Nakahanda na ang kaniyang maleta at nasa sasakyan na. Aalis na sila papuntang China. Hinihintay na lang niya ang kaniyang Ama na bumaba. Nang makitang bumaba na ito ng hagdanan, sinenyasan niya ang family driver nila na i-start na ang sasakyan.
Naging maayos naman ang byahe nila. Siya na rin ang pumili ng hotel kung saan sila nag-stay mag-ama. Kaniya-kaniya silang kwarto ayon na rin sa kagustuhan nito. Ang ka-business meeting nito, dalawang Chinese at isang American.
Pabagsak niyang hiniga ang kaniyang katawan sa malambot na kama. Dahil sa pagod, agad siyang hinila ng antok. Sana, tigilan na siya ni Frahisto dalawin sa panaginip... Sana...
Natapos ang meeting nila ng Ama niya. Close deal. Tinanggap nito ang offer nila na mag-invest sa Philco Bites & Chocolates. Hindi lugi ang mga ito dahil hindi pahuhuli ang product nila pagdating sa market. Laging nasa top 1 ang product nila kaya hindi na rin siguro nagdadalawang isip ang mga ‘to.
Gusto sana niyang samahan ang kaniyang Ama na maghanap ng forever nito pero pinili niyang manatili sa hotel. Hinayaan niya lang ang matandang Don na sumama sa mga kumpare’s nito na dito lang sa China naka-base. Magsasaya raw ang mga ito sa isang restaurant at dahil puro matatanda ang mga kasama, nagpaiwan lang siya. Mamaya ay pupunta siya sa malapit na mall para mamili ng pasalubong sa kaniyang dalawang makulit na kapatid at kuya. Isama na rin sa mga makukulit niyang pamangkin.
“Anak okay lang ba talaga sa`yo? Pwede ka naman sumunod dito sa—”
“Papa naman!” naiiling siyang natawa. Palagi itong nag-aalala sa kaniya simula nung malamang may gustong kumuha sa kaniya. Naging panatag lang ang loob nito nung nalamang nakakulong at patay na ang iba. “Yes, I’m okay. Enjoy mo lang ‘yan po. Puro lang po kasi kayo, negosyo at ako. Andito lang ako, Papa. Hindi ako mawawala ulit. Ang gusto ko, magkajowa kayo.”
“Oo na, sige na. Dumating na rin ang order namin pagkain. Bye, hija.”
Binaba niya ang phone at nagpasyang mag-shower. Mamaya na siya magpagulong-gulong sa kama at mag-isip ng kung ano pa pwedeng gawin para sa ikakaunlad lalo ng kompanya.
Isang strapless yellow fitted dress ang suot niya na bumagay sa kaniyang maputing balat. Nakalugay ang kaniyang buhok at pinaresan niya ito ng puting sapatos. Kahit papaano, alam niya na kung paano magdamit ng maganda. Napangiti siya sa sariling repleksyon sa salamin, ibang-iba siya sa dating Odessa. Hindi siya pang-bundok tingnan. May class siya ngayon at lahat ng iyon, dahil kay Frahisto.
Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at pinalis sa isip ang mukha ng lalaki, nalulungkot lang siya sa tuwing naaalala ito. Ginusto niya ang lahat kaya dapat panindigan niya. Isa lang naman ang kaniyang gusto, ang sana ay makalimutan siya ni Frahisto at mapatawad sa kaniyang ginawa.
Nagsimula na siyang mamili ng pwedeng pasalubong. Kahit naging instant mayaman siya ngayon, alam pa rin niya paano magtipid lalo na at hindi niya ito sariling pera. Though, pinagtatrabuhan niya iyon pero masamang magwaldas ng pera sa bagay-bagay na hindi naman masyadong kailangan.
Napagiti siya nang makitang kompleto na ang kaniyang pinamili. Tumambay muna siya sa isang Japanese Food at nag-order ng Grilled Salmon, Noodle Soup at Philadelphia Roll. Tahimik lang siyang kumakain at hindi pinapansin ang ibang couple na ando’n, masayang kumakain. Mali yata siya ng napiling lugar. Dapat pala sa isang fast food na lang siya at para hindi siya maging bitter.
Nag-text muna siya sa matandang Don kung saan siya at babalik ng Hotel pagkatapos. Hindi niya na hinintay na mag-reply ito, deritso lang niyang nilagay sa bag ang kaiyang cellphone. Alam niyang sa sandaling ito, nagkakasiyahan na ito kasama ang mga kaibigan at kasosyo sa trabaho.
Kung hindi lang siguro siya nabwesit sa dalawang naglandian na mag-jowa baka dalawang order pa ang kaniyang gagawin. Agad siyang lumabas dala ang mga paperbags na naglalaman ng kaniyang mga pasalubong. Naghintay siya sa labas kung saan hinintay niya ang kaniyang naka-book na sasakyan sa Didi app. Hindi available ang Grab service sa China at better din itong gamitin dahil may english version naman.
Dumating na ang kaniyang na-book na sasakyan. Nag-text muna siya sa kaniyang gwapong Ama na pabalik na siya sa Hotel. Hindi niya ito tinawagan at baka maisturbo ang paghahanap nito ng jowa.
“Meihao de yitian, Nushi! Wo jintian sha ini de Didi siji.” Good day, Madam! I am your Didi driver today.
Tumango lang siya kahit ang naiintindihan niya ay Didi dahil meron siyang gano’n, malaki pa nga. Tinulungan siya nitong ipasok ang kaniyang pinamili saka siya sumakay sa likod. Ang plano niya sa susunod, magpunta sila sa Disney Land buong pamilya. Saka na pagmalaki-laki na ang kaniyang ipon sa bangko. Matagal ng pangarap ni Inggo ang pumasyal sa Disney Land kaya pag okay na ang lahat at gamay niya na lahat ang pamamalakad sa kompanya, ipapasyal niya ang mga ito sa buong mundo.
Natigilan siya at napatingin sa driver nang huminto ang kanilang sasakyan. “Something wrong?”
“Nothing.” Tumango siya pero hindi niya gusto ang binigay nitong tingin sa kaniya.
Ilang beses siyang sumulyap sa rear view mirror at napapansin niyang panay tingin ito sa kaniya at ngumingiti ng nakakaloko. Agad umilap ang kaniyang mata at nag-isip ng anong gagawin. Napapansin din niyang nag-iba sila ng route.
“Stop right there. I have to pee!” umarte siyang kalmado. Tinuro niya ang malapit na tindahan na nadaan nila pero hindi ito nakinig.
Tuloy-tuloy lang ang pagpapatakbo nito sa sasakyan at bago pa siya tumawag sa matandang Don, may humintong itim na van sa harapan nila. Tarantang dinial niya ang number ng kaniyang Ama at eksaktong pagsagot nito, bumukas ang pintuan at may humila sa kaniyang kamay.
“No, please! No no! Papa tulungan niyo ako!”
“Rang ta shui.” Make her sleep.
Hindi niya na magawang sumigaw para humingi ng tulong. Agad may sumuntok sa kanyang sikmura para mamilipit siya sa sakit at deritsong sinalpak sa loob ng Van. Mula sa kaniyang nanlalabong paningin, napansin niyamg hindi lang siya mag-isa. May dalawang babae na walang malay at may duct tape sa labi. Nakagapos ang kamay at tingin niya, katulad niya ang mga ito... Mga turista. Tuluyang nandilim ang kaniyang paningin nang malakas na isinara ng dumukot sa kaniya ang van.
Eksaktong pagmulat ni Odessa ng mata, nabungaran niya ang kulay pulang paligid at may kaliitang silid. Saan ako?! Hindi niya magawang ibuka ang bibig dahil may duct tape na nakalagay. Hintakot siyang napasiksik sa isang tabi at namalayang hindi siya nag-iisa. May mga kasama siyang tulad niya, nakagapos ang kamay at may duct tape sa bibig. Tingin niya, nasa sampung babae silang nando’n at ang iba ay mga minor de edad pa. Doon lang niya naalalang may dumukot sa kaniya.
Frahisto! Tulungan mo ako!
Saka biglang bumukas ang pintuan. Tatlong lalaki ang pumasok at puno ng tattoo ang katawan. Sandali niyang pinikit ang mata at marahang nagdasal. Please, ‘wag naman sana... Ayuko na sa ganito. Pero kahit anong sigaw ng kaniyang utak, nasa loob siya ng katotohanang dinukot siya. Bumalik siya sa bagay na nagbigay ng labis na takot sa kaniyang pagkatao.
Sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mata nang hilain nito ang isang babaeng blonde ang buhok. Walang awang hinila nito paalis ang duct tape sa bibig at masakit iyon. Nagsisigaw ang babae at nagwawala pero malakas na sampal ang nakuha nito sa lalaking halos hindi na makilala sa dami ng tattoo sa mukha.
“Listen! If any of you, try to escape... This gun, will show no mercy.” Nagbigay ito ng isang putok ng baril.
Napasigaw siya pero walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. Ayaw pa niyang mamatay. Hindi ngayon. Hindi pa!
“Black Market, tonight. Goodluck, ladies. Embrace your new fate.”
Naunang hinila ng isang lalaki ang babaeng blonde ang buhok. Nagsisigaw ito pero walang magawa nang kaladkarin papalabas. Ang dalawang natira na lalaki, inisa-isang nilapitan sila nito. Agad siyang yumuko at sumiksik lalo sa isang tabi. Siyam na lang sila at hindi nakakatulong ang mga luha sa mata niya, kaya pinilit niyang ‘wag sindakin ng takot.
“You.”
Napakislot siya nang hilain ng lalaki ang kaniyang buhok at marahas na pinatayo. Nasasaktan siya pero nanatili sa kaniyang lalamunan ang lahat ng reklamo niya. Itinaas nito ang kaniyang mukha at maiging pinagmasdan saka ito napangisi.
Walang ingat na tinanggal nito ang nakadikit sa labi niya. Napasigaw siya sa sakit. Pakiramdam niya, natanggal ang kaniyang balat pero hindi niya iyon ininda. Mas naging alerto siya kung anong pwedeng gawin ng lalaking mukhang satanas na nasa kaniyang harapan.
“I remember you... Ah yes, that woman from the church! Ang babaeng pinakuha sa ‘min ni Don Hakubo pero tinraydor kami ni Ted. Ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga kasamahan ko, namatay at nakulong. But no, nagkita tayo sa magandang paraan. Hindi ko akalain, isa ka sa nakuha ng grupo namin dito sa China. Tadhana nga naman... mapagbiro.”
Dinuraan niya ang mukha ng lalaki at nayayamot na tiningnan ito. Napasinghap ang kasama nitong lalaki at ilan sa mga babaeng nando’n sa kaniyang ginawa. “Kung tingin mo, nasisindak mo ako. Well, nagkakamali ka. Sabihin nga natin ang malas ng araw ko dahil heto at sumuot na naman ako sa ganito sitwasyon but never akong matatakot sa mga pesteng tulad niyo!”
Akmang sasampalin siya ng kasamahan nito pero pinigilan ng lalaki at natatawang tiningnan siya. Pinunasan nito ang kaniyang ginawang pagdura sa mukha nito at malayang dinala sa bibig ang konting laway na nasa kamay nito. Nandiri si Odessa pero hindi siya gumawa ng eksenang ikakapahamak niya pa lalo.
“A virgin...”
Nasindak siya sa sinabi nito. Agad siyang napaatras pero may dahas na hinila nito ang kaniyang pisngi at inamoy siya sa paraang masusuka siya sa sobrang pandidiri.
“Mamatay ka na!”
“Magugustuhan to ni Mr. Hakubo pag nalaman niyang ang anak ng kaniyang keridang namatay, isang birhen at...” tiningnan siya nito mula ulo hanggang baba, “Sariwang-sariwa.”
Sa kabastusang nakuha niya mula sa bibig ng pangit na lalaking nasa harapan niya, ubod lakas niyang sinipa ang pagitan ng hita nito. Natawa siya nang sumayaw ito sa sakit at ang takot na naramdaman niya kanina, napalitan ng galit. Galit sa mga taong katulad nito na siyang nagpapalahi ng kasaaman. Hindi pa nga sapat ang sipang ginawa niya, dapat ang tulad sa mga ‘to... Pinagpipiga ang mga testicle hanggang sa mamatay sa sakit!
Gusto niyang sisihin ang sarili. Dapat sinunod niya ang gusto ng kaniyang Itang na mag-aral ng martial arts pero inuna niya ang pagpapagamot na tumagal din ng ilang buwan. Tapos naging focus na siya sa trabaho at training para matuto sa pamamalakad ng negosyo ng kaniyang pamilya.
“Witch!” Agad hinila ng kasamahan nito ang kaniyang buhok at kinaladkad siya papalabas ng silid na iyon.
Halos mapuno ng boses niya ang buong facility sa kaniyang pagsisigaw. Lahat ng mura, nasabi niya sa sobrang galit. Natahimik lang siya nung isalya siya sa isang maliit na silid.
“Huwag!” napasinghap siya. Nanatili sa kaniyang lalamunan ang lahat ng kaniyang pagtutol nang isara nito ang pintuan.
Mabilis niyang nilibot ang kaniyang paningin. Wala siyang makita kundi kadiliman lang. Pinilit niyang huwag maiyak pero tinraydor na siya ng tuluyan ng kaniyang sarili. Tuluyang lumabas at sumampal sa kaniya ang katotohanang isa siyang mahina.
Frahisto...
Mamatay na lang yata siyang hindi humihinhi ng sorry sa lalaki. Marahan siyang humikbi at kalaunan, nauwi sa malakas na iyak. Mamatay yata siya ngayon na hindi man lang niya nasilayan ang mukha ni Frahisto sa huling pagkakataon.
I’m... I’m sorry... Kung mamatay man ako ngayon, o kung pagkatapos nito ‘di ko na masilayan ang araw, sana, magawa mo ‘kong patawarin sa sakit na binigay ko sa`yo. Nangako akong mahalin ka pero ako mismo, hindi rin tumupad. Sana... Mapatawad mo rin ako...
NAPATINGIN si Farhistt sa nakuhang tawag mula sa kaibigang organisasyon na kaanib ng gobyerno. May sinend ito sa kaniyang files na naglalaman ng pribadong files.
Naging busy siya sa isla kung saan ang Dark X naka-locate. Tinuturuan niya ang mga bagong pasok at kahit medyo nahirapan siyang pagkasyahin ang oras sa pagturo at pagma-manage sa kaniyang mga negosyo, nakaya pa rin niya. Isa siyang Fortocarrero, ibig sabihin... Lahat naka-organize at kayang gampanan. Tanging pagdating lang siya sa babaeng mamahalin sumasablay.
Bahagya siyang napailing-iling nang makita kung anong laman ng files. Mga documents ito at reports kung saan gumalaw na naman ang isang grupo ng human trafficker at mahigit benteng babaeng nawawala sa isang araw lang sa China. Target ng mga ito, mga turista lang at mga kabataan.
Napabuntunghinga siya. Hindi siya nangingialam sa ganitong kaso. Ibang linya ang kasong hinahawakan niya at hindi niya ugaling maghanap pagdating sa babae. Maari niya itong ibigay kay Tiverius o sa kahit sinong kasama niya. Masyadong hectic ang kaniyang schedule ngayon linggo.
“You gotta see this.” Tinawagan niya gamit sa hologram watch si Tiverius. Mabuti at nahimasmasan na ito sa kabaliwan sa isang babae.
“Copy.”
Isang oras lang ang kaniyang hinintay at lumitaw sa harap niya si Tiverius. Deritso lang niyang binigay rito ang mga report na hindi man lang niya tiningnan nung ma-print lahat. Inuna niyang basahin ang problema ng ibang negosyo niya at bahala na muna si Tiverius.
“Human Trafficking...”
“Yes. According sa report na ‘yan, nagsimula na naman silang gumalaw. Isang taon sila tumigil. Now, all you have to do Tiverius. Solve that case within a week. Hindi ko na rin masyadong binasa ang laman, alam mong ayuko mainvolve sa ganiyang case. I’m done with that.”
Natawa ito sa kaniyang panghuling sinabi. “Can’t move on from her? Si Odessa pa rin ba hanggang ngayon, Yx?”
Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatutok sa mga papeles na sinadya niyang dalhin dito sa kaniyang opisina.
“Sa araw-araw mong sunod-sunuran kung saan siya magpunta rati, ngayon mo pa nakayang tikisin ang sarili mo. Wow! That’s a big achievement! Isang linggo na kitang hindi napansing aligaga sa kakasunod sa pag-ibig mong sumakabilang-buhay.”
Tumalim ang kaniyang tingin dito. Agad nitong tinikom amg bibig at pasimpleng tumalikod. Deritso nitong tinungo ang sofa at humiga ro’n na parang magbabasa lang ng libro. Habang siya, binalik ulit ang atensyon sa binabasang papeles para lang magulat sa malakas na sigaw ni Tiverius.
What the fuck!
“Yx! Shit, man!”
Kulang na lang liparin nito ang pagitan nilang dalawa. Agad nitong nilatag ang binigay niya kanina at takang napatingin sa ginawa nito. “What is it?”
“Anong what is it?! Shit, man! Si Odessa! Si Odessa mo ‘to, ‘di ba?!”
Biglang napanting ang kaniyang teynga sa narinig. Agad niyang binawi ang papel na hawak nito at halos malamukos niya sa sobrang panlumo. Si Odessa nga. Nakangiti ito sa picture. Last seen ay sa isang mall at sumakay ng Didi Taxi. Mismong si Mr. Philco ang nag-file at nagpadala ng report para humingi ng tulong.
God! I’m so dumb. Ilang oras na ang nagdaan!
Napasabunot siya sa kaniyang buhok at tulalang napatitig sa malaking wallclock.
“What are we going to do?”
“I’m going.”
“Shit! Yx hintayin mo ‘ko!”
Agad niyang binuksan ang suot niyang hologram watch. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit sinubukan niyang tikisin ang puso na ‘wag itong bantayan at sundan. This is all his fault. Pag may nangyari sa dalaga... Damn! He swear to God, makakapatay siya ng maraming tao.
Binigkas niya ang complete name ni Odessa sa isang app na binili niya kay Hudson, na ngayon ay naka-install sa kaniyang relo. May binago lang siya konti sa application at naka-customize lang ito para sa dalaga kung sakaling saan ito magpunta, malalaman niya kahit wala itong cellphone dala. Sa sobrang pagtitikis na ginawa niya, hindi man lang niya naisipang may mangyayaring masama rito.
Wait me, Vida Mia. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa`yo! Kahit ayaw mo na akong makita, wala akong pakialam. All I want is your safety! Sana wala silang ginawa sa`yo kundi papatayin ko sila kasama ang kanilang buong angkan.