Sakay sila ng tricycle ni Ted papuntang simbahan. Napakunot ang kaniyang noo nang lingunin niya ang lalaki. Napansin niyang malalim ang iniisip nito at parang may bumagababag. Pabirong kinalabit niya ito sa tagiliran. Napapitlag naman ito sa kaniyang ginawa.
“Ang layo na yata nang narating mo, ah.”
“Ah... Kasi—”
“Ano?”
Ilang beses itong humugot ng hangin at bumuntunghinga, “Wala naman. Naiisip ko kasi, ito ang kauna-unahang papasok ulit ako sa simbahan. Makasalanan kasi akong tao.” Saka ito tumawa.
Pabirong inirapan lang niya ito. Mabait si Ted, iyon ang pagkakilala niya sa binata. Dayo ito sa kanilang lugar at piniling magbakasyon sa Baryo Hunasan. Dahil mabait ito at mahilig siyang pangitiin, naging magaan ang kaniyang loob sa lalaki. Wala siyang pakialam sa mga naririnig na tsismis ng kaniyang mga kapit-bahay, na dalawa-dalawa ang kaniyang lalaki at wasak na siya. Ganiyan naman talaga ang role ng mga kapit-bahay minsan, malakas mangtsismis at malala pa sa CCTV.
“Andito na pala tayo sa simbahan!” Nauna siyang bumaba. Sumunod naman sa kaniya si Ted matapos itong magbayad sa mamang driver.
Nilibot niya ang kaniyang paningin. Maraming taong papasok sa loob at saktong-sakto sa pagdating nila. Agad siyang hinawakan sa braso ni Ted at niyaya ng pumasok agad sa loob. Nawewerduhan siya sa inakto ng binata. Para itong natatae na ewan.
Sa likod sila pumwesto dalawa. Tahimik siyang nakikinig sa bagong Pari na galing sa ibang bansa at nagbibigay pangaral at gabay sa mga taong nando’n sa loob ng simbahan.
“In the 5th chapter of the gospel as recorded by Saint Matthew, we read these very arresting words flowing from the lips of our Lord and Master: ‘Ye have heard that it has been said, ‘Thou shall love thy neighbor, and hate thine enemy.’ But I say unto you, Love your enemies, bless them that curse you, do good to them that hate you, and pray for them that despitefully use you; that ye may be the children of your Father which is in Heaven.”
Marahang pumatak ang luha sa kaniyang mata habang pinakikinggan ang sinasabi ng Pari. Paano ba mahalin ang kaaway? Kung ito ang dahilan kung bakit siya nagkaro’n ng matinding trauma? Paano ba mahalin ulit si Frahisto kung ito ang rason bakit siya nasasaktan? O baka ito ang magiging rason na mawawala ang mahal niya sa buhay. May bagay talaga na kahit minsan, mahal na mahal mo ang isang tao pero hindi pwede. Hindi kayo para sa isa’t isa at ramdam ni Odessa iyon.
“Okay ka lang?”
Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha saka siya napalingon siya kay Ted at tumango rito. “Oo naman. Naiiyak lang ako sa message ni Father.”
Ngumiti lang ito at ginanap ang kaniyang kamay. Nagtatakang napatingin siya rito. Anong drama ng lalaki at may pahawak-hawak ito sa kamay niya? Iwawakli sana niya ang kamay nito nang magsalita ang binata.
“Kaibigan pa rin ba ang magiging tingin mo sa ‘kin kung sakaling traydurin ko ang tiwala mo?”
Napaurong siya sa deritsahang tanong na iyon ni Ted. Ano ba ang gustong ipahiwatig nito? “Huwag mong sabihin isa ka rin Pulis na nagbabalat kayong isang ordinaryong mamayan? Naku, Ted! Tigil-tigilan mo ako. Masasapak kita talaga.”
Hindi na ito muling umimik sa kaniyang sinabi. Tumingin lang ito sa harapan kung saan patuloy na nagbibigay ng pangaral ang Pari. Mas lalo siyang nalito. Iba ang kinikilos nito ngayon. Hindi ito ang Ted na una niyang nakilala. Maingay ito at maraming kwento pero iba ngayon, kinakabahan siya na ‘di mawari.
Hanggang sa matapos ang first mass, aligaga pa rin ito sa kinauupuan. Panay lingon ito at napapasulyap sa kaniya saka mapapabuntunghinga.
“Ted, okay ka lang ba? May masakit ba sa`yo?”
Sandali itong tumigil at humarap sa kaniya. “Goddess, listen. May sasabihin ako sa`yo pero ‘wag dito.” Hinila siya nito sa likuran ng simbahan kung saan walang masyadong tao.
Agad niyang hinila ang kamay na hawak nito at bahagyang tinulak ang lalaki. Kung sakaling may gagawin itong masama sa kaniya, makakatakbo siya agad at makakapagsigaw ng tulong. Kinakabahan siya sa inasta nito ngayon.
“Paglabas natin dito, may mga taong nasa loob ng van nakaabang sa ‘tin. Ikaw ang kailangan nila.”
“A-ano?!”
“Yes, you heard me right. Magtiwala ka sa ‘kin, this time.” Hinawakan siya nito ng mahigpit sa kamay. “Totoong Goddess ang pangalan mo pero hindi ka isang Elairon. Ikaw ang assignment ko pero hindi kita kayang dalhin sa kanila. Kaya ang kailangan natin gawin, itakas ka at ilayo. Wala na tayong oras, kanina pa sila nakabantay sa labas ng simbahan.”
Akmang hihilain siya nito pero winakli niya ang kamay ni Ted at gulong-gulong napahakbang papalayo. Ano ba ang nangyayari rito? Hindi naman yata ito napasma dahil malabong mangyari iyon. Hindi siya isang Elairon? Nag-joke ba ito? Halata kasing ‘di nakakatuwa.
Mabilis siyang umiling at masamang tiningnan ang binata. “Isa ka rin sa kanila...” Nagsimulang manginig ang kaniyang katawan nang banggitin niya ang mga katagang iyon.
Matagal ito bago nakasagot sa kaniyang tanong. “I’m sorry... Ginawa ko lang ang trabaho ko. Dapat nung nung nakaraan pa kita binigay sa kanila pero dahil andiyan lagi ang mga tao ni JV at Fortocarrero, hindi ako makagalaw. But in the end, nagbago ang isip ko, Goddess. Hindi kita pwedeng ibigay sa kanila. Masamang tao ako pero ewan at pagdating sa`yo, pakiramdam ko sobrang makasalanan ko. Now please, believe me! Only Farhistt Fortocarrero can help you... Siya lang ang pwedeng sandalan at pagtaguan mo—”
“Wait! Kilala mo ang taong iyan?”
Tumango ito, “I don’t have time to explain. We need to hurry. Nagbigay na ako ng anonymous signal kay Mr. Fortocarrero and anytime, andito siya para kunin ka. Please, just trust him this time. Nung nakaraang buwan ko lang nalaman na ikaw ang totoong anak ni Mr. Philco. Nung una, nag-alangan ako pero kalaunan na-confirm ko sa pamamagitan ng DNA test na ginawa ko na hindi mo alam. I’m sorry kung ngayon ko kang ito sinabi pero hindi pa huli ang lahat. All you need to do, is to trust me. Trust me this time, okay? Hindi kita kayang ibigay sa kaaway.”
Sunod-sunod siyang napailing-iling sa sinabi ng binata. Sa daming salitang lumabas sa bibig nito, wala siyang naintindihan kahit isa o wala lang siyang planong intindihin. Dahan-dahan siyang napahakbang papalayo sa lalaki. Kilala nito si Farhistt. All awhile, akala niya isang simpleng tao lang din si Ted at walang dalang kamalasan sa buhay niya pero ngayon, panibagong panganib na naman ang dala.
Trust? Paano siya magtiwala rito?! Dalawang buwan niya itong nakakasama sa baryo at naging malapit na kaibigan pero mukhang mali na naman yata siya ng taong nilapitan. Lagi na lang!
“Goddess, wait!”
Narinig niya ang malakas na sigaw ni Ted pero tumakbo na siya papalayo. Tama si Farhistt; ‘Huwag basta magtitiwala sa kung sino.’
Bigla siyang nag-hysterical nang isang malakas na bisig ang humila sa kaniyang kamay at isinandal sa isang tabi. Agad din nitong tinakpan ang kaniyang bibig para hindi siya makagawang sumigaw pa.
“Odessa! It’s me, Frahisto. Calm down, calm down.”
Sa narining na pangalan ng binata, kumalma siya. Pero agad din umusbong ang galit sa puso niya sa isiping si Ted at Farhistt ay iisa. Iisang galaw ng bituka at ito ngayon, nagdala na naman ng panibagong panganib sa kaniyang buhay. Paulit-ult na lang ang ganito! Akmang itutulak niya ito papalayo sa kaniya pero m as lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniya.
“Vida Mia, listen to me! Your life is in danger. You have to trust me, okay? Hindi na ako ang kailangan dito kundi ikaw. Ngayon kung gusto mo mabuhay at makita pa pamilya, you need to trust me. Don’t worry, your family is safe. Hindi nila magagalaw ang pamilyang kumupkop sa`yo nung sanggol ka pa lang.”
Pinilit niyang intindihin ang sinabi nito pero mas lalo lang siyang naguluhan. Kabilang banda ng kaniyang utak, gusto maniwala pero ang kabilang bahagi, hindi. Namalayan lang niyang tinutulak ito papalayo pero hindi natinag ang binata.
“Fortocarrero! Umalis na kayo.”
Nilingon lang nito si Ted na nagsasalita at tumango. “Tayo na, Odessa.”
“Ayuko!”
“Mamatay ka rito kung hindi ka sasama sa ‘kin.”
“Mas pakiramdam ko, mamamatay ako kapag ikaw kasama ko. Pwede ba? Tigilan niyo ako sa kadramahan niyong dalawa! At ikaw Ted, nagtiwala ako sa`yo pero isa ka rin pala. Oh wait, Ted ba talaga ang totoong pangalan mo” Natawa siya ng pagak. “Bitawan mo ako! Ano ba?!”
“And’yan na sila.” Si Ted ang nagsalita.
Malutong na mura naman ang narinig niya kay Frahisto at hinila na siya nito paikot sa likod ng simbahan. Wala siyang magawa kundi mapasunod sa lalaki. Dahil oras na makawala siya sa pagkakahawak nito, tatakbo siya papalayo.
Iang sandali pa, nakarinig siya ng malakas na putukan sa paligid. Napasigaw siya sa takot at hindi alam ang gagawin pero ang makitang hawak-hawak ni Frahisto ang kaniyang kamay, saglit siyang kumalma.
Ayaw na ayaw niya ng makarinig ng putok ng mga baril. Nati-triggered ang takot na binaun niya na sa limot.
Sa isang silid sila pumasok habang mahigpit pa rin ang hawak nito sa kaniyang kamay. Nagulat ang ibang mga Madre na nando’n nang makita sila pero sinenyasan ito ng lalaki na ‘wag maingay at humingi ng pasensya. Agad naman naintindihan ng mga ito ang kanilang sitwasyon saka siya hinila nito papasok sa isang silid pa.
“Ano ba!” Winakli niya ang kamay nito at lumayo. “Bakit ba sa tuwing nand’yan ka sa paligid, parang kapalit ang buhay ko? Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na nakilala kita o magagalit sa sarili ko kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa`yo at mahulog. Ang daming nagulo simula nung dumating ka, eh!” malakas na sigaw niya rito habang walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
Nagsimula siyang mangatog sa takot. Akmang lalapitan siya nito pero hinarang niya ang kaniyang kamay at ilang beses na umiling. Hindi nito naiintindihan ang sakit na sumugat sa buong pagkatao niya.
Matagal lang siya nitong tinitigan na parang tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Ganiyan ba kalaki ang galit mo sa ‘kin?”
“Oo.”
Humugot ito ng malalim na buntunghinga at napakuyom ng kamao. Humigpit din ang hawak nito sa baril na dala at umilap ang tingin na binigay sa kaniya. Basta lang itong nakatingin sa pintuan na kanilang pinasukan. Saka lang napansin ni Odessa, nasa Sacristy Room sila. Bahagya niyang nakagat ang labi at humugot ng malalim na hangin saka niyakap ang sarili.
“Ayaw mo na ba talaga sa ‘kin?”
Mabilis siyang tumango, “K-kung maari lang sana, ‘wag na rin mag-krus landas nating dalawa pa. Ayuko ng pauli-ulit na makita ang mukha mo, Mr. Farhistt Fortocarerro. Dahil alam kong lahat ng nangyaring kamalasan sa buhay ko ngayon, lahat ng gustong pumatay sa ‘kin ay dahil sa`yo. Akala ko nung una kasi, kaya ko... Na tanggap ka kung ano ka, na kahit isa ka pang kriminal, mamahalin pa rin kita kasi kaya mo akong proteksyunan tulad ng sinasabi mo pero nag-iba. Nag-iba kasi pibayaan mo ako, kami ng Itang ko na mahulog sa kamay ng kaaway mo. Kaya kung matalino ka, kung talagang mahal mo ako... Sundin mo ang kagustuhan kong makawala sa`yo dahil pagod na pagod na akong tumakbo.”
“Vida Mia...”
“Isang tawag pa sa ‘kin ng ganiyan aalis ako rito at wala akong pakialam kong makasubong ko ang mga pesteng gustong pumatay sa ‘kin!” galit na pinunasan niya ang kaniyang luha at masamang tiningnan ito.
Nagbaba ito ng tingin at hindi nakaligtas sa kaniya ang pagpipigil nitong ‘wag maluha sa kaniyang sinabi. Ngayon, patas na sila. Patas na sila kung sakaling nasaktan man ito sa kaniyang sinabi. Binawi niya ang kaniyang tingin at sumandal sa isang tabi. Pakiramdam niya, mauubos ang kaniyang lakas kaya pinipilit niyang kalmahin ang sarili. Hinang-hina siya. Hindi niya alam kung dahil ba sa kaniyang sinabi kay Frahisto or sa na-triggered ang takot na naramdaman niya. Alin man sa dalawa, wala na siyang pakialam. Masyado siyang maraming iniisip tapos dagdag pa ang mga kasinungalingan na pinagsasabi ng mga ito?
Siya? Hindi isang Elairon? Hindi siya tanga para maniwala. Alam niyang totoong anak siya ng kaniyang Inang at Itang. Hindi siya ampon kahit sabihing siya lang ang pinagpala sa kanilang magkakapatid at magkaiba sila ng mukha at kulay.
Bigla siyang napakislot nang marinig ang malakas na kalabog. Napasiksik siya sa isang tabi at tinakpan ang magkabilang teynga. Ayaw niya ng maulit ang nangyaring iyon! Ayaw niya ng makakita ng dugong nagsikalat sa kaniyang katawan. Baka mabaliw siya ng tuluyan kapag makakita pa siya ulit ng taong patay na babagsak sa harapan niya mismo.
“Odessa!”
Naramdam niya ang presinsya ni Frahisto sa kaniyang harapan.
“Lumayo ka!”
“Huwag kang maingay. Andiyan lang sila sa paligid.”
Napahikbi siya. Bakit sa tuwing tinutulak niya ito papalayo, mas lalo lang itong lumalapit? Hindi siya sumagot. Hinintay niyang mawala ang kalabog sa paligid. Habang nasa unahan lang niya si Frahisto at nakaumang ang baril sa pintuan.
“Pagkatapos nito Odessa, ibabalik kita sa tunay mong pamilya at pangako... Hindng-hindi na kita gagambalain. Ito na ‘yong una’t huli na makikita mo ako. Pangako ‘yan.”
Pinikit niya ang kaniyang mata. Sunod-sunod na putok ng malalakas na uri ng baril ang kaniyang narinig at nagsimulang umikot ang kaniyang mundo. Nagsisiksik siya sa isang tabi habang pinipilit ang sariling ‘wag marinig ang kung anong ingay na galing sa baril. Natatakot siya...
“Ayuko na! Ayuko na... Tama na!”
Isang mahigpit na yakap ang kaniyang naramdaman. Hinahaplos ang kaniyang buhok at siniksik sa malapad nitong dibdib. Hindi niya na magawang magreklamo o itulak si Farhistt. Basta ang gusto niya, matigil ang palitan ng barilan sa paligid. Gusto niya ng umuwi. Gusto niya ng makawala sa bangungot na ito...
NAPASINGHAP si Odessa nang magmulat siya. Agad niyang nilibot ang paningin at do’n lang tuluyang nag-sink in sa utak niya ang nangyari. Bahagya siyang natigilan at nakagat ang labi. Saka niya napansin ang isang matandang lalaki na tingin niya’y nasa late 60’s nito. Napatitig siya sa matanda. Nakaupo lang ito sa single sofa at nakangiting pinagmasdan siya na buong pagmamahal. Halos mangiyak-ngiyak ito habang nakatingin sa kaniya.
“S-sino kayo? Bakit ako nandit—” natigilan siya. May bahagi ng kaniyang pagkatao ang kumislot. Ang matandang nasa harapan niya ngayon, ito ba ang sinasabi ni Ted at Frahisto na... Ama niya?
Napalunok siya at matagal itong tinitigan. Magkahawig na magkahawig sila. Sa mata, sa tangos ng ilong at sa shape ng mukha. Napailing siya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luhang lagi siyang tinatraydor. Mababaw lang talaga kahit kailan ang kaniyang luha.
“Goddess... Anak...”
Para siyang nabulunan at nahirapan siyang lunukin iyon. Basta lang sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi nga niya magawang pahintuin iyon. Napapansin din niyang nanginginig ang kaniyang kamay at katawan. Ang daming pumasok sa utak niya na puro katanungan pero isa lang ang tumatak, tinawag siya nitong anak.
Namalayan na lang niyang niyakap siya nito nang sobrang higpit. Tuluyang nawala lahat ng agam-agam niya at gumanti ng yakap sa matanda. Garalgal ang kaniyang boses at kasabay ang pag-flashback sa utak niya kung paano at bakit siya narito sa bahay na ito... Kaharap ang matandang tunay niyang ama...
“Odessa makinig ka, kailangan mong magtiwala sa ‘kin. Hindi kita hahayaan this time.”
Tumango lang siya at sunod-sunod ang malakas na putukan ng baril. Mariin niyang kinagat ang labi at mariing pinikit ang mata. Kahit papaano, naramdaman niyang ligtas siya sa init na yakap na ginawad ni Frahisto. Kumalma siya pero ando’n pa rin ang takot na matagal tanggalin sa kaniyang buong pagkatao.
Napasigaw siya nang gumanti ng barilan ang lalaki. Naiiyak siyang itinayo nito at idiniin sa katawan nito para ‘di niya makita ang gagawin. Para siyang batang paslit na nakatago sa dibdib nito. Ilang minuto lang ay biglang naging tahimik ang paligid. Parang walang nangyari.
“Vida Mia...”
Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin at hilam sa luha ang kaniyang mata nang magdaop ang kanilang mata dalawa. Napahikbi siya. Naramdaman niya ang mainit at masuyong pagmamahal ng lalaki nang punasan nito ang kaniyang luha, gamit ang daliri nito.
“Shh... Andito ako... Walang pwedeng manakit sa`yo.”
Nakagat niya ang labi at sunod-sunod lang sa pagpatak ang kaniyang luha. Bakit nasasaktan siya sa kislap ng mata ni Frahisto?
“Iuuwi na kita sa totoo mong Ama...” Lumayo ito sa kaniya at nagbigay ng distansya.
Agad naman siyang nabuwal sa pagkakatayo. Wala siyang magawa nang pangkuin siya nito. Walang reklamong lumabas sa kaniyang bibig, basta lang pumapatak ang kaniyang luha habang nakatitig lang siya sa mukha nito. May kung ano sa puso niya ang nagtulak na haplusin ang pisngi ni Frahisto at ‘yon nga ang kaniyang ginawa...
“K-kayo ba ang totoong ama ko?” Sunod-sunod na tumango ang matanda nang lumayo na ito sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang saya sa mukha nito. Kitang-kita niya ang hitsura ng isang ama na matagal nangulila sa isang anak. “P-pero bakit... Bakit hindi kayo ang namulatan ko?”
Dumaan ang kalungkutan sa mata nito pero mabilis din nawala, “Itinakas ka ng Ina mo sa ‘kin papunta sa lalaki niya. Pero sa kasamaang palad, namatay siya sa aksidente. Nabangga ang sasakyan at wala ka. Kaya inisip ko, baka may nakakuha sa`yo at matagal din bago kita nakita, anak. Ang laki mo na!”
Marahan siyang tumango at tipid na ngumiti. Kung gano’n tama nga si Ted at Frahisto... Pero saan ang lalaki? Agad niyang inikot ang paningin pero wala maski anino nito.
“Si Mr. Fortocarrero ba, anak?”
Napatingin siya sa matandang ama niya at mabilis na tumango. “Saan ho siya?”
“May inabot lang siya sa ‘kin.” Binigay nito sa kaniya ang maliit na bagay. Singlaki lang iyon ng flashdrive at may maliit na button. “Ang sabi niya ‘pag nagising ka, ibigay ko iyan at pakinggan mo kapag maayos ka na.”
Hindi siya sumagot. Basta lang siyang nakatitig sa maliit na bagay na hawak. Ano ‘to?
“Sige hija, iwan muna kita saglit at tingnan ko lang ang pinahanda ko kay Yaya Idang na dinner. Alam kong gutom ka na.” ngumiti ito at marahan ang bawat galaw nitong nagtungo sa pintuan.