Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 4

Pikit-mata siyang sumunod, bahala na talaga! But this time, may dala na siyang flashlight kung sakali. Ayaw niyang magkandapa-dapa. Malayo ang agwat nilang dalawa ni Frahisto, tamang-tama lang na nakikita niya ito. Pinapangako niyang ‘di siya malilingat dahil may lahing jaguar ang lalaki. Masyadong matalas din ang pakiramdam ng lalaki. Minsan nga, iniisip niya may third eye ito.

Diyos ko! Nalingat na naman ako.

Inis na inis siyang nagpapadyak sa kaniyang kinatatayuan. Kakasabi niya lang na baka malingat siya, eh. Wala siyang magawa kundi ang takbuhin na ang loob ng kakahuyan. Sumabit pa ang suot niyang palda sa barbed wire kaya naghila-hila moment muna siya bago siya tuluyang nakapasok.

“Saan ka na ba? Frahisto naman! Kinakabahan ako sa`yo.” nagpalinga-linga siya, walang Frahisto. Ang tanging naririnig lang niya, ingay ng mga kuliglig at mga kulisap. “Diyos ko! Mas nakakatakot naman ngayon. Saan ba siya? Kailangan ko siyang mahanap at bak—” muntik siyang mapasigaw sa gulat nung may tumalon na palaka sa kaniyang paa. Napakagat siya ng labi at pinapakalma ang sarili. Mahigpit pa rin niyang hawak ang kaniyang flashlight, na ‘di niya inabalang i-on.

Nagsimula siyang maglakad sa loob ng masukal na kakahuyan. Sana, walang aswang o kaya naman ahas. Mas malala, maligno o kaya kapre! Taimtim siyang nagdarasal habang marahan ang kaniyang mga hakbang. Tinatawag din niya ang pangalan ng lalaki, pero mahina lang at baka may maisturbo siyang ibang nilalang.

Ano ‘yon! May nakita siyang liwanag sa unahan. Mga ilang metro ang layo. Bahay? Pero ang pagkakaalam niya, puro kasukalan lang ito na pinagbabawal pasukin. Imposibleng may bahay.

What if, tingnan ko kaya? Baka nando’n si Frahisto. Baka may matandang hukluban sa loob ng kakahuyan na ‘to tapos ginayuma ang Frahisto ko! No ways! Kailangan ko siyang makuha ngayon din. Sa gwapo ba naman ng Frahisto na ‘yon, marami talagang magkakagusto sa kaniya. Kahit nga ako—

Mabilis nyang pinilig ang ulo. Kung anu-ano na naman itong pinag-iisip niya at bago pa siya tangayin ng kaniyang takot, humakbang na ang kaniyang paa papunta sa liwanag na kaniyang nakikita. Pahigpit nang pahigpit din ang paghawak niya sa kaniyang kwentas na suot. Oras na mag-aagawan talaga sila ng matandang bruha o kahit anong maligno, pamiguradong mananalo siya. Aba! Malakas yata ang loob niya... Takot nga lang sa ahas.

“Frahisto? Andito ka ba, Frahisto?” halos na pabulong na lumabas iyon sa kaniyang bibig. Kung pwede lang sanang sumigaw, ginawa niya na.

Dahan-dahan pa rin siyang naglalakad papunta sa maliwang na nakikita niya. Hindi nama siguro ito paakyat papuntang langit? huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling mag-isip ng matino. Kung anu-ano na naman ang kaniyang naiisip at maya niyan, may lumitaw pa na tikbalang.

Napasinghap siya, “Ano ‘yon?” mabilis niyang nilibot ang tingin kahit madilim dahil sa makakapal na mga punong-kahoy. May naririnig siyang sigaw ng tao. “Naku! Si Frahisto niluluto na yata siya!” Nagmadali siyang maglakad, halos patakbo na nga ang kaniyang ginawa . nagkandapa-dapa pa siya dahil nasasabit ang kaniyang paa sa mga ugat na nakausli. “Kapit ka lang! ‘Wag kang magpapaluto muna. Naku! Diyos ko.”

Pero natigilan siya nang nasa bungad na siya, ibang tao ang kaniyang naaninag. Hindi si Frahisto. Marami ang mga ito, sa tingin ni Odessa nasa mahigit bente. May mga dalang armas at nakita niya rin ang dalawang african hito. Agad sumikdo ang kaniyang puso sa nakita. Pakiramdam niya, may mangyayaring masama. Napatingin siya sa liwanag na pinagmumulan, isa itong bahay-bato na tingin niya, isang hide out. Bakit walang nakakaalam na isang hide out ang lugar na ito?

Bahagya siyang napaatras. Baka kapag magtagal pa siya ro’n, may masamang mangyari sa kaniya. Pero paano si Frahisto? Nakita ko siyang pumasok dito. Natigilan siya. Kaya ba lagi niyang napapansin na nawawala ang lalaki dahil minamatyagan nito ang lugar na ito? Napakagat siya ng labi. Ibig sabihin, Pulis ito... O kaya mas mahigit pa ro’n.

“Ilang beses ko ba sinasabi sa inyo na tigil-tigilan niyo ang pamangkin ni Bartolome? Lagi kayong napapaaway dahil sa babaeng iyon, ah!”

Napatingin siya sa nagsalita. Isang matabang lalaki na malaki ang tiyan at may mahabang bigote. Bago ang mukha nito sa kaniyang paningin. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

“Type ko talaga boss, eh. Ang ganda naman kasi ng babaeng iyon! Dede at legs pa lang ni Odessa, ang sarap-sarap na. Lagi akong tinitigasan sa tuwing nakikita ko ang kaniyang mabibilog na pwet! Pwede ko ba dalhin dito at ikulong boss?”

Bastos! Gusto niyang batuhin ito ng flashlight niyang dala sa kabastusan. Bago pa umigkas ang kaniyang kamay para batuhin nga ito, may biglang humila sa kaniya. Nagpupumiglas siya pero nung marinig niya ang boses ni Frahisto, kumalma siya.

“Bakit ka nandito?”

Lumamlam ang kaniyang mata sa isiping okay lang ang lalaki. Mabilis niyang niyakap ito. “Akala ko napano ka. Teka, pulis ka ba?!” bigla siyang bumitaw rito.

“Ang tanong ko Odessa ang sagutin mo. Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam kong gaano kadelikado sa lugar na ito? Fuck!”

Napalabi siya. Alam niyang delikado pero nag-alala kasi siya rito, “N-nag-alaala ako sa`yo. M-may mali ba ro’n?”

Napabuntunghinga naman ito at ‘di nagsalita. Dahil madilim sa kanilang pwesto, ‘di niya maaninag ang mukha nito kahit gustong-gusto niyang abutin ang pisngi ng lalaki at pisilin iyon.

“Odessa...”

“B-bakit?” Ewan ba, sa tuwing sinasambit nito ang kaniyang pangalan... Lagi siyang nauutal at kinakabahan.

Humugot ito ng malalim na buntunghinga saka niya naramdaman ang yakap na binigay nito. Natuod siya sa ginawa nito pero hindi siya kumibo. Halos sumabog ang kaniyang puso nang mga sandaling iyon at nahihirapan siyang huminga. Bakit siya niyakap nito? Bakit kinikilig ang puso niya? Ang dami niyang bakit...

“Next time, don’t do this again. Iyong sumusunod sa ‘kin. Paano na lang kung may nangyari sa`yo? Paano na lang kung nakita ka nila? God, Odessa! Makakapatay ako.”

Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Sana ‘di siya binibiro ng kaniyang pandinig. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang magkabilang pisngi at panginginig ng kaniyang kamay.

“Let’s go. We need to get you out of here. Delikado rito at ayaw kong makita mo ang gagawin ko ngayon”

“Pero—”

“Fuck!”

Nagulat sila pareho nito nang may nag-ilaw sa kanilang pwestong pinagtataguan.

“Sino ‘yan?!” boses pa lang ng lalaki, nakakatakot na.

Agad siyang siniksik ni Frahisto sa katawan nito, na parang pinoprotektahan siya. Nagtago sila sa likod ng malaking kahoy.

“Anong meron d’yan?”

“Mukhang may tao...”

Narinig niyang mahinang nagmura si Frahisto sa kaniyang tabi at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay. “Don’t make a sound, okay?” pabulong na saad nito na tango ang kaniyang sagot.

“Tingnan mo! Kapag tao, patayin mo agad.”

Sumikdo ang kaniyang puso sa narinig pero sa isiping nasa tabi niya ang lalaki, kumalma siya. Pakiramdam niya, safe siya sa bisig nito at walang mangyayaring masama. Narinig niyang dahan-dahang lumapit sa kanila ang lalaking may dalang flashlight. Gusto sana niyang silipin pero nakaharang ang katawan ni Frahisto at dinig niya ang pagtibok ng puso nito.

Kahit nasa panganib silang dalawa, nakuha pa rin niyang amuyin ang katawan nito. Shocks! Ang bango naman. Parang bagong ligong downy. Hmm! Ano kayang gamit niya? Tide na may downy, or downy na may tide? Napahagikhik siya. Buti napigil pa niya ang kaniyang sarili na haplusin ang dibdib nitong alam niyang matigas, parang semento.

Akmang aamuyin niya ulit ang lalaki nang may gumapang sa kaniyang binti na parang... Parang ahas! Sumunod na ginawa niya, hindi niya na control ang sariling tumili ng malakas.

“Fuck!” Agad tinakpan ni Frahisto ang kaniyang bibig pero naalarma na ang mga taong nando’n. Bago pa sila paulanan ng bala, mabilis na siyang nahila papalayo ng lalaki. “Bilisan mo ang takbo!”

Sunod-sunod siyang tumango. Hindi naman niya ginustong tumili, may ahas lang talaga at takot siya mga ganiyan at baka kagatin siya. “Oo! Sorry...”

Hindi ito sumagot. Mahigpit lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at ginigiya siya papalayo. Marami na rin ang humahabol sa kanila at may nagpapaulan ng bala. Kung ‘di dahil sa matataas na mga puno ro’n baka kanina pa sila natatamaan ng bala. Nagulat pa siya nung may hawak itong baril at nakipagsagutan ng baril. Napapasigaw siya sa bawat putok ng baril sa paligid. Pakiramdan niya, lumalabas ang kaniyang puso. Mamatay yata siya sa heart attack.

“Dapa!”

Kung ‘di siguro siya nahila ng lalaki, baka natamaan na ang kaniyang ulo. Diyos ko! Ayaw pa niyang mamatay. Biglang pumihit ang katawan nito, tinakpan siya para ‘di siya matamaan. Nakipagsagutan ito ng barilan. Gusto sana niyang makita kung natamaan ba pero masyadong malapad ang katawan ni Frahisto, ‘di niya makita.

“Mamatay na ba tayo rito?”

“No.”

Napatango siya. Baka maingayan ito sa dami ng kaniyang tanong. Pinikit na lang niya ang kaniyang mata at tinakpan ang magkabilang teynga. Mabibingi na yata siya nito pagkatapos. Ganito pala ang feelings kapag nasa ganitong sitwasyon pero ang weird lang, dahil ‘di siya nakaramdam ng takot. Maybe dahil nasa tabi niya lang ang lalaki.

“Run!”

Napabangon siya nang hilain siya nito. Tinatakbo nila ang kahabaan ng kakahuyan. Ginamit na rin niya ang flashlight kaya nakikita niya ang daan. Gusto sana niyang tanungin kung bakit at paano nakakakita sa dilim ang kasama niya ngayon.

Napasigaw siya nang sumabit ang kaniyang damit sa barbed wire. Baka maabutan sila ng humahabol sa kanila. Nagulat na lang siya ng punitin ni Frahisto ang kaniyang palda. Magrereklamo pa sana si Odessa dahil sobrang ikli at halos kita na ang kaniyang kaluluwa pero mabilis na siyang nahila nito papalayo.

“Huwag kang lumingon.”

“H-ha?”

“Damn, Odessa! Focus.” hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniyang kamay habang tumatakbo sila.

“Oo! P-pero and’yan na sila—”

Kinuha nito ang bitbit niyang flashlight at tinapon sa isang tabi. “I said, focus.”

Muli siyang napasigaw ng may bumaril sa kanila pero gumanti ng barilan dito ang lalaki. Napakagat na lang siya ng labi. Kahit magkahawak kamay sila nito ngayon, hindi pa rin niya mapigilang kabahan para sa kaligtasan nilang dalawa. Uuwi pa ito ng Maynila, sa asawa nito. Kaya dapat makaligtas sila ngayon.

“Hanapin niyo sila!”

“Yes boss!”

Nagtaka siya kung paano sila umabot sa batis. Napatingin siya sa nagsalita, namukhaan niya ang lalaki. Ito ‘yong Mayor nila at may bitbit na baril. Naguguluhang napatingin siya kay Frahisto, tiningnan lang siya nito at sinenyasang mamaya na magtanong.

Nasa ilalim sila ng malaking batuhan habang hanggang dibdib nila ang tubig. Nakayakap siya sa lalaki at pinantay sa katawan nito para ‘di siya malunod. Ang cute ba naman ng height niya. Tamang-tama lang na walang makakapansin sa kanila na do’n magtago, maliban sa puro malalaki ang mga bato. May nakaharang pa na natumbang kahoy.

“Hindi pwedeng ‘di sila mahanap. Masisira ang reputasyon ko! Bilis, hanapin niyo at patayin ora-mismo!”

Napayakap siya ng mahigpit sa katawan ni Frahisto sa narinig. Nagkalat ang liwanag ng flashlight na dala ng mga ito at kaniya-kaniyang hanap ang mga tauhan nito. Buong akala niya, mabait ‘tong Mayor nila. Nakakalungkot isipin. Marami pa naman silang sumaludo sa galing nitong magpatakbo sa bayan tapos may baho pala ito.

Pulis ba siya? Gusto niyang itanong ang bagay na iyon sa lalaking halos kapalitan lang niya ngayon ng paghinga. Medyo naiilang siya sa sitwasyon nilang dalawa pero wala siyang magawa. Kapag bumitaw siya sa pagkakapit dito, baka malunod siya.

Ilang minuto silang gano’n hanggang sa tumahimik na ang paligid. Naririnig niyang tumakbo na paalis ang mga tauhan ng Mayor. Saka siya nakahinga ng maluwang. Hindi na nga niya napansin na malamig ang tubig dahil sa sitwasyon pa lang nila ng lalaki, wala na, mahihiya ang tubig sa sobrang hot nito.

“Wala na sila!” tango lang ang naging sagot ni Frahisto sa kaniya, “Pwede na ba tayong bumalik sa bahay?”

Umiling ito at sinenyasan siyang ‘wag maingay, agad naman siyang tumahimik at hinintay na magsalita ang lalaki. Nag-alala siya sa kaniyang Tatang. Paano kung nakilala siya ng mga tauhan ng Mayor at ang Itang niya ang binalikan? Hindi niya matatanggap na may masamang mangyayari rito. Nagsimula siyang ‘di mapakali.

“F-frahisto...”

“Hmm?”

Nag-alangan siya magsuhestyon ulit na umuwi na. Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at bahagyang lumuwang ang kaniyang pagkakapit. “G-gusto ko ng umuwi.”

“You can’t.”

“Bakit?”

“They’re everywhere. Kapag nakita nila tayo, mas madali nila tayong mapatay.”

Napahugot siya ng hangin. Tama naman ito pero ang kaniyang Itang? Baka may masamang nangyari rito. “Pero si Itang baka—”

“Bakit ka sumunod? Alam mo bang delikado ang ginagawa mo, ha? Paano kung natamaan ka? Paano kung nauhan ka nila? Ano, Odessa?” galit nitong tanong at nasisilong siya sa tono ng boses nito.

Nagyuko siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nag-alala siya? Malay ba niyang Pulis ito? Napabuntunghinga naman si Frahisto at kumalma.

“S-sorry...” napakagat siya ng labi.

Tanging tango lang nito ang sagot at hindi na nagsalita pa. Nanatili silang gano’n ang pwesto nang magpasya itong umahon sila sa tubig at sa tabi sila manatili. Baka raw sipunin siya at ubuhin sa lamig. Kahit papaano, napangiti siya sa pag-aalala nito. Muntik pa siyang kiligin kung hindi lang siya inubo.

“Fuck!”

“Okay lang ako.” Ngumiti siya.

Sinamaan lang siya nito ng tingin at pinaupo sa isang tabi. Tamang-tama lang na walang makakakita sa kanila kung sakaling may dadaan, “Dapat sa mga oras na ito, tulog ka na. Ngayon inubo ka na, kargo de konsensya ko pa.”

“Pero okay lang—”

“You’re not.”

Muli siyang inubo. Tumakbo ba naman silang mala-athlete ng track ‘n field, tapos sabay lusong sa tubig... Kaya ‘di nakakapagtaka. Nag-alalang hinagod nito ang kaniyang likod at sinisermunan siya. Imbes na ma-offend, napangiti siyang parang tanga. Wala lang, ang cute nito magalit. Hindi niya mapigilang kiligin kahit nagmukha na siyang tanga kakaubo.

“Okay-okay! I guess, they’re gone already. Dalhin na kita sa bahay. Kailangan mo magpalit ng damit at—”

“May naririnig akong boses! Baka sila na ‘yan!”

“Pikit mo mata mo…” Naramdaman niyang pinangko siya ni Frahisto.

Ando’n na naman ‘yong ligaw niyang feelings sa lalaki, nangungulit. Pinikit na lang niya ang kaniyang mata at hinayaan ito. Alam niyang ‘di siya ipapahamak. Sa mga bisig pa lang nito, hundred safe sure ang nararamdaman niya.

Basta nung nagmulat siya ng mata, nasa bahay na sila. Hindi nakabukas ang ilaw at wala man lang itong pakialam. Naglakad ito habang pangko siya na parang sanay sa dilim. Deritso nitong tinungo ang kaniyang kwarto at marahan siyang nilapag sa kamang gawa sa kawayan. Wala itong kutson.

“We’re here...”

Hindi siya kumibo. Tahimik lang siyang lumayo at tumalikod na ito sa kaniya. Tinungo nito ang pintuan para lumabas.

“F-frahisto...” Napalingon ito sa kaniya. “Please, ‘wag kang umalis.”

Walang sagot mula rito pero nakita niyang tuluyan itong lumabas ng kwarto niya. Napabuntunghinga siya at kinurot ang sarili. Ang OA niya ba naman kasi. Bakit niya pinapa-stay sa silid niya ito samantalang may asawa nga pala ito.

Ang tanga mo!

Nagpasya siyang magpalit ng damit at uminom ng maraming tubig. Sana, makatulog siya sa gabing ito pagkatapos ng barilang nangyari. Tingin niya, mahihirapan siya nito sa pagtulog.

NAGISING na lang siya kinabukasan na sinisipon at mataas ang lagnat. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Nasapo niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Saka lang siya parang nahimasmasan nung dumapo ang kaniyang mata sa bintana. Mataas na ang liwanag ng araw sa labas.

Si Frahisto nga pala!

Sa isiping iyon, nagmamadali siyang bumaba sa kama at tumakbo papalabas ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pag-iisip niya kagabi, nakatulog siya ng mahimbing. Hindi man lang niya alam kong natulog ba ang lalaki sa kabilang kwarto o baka umuwi na. Unang bumungad sa kaniya ang kaniyang Itang, nakaupo ito sa paborito nitong upuan paharap sa bintana habang may kapeng iniinom at nanonood ng paborito nitong TV Show.

“Itang!” masaya siya sa nalamang buhay ito at walang masamang nangyari.

“Oh, Ineng at nagmamadali ka? Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo.”

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Kapag sinabi niya ritong may sakit siya, mag-aalala ito sa kaniya at pipilitin siya nitong painumun ng langis na gawa sa niyog na maraming dahon nakahalo. “H-hindi ho, okay lang ako. Ah... Itang, si F-frahisto po?”

Ngumiti naman ito at muling sumimsim sa iniinom na kape. “Mabuti pa ay kumain ka muna ng almusal d’yan. Namumutla ka na.”

Wala siyang magawa kundi ang sundin ito. Laglag ang balikat na nagtungo siya sa kusina at tulalang umupo sa silyang nando’n. Saan na nga ba si Frahisto? Umalis na ba ito? Akala ba niya, bukas pa ito uuuwi? Napabuntunghinga siya. Sumobra ang kaniyang tulog at heto siya ngayon, may lagnat. Sandali niyang pinikit ang mata, napangiwi siya nang maramdamang umiikot ang kaniyang paligid.

“Hey!” Isang kamay ang sumalo sa kaniya.

Saka lang niya napansin na natumba na pala siya sa kinauupuang silya na walang sandalan. “Frahisto?”

“Yeah, it’s me— Damn! May lagnat ka.”

Hindi niya na magawang kumontra nang umangat ang kaniyang katawan sa ere at pinangko siya nito. Malalaki ang hakbang nito at dinala siya ulit sa kaniyang kwarto.

“Stay here. Kuha lang ako ng gamot at pagkain.”

Hindi niya magawang tumango. Hinayaan lang niya ang lalaki na muling lumabas at nung bumalik na ito, may dala itong sopas at gamot.

“A-ayuko uminom ng gamot ni Itang... Lasang langis iyon na mapakla na masama sa panlasa...”

Natawa naman ito sa kaniyang sinabi at marahang nilatag sa tabi niya ang dalang pagkain. “Minsan, may pagkatanga ka na inosente, Odessa.”

Imbes na ma-offend, ngumiti na lang siya. Inalalayan siya nitong maupo at nag-suggest na subuan pero agad siyang umayaw. Kaya pa naman niyang kumain.

“I’m sorry about last night...”

Nagtaas siya ng tingin. Nasa dalawang subo pa lang siya at wala man lang siyang malasahan sa sopas nito, “Ha?” naguguluhang tanong niya, “B-bakit ka nagso-sorry sa ‘kin? A-ako dapat kasi——”

“No, it’s my fault. Dapat sinabi ko pa lang nung una kung anong klaseng trabaho meron ako.”

Naibaba niya ang kutsara at napatitig sa mata ni Frahisto. Pilit niyang binabasa ang mata nito pero nasisilong siya. Hindi niya kayang titigan iyon ng matagal. “Ano ba ang trabahong meron ka? Pulis ka ‘no? Pulis na napadpad dito?”

Tipid itong ngumiti at sinenyasan siyang kumain muna bago magsalita. Kahit may lagnat, ganado pa rin niyang naubos ang dinala nito. Thankful siya at ‘di langis ang pinainom sa kaniya ng lalaki dahil kung nagkataon, baka ngumawa na siya ngayon.

Naging okay ang kaniyang pakiramdam at pinakiusapan lang siya ni Frahisto na magpahinga. Ito na raw muna ang bahala sa lunch nila nang araw na iyon. Kinikilig na sana siya kung ‘di niya lang naalala na may asawa ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.