Namangha siya nang maubos ni Frahisto ang lahat ng mga laruang nakatayo. Sa kaniya lang ito nakatingin at parang nanghahamon sa kaniya. Agad hinagis nito ang toy gun sa staff na nagbabantay at halos ‘di makagalaw sa nasaksihan.
“Ang galing! Pero mas magaling pa rin ang Maccabi baby ko.” Agad siyang kumapit ulit sa lalaki.
Natatawang inakbayan naman siya nito at pinisil ang kaniyang pisngi. “Ako naman talaga lagi ang magaling sa mata mo, Goddess baby.”
Nagkunwari siyang ngumiti ng matamis na matamis! Mainggit ka, Frahisto!
“Yes naman. Kaya nga inlove na agad ako sa`yo unang araw pa lang. Ikaw talaga!” Gumanti rin siya ng pisil sa pisngi ng lalaki.
“Talaga?” naglalambing na tanong nito.
“Oo ‘no! Lika nga dito, iki-kiss kita!” kunwari hahalikan niya sa pisngi si Maccabi pero kamay ni Frahisto ang nag-landing sa labi niya. Nagtaas siya ng kilay na tumingin dito.
“Bawal maglandian dito.”
Nagtawanan naman ang mga kaibigan nitong nagtutulakan. Hindi halatang kinikilig ang mga ito. Ang sagwa kasi, ang laki ng katawan at ang mamacho.
“Eh, bakit ikaw?”
“It’s okay on my part. Jackylyn is my fiancée, aside from that, kami ang nauna rito. Katunayan niyan, Odessa, nirenta ko ang buong amusement park para sa babaeng mahal ko dahil paborito niya ito.”
Napakagat siya ng labi. Hindi naman halatang harap-harapan siyang sinaktan ni Frahisto ngayon. Lahat nagsitahimik. Walang umapela. Walang sumingit. Ang tanging nag-iingay lang sa paligid, ay ang mga rides. Nag-agaw na rin ang liwanag at dilim. Parang puso niyang nagdadalamhati sa sakit nang mga sandaling iyon at gusto itong itakas papalayo. Sa kaniya si Frahisto nung una, eh! Sa kaniya ito! Hindi man sila nag-jugjug sa kama, pero kaniya pa rin ito.
“Siya ba?” lakas-loob niyang tiningnan ang babaeng nasa likuran lang nito at maarteng nakatayo.
Aaminin niya na, maganda ito. May lahing dayuhan sa kulay at buhok pa lang. May lahi rin naman siya, ah. Lahing maganda at diyosa.
“Sino ba sa tingin mo ang babaeng mahal ko?”
Hindi siya sumagot sa tanong na iyon ni Frahisto. Kitang-kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Nagsisigaw ang totoong pagmamahal na sinasabi nito sa babaeng, malabong siya. Mahal siya ni Frahisto, noon. Noon lang siya nito. Hindi na ang pang-ngayon. Nagbago na ang lahat. Hindi na siya ang nag-iisang diyosa sa buhay nito. Hindi na siya...
Tumalikod lang siya at hinila ang kamay ni Maccabi papalayo ro’n. Tahimik naman itong sumunod sa kaniya. Dapat pala, hindi siya nagpunta sa araw na ito sa amusement park. Siya itong na-amuse sa nangyari sa araw na ito. Grabeng revelation! Hindi kinaya ng puso niya ang mag-inarte at gamitin si Mr. Fakhoury.
Napagod na si Frahisto. Napagod na nga sa kaniya. Masyado siyang naging kampante. Nagsimulang magsipatakan ang mga luha sa mata niya habang naiinis na pinunasan niya ang mga iyon. Hindi siya iiyak, okay! Hindi. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Maccabi, pinapahiwatig niya rito na ‘wag na siya nitong tanungin pa sakali. Naiintindihan naman siya nito at sumunod lang sa kaniyang gusto.
Uuwi na siya. Tama na ang pagkukunwari. Siya ang talo. Kasi, unang-una ano ang kaniyang pinaglalaban ‘di ba? Bakit siya naggaganito? Ah, dahil nakita niyang may ibang kasama ang taong mahal niya. Oo, mahal niya naman talaga. Hindi naman talaga ito nawala kahit saglit. Kinain lang siya ng takot noon.
“Why won’t you fight for it?”
Sandali siyang napatigil sa paglalakad at hinarap ang binata. Malayo na sila. Malapit na sa exit. Napapansin niyang nakatingin sa kaniya ang mga staff doon pero pakialam ng mga ito? Nasasaktan siya.
“Para ano, Mr. Fakhoury? Nakita mo ba ‘yong mga kislap ng mata niya? Kung paano niya banggitin ang pangalang Jackylyn? Kung paano kasaya ang ngiti niya habang nasa tabi niya ang babaeng iyon? Nakita mo naman ‘di ba? Alam mo, ang tanga ko, eh. Nasa akin na siya rati, eh. Nasa akin na siya pero sinayang ko. Kaya paano ko siya ipaglaban, ha? Fight for it? Ang alin, Maccabi? Ang pagmamahal ko ba ang ibig mong sabihin? Ha? Iyon ba?”
Napabuntunghinga ito at marahang pinunasan ang mga luhang nagsibagsakan sa mata niya. Hinawi rin nito ang kaniyang buhok at bahagya itong ngumiti.
“Tinanong mo ba si Yx kung sino ang babaeng sinasabi niya?”
Mabilis siyang umiling at napahikbi. Mas lalo lang siyang napaiyak, sa isiping baka isampal sa kaniya ni Frahisto ang salitang iba na ang mahal nito kapag nagtanong siya.
“H-halata naman si Jackylyn, ‘di ba?”
“Ayaw mo ba talagang bumalik at tanungin si Yx?” naniniguradong tanong nito.
Bigla siyang nagdalawang isip sa sinabi nito. Wala naman mawawala sa kaniya kung gagawin niya iyon. At least, nag-try siya. Nawala na sa kaniya ang lalaki sa kaniyang pagiging duwag dati, kaya tama rin si Maccabi. Tanungin niya si Frahisto at bahala na kung may fiancée ito! Hindi pa naman ito totoong kinasal at wala pa napepermahan papel. Maagaw pa niya!
“Ano, Ms. Philco?”
Hindi niya na magawang sagutin ang tanong na iyon ng lalaki. Mabilis pumihit ang kaniyang paa at tumakbo pabalik kay Frahisto. Bahala na!
Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa likod ng lalaki. Nakatalikod ito at kausap ang apat na kaibigan nito habang nasa tabi ang babae. Nagulat ang lahat sa kaniyang ginawa pero ngayon lang siya may lakas-loob ulit. Tama na ang kadramahan niya sa buhay.
“Mahal kita!” Wala siyang pakialam kung sumigaw na siya nang sambitin niya ang katagang iyon. “M-mahal kita, Frahisto! Mahal kita at paulit-ulit ko itong sasabihin, mahal na mahal pa rin kita. Pero ikakasal ka na kay Jackylyn Roka-peste ang hirap banggitin ng apilyedo ng babae mo! Nakakaiyak. Oo, naiiyak ako kasi ang tanga ba naman ng puso ko.” Nang akmang lingunin siya ng lalaki, mas hinigpitan niya ang kaniyang pagkakakayakap dito. Saka na ito humarap kapag tapos na siya sa pagsasalita. Kapag tapos na siyang umiyak. Kapag nailabas niya na lahat.
“Odessa...”
“Frahisto ‘di naman kita aagawin sa babaeng ‘yan. Bumalik lang ako para malaman mo na hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga. Walang kami ni Mr. Fakhoury. Pinapaselos lang kita, pero ako ang nagselos. Ang nasaktan. Ang umiyak. Kasi ‘di ba, sino ang hindi maiiyak kung makita kang masaya na sa iba? Ang tanga ko kasi naman. Tapos ang arte-arte pa! Nagpadala ako sa takot ko kaya pati pagmamahal ko sa`yo, nabalot ng takot dati. Pero Frahisto, w-wala na ba talaga? Ayawan na ba talaga? Hindi pa pwedeng ako na lang ang diyosa mo ulit?” Sunod-sunod siyang napahikbi. Mahahati yata ang puso niya sa sakit na naramdaman. Ganito pala ang naramdaman ng lalaki nung nagmakaawa ito sa kaniya pero ‘di niya pinaha-lagahan. Hindi niya pinakinggan. Ganito pala kasakit. O baka mas masakit pa nga ang naramdaman nito.
“Odessa, makinig ka...”
“M-mamaya ka na nga kasi magsalita!” asik niya habang humihikbi. Paki niya kung nando’n ang mga kaibigan nito nanonood sa kaniya. “Hindi pa ako tapos. H-hayaan mo lang ako. Deserve ko ito, eh. Deserve ng mga taong tanga ito tulad ko. Na sa akin ka na, pinakawalan pa. O ‘di ba, nasalo ko. Pero okay lang, Frahisto. Nasasaktan man ako ngayon, huli man ako na maisip na ikaw pa rin ang mahal ko... Okay lang. H-hindi naman masyadong masakit. H-hindi naman masyado... Konti lang naman. Makakaya ko rin ito...”
“Vida Mia...”
Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito nang bumitaw siya. Tapos niya ng sabihin ang lahat at handa na siyang tumakbo papalayo. Pwede na siyang tumakbo papalayo kasama ang bodyguard niya. Pero bigla siyang nalito nang lumingon sa kaniya si Frahisto at malawak na nakangiti. Bahagya niyang kinurap-kurap ang mata, nabubulag yata siya dahil sa luha niya.
“Alam mo bang...”
“Oo alam ko... Na hindi mo na ako mahal at siya na ang mahal mo,” napatingin siya sa babaeng nagpipigil ngumiti sa tabi nito. Teka, bakit hindi man lang ito nagalit? Dapat kanina na siya nito hinila at pinagmumura. Pero bakit kinikilig pa yata? “Bakit chill lang ang babae mo, Frahisto? Hindi ba niya ako sasaktan tapos sasampalin like inagaw kita ng ilang segundo?” takang tanong niya.
“Ikaw lang ang babaeng minahal ko, Odessa. Ang babaeng papakasalan ko.”
“Ayy!” Napayakap siya rito nang wala sa oras. Sunod-sunod na pumutok ang fireworks. Sayang, hindi niya naintindihan masyado ang sinabi ng binata. Ano raw sabi nito? Gagawin siyang flower girl sa kasal? Ang saklap naman!
“Goddess! Tumingin ka sa langit.”
Mabilis siyang napasunod. Para siyang natuod sa kaniyang nakita. “Ang ganda!” Mula sa kanilang kinatatayuan, nakita niya ang naggagandahang fireworks na iba’t ibang kulay at hugis. Namangha siya sa sobrang ganda!
Hindi niya mapigilang mapaluha ulit. Ang unang pagkakataon na hindi siya takot pagmasdan ang fireworks simula nung na trauma siya sa nangyari. Ang unang pagkakataon na kasama niya si Feahisto at kayakap pa niya ito.
“Paulit-ulit ko itong sasabihin, ikaw ang pinakamaganda sa mga mata ko Vida Mia...”
Mabilis siyang napalingon sa lalaki at nakatitig ito sa kaniya ngayon. Saka rin niya napansin na ang dalawang kamay nito ay nasa kaniyang beywang at malamlam siya nitong pinagmamasdan. Kung hindi siya nagkakamali, pagmamahal ang nasilip niya sa mga kislap ng mata nitong nakakatakot minsan kung tumitig. Hindi na siya nabibingi sa pagkakataong ito.
“Pakiulit? Tama ba narinig ko? Frahisto ‘wag kang magbiro ng ganiyan sa magaganda. Alam kong maganda ako at pang-dyosa ang kagandahan ko pero ‘wag ka magbiro sa ‘kin niyan, dahil iisipin kong mahal mo pa rin ako.”
Natawa ito sa kaniyang sinabi at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. “My sweet and innocent, Odessa... Bakit ba ganiyan ka? Alam mo ba kung gaano ko ‘yan na miss?” Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pisngi.
“Ang alin?”
“Ang tayo.”
“Ha?”
“My God, Odessa! Mababaliw ako sa`yo.”
Biglang tumigil ang ingay ng fireworks. Nagbawi siya ng tingin sa lalaki at napatingin sa paligid. Awtomatikong namilog ang kaniyang mata sa sunod na nakita.
Sunod-sunod na lumitaw sa kalangitan ang ’MARRY ME VIDA MIAʼ na fireworks. Para siyang tangang sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at hindi makapaniwalang napatingin ulit sa lalaki. Anong ibig sabihin nito? Naging bobo na naman siya. Humihina na naman ang kaniyang utak. Hindi niya ma-digest ang nangyayari.
Nagsigawan ang mga kaibigan nito at nagsimulang kumanta kahit ang pangit ng mga boses. Nagtutulakan pa ang mga ito at halatang kilig na kilig na nanonood sa kanila.
Dahan-dahang bumitaw naman si Frahisto sa kaniya at may inilabas na maliit na box mula sa coat na suot nito. Natuptop ni Odessa ang kaniyang bibig lalo na nung lumapat ang isang tuhod nito sa sahig at buong pagmamahal na ginanap ang isang kamay niya.
“Odessa...”
“Yes na ako agad, Frahisto! Oo na ako agad!”
Ang lakas ng tawanan sa paligid sa kaniyang naging sagot. Agad nitong sinuot sa daliri niya ang singsing. Kung alam lang ng lalaki na tinago niya ang singsing na binigay nito at hanggang ngayon, tinitingnan niya iyon sa tuwing matutulog siya.
Para siyang batang nag-iiyak na yumakap sa lalaki matapos nitong isuot sa kaniya. Wala na talagang bawian ito? Sa kaniya na ulit ang lalaki? Sa kaniya na ulit si Frahisto niya? Pero paano si Jackylyn? Ibig sabihin, dalawa silang asawa?!
“Frahisto!” naiiyak siyang bumitaw sa pagkakayakap dito. Ang pangit naman kung dalawa sila ni Jackylyn. Hindi naman pwede iyon.
Nagtaka naman ito at nagsitahimik ang mga kaibigan nitong ang iingay sa paligid. Naghihintay sa kaniyang sasabihin.
“Why? Is there something wrong? Ayaw mo sa singsing? Gusto mo palitan natin? Wait, wait... I’ll call someone.” Mabilis itong tumayo at hinugot ang phone pero pinigilan niya iyon.
“Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Nalilito lang ako kasi you asked me to marry you pero fiancée mo rin si Jackylyn Suzuke. So ano ito? Dalawa kaming papakasalan mo? Aba, mali iyon! Frahisto naman, ang gahaman mo sa babae. Hindi porke’t mahal kita at hindi nawawala pagmamahal ko, dalawa na kaming pakasalan mo. Mali iyon, Frahisto. Mali iyon! Dapat isa lang.”
Isang malakas na halakhakan ang narinig niya sa paligid. Inosenteng napatingin siya sa mga ito at halos hindi makahinga ang mga ito sa kakatawa. May mali ba sa sinabi niya?
“Goddess! Ikaw lang ang babaeng minahal ng kaibigan namin seryuso.”
“Yes. Azael is right, Ms. Philco. Hindi kayo dalawa ang papakasalan.” Mabilis na singit nung lalaking strikto ang mukha at kulay hazel ang mata.
“Farhistt dude! She’s way too innocent. Ang cute niya!” natatawang saad nung lalaking may suot na cap at slang magsalita.
“Yeah, I agree on that Zyd.”
Magre-react pa sana siya sa sinabi ng mga kaibigan nitong wala yatang planong tumigil sa kakatawa pero isang mahigpit na yakap ni Frahisto ang sumalubong sa kaniya. Mahigpit na mahigpit iyon at wala yatang balak siyang pakawalan. Naramdaman na lang niyang nagpipigil itong tumawa sa kaniyang balikat.
Nag-abot ang kaniyang kilay nang bumitaw ito at magtatanong sana kung anong mali... Pero ang labi nito ang sumalubong sa kaniya. Para siyang natuod nang maglapat ang labi nilang dalawa kasabay ang pagkanta ng mga kaibigan nito ng kanta ni Ed Sheeran ng ‘Perfectʼ.
Para siyang nahipotismo nang mga sandaling iyon at lahat ng kaniya agam-agam at pagtatanong, tinangay ng hangin. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin at nagkakantahang mga demonyo sa kaniyang pandinig, tuluyan siyang nadala sa masarap na halik ng kaniyang Frahisto.
Namalayan na lang ni Odessa na pareho sila ng lalaki na hilam sa luha ang mata habang magkahinang ang labi. Ang labing na-miss niya sa loob ilang taon. Ang labing paulit-ulit niyang binabalikan sa isip.
“Odessa...” masuyo nitong ginanap ang kaniyang mukha at kitang kita niya ang ang masaganang luha sa mata nito.
Kagat-labing inabot niya ang mata nito at malayang pinunasan ang luhang kumawala ro’n. Ang Frahisto niya ang ebidesyang gwapo pa rin kahit umiiyak. “Frahisto...”
“You don’t know how happy I am, Vida Mia... Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Alam mo bang ikaw lang ang babaeng mahal ko? Ang babaeng walang mamahalin ko. Hindi ako kailanman napagod sa`yo. Ang totoo niyan, walang kami ni Jackylyn Rokassowskij. Hindi siya Suzuke, okay? Hindi siya sasakyan at kung sakaling maging sasakyan man, ikaw pa rin ang sasakyan ko. Ikaw ang nag-iisang Diyosa ko, ang babaeng mahal ko. Ang babaeng paulit-ulit kong mamahalin...”
Sunod-sunod siyang napatango. Hindi niya makapa ang kaniyang boses. Ang mga luha lang niya ang bukod tanging nagpapahiwatig na masaya siya sa mga sandaling iyon. Walang tigil ang mga iyon sa pagpatak.
“Yeheyy si ate! Magkaka-love life na!”
Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nalamang nando’n ang kaniyang dalawang Ama. Ang kaniyang Inang at mga kapatid na masayang masaya na nakatingin sa kanila. Ang lawak din ng ngiti ng kaniyang Itang at Ama sabay fist bump sa isa’t isa.
Siya lang pala ang hindi na-inform. Nadali siya sa araw na ito. All awhile, nakaplano na pala ang lahat. Ngayon lang nag-sink in nang tuluyan sa kaniyang isip lalo na nung mapasulyap siya kay Maccabi na nakangiting nag-thumbs up sa kaniya.
“Congratulations, dude! Lalaki ka na, umiyak ka, eh.”
“Lalaking umiiyak sa babae.”
Sabay nagsitawan ang lahat sa sinabi ni Azael at Cuhen pero hindi siya. Kung alam lang ni Frahisto kung gaano siya kasaya sa gabing ito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, mabilis niyang niyakap ang leeg ng binata at hinalikan ito sa labi ng buong puso.