Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 17

"Hi, Goddess!”

Natigilan si Odessa nang tawagin ito ni Azael na ngiting-ngiti. Nasa loob lang siya ng sasakyan habang nakasandal sa labas si Azael sa pintuan, at nakaupo sa hood si Cuhen at Hudson na parehong seryuso ang mukha. Tinted ang salamin kaya malaya niyang nakita ang maganda nitong mukha, na ngayon ay nagtago agad sa likod ni Gallagher. Natawa siya sa isiping inakala nitong masamang tao ang mga kaibigan niya.

“Baka kidnapin nila ako! Takbo na tayo!”

Agad umasim ang mukha ni Hudson na sumulyap sa kaniya mula sa labas. Nayayamot na naghalukipkip ito ng kamay habang napakamot sa noo si Cuhen.

“Oh no-no! Mga gwapo lang kami, Goddess, pero hindi kami mga kidnapper. Mukha sigurong lalaking magpapaiyak ng babae, pwede pa— aray!” Binato ito ni Hudson ng sunglasses na suot.

“Tama na ang satsat. Para ka rin si Theon, eh. Daming sinasabi. Parehong hindi makaporma sa gusto nilang babae,” pakli ni Hudson.

“Nanghahamon ka ba ng suntukan dito, Doctor Hayes na iniwanan ng babaeng mahal niya pero masyadong in denial?”

Napabuntunghinga siya sa inasta ng dalawa. Ito na nga ang kaniyang sinasabi. Baka pag ‘di niya pigilan ang mga ‘to, mauwi lang sa sapakan. Nakakahiya iyon lalo na at andon’n ang babaeng mahal niya, nakatingin at nalilito sa nangyayari. Ilang beses siyang humugot ng lakas ng loob bago nagpasyang lumabas nung akmang lalapitan na ni Hudson si Azael.

Tinatakot ng mga ito si Odessa!

“Lalabas ka rin pala, eh. Kailangan mo pa talagang umarte ang dalawa na mag-aaway.”

What the!

Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Huli na siya para magtago pa ulit sa loob ng sasakyan. Tinulak na siya ni Hudson at Azael papalapit sa dalaga habang nanatili lang itong nakatingin sa kaniya.

“Ms. Philco, siya ang sinasabi ko kanina. Your father hired Mr. Fortocarrero to be your bodyguard. Ayuko pa sana umalis bilang bodyguard mo pero kapag ‘di ko ginawa iyon, baka bukas lumutang na ako sa Pasig River,” mahabang paliwanag ni Gallagher.

Napakunot noo si Odessa na tumingin sa lalaki at tumingin muli sa kaniya, “Siya iyon sinasabi mong magaling pa sa lahat ng magaling at hindi ko pagsisisihan?”

“Yes. So, if you will excuse me Ms. Philco, mauuna na ako. Mr. Fortocarrero will be your newly bodyguard starting today.” Agad nitong hinagis sa kaniya ang susi ng sasakyan at mabilis niya itong sinalo saka binulsa. Nagpaalam na ito sa dalaga at tulalang tumango lang ito, na nalito sa pangyayari.

“Hello, Ms. Philco. I am Farhistt, ang gwapong bodyguard mo.”

Agad nagsigawan sa paligid ang tatlong kaibigan niya. Nagpalakpakan pa ang mga ito at halos lahat ng atensyon ng mga employees sa kompanyang iyon, nakatingin sa kanila na nakaharang sa labas ng building.

“Pero kung ayaw mo, Goddess, pwede ako naman—” Agad tinakpan ng kamay ni Hudson sa bibig si Azael.

“Wag ka na sumingit,” asik ni Cuhen kay Azael.

Natawa naman si Hudson at ‘di na muling umimik si Azael. Habang siya, hinihintay kung anong sasabihin ng dalaga.

“O-okay, ihatid m-mo na ako.”

Para siyang sinayaw sa langit sa sobrang tuwa! Kulang na lang sumigaw siya pero nanatili siyang kalmado. Tumango lang siya at giniya na ang dalaga papunta sa sasakyan nito habang ang lakas ng hiyawan ng tatlong kaibigan niya sa likuran. Panay pa rin cheer ang mga ito at pinagpasalamat niyang wala si Theon at Zyd Caiden. Mas lalong magulo kapag kompleto silang magkakaibigan at nakiki-join force ang pinsan ni Hudson na si Theon.

Eksaktong pagsirado ng sasakyan, nagtaas siya ng tingin at tiningnan ito sa rear view mirror. Nahuli niya itong nakatitig sa kaniya at mabilis nagbawi ng tingin. Nagkulay rosas ang magkabilang pisngi nito at nagkunwaring may katawag sa cellphone.

Ilang segundo niya itong tinitigan at ando’n ang matinding urge na haplusin ang malambot na pisngi nito.

“H-huwag mo nga akong titigan!” asik nito.

Lihim siyang ngumiti. Saka niya sinimulan i-start ang makina. “Saan tayo? Sa mansion ng Philco or sa simbahan?”

Takang napatingin ito sa kaniya, “Simbahan? Bakit tayo pupunta ro’n?”

Pinilit niyang ‘wag mahalata ni Odessa na naaaliw siya sa reaksyon nito. Gusto niyang pisilin ang pisngi nito pero kinalma niya ang sarili.

“Baka kasi pwede natin ituloy ‘yong naudlot nating planong magpakasal.”

“Frahisto!”

Hindi na siya muling humirit. Ngingiting binaybay na nila ang kalsada habang panay ang sulyap niya sa rear view mirror at pinagmamasdan ang inosenteng kagandahan nito.

Alam niyang hindi alam ni Odessa na siya ang nagligtas dito. Pinakiusapan niya ang Ama ng dalaga na si Mr. Philco, na ‘wag sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang isipin na tatanaw ito ng utang na loob sa kaniya dahil kahit saan pa itong lupalop ng mundo, hahanapin niya pa rin ito at ililigtas.

“S-saglit lang!”

Napasulyap siya kay Odessa sa rear view mirror. Nakatingin ito sa labas, lalo na sa Ferres wheel na kanilang nadaanan. Napangiti siya. “Gusto mo ba sumakay?”

Marahan itong tumango.

“Alright!” Sandali siyang nag-u turn at binaybay ang daan.

Pansin niya ang masayang kislap sa magandang mata nito at ‘di niya kayang hindian lahat ng gusto ng dalaga. Kahit sabihin nitong pumunta sila sa America, ngayon mismo dadalhin niya ito.

Siya ang nagbayad sa entrance nilang dalawa. Halos lahat napalingon sa kanilang dalawa at pansin niya ang pag-ismid ng mukha ni Odessa sa bawat babaeng nadadaan nila. Kung alam lang nito na buong atensyon niya, nasa magandang mukha lang nito.

Unang tinuro nito ang bumper car. Agad silang nagtiyagang pumila ro’n. May fondness na pumisil sa puso ni Farhistt sa sayang nakalarawan sa mukha ng babaeng mahal niya. Kahit paulit-ulit siya nitong saktan at itulak papalayo, mananatili siyang intindihin ito.

Mga bata ang kalaban nila sa bumper car but it doesn’t matter as long his Goddess enjoyed the moment. Ngiti pa lang nito, bawing-bawi na ang dalawang taon na sakit na tiniis niya. Panay ang bangga nito sa kaniya at sa ibang sasakyan, kulang na lang magreklamo ang mga ina ng batang kasama nila.

Sunod nilang tinungo, mag-shoot ng bola at makakuha ng mga premyo. Halos malukot na ang mukha ng mga staff dahil halos kunin na nila ang mga stuff toys na premyo. Sa huli, isa lang ang kinuha ni Odessa. Ang malaking si Stitch.

“Ang super cute niya!”

“Pero mas cute ka.”

“Ha?”

Agad siyang namulsa. “Wala.”

Sunod nilang tinungo ay ang Ferres Wheel. Mahaba ang pila pero agad silang pinauna ng ilan sa mga kababaehang nasa linya na naghahampasan sa kilig.

Naunang pumasok si Odessa sa loob saka siya sumunod. Wala silang imikan. Nakayakap lang ito sa stuff toy habang nakatingin sa paligid.

Sa sobrang aliw ni Farhistt, hindi niya napansing gabi na. Gusto niyang bawiin ang kaniyang tingin sa dalaga pero para siyang napako sa kinauupuan habang pinagmamasdan ito.

“A-ah... P-pwede ‘wag mo akong titigan?”

“Yeah sure,” binawi niya ang kaniyang tingin pero ilang segundo lang nagdaan, bumalik ang kaniyang mata rito.

“Pwede ba—” awtomatikong natigilan ito nang magtama ang kanilang mata dalawa. Napalunok ito at nagbawi ng tingin.

Namayani sa kanila ang katahimikan.

“Odessa...”

“Frahisto...”

Sabay silang natigilan. Tumikhim siya habang nag-iwas ulit ito ng tingin at mahigpit na niyakap ang stuff toy. Nagdaan ulit ang ilang segundong katahimikan bago nito binasag ang katahimikan sa kanilang dalawa.

“S-salamat nga pala...”

Nakuha niya ang ibig-sabihin ng dalaga pero nagkunwari siyang walang alam, “Salamat saan?”

Ngumiti ito. “Sa pagligtas mo sa ‘kin. Na-droga man ako nang mga sandaling iyon pero alam kong ikaw ‘yong nakitang dumating at niligtas ako.”

“Hindi ak—”

“Huwag ka nga magkaila sa ‘kin. Ginagawa mo na naman akong tanga. Alam kong ikaw ‘yon at... Totoo niyan, tinanong ko si Papa at si Itang kung may alam ba sila sa`yo kung nasaan ka. Gusto kitang pasalamatan...”

“Pinapasalamatan mong nangyari sa`yo ang bagay na iyon? Na muntik ka ng madali ng tatlong pesteng Chinese! Na halos masira ulo ko sa kaiisip na sana walang masamang nangyari sa`yo! Odessa, hindi mo alam kung paano ako naging demonyo nang mga sandaling iyon.”

“Hindi ko pinasalamatang nangyari sa ‘kin ang bagay na iyon, Frahisto. Inisip ko, na siguro one way iyon ng Itaas na madakip na ang grupong iyon at...”

“At?”

“At muling mapalapit s-sayo para... Para humingi ng tawad. I am sorry, for everything. Sa lahat ng sinabi ko noon. Alam kong nasaktan kita... Sinisi kita sa lahat ng nangyari sa ‘kin. N-nakalimutan ko nang mga sandaling iyon na ikaw si Frahisto Fortocarrero Kariton, at dapat naging handa ako sa katauhan mo. Sorry kung, mahina ako. Sorry kung mabilis kitang nabitawan agad. Masyadong naging mababaw ang basehan ng pagmamahal ko sa`yo that time. Ang bilis kong sumuko. Sorry kasi, it take years bago ko nakuhang humingi ng tawad sa ginawa kong pagtulak sa`yo papalayo.”

Walang salitang lumabas sa bibig ni Farhistt. Masuyo lang niyang pinunasan ang luhang nagsiunahan sa pagpatak sa makinis nitong pisngi. Eksaktong paghinto ng kanilang sinasakyang Ferris wheel, nag-offer siya ng kamay kay Odessa para alalayan itong bumaba. Tahimik nitong tinanggap ang kaniyang kamay.

Pagkatapos nila sa Ferres, nagyaya na itong ihatid na sa mansion ng Philco. Tumango siya at sinunod ang gusto ng dalaga. Habang nasa daan sila, pareho silang tahimik. Pinili niyang ‘wag magsalita kahit ano. Marami siyang gustong sasabihin pero may mga tanong sa kaniyang utak, na baka nakonsensya lang ito. Kaya ayaw niyang tumalon papuntang conclusion na mahal pa rin siya ng dalaga.

“Goodnight, Vida Mia...” Hindi niya na hinintay na magsalita ito, deritso na siyang tumalikod at tinungo ang balcony kung nasaan ang Ama nito, naghihintay.

Napasunod ang tingin ni Odessa sa binatang tumalikod. Malungkot siyang napabuntunghinga at nagpasyang magkulong sa kaniyang kwarto para sa gabing iyon. Sana, dalawin agad siya ng antok. Nawalan siya ng ganang kumain.

Pero halos magpabaling-baling na siya sa kinahihigaang kama, ‘di siya magawang dalawin ng antok. Kaya nagpasya siyang bumaba ng kama at tinungo ang pintuan. Alam niyang magkatabi lang ang silid niya at ni Frahisto. Pero hindi siya sigurado kung dito natulog sa mansyon ang lalaki. Nagulat nga siya kanina nung pinakilala ito ni Mr. Svensson na si Frahisto ang bago niyang bodyguard. Pero sa kabilang bahagi ng puso niya, masaya siya na makita ito pero malungkot dahil iba ang nababasa niya sa mga kislap ng mga mata ng lalaki.

“Okay, basta sabihin mo lang sa ‘kin Jackylyn kung hindi na kaya.”

Sandali siyang natigilan. Nasa pasilyo siya naglalakad nang marinig niya ang boses ni Frahisto.

Bahagyang nakabukas ang silid nito at hindi niya ugaling mag-eves dropping pero namalayan na lang niya ang sariling nasa pintuan nito. Nakasandal siya sa malamig na dingding habang pinapakinggan kung sino ang kausap nito.

“Ingatan niyo ang sarili niyo, lalo na ikaw Jackylyn. Ayukong may masamang mangyari sa`yo.”

Nakagat niya ang labi. Bakit hindi niya gusto ang tono ng boses nito? Marahan niyang kinalma ang sarili. Wala siyang karapatan na masaktan o makaramdam ng kahit ano. Siya ang nagtulak una nito papalayo, ‘di ba?

“Pagkatapos niyan, may ibibigay ako sa`yo. See you this weekend. Hintayin mo pagdating ko.”

Mabilis siyang umalis sa kaniyang kinasasandalan at dali-daling tinungo ang hagdanan. Kahit papaano, masaya siya para kay Frahisto. Kung sakaling may bagong babaeng nagpatibok sa puso nitong pihikan, dapat pasalamatan niya. Dahil una pa lang, siya na ang sumuko. Para kay Odessa, hindi niya deserve lahat ng pagmamahal at pagsasakripisyo ng lalaki para sa kaniya. 2 years... 2 years ay sobrang tagal.

Naabutan siya ni Frahisto na nagtitimpla ng gatas. Nagtama ang mata nilang dalawa pero nauna itong magbawi ng tingin. Hindi pa rin ito nakapagpalit ng damit and obvious na wala itong dalang pamalit.

“Can’t sleep?”

Tumango siya. “Ikaw ba?”

“Nanibago lang sa bahay.”

Tumango siya ulit. Namayani ulit ang katahimikan. Kating-kati siyang magsalita at magbukas ng panibagong paksa pero naunahan siya ng hiya. Nahihiya siyang magsalita ulit at katahimikan ang isasagot sa kaniya ni Frahisto.

Nagpasya siyang bumalik sa kaniyang kwarto matapos siyang magtimpla. Bitbit ang isang basong gatas, nagsimula na siyang humakbang pabalik sa itaas. Narinig pa niyang muling nag-ring ang phone ng binata at kasunod na sinambit nito ang katagang—Jackylyn.

Ang arte mo, Odessa! Hindi bagay sayo ang masaktan dahil ikaw ang dahilan niyan.

Nagkunwari na lang siyang hindi narinig ang pangalan na sinambit ng lalaki. Mabilis siyang humakbang papalayo para makaalis na agad do’n at isipin ang katangahan niya 2 years ago.

“Natatakot ka ba sa ‘kin?”

Bigla siyang napahinto sa paglalakad. Nasa bukana na siya ng hagdanan at ‘di na siya dapat masurpresa kung paano nito nagagawang maglakad ng mabilis. Dahil magpahanggang ngayon, ‘di pa rin niya alam ang tunay na profession nito.

Lumingon siya. “B-ba’t ako matatakot?”

“Kung gano’n, then can we talk?”

“Nag-uusap na tayo.”

Sumupil ang ngiti sa labi nito pero agad din nawala. Bumalik ang pagiging seryuso ng mukha nito. “About what you said earlier...”

Agad umilap ang kaniyang mata at nag-iisip ng sasabihin, “Ah...”

“Mahal mo pa ba ako, Odessa?”

Natameme siya. Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib at pakiramdam niya, mabibingi yata siya. Binuka niya ang kaniyang bibig para magsalita pero ‘di niya makapa ang boses.

“Forget it. Goodnight, Odessa.” Nauna na itong humakbang sa hagdanan at tulala siyang iniwan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.