Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 16

Biglang bumukas ang pintuan. Napasinghap si Odessa. Halos masilaw pa siya sa liwanag na kumalat nung i-switch on ng kung sino ang ilaw. Agad tumaas ang kaniyang dugo nang makitang ang lalaking sinipa niya ang hinaharap. Buti naman at nakalakad pa ito? Malakas din ang ginawa niya at swerte na rito ang magkaanak. Baka nga, basag na ang balls nito sa kaniyang ginawa.

“Baka gusto mong tuluyang mabasag ‘yang itlog mo?”

Natawa ito sa kaniyang sinabi at may nilabas na isang roll ng duct tape. “Masyadong matabil ‘yang bibig mo. Baka sakaling tumigil ka rito.” Mapwersang hinila nito ang kaniyang buhok at hiniga sa malamig na sahig.

Nagwawala siya pero dahil babaeng katawan ang meron sa kaniya at mas malakas ang lalaki, nagawa siya nitong patigilin sa pamamagitan ng lakas nito. Walang kahirap-hirap na nilagyan nito ng duct tape ang kaniyang bibig at marahas siyang hinila patayo.

“Mas bagay pala sa`yong tahimik.” Kinaladkad siya nito papalabas sa silid na iyon.

Ang sunod na pinagdalhan nito sa kaniya, isang silid kung saan ang ibang mga kasamahan niyang babae ay parang wala sa sarili. Binibihisan ito ng mga babaeng staff na kahit konsensya o awa sa kislap ng mga mata nito, wala siyang makita. Parang mga robot ito na kaniya-kaniyang busy sa ginagawa.

Mabilis siyang umatras pero naramdaman na lang niyang may itinarak sa kaniyang braso. Napaigik siya sa sakit at takang napatingin kung anong itinarak sa braso niya. Sunod-sunod siyang napailing nang makitang isang mahabang injection iyon at may ibang likidong nasa loob. Napahiyaw siya sa kaniyang utak nang hugutin na nito ang bagay.

Halos maghalo na ang luha at pawis niya. Isali pa ang kaniyang mahaba at magulong buhok na halos tinakpan na ang kaniyang mukha. Natigil lahat ng pagtutol niya sa naramdamang hilo. Napansin din niyang tinanggalan siya ng tali sa kaniyang kamay, inalis ang tape na basa bibig niya at saka siya nilapitan ng isang babae. Giniya siya nito papunta sa isang malaking salamin at may upuan kung saan ando’n ang maraming make up at perfume nagkalat. Tiningnan niya ang kaniyang sariling repleksyon.

Bigla siyang naging manhid. Wala siyang maramdaman kahit ano, naging tulala lang siya at sunod-sunuran sa sinabi ng babae. Nung sinabi nitong papalitan siya ng damit, tumango lang siya at sumunod dito. Pagkatapos nitong palitan siya ng seductive dress, pinaharap siya ulit sa malaking salamin at sinimulan siya nitong pagandahin na parang isang babaeng bayaran.

Sunod-sunod na pumatak ang kaniyang luha pero walang kayang gawin ang kaniyang katawan. Para siyang robot na kung ano ang sasabihin ng babae, tango at oo lang ang kaniyang sagot.

“Stop crying. It won’t help you.” Pinunasan nito ang kaniyang luha at nilagyan siya ng mapulang lipstick sa labi. “Look at you lady, you are perfect!”

Ang sapatos na suot niya ay pinalitan ng stiletto saka siya pinatayo. May lumapit sa kanila na isa pang babae at inakay siya papalabas sa loob ng silid na iyon. Inalalayan siya nito na ‘di siya matumba dahil parang wala siya sa kaniyang sarili na naglalakad. Sunod-sunuran lang siya sa lahat.

Pumasok sila sa isang room. Madilim ang paligid at tanging maliwanag lang, ang part sa gitna. Wala siyang makitang taong nandoon or kung may makita man si Odessa, walang gagawin ang kaniyang katawan. Hindi siya magwawala o magagalit. Kontrolado siya sa kakaibang gamot na tinarak sa kaniya.

PANAY ang tingin ni Farhistt sa orasan at sa pulang dot kung saan ang dalaga. Sana umabot siya. Sana... Lihim siyang umasa na sana walang masamang nangyari rito. Ilang oras na ba ang dumaan? Kanina pa na-report na may nawawalang mga kababaehan at ang byahe papuntang China gamit ang kaniyang private plain ay tatagal ng isang oras at mahigit.

God! I am begging you. Please not this time. Not this time!

“Nagbigay na ako ng cignal sa kabilang organization naka-base sa China. They’re on the way, Yx.”

Hindi siya sumagot. Siya ang nagmamaneho sa kaniyang private plane na halos humiling siyang mag-teleport ito, para makarating agad sa deriksyon ng dalaga. Patuloy sa pag-galaw ang deriksyon nito at kung hindi siya nagkakamali, nasa karagatan ito.

Paulit-ulit na nag-reflect sa memory niya ang sinabi ni Odessa pero matitiis ba niya itong ngayon nasa panganib ang babae? Hindi. Hindi pa man, sinisi niya na ang sarili kung bakit sa tagal-tagal, itong linggo pa talaga naglaro si Satanas sa kaniya.

Nanatiling nakatingin lang si Tiverius sa monitor at hindi nagsasalita habang tahimik siyang nag-iisip ng anumang posibleng gawin. Napangisi siya. Ilang minuto na lang...

“Tiverius!”

Sumulyap ito sa kaniya at kunot-noong umiling, “Don’t think about it, Yx. I’m warning you.”

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Sinulyapan lang niya ang kaibigan na hindi siya nagbibiro sa gagawin.

“Yx delikado ang gagawin mo!”

“Mas delikado kung mahuli ako. Isa ako sa pinakamagaling na Army, let me remind you that. Walang-wala sa ‘kin ito.”

Hindi ito tumugon. Napakuyom lang ito ng kamao at naiiling, “Okay-okay!”

Malapit na sila sa deriksyon kung saan si Odessa at kung hihintayin pa niyangi mag-landing ang kaniyang eroplano sa China, baka wala na siyang abutan. Walang sabing inabot niya ang parachute at simulang ilagay ito sa kaniyang katawan. Tatalon siya kahit anong mangyari.

“Shit man! You really sure about it?”

Tumango lang siya habang inaayos ang parachute. Tiningnan niya iyon kung maayos pagkakalagay. Inabot din niya ang kaniyang baril na gagamitin at ilan pang gamit na pwede niyang magamit sa pagsugod sa cruise.

“Land this plane safely.”

Napamura ito nang malakas sa kaniyang sinabi.

MABILIS siyang sumampa sa heganteng cruise. Basang-basa siya pero wala man lang bakas na takot at kaba sa kaniyang buong pagkatao. Isa lang ang goal niya sa gabing ito, ang makuhang buhay ang dalaga. Sandali siyang tumingin sa kaniyang relong suot, tinuturo ng hologram ang isang deriksyon kung nasaan itosa parte ng cruise.

Agad niyang sinundan ang pulang arrow at sino man ang haharang, buhay ang magiging kapalit. Pero dahil likas na magaling siya sa ganitong trabaho, walang nakapansin sa kaniya. Maraming mga armadong lalaking nagroronda at bahagya siyang nagtago sa isang tabi. Naghihintay siyang makabwelo sa pagtakbo na hindi mapapansin. Ayaw niyang mapornada ang kaniyang plano. Tamang-tama, malapit na room lang ang tinuturo ng pulang dot. Nasa pang-5th floor ito, sa isang show room na tinatawag.

I’m coming for you, Vida Mia...

“Ibaba mo ang baril mo at haharap ka sa ‘kin or ipuputok ko ‘tong baril ko sa ulo mo?”

Damn.

“Isa...”

Dahan-dahan siyang humarap dito at hindi nito inasahan ang ginawa niyang pagsipa. Tumilapon ito sa malayo at tulog na bumagsak.

Naging madali kay Farhistt ang puntahan ang lokasyon kung saan si Odessa. Kulang na lang, liparin niya ang silid kung nasaan ito para iparamdam dito na andiyan lang siya lagi, nasa tabi-tabi at paulit-ulit itong ililigtas kahit buhay niya pa ang kapalit. Kahit si kamatayan pa ang kakalabanin niya, wala siyang pakialam sa bagay na iyon kung si Odessa ang pag-uusapan.

Gamit ang laser ng kaniyang singsing na suot, nabuksan niya ang pintuan. Tumambad sa kaniyang mata ang dalagang nakahubad at tanging kapirangkot na tela na lang ang nakatakip sa pribadong parte ng pagkababae nito. Wala ito sa sarili at pinagpipyestahan ito ng tatlong matabang Chinese habang nakatayo sa gitna at nakatali ang kamay paitaas.

“Putangina!”

Pumutok ang galit sa kaniyang ulo nang makita ang kahabag-habag na hitsura ng babaeng mahal niya. Kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao at pagsilabasan ng ugat sa kaniyang leeg, walang pagdadalawang isip na sinugod niya ang mga ito.

“Ginawa niyong pulutan ang babaeng nirerespito at sinamba ko! Mga puta!”

Naging isang mabangis na hayop siyang pinagbabalian niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap. At hindi pa natapos ang galit ni Farhistt, dumanak ang dugo ng tatlong balyena sa walang awang pagbabaril niya sa ulo ang bawat isa sa mga to. Hindi lang isang bala, halos ubusin niya sa bawat ulo ng mga ito.

“Ang mga putanginang tulad niyo na sa impyerno dapat mabuhay.” Ngumisi siya. Hindi pa siya nakontento, sinunod niyang pinagbabaril ang mga pagkalalaki. Tumigil lang siya nung maubusan siya ng bala at nakangising tinapon iyon sa kung saan.

Mabilis niyang nilapitan ang dalaga na wala pa rin sa katinuan nakatingin sa sahig. Walang reaksyon sa mukha nito at parang sinuntok ng ilang beses ang kaniyang puso nang makita ang luhang pumatak sa mata nito. Pinigilan niyang ‘wag maiyak sa harapan ni Odessa pero sa sobrang galit at inis niya sa sarili, deritsong pumatak ang luha sa mga mata niya.

Agad niya itong kinalagan at niyakap ng sobrang higpit. Nasasaktan siya. Nahahati ang kaniyang puso at hindi makatarungan ang sinapit ng babaeng mahal niya. Kahit ito ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi, dahilan kung bakit mainit ang kaniyang ulo at parating wala sa sarili na nakatanaw rito sa malayo. Nirespito niya ang gusto ng dalaga. Hinayaan niya itong abutin at yakapin ang bagong buhay kasama ang ama nito. Hinayaan niya habang nasa malayo lang siya at masaya na sa tuwing masisilayan ang maganda at maamong mukha ni Odessa.

Hindi niya napigilan ang sariling umiyak sa balikat ng dalaga. Nagagalit siya at parang gusto niyang magwala. Kung nahuli siya, baka tuluyan ng kinuha ng mundo ang babaeng plano niyang iharap sa altar balang-araw.

“I am sorry, Vida Mia... Nahuli ako. Patawarin mo ako... Patawarin mo ako.” Masuyong hinagkan niya ang noo nito at pinunasan ang pisngi nitong may bakas ng luha.

Tinanggal din niya ang make up na nasa mukha nito. Magbabayad ang may gumawa nito sa dalaga at sa lahat ng nasa operasyon na ito. Pagbabayarin niya! Agad niyang inabot ang pulang telang nando’n sa kama sa isang tabi at binalot sa katawan ng dalaga. Wala siyang inaksayang oras, pinangko niya ito. Alam niyang ilang minuto lang, darating na ang ni-request ni Tiverius. Kaya hindi siya mag-aalala. Kahit hindi pa ito dumating, kaya niyang makipagpatayan mag-isa.

Awtomatikong may bumaril sa kanila paglabas nila pero naunahan niya iyon. May extra gun siyang dala at sapol ang ulo nito.

“Yx! This is Tiverius—” paunang salita ng lalaki. May nakakonekta na gadget sa teynga niya kaya malaya silang nag-uusap dalawa.

“I got her. I need back up. She was drugged. I need to detoxify her or she’ll be in danger.” nanatili siyang kalmado habang tinatahak ang pasilyo papalabas.

“They’re on the way.”

“Good.”

Nawala na ito sa kabilang linya. Kung alam siguro ng mga kaibigan niyang sina Azael, Hudson at Cuhen ang totoong trabaho niya, baka kasama niya na ang mga ito na sumugod. Para silang linta lalo na pag labanan ang pinag-uusapan. Maswerte siya sa mga kaibigan niya pero mas maswerte ang mga ito sa kaniya.

Habang tinakbo niya ang maluwang na pasilyo, limang lalaki ang humarang sa kaniyang daraanan. Ngumisi lang siyang parang demonyo at naunang pinagtatamaan ng bala ang ulo ng mga ito. Mabait siyang tao pero demonyo pagdating sa kaniyang teritoryo.

“Yx, we are here. It’s me, Gallagher. Nakuha ko na ang ibang kababaehan.”

Nagtaka siya kung paano napunta rito sa China si Gallagher pero pinagwalang bahala niya na ang bagay na iyon. Mahuhusay na agents ang mga myembro ng Dark X kaya ‘di nakakapagtaka.

“Location?”

“West.”

“Secured the girls.”

“Copy.”

Sapol ang noo ng dalawang lalaking akmang bubunot ng baril nang makita siya. Kahit pangko niya si Odessa, hindi iyon hadlang para hindi niya kayang patayin ang baliw na haharang sa kaniyang daraanan.

Parang langgam na nagulo ang tirahan ng bawat taong nasa loob ng cruise na iyon. Hindi na rin bago sa kaniya ang palitan ng barilan sa paligid. Alam niyang sa mga sandaling iyon, nandito na ang sinasabing back-up ng ibang organisasyon. Malaki ang human trafficker case na ito at minsan na rin niyang pinahawakan ito sa mga tauhan niya pero masyadong madulas. May ibang nadadakip ng grupo pero ang lahat ng nakukuhang lead, namamatay kahit nasa pangangalaga ng pulisya. Nagkataon lang na ang babaeng pagmamay-ari niya ang ginalaw ng grupong walang alam kundi ang manguha at ibenta ang mga kababaehan sa mataas na halaga. Ginawang negosyo. Pero simula sa gabing ito, magtatapos ang naturang grupo at walang makakatakas sa kamay niyang may batas.

“Tiverius, bring me a chopper, ASAP!”

“But—”

“I said bring me a chopper loud and clear!”

“Copy.”

Deritso ang kaniyang takbo papuntang roof deck. Hindi siya nag-alala na marami ang kalaban kundi, nag-aalala siya sa drugs na tinurok sa katawan ni Odessa. Natatakot siya na baka hindi kayanin ng katawan nito at mauuwi sa coma. Marami ng pinagdadaanan ang kaniyang nag-iisang Diyosa, kaya mas gugustuhin ni Farhistt na siya ang dadanas ng lahat ng sakit para rito. Hindi nararapat para sa dalaga ang sakit. Kung meron man pwedeng makaranas lang nito, ay siya. Dapat na pinaparanas kay Odessa, pagmamahal at kasiyahan.

“20 minutes, Yx. Andiyan na ako by a chopper.” Si Tiverius.

“20 minutes is fucking long. Make it 10.”

“You mean, make it impossible?”

“Yes.”

Napabuntunghinga ito at walang reklamong nag-oo sa kabilang linya. “9 minutes.”

Hindi talaga ito nagpapatalo. Kaya laging magkainit ang dugo nito at ni Maccabi. Kabaliktaran kay Magnar at Gallagher kahit sabihing magkakaibigan ang apat. May kaniya-kaniyang personality pa rin ang mga ito at iyon ang nagustuhan niya sa apat. May kaniya-kaniyang ugali pero magkakaibigan pa rin sa huli kahit laging nag-aaway.

Deritso siyang nagtungo sa itas kung saan maghihintay ang chopper na pinadala niya kay Tiverius. Oras na wala ito, mapipilitan siyang hamunin ang binata ng one on one.

Tamang pagdating niya sa itaas na bahagi ng cruise, ando’n na ang lalaki naghihintay. 9 minutes nga, tama ito. Sandali niyang sinulyapan ang dalaga, namumutla ito at butil-butil ng pawis ang lumabas sa noo.

“Malapit na tayo, Odessa. Iaalis na kita sa impyernong lugar na ito.... Malapit na.” nanatili siyang kalmado at halos liparin na ang kinaroroonan ni Tiverius. Kailangan niyang madala sa hospital ang dalaga.

“You will not going anywhere. That bitch is mine.” Malakas na anas ni Don Hakubo.

Natawa lang si Farhistt sa narinig. Eksaktong paglingon niya, deritsong tumama sa noo nito ang balang ‘di namimili ng papatayin. “Who say’s my Goddess is yours?” nayayamot na tiningnan lang niya ito na tulalang bumagsak at nagsimulang paliguan ng dugo. “Maglaro muna tayo ng baril-barilan bago mo makuha ang babaeng pagmamay-ari ko.”

Agad siyang sumampa sa chopper at mabilis na inutusan si Tiverius na paliparin na ang sasakyang-panghimpapawid. Tango lang ang sagot nito at ilang sandali pa, nagsimula ng lumutang sa ere ang sasakyan. Alam niyang kaya nang kabilang organisasyon ang grupo ng human trafficker. Ang kailangan niya ngayon, ang madala agad sa hospital si Odessa at alisin ang drug na naka-inject sa katawan nito.

Pinakulong niya na si Don. Hakubo, ang kerida ng Ina nito. Hindi niya akalaing nakaya nitong lumabas ng kulungan sa pamamagitan ng pera. Dapat pala, pinatay niya na mismo ito rati pa. Kung hindi lang nakiusap si Mr. Philco na pagbayarin ang matanda sa kulungan.

But too bad for the old man, muling nagtagpo ang landas nila pero siya na ang naghusga sa kamatayan nito. Kahit magkita pa sila sa susunod sa impyerno, paulit-ulit niya itong patayin.

NATATAWANG tinapik ni Cuhen ang balikat ni Farhistt habang seryuso lang nakatingin sa kesame si Hudson at panay lagok ng inumin si Azael. Bawat isa sa kanila, may pinagdadaanan. Si Cuhen lang ang masaya sa kanilang apat at halatang nang-aalaska ang tingin nito kay Farhistt, na parang dinaganan ng mundo.

“Akala ko ba mahal mo si Ms. Philco? Why won’t you show yourself?”

Naiiling lang siya sa naging tanong na iyon ni Cuhen. Isang linggo na ang nagdaan simula nung mangyari ang bagay na iyon. Nadala niya agad sa malapitang Hospital ang babae at lahat ng mga kababaehan na nakuha ng grupo, nakuha rin nila at dinala sa Hospital para alisin ang drugs sa katawan.

Mababaw lang ang alam ng mga kaibigan niya. Kung magaling maghukay ang mga ito ng katotohanan, magaling din siyang magtago ng sikreto. Isali rin ang salitang nirerespito nila bawat privacy ng isa’t isa. Magkaibigan sila, magkasosyo, at magkasing-putangina pero may kaniya-kaniyang galaw sila na sila lang ang nakakaalam.

“Wala pa akong lakas ng loob.”

“Wow! Lakas ng loob? Matagal ka ng meron niyan! It doesn’t mean, that we’re busy having our own lives... Hindi na namin alam na tumulong ka sa paghahanap ng babae mo? Iba talaga ang isang Farhistt Fortocarrero!” Ngumis si Azael. Nag-cheers pa ito sa hangin at sabay tungga uli. Hindi halatang naglalasing ito.

“Bumibisita ako sa kaniya sa tuwing tulog siya o hindi niya alam. Sa ngayon, nasa mansion siya ng Philco at nagpapagaling. May bodyguard na rin at—”

“Ikaw ang ipapalit natin na bodyguard sa kaniya.” biglang singit ni Hudson at malamig na tumingin sa kaniya.

Hindi siya kumibo. Malamig din niya itong tiningnan. Magkaibigan silang apat pero hindi sila masyadong nagkakausap ni Hudson. Pareho silang may mundo dalawa o dahil pareho silang magaling pagdating sa Cyber. Pero alam niyang mas magaling ang kaibigang Doctor, nagtapos ito ng Suma Cumlaude habang Magna ang nakuha niya sa kursong Software Engineering pero mas pinili niyang magserbisyo sa Gobyerno. Nagkaroon ng pamilya pero agad din nawala at kasunod ang kapatid niya. Kung may bagong binigay man ang Diyos sa kaniya na hindi inagaw Nito, iyon lang ang mga kaibigan niya at ang dalaga...

“Herrence is right. Lapitan natin ang Ama niya at ikaw na ang ipalit na bodyguard. After all, sa kakilala mo lang rin naman galing ang bodyguard ng Diyosa mo.”

Naiiling siya. Si Gallagher ang pinabantay niya rito habang siya, nagkasya lang na tingnan ito sa malayo o kaya sa screen. Tinutukso na rin siya ni Gallagher na masyado siyang bakla at nagtatago.

“You know what, Cuhen, you’re my best friend... Not because, ikaw ang fiance ng kapatid ko noon. But because, we stick like a brother during training and battle. Kaya alam kong kilala mo ako...”

Ngumisi ito at muling tinapik siya sa balikat, “Yeah, that’s why I’m pushing you this. Herrence, kausapin mo si Mr. Philco—”

“I’m doing it already. Excuse me.” Tumayo ito at lumayo sa kanila.

“And we owe you. Hindi kami nakasama nung sagipin mo ang nag-iisang Diyosa mo at nang ibang kababaehan. Dapat tinawagan mo kami pero masyado kang sakim! You never invited us,” asik ni Cuhen at masamang tiningnan ni Farhistt.

Naiiling siyang natawa sa sinabi nito. Kapag sinabi niya iyon, malalaman ng mga ito ang tinatago niya. Malalaman ni Hudson nasa kaniya si Abhaya Kiene Sahada at tinatago rito. Na siya si Yx at may sekretong organisasyong binuo. Magaling siyang magtago kaya hangga’t maari, maingat bawat galaw niya at desisyon. Dalawang beses na siyang nagkamali dahil sa kapabayaan dati. Hindi na mauulit ngayon.

Mabilis niyang tinungga ang bote ng alak at ilang sandali pa, sabay silang apat naglasing sa opisina ni Cuhen. Hindi siya lasenggero pero mukhang kailangan niya ng lakas ng loob. Dinadaga ang kaniyang dibdib sa isiping lalapitan niya ulit si Odessa at naiinis siya sa kaniyang sarili sa bagay na iyan. Para siyang ‘di lalaki.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.