Pero lumipas ang tatlong araw na hindi nakabalik si Frahisto para sunduin siya. Magtatampo na sana si Odessa nang sunduin siya nito. Nasa hunasan siya at namumulot ng mga lamang-dagat na pwedeng gawing ulam. Agad siyang napairap pero nang makita ang bitbit nitong ‘Forget Me Not’ flowers, bigla siyang kinilig.
“Sorry nahuli ako.”
“O-okay lang.”
Naghubad ito ng suot na tsinelas at itinaas ang suot na pantalon. Teka, anong gagawin niya?! Bago pa siya makapag-react, nasa harapan niya na ito at inabot sa kaniya ang bulaklak.
“Sorry...”
Kunwari hindi siya kinilig nang abutin niya iyon. Pigil na pigil niya ang kaniyang ngiti at pinigil ang sariling ‘wag amuyin ang bulaklak. Baka kasi kiligin siya tapos hahampasin niya si Frahisto, tapos maghaharutan sila sa maputik na parte ng dagat sabay hahagikhik siya ng malandi.
“Tulungan na kita.”
“Ha? Hindi—”
Isang nakakamatay na ngiti ang binigay nito sa kaniya at hindi namalayang kinuha ang baldeng dala-dala niya. Pinisil muna nito ang kaniyang pisngi saka tumatawang lumayo sa kaniya.
“Naglalaway ka... Gusto mo na ba akong kainin?”
“A-ano! Hindi, ah.” mabilis naman niyang pinunasan ang bibig para lang ma-realize na maputik nga pala ang kaniyang kamay, kaya ang ending nagkalat sa mukha niya ang putik. “Frahisto!!! Kainis ka!”
Isang munting boodle fight ang naging tanghalian nila nang araw na iyon. Nasa bakuran sila at nakapahaba ng upo sa kawayang mesa at upuan. Nakalatag ang masasarap at iba’t ibang putahe na niluto ni Frahisto sa mga sea foods na nakuha nila. Paano ba naman, halos walang kawala lahat ng alimango, clams, oyster at scallops. Napuno nito ang dalawang balde na kaniyang dala. Halos lahat ng mga kasamahan niyang babae na kasama sa Hunasan, nanonood na lang at naghahampasan sa kilig.
“Ang daming ulam today! Ang sasarap pa nang pagkakaluto. Ate, ate! Ang swerte mo kay kuya Frahisto. Pakasalan mo na.”
Inirapan lang niya ang bunsong kapatid. Baka kapag pinakasalan niya agad ang lalaki, hihimatayin ang kabilang baryong mga tsismosang kapit-bahay nila. Saka, nakakapaghintay ang kasal.
“Maswerte ba bunso?” ang lawak ng ngiti ni Frahisto.
“Naman kuya! Walang nagkamaling madapa kay ate. Paano kasi, ampanget. Ikaw lang yata ang nagandahan d’yan, eh. Baka nga kuya, dinasalan ka niyan. Kuya, pwede ka pa tumakbo sabihin mo lang— arayy!”
Binatukan ito nang kapatid niyang babae. “Ang daldal mo, Inggo. Malamang dinasalan ‘yan ni ate ng latin kaya head over heels si kuya Frahisto.” Saka sabay nagtawanan ang mga ito.
Namula naman siya ng husto habang tumatawa si Frahisto sa kaniyang tabi. Paminsan-minsan lang tumawa ang kaniyang bebe Frahisto, kaya sa tuwing tumatawa ito... Kinikilig siya.
“Tay oh, pinapahiya nila ako kay Frahisto!”
“Hoy mga bata! ‘Wag niyo pinapahiya si ate niyo kay Romeo!”
Pareho silang natahimik na magkakapatid habang siya, napangiwi.
“Orlando! Hindi siya si Romeo. Kuu! Matanda ka na talaga.”
Lihim na lang siya napairap at napalumbaba sa mesa. Kaya hindi na nakakapagtaka kung saan siya nagmana. Sa kaniyang Ama, malamang.
“Kain na ho tayo!” iniba niya ang usapan.
Agad nagliwanag ang mata ng mga kapatid niya at ilang sandali lang, matapos magdasal ang Itay niya... Nagsimula na silang kumain. Muntik pa siyang mabulunan nang makitang marunong magkamay ang lalaki at hindi man lang nandidiri habang kasabay ang kaniyang pamilya kumain. Nakakaiyak naman ito. Napangiti siya habang nakatingin lang dito. Ang swerte naman niya kay Frahisto. As in sobrang swerte! Pinigilan na lang niyang ‘wag siyang maiyak.
EKSAKTONG pagbaba niya galing sa mamahaling sasakyan ni Frahisto, bumungad sa kaniya ang mansiyon. Nakatulog siya sa byahe nila. Ang sarap naman kasi sa loob ng kotse nito, ang lamig at ang bango-bango.
“Welcome home, Vida Mia.”
Ngumiti lang siya. Hindi naman siya galing abroad para i-welcome nito saka hindi niya ito bahay. Bakit may pa-welcome pa?
“Ilang araw lang ako rito, Frahisto...”
“Bakit?”
“Puntahan ko na si Tatang. May mga damit na ako at nakapag-utang na rin ng pera sa kapit-bahay pamasahe pauwi sa probinsya.”
Tumiim lang ang tingin nito sa kaniya habang binabasa ang kislap ng kaniyang mata. Nakipaglabanan naman siya ng titigan sa binata. Baka gusto nito magtitigan sila habang-buhay, okay siya ro’n.
“Okay!” napabuntunghinga ito at nagtaas ng kamay. “Ihahatid kita ro’n. Hindi kita papayagang umalis mag-isa.”
“Pero Frahisto...”
“Anong gusto mong pagkain?”
Namilog ang mata niya. “Kahit ano basta luto mo!” kung ganito ang usapan nila ni Frahisto, deal na. Pumayag na siya. Bakit kasi ang sarap nitong magluto, dinaig pa ang lutong bahay ng kaniyang Inay.
Nasa malaking theater room sila pagkatapos nilang kumain. Nanonood sila ng Oggy and The Cockroach. Habang siya, panay ang halakhak sa kakulitan ng mga ipis, nakasimangot naman ang hitsura ni Frahisto sa tabi niya habang nakahalukipkip ang kamay. Hindi ito naka-relate sa kaniyang pinapanood.
“Nakita mo ‘yon!” Sabay turo niya sa ibabaw ng kesame. Nakaisip siya ng kalokohan.
“Ang?”
“Ang pagmamahal ko?”
Pinitik lang nito ang kaniyang noo. “I’ll be back to get you some snacks. Mukhang wala ka na kasing balak tumayo.”
Humagikhik lang siya at nag-flying kiss dito. Ganito siya ka-comportable pag nasa paligid ang lalaki. Parang matagal na silang magkalilala kaya ganito siya umasta kapag kasama ang binata. Masyado siya nitong iniispoiled ng pagmamahal at hindi niya kasalanan iyon.
Bonus na lang para kay Odessa na malamang mayaman ito. Hindi na rin siya nagtanong kung anong klaseng trabaho meron si Frahisto, dahil pagkakaalam niya... Isa itong Pulis. Kahit naman taga-collect ito ng basura, mamahalin pa rin niya ito. Lahat yata ng trabaho, bagay sa lalaki. O masyado lang siyang exaggerated kaya lahat tingin niya, bagay sa binata.
Natagalan si Frahisto sa pagkuha ng panibagong pagkain, kaya nilipat niya sa ibang chanel ang pinapanood. Naubos niya na kasi ang laman ng ref sa loob ng theatre room na iyon. Nanood muna siya ng news at napatango-tango.
Ayon sa napanood niya, dumarami na talaga ang masasamang tao. Kung hindi drugs at patayan ang napanood niya, kidnapping naman at human trafficking. Bahagya siyang pinanlamigan sa panghuli. Isa sa pinaka-worse na illegal sa mundo— human trafficking. Kaya doble ingat siya kahit may pagkatanga siya minsan.
“Human Trafficking...”
Tumango siya. Hindi man lang niya napansin ang paglapit ng lalaki. May lahi talaga itong magnanakaw. “Oo, nakakatakot ‘no?”
Umupo ito sa tabi niya, may dalang pizza at ice cream. Agad naman niya itong dinaluhan. “Yes, they are. Human trafficking is top 10 most illegal business. It includes; sex trade or slavery, forced labor, and domestic servitude.”
“Katakot naman!”
Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang pisngi. “But as long as I’m breathing, Odessa. No one can laid a fingers on you. Hindi ko hahayaan. Basta, ang gawin mo lang... Mahalin ako at ako na bahala sa iba.”
Tumawa lang siya at tumango. Ramdan niya iyon na kaya siya nitong proteksyunan. Ilang beses na ba nitong sinagot lagi ang kaniyang buhay? Lagi itong nandiyan pag kailangan niya kaya wala siya sa mood na matakot sa sex trade na ‘yan. And’yan lang si Frahisto na hindi siya iiwan at hahayaang may mangyaring masama.
“Vida Mia...”
“Oh?”
“Never trust the people around you.”
“Kahit ikaw?” Tumaas ang kaniyang kilay.
“Yes.”
“Pero ayuko!”
Napabuntunghinga ito. “Okay, okay. I’m an exemption. Now, listen... Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nasa paligid mo, maliban sa sarili mo at sa pamilya mong alam mong mapapagkatiwalaan.”
“Pero bakit? Anong meron?”
“Basta...” Pinisil lang nito ang kaniyang pisngi at ginawa na naman siyang pusa. Pina-pat ang ulo na akala mo isa siyang pet na nangangailangan ng pagmamahal.
TULAD ng pangako ni Frahisto, hinatid siya nito sa probinsya sa Mindanao pero agad din umalis. Nagdadalawang isip pa ito na umalis pero nang muling mag-ring ang wristwatch nito na napapansin niyang suot lagi ng binata, nagpasya itong umalis pero nangakong babalik agad sa susunod na linggo. May aasikasuhin lang daw ito at pinapatawag daw ito ng boss nito. Halos ayaw siya nitong bitawan sa pagkakayakap, kung ‘di pa niya tinulak... Hindi pa ito aalis.
Muntik pa siyang mabugbog Berma ni Tina nang pumasyal ito sa bahay ng kaniyang Itang. Hinila pa nito ang ang kaniyang buhok saka dinakma ang kaniyang dibdib. Minsan, may lahing bruha rin ang kaibigan niya.
“Peste ka dzaii! Ikaw na malaki ang cabbage. Na sa`yo na ang korona ng kagandahan. Ikaw na ang pinagpala sa lahat! Ikaw ang nakasungkit kay Frahisto. Peste ka dzaii, anong tilapyang meron ka d’yan at kabog na kabog siya sa ganda mo?”
Ningitian lang niya ang kaibigan at hindi na pinansin ang pagiging exaggerated nito. Dahil napagod siya sa byahe, agad siyang nagpahinga matapos paglutuan ng hapunan ang kaniyang Itang. Tuwang-tuwa ito kanina nung dumating siya. Mas lalo pa itong natuwa nung nalaman na ikakasal sila ni Frahisto sa susunod na dalawang taon.
“Ikaw Odessa, nalunod lang ang barko nagkalablayp ka na.”
Ngumiti lang siya sa panunukso ng kaniyang Itang. Nilagyan lang niya ng pagkain ang pinggan nito. Napapansin niyang mas bumata ito. Lumalablayp din yata ang Tiyuhin niya. Natawa siya sa isiping iyon.
“Papangaralan kita, Odessa. Anak ang turing ko sa`yo at nakikita kong mahal ka ni Frahisto pero sana, kilalanin mo muna kung anong tao siya. Minsan, nagkakamali ang puso at tama ang utak.”
Nagtaas siya ng tingin, “Ano pong ibig niyong sabihin, ‘Tang?”
“Maging handa ka sa sakit at lungkot. Hindi lahat ng pagmamahal puro saya at parang Hapili eber apter, Odessa.”
Hindi siya kumibo. Iyan din ang sinabi ng kaniyang Ama. Dahil suguro, gusto lang ng mga ito na protektahan siya. Naiintindihan niya iyon kaya tatandaan niya ang mga paalala na laging sinasabi ng mga ito sa kaniya.
Nahirapan siyang dalawin ng antok nang gabing iyon. Pabiling-biling lang siya sa higaan. Ang daming nagsipasok sa isipan niya at isa na ro’n, kung sino nga ba talaga si Frahisto? Aminado siya nung una na hindi basta-basta ito at naglilingkod ito sa bayan. Pero sino nga ba ito? Maliban sa kilala niyang Farhistt Fortocarrero ang pangalan nito, may mansion na minana galing sa grand-grand parents, mahilig sa rooftop, perfectionist pero sa ibang bagay lang. Pagkatapos, wala na siyang alam. Hindi niya kilala buong pagkatao nito o kung sino ito. Basta kung ano ang sinisigaw ng kaniyang puso, iyon na.
Bigla siyang napabangon. Masyado siyang naalinsangan kaya lumabas siya habang bitbit ang sabon at tuwalya. Maliligo lang siya sa batis pampakalma para makatulog na. Masyado lang siguro siyang nasanay sa presinsya ng binata kaya nagiging ganito siya.
Sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin, isali pa ang masarap sa pandinig na agos ng tubig. Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka siya humakbang patungo sa batuhan. Sa mababaw lang siya pumwesto at hindi na nag-abalang tanggalin ang damit. Somehow, natatawa siya sa isiping dito siya unang nakita ni Frahisto na walang saplot sa katawan. Namumulang winaglit niya sa isip ang parteng iyon. Baka hindi niya matupad ang mga gusto niya sa buhay kung palaging ito ang iisipin niya. Sa tuwing nasa paligid pa naman ang lalaki, nagiging munggo kalaki ang utak niya at hindi siya makapag-isip ng matino. In short, natatanga siya sa presinsya nito. Matalino naman siya nung nasa kolehiyo siya, kaya nakakapagtaka bakit pag nasa paligid lang si Frahisto, nawawala ang kaniyang utak... Naglalayas.
Nakapikit ang kaniyang mata habang nakababad ang kaniyang katawan sa tubig nang bigla siyang nagulat sa malakas na putok ng baril. Napapiksi siya sa kaniyang kinapipwestuhan at naramdaman ang takot na dumaloy sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya, may masamang nangyari kung ang alingawngaw ng baril ang pag-uusapan. Matagal siya nakiramdam sa paligid kung anong nangyayari, ilang beses siyang humugot ang hininga bago nagpasyang umahon sa tubig. Kailangan na niyang umuwi. Baka nagising ang kaniyang Itang at hinahanap na siya. Pakiramdam niya, kung magtatagal siya... Mas lalo siyang kakainin ng takot.
Inabot niya ang gaserang nakapatong sa batuhan saka binaybay ang daan pauwi. Ando’n pa rin ang feeling na kinakabahan siya. Malayo-layo pa siya sa bahay nang ilang sunod-sunod na sigawan ang kaniyang narinig. Nagkaroon ng commotion.
Sunog!
Dali-dali niyang tinakbo ang daan pauwi para lang magitla sa kinatatayuan. Ang bahay nila... Ang bahay nila ang nakikita niyang nilamon ng malaking apoy.
“Hindi! Itang! Itang! Itangggggg!”
“Odessa, ‘wag!” Nahila siya ni Tina at pinalayo. Panay ang pagpupumiglas niya para takbuhin ang loob at ilabas ang matanda pero niyakap siya nito at dahil mas malaki ito sa kaniya, nagawa siya nitong pigilan.
“Tina, bitawan mo ako! Ang Itang Bartolome ko. Tina, ang Itang ko! Ang Itang ko nasa loob... Kailangan ko siyang iligtas! Bitawan mo ako, ano ba!”
Halos magwala na siya, halos pagkakalmutin niya na ang kaibigan pero hindi siya nito binitawan. Ang tanging nagawa lang niya ay malakas na umiyak habang pinagmamasdan ang malaking apoy na pinagtutulungang tupukin ng mga kapit-bahay.
“O-odessa... S-sa bahay ka muna namin... Delikado rito sa labas. B-baka may makakita sa`yo na buhay ka...”
“Anong ibig mong sabihin?!” Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mata niya at takang napatingin kay Tina. “Anong nakita mo? Ano, Tina? Ano!” nagsimula na naman siyang mag-hysterical pero pinapakalma siya nito. Sunod-sunod na tango lang ang kaniyang sagot habang panay sa pagpatak ang mga luha sa mata niya.
“May... May mga lalaki kanina na nagpunta rito sa bahay niyo. Sisigaw sana ako nung makita kong may mga baril silang dala. Tapos... Tapos bigla silang pumasok sa bahay niyo at nakarinig ako ng malakas na putok ng baril... Lahat kami natakot. Kasunod no’n, binuhusan nila ng gasolina ang bahay niyo at sinunog. Narinig ko... Narinig kong hinanap ka nila bago sila umalis saka kami rumisponde para patayin ang apoy... Odessa! Nasa panganib ang buhay mo!”
Hindi... H-hindi...
Mas lalo siyang nalito. Bakit masyadong mabilis ang pangyayari? Hindi niya maintindihan! Bakit ngayon? Anong kasalanan niya? Nang kaniyang Itang? Sino ang may gawa nito? Sino!
“Itanggggggggg!!!” parang sinaksak ng libu-libong karayom ang kaniyang puso, sa isiping namatay ng walang kamuwang-muwang ang lalaking tinuring niyang pangalawang ama. “Bakit ang Itang ko pa! Tina, maawa ka bitawan mo ako... Ang tiyuhin ko... Ang tiyuhin ko...”
Napakapit siya ng mahigpit sa balikat ni Tina at pilit kumukuha ng lakas dito pero masyadong nakakadurog ang pangyayari... Masyadong mabilis. Hindi niya napaghandaan... Sana, hindi na lang pala siya umalis kanina at nagpunta sa batis. Baka may nagawa pa siya para sa matanda. Baka napigilan niya ang mga pesteng kriminal.
Naramdaman na lang ni Odessa ang paghihina ng kaniyang tuhod at bago pa tuluyang mag-sink in sa kaniyang isipan ang lahat ng nangyari, bigla na lang siyang bumagsak sa lupa.
Frahisto... Frahisto saan ka?
“Odessa! Hoy! Odessa! Odessa!”
MABILIS napabangon si Odessa. “Itang!”
Nag-ikot siya ng tingin at agad napababa sa kama. Akmang tatakbuhin niya na ang kurtinang nakaharang para magsilbing pintuan nang biglang pumasok do’n si Tina. Matagal siyang napatitig sa kaibigan at do’n lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isip, na wala na ang matanda.
“I-itang...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kasunod ang panay bagsak ng luha sa mata niya.
Agad siyang tinakbo ng yakap ni Tina at hinayaan siyang umiyak nang umiyak sa balikat nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang matanda. Na wala na ito... Na iyon na ang huling pag-uusap nila sa araw na iyon. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lang siya nakayakap ng mahigpit dito. Namatay ito sa mapait na paraan at walang kasalanan. Pinatay ng mga taong walang kaluluwa ang taong nandiyan lagi sa kaniya.
“Odessa...”
“Tina h-hindi ko pa rin matanggap! Hi-hindi ko matanggap... Hindi...” halos magkasamid-samid na siya sa pagsasalita pero mas nanaig ang sakit na kaniyang nararamdaman. Kung kailan kakabalik lang niya, eh. Ang alam niya, wala siyang atraso kanino. Wala siyang kaaway. Kaya kung sino man ang pumatay sa kaniyang Itang, marahil isa itong demonyo! Walang puso!
“Dito ka na lang sa loob ng kwarto, Odessa. Huwag na huwag kang lalabas mamaya sa lamay ni Mang Bartolome... ‘Di natin alam, baka and’yan lang sa paligid ang gustong pumatay sa`yo. Baka babalik sila at pag nakita ka, papatayin ka nila... Kaya, dito ka muna Ode... Magtago.” Hinaplos nito ang kaniyang buhok habanh umiiyak din ito. Pareho silang umiiyak sa pangyayaring gumimbal sa payapa niyang mundo. Panay ang kaniyang hikbi at wala yatang katapusan ang luha niya.
Nagtaas siya ng tingin at pinilit ang sariling pakalmahin. “P-pero gusto... G-gusto kong makita ang Itang, T-tina... Hin-hindi pwede na wala ako sa lamay niya. Hindi pwedeng ilibing siya na... Na... ‘Di ko nakikita, Tina! Hindi!” pahikbing anas niya habang pinupunasan ang mata.
“Pero Odessa...”
Yumakap lang siya rito at muling napaiyak. Saan si Frahisto? Saan ang lalaki? Bakit wala ito ngayon? Bakit... Ang sakit naman magbiro ng panahon. Kung kailan kailangan niya ng karamay.
Nung mahimasmasan siya, agad siyang niyaya ni Tina na kumain. Pero dahil wala siyang gana, hindi siya napilit nito. Napansin din niyang umaga na at magtatanghali. Hindi rin siya nito pinayagan na lumabas ng kwarto. Nanatiling nakasirado ang bintana at sabi ni Tina, nagtulong-tulong ang mga kapit-bahay nila para gawan ng kabaong ang kaniyang Itang. Mamayang gabi ang lamay nito at tinawagan na rin ang kaniyang mga pinsan para umuwi.