Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 14

Wala sa sariling dinala niya malapit sa teynga ang bagay na binigay sa kaniya ni Frahisto. Pinisil niya ang maliit na button at awtomatikong nag-play iyon.

Vida Mia,

Tulad ng pangako ko, ibinalik kita. At tulad din ng pangako ko, hindi na kita gagambalain pa, Odessa.

Binaba niya ang kamay at nakatungangang napatitig sa kawalan. Mapait siyang ngumiti sa isiping tinupad na rin nito ang pangako, tuluyan na siya nitong layuan at... Nasasaktan siya pero iyon ang dapat.

Bumaba siya ng kama. Ilang beses niya munang tinimbang ang sarili kung kaya niya bang humakbang at baka sahig ang sasalo sa kaniyang mukha. Nang kaya nang mga tuhod niya, agad siyang nagtungo sa pintuan at lumabas.

Unang bumungad sa kaniya ang mahabang hallway. Magandang interior design at marmol na sahig. Napailing-iling siya, naalala niya ang bahay ni Frahisto. Kung paano niya tinakbo-takbo bawat pasilyo sabay silip ng bawat rooms. Memoryado nga niya halos bawat rooms at kung saan ang master bedroom na sinisilip niya sa tuwing naliligo ang lalaki at lumalabas itong nakatapis lang ng tuwalya.

Hinayaan niya ang kaniyang paa kung saan siya dalhin. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sariling bumaba ng hagdanan. Isa lang ang pumasok sa kaniyang utak nang sandaling iyon, mayamang tao ang tunay niyang Ama. Natigilan lang siya nung makita ang portrait niya nung nasa baby pa siya. Nakahilira ang mga iyon hanggang sa nakababa siya ng hagdan. Ang cute niya pala nung bata pa siya.

“Anak, buti ‘di ka naligaw!” Sinalubong siya ng Ama niyang may pag-alala ang boses.

“Hindi naman po. Malaki lang ang bahay pero hindi naman nakakaligaw. Saan ho pala sina Itang at Inang?”

Ngumiti ito at giniya siya papuntang kusina. Para siyang natuod nang makita ang kompleto niyang pamilya na nakaupo sa mesa at masayang nagpapalitan ng asaran ang kaniyang dalawang makulit na kapatid.

“And’yan na si Ate!”

Mabilis siyang tumakbo papalit sa mga ito at yumakap. Kahit hindi niya tunay na pamilya ang mga ito, alam ng puso niya na mga ‘to ang kaniyang hahanapin. Mahihirapan siya nito pero pipilitin niya. Akala niya, may masamang nangyari sa mga ‘to. Takot siya sa isiping may nadamay na naman.

“Odessa, anak...”

Tuluyan siyang napaiyak. Imbes na maghapunan sila nang gabing iyon, kinwento ng mga ito kung paano siya napunta sa pamilyang Elairon at saan siya nakita. Nag-iyakan lang ang kaniyang dalawang kapatid pero ang kaniyang kuya at asawa nito, nanatiling kalmado sa upuan.

Nahirapan siya kung paano tanggapin lahat dahil sa totoo lang, para siyang nasa isang bangungot. Nakakalito at nakakabaliw ang mga pangyayari. Akala niya, sa mga movies lang ito nangyayari. Sino ba ang mag-aakalang isa siyang anak ng negosyanteng isa sa nagmamay-ari ng mga pagawaan ng chocolates? Hindi niya pinangarap na maging isang anak ng mayaman. Buhay mahirap lang, kontento na siya. Makakain ng tatlong beses sa isang araw, masaya na siya ro’n.

“Si Frahisto...”

Agad napanting ang kaniyang teynga at napatingin sa kaniyang Itay na nagsalita, “Po?”

“Nagpaalam siya sa ‘min kanina. Hindi ka na raw niya gagambalain pa. Kinwento rin niya ang dahilan kung bakit nagkaganito kayo at lagi kang umiiyak sa tuwing nagigising ka. Humihingi siya ng patawad, anak.”

Frahisto... parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamuna nang sambitin niya ang pangalan ng binata.

“OKAY ka lang ba rito, anak?”

Napalingon si Odessa sa Ama. Nakangiti ito at kitang-kita sa mata ang kontento ngayon magkasama na silang mag-ama. “Naman ‘Pa! Anak mo kaya ako. Ako si Goddess Hera Elairon slash para damang-dama— Philco. ‘Pa, bakit ang haba naman kasi ng pangalan ko!”

Natawa ito sa kaniyang tanong at naiiling. Nasa factory sila kung saan siya nagti-training bilang normal na employee. Gusto niyang matuto kung ano ang kalakaran ng Factory at nang Company.

“Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo, hija. There’s a plenty of time to learn. Sa ngayon, sabayan mo naman ang gwapo mong ama na kumain ng tanghalian.”

Bumungisngis lang siya sa sinabi ng matanda. Ang swerte niya sa kaniyang Ama. Agad niyang iniwan saglit ang trabaho para lang matigilan.

“Hindi pa lunch break, ‘Pa. May 10 minutes pa, oh.” Tinuro niya ang malaking orasang nasa dingding.

Napakamot naman ng ulo ang matanda. “Oh, I’m sorry. Hintayin ko na lang ang napakaganda kong anak dito na matapos para masabayan niya ang kaniyang gwapong Ama.”

Pabirong inirapan lang niya ang kaniyang Ama at sinulit ang natitirang sampung minuto. Simula nung araw na dinala siya ni Frahisto sa kaniyang totoong pamilya, tinuruan niya ang sariling maging busy. Hindi niya hinayaan dalawin o gambalain siya ng mga alaala nito. Sa tulong ng kaniyang ama at nang pera, naipagamot siya nito sa isang magaling na psychologist. Kahit papaano, tuluyan niyang natanggap na hanggang do’n lang ang buhay ng kaniyang Itang. Ang pangarap na maging teacher, bigla rin nagbago kasabay ng pagbago ng buhay niya kasama ang kaniyang Ama.

Ang Itay Orlando niya, Inay at mga kapatid, hindi niya na pinabalik sa Baryo. Binigyan ito ng bahay ng Ama niya at trabaho. Isang furniture na gustong-gusto ng gwapong Tatay niya at sa kaniyang Ina, may kalakihang tindahan. Habang ang dalawang kapatid niya, ang kaniyang Ama rin ang bahala sa pag-aaral ng mga ito. Ang kaniyang kuya, sa Factory binigyan ng trabaho at bahay kasama ng asawa at pamangkin niya.

Nasa canteen sila ng kaniyang ama at kumakain nang magsalita ito.

“Hindi mo ba siya namimiss, anak?”

Sandali siyang natigilan at nagtaas ng tingin. “Kain na lang ho tayo, ‘Pa. Sa ngayon ayuko siyang isipin. Kayo muna ang pagtutuunan ko ng pansin po.”

Ngumiti lang ito at tumango, “Basta anak, pag hindi na kaya ng puso...”

“Papa...”

Tumawa ito at nagtaas ng kamay. Pabirong inismiran na lang niya ang kaniyang Ama. Halos lahat ng employees, napapatingin sa kanila. Masyado kasi silang ordinaryo ng kaniyang Ama at nakikisabay lang na kumain sa mga ito sa canteen. Ayaw nga niyang tawagin siyang Ma’m ng mga ito. Saka na siguro kung nasa taas na posisyon, kaya laging naiilang ang mga tauhan ng kaniyang ama na tawagin siya sa kaniyang pangalan.

“Talaga bang siya ‘yong anak ni Mr. Philco?”

“Mukhang hindi naman yata. Baka sugar daddy niya kamo. Kaya papa tawag niya at tingnan mo, lagi silang magkasabay kumain at sweet sa kaniya ang boss natin. Hinuha ko, hindi siya anak.”

“Tama. Pinapalabas lang ni boss na anak si... Anong pangalan nga niya? Goddess Hera? Ang bantot!”

Naiiling na lang si Odessa sa tsismisan ng tatlong employees na babae. Kaka-out lang nila at naabutan niya ang mga ito sa locker. Hindi man lang napansin ng mga babae na ando’n siya. Pero imbes na magalit at pahiyain ang mga ito, pinili niyang hindi pansinin bawat salitang nanggagaling sa bibig ng tsismosa.

Nang makita ang mga ‘to ang kaniyang presinsya, agad nagsitahimik ang mga ito at nagsisinyasan. Eksaktong tumunog ang kaniyang cellphone na agad niyang kinuha sa loob ng locker. Ang kaniyang gwapong Ama. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng tatlong tsismosa sa likod niya.

“Hello ‘Pa? Oo, lalabas na po. Ha? Hindi. Kakakuha ko lang sa cellphone ko sa locker. Wala naman. May narinig akong issue about sa ‘tin ‘Pa, na sugar daddy kita.” Tumawa siya ng malakas at sandaling humarap sa mga ‘to. Ngumiti siya ng matamis. Agad nawalan ng kulay ang tatlo. “Ha? Naku! Huwag na ho, ‘Pa. Sa mukha pa lang natin na parang pinagbiyak na bunga, iti-tsismis pa na sugar daddy kita? Baka nabulag sa inggit ho. Hayaan na lang natin ho. Mga gano’ng tao, hindi umuunlad dahil puro inggit at tsismis lang ang alam, ‘di ba ‘Pa? Sige po, papalabas na ako.” Agad niyang pinatay ang cellphone at mabait na ngumiti ulit sa mga ito.

Kumaway pa siya at halos gusto niyang matawa kung paano tinakasan ng kulay ang tatlo at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Pasalamat talaga ang mga ito, pinalaki siyang mabait ng kaniyang magulang. Nasa bungad pa lang siya nang parking lot kung saan naghihintay ang Ama niya nang bigla siyang mapahinto.

Frahisto!

Tinitigan pa niyang mabuti ang isang spot ng parking area kung saan nakita niya ang lalaki pero wala na ito. Napangiti siya ng mapait. Ito ang kaniyang gusto pero bakit ‘di siya masaya? Pinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. Napapansin niyang lagi siyang ginagambal ng presinsya ni Farhistt o Frahisto. Lagi niya itong nakikita kahit wala naman ito. Hindi naman siguro ito nagmumulto.

“Okay ka lang?”

Napatango siya sa tanong na iyon. Napansin niyang kanina pa pala nakatingin ang kaniyang Ama at hinihintay siyang pumasok na sa loob. May family driver sila na nakatingin din sa kaniya.

“Yes po.” Napabuntunghinga siyang pumasok saka niya pinilig ang ulo.

No, what they had was part of the past. Wala na siyang dapat pang balikan. Ang sabi ng psychologist, kung gusto niyang gumaling ng tuluyan at mawala ang matinding traumang nakuha niya... Kailangan niyang tanggapin ang ibang bagay at kalimutan ang kailangan kalimutan. Iyon lang ang paraan para tuluyan siyang mamuhay ng normal.

“Nga pala, anak... May business meeting akong pupuntahan sa China—”

“Sama ako.”

“Ha?”

“Sama niyo ako. Matanda na kayo, ‘Pa at hindi kayo dapat ang nasa ganitong posisyon. Dapat nagpapahinga kayo, nagbabakasyon, nambababae at palitan si Mama. Saka kailangan ko rin matuto. Dalawang taon na pagti-training sa company at pagpasok sa factory ay ‘di pa sapat. Masyado ho kulang ang kaalaman ko. Asikasuhin niyo na lang lovelife niyo, ‘Pa.”

Malakas na halakhak nito ang pumuno sa loob ng sasakyan. Inubo pa ito kaya napilitan ang driver nila na ihinto ang sasakyan at siya naman, binigyan ito ng tubig.

“Nagmana ka talaga sa Ina mo! Ganiyan-ganiyan magsalita. Pero siya, you’re right. I’m old and... need a lovelife?” naiiling ito sa pabalik na tanong. “Okay, okay. Aalis tayo by Wednesday night. Ikaw ang magiging secretary ko that time, ‘nak.”

Ngumiti lang siya at tumango. That would be perfect! Malaki ang kaniyang pinagbago sa loob ng dalawang taon. Hindi na siya ang Odessa na dati, inosente at tatanga-tanga. Pina-workshop siya ng proper etiquette at kung paano makipaghalubilo sa mga tao. Masasabi niyang, nag-iba siya sa panlabas pero sa loob... Nanatiling nakaukit ang pangalan ng lalaking kahit pinipilit niyang kalimutan, ando’n pa rin. Hindi nawawala. Nanatili lang sa pinakasulok ng kaniyang puso. Pero hanggang do’n na lang iyon. Siguro, hanggang doon lang talaga sila. Siya ang nagtulak palayo rito kaya dapat panindigan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.