang sobrang babaw ng rason pero nasanay siyang siya ang nagpapangiti sa magandang mukha nito. Nasanay siyang sa ang dahilan lagi sa masayang kislap ng mata ng kaniyang nag-iisang diyosa. Ang babaeng naging rason na naniwala siyang kaya niyang magmahal ulit.

“Who is he?”

“Her new found friend. His name is—”

“Don’t,” he immediately finished what Jayvion had said.

Nagkibit naman ito ng balikat at lumabas mula sa hologram watch nito ang buong background ng lalaking kausap ni Odessa. Napatitig naman siya ro’n at binasa kung anong klaseng pagkatao meron ang lalaki.

“That guy is inlove to Ms. Goddess.”

Tumiin ang kaniyang mata sa lalaki. Inalalayan na nito ngayon si Odessa sa paghakbang para ‘di sumubsob sa putik.

“Tingin ko, kailangan ng lalaking ‘yan ang tulong ko,” madilim na saad niya.

Natawa ito sa kaniyang naging inasta, “No. Don’t do that, Yx. She’ll hate you more.”

“Pero anong gawin ko rito? Ang tingnan ang babaeng mahal ko na pinapangiti ng ibang lalaki? For fucking heaven sake, Jayvion! Makakasakal ako ng tao, alam mo ‘yan.”

Humalakhak naman sa likuran si Addavan. Nang lingunin ito ni Jayvion, agad din itong tumahimik at hinarap ang cellphone na hawak. Kunwari naging busy ito.

“Well if that is what you want, sakalin mo una si Addavan.”

“Hala? Bakit ako? Nanahimik ako rito, ah.”

Ngumisi lang si Jayvion habang siya, hindi pa rin nagbabago ang hitsura. Madilim pa rin at handang manakal ng tao anuman oras,

“Lalapitan ko sila.”

“Go, Yx! Kaya mo ‘yan. We cheer for you!” nakangising singit ni Addavan pero nang samaan niya ito ng tingin, agad din itong tumahimik at muling hinarap ang cellphone.

Mas lalong umatake ang selos sa buo niyang pagkatao nang hawakan ng pipitsuging lalaki ang beywang ni Odessa. Fuck! That’s it. Agad siyang bumaba sa sasakyan at nagmamadaling lumapit sa mga ito. Ilang metro rin ang layo mula sa kaniyang pwesto.

Nakakunot ang kaniyang kamao nang tawagin niya ang pangalan ni Odessa. Nagtatakang napatingin naman sa kaniyang ang dalaga at mabilis na tinulak papalayo ang lalaking kasama.

“Bakit ka narito?”

“I should have asked that. Why are you with that man?”

Kumunot ang noo nito at nawiwerduhang tiningnan siya, “Kaibigan ko siya, so what?”

“Kaibigan? Huh! Kaibigan ang tingin mo sa kaniya, Odessa. Pero ang lalaking iyan, may pagnanasang naramdaman sa`yo.”

Agad umeksina ang lalaking kasama nito pero sinamaan niya ito ng tingin kaya napaurong. Galit naman siyang inirapan ng dalaga at hinawakan sa kamay ang lalaki at hinila papalayo. Halos sumabog siya sa nararamdamang selos kaya mabilis niyang binawi ang kamay nitong hawak-hawak ng lalaki. Wala siyang pakialam sa putik.

“Ano ba, Farhistt!” mabilis nitong winakli ang kaniyang kamay at galit siyang dinuro. “Oras na hahawakan mo pa kahit dulo ng buhok ko, mas lalo kitang kamumuhian!”

“Vida Mia...” lumambot ang kaniyang boses.

“And don’t call me Vida Mia because I am never your life!”

“T-tingin ko, kailangan niyo mag-usap dalawa—”

“Wala na kaming pag-uusapan ng taong ‘yan. Simula nung pinabayaan niya akong muntikan patayin ng kaaway niya, ang hayaang mawala ang Itang ko dahil sa kasalanang hindi naman dapat kami ang magbayad, lahat ng iyon ay sapat na para kamuhian at layuan ang lalaking iyan!”

Triple kill. Parang sinaksak ang puso ni Farhistt sa mga salitang binitawan nito. Walang-wala sa mga balang sinuong niya, sa mga balang muntikan ng kumitil sa buhay niya.

“P-pinagsisihan mo ba na nakilala mo ako?”

Tiningnan lang siya nito at matagal na tinitigan sa mata, “Alis na tayo, Ted. Mas gugustuhin ko pa na makasama ka kesa sa lalaking nagngangalang Farhistt Fortocarrero.” Hinawakan nito sa kamay ang lalaki at hinila papalayo sa kaniya.

He clenched his fist and took several deep breaths. He reminded himself to be calm, na ‘wag siyang magpapadala sa galit. Baka saan pupulutin ang lalaking kasama nito. Pinikit niya saglit ang mata at kinalma ang sarili. Hindi siyia pwedeng padadala sa galit kahit ang gustong-gusto niyang gawin ay gulpihin ang lalaking kasama ng dalaga.

“Yx...”

“I told you, eh?”

He ignored Jayvion and Addavan. Malungkot lang siyang nakatingin kay Odessa na nagmamadaling umalis para lang makalayo sa kaniya. Mapait siyang napangiti at nagagalit na pinunasan ang luha. Kung nakakabawas man ng pagkalalaki ang umiyak, well fuck!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.