Nagising lang siya bandang hapon at okay na ang kaniyang pakiramdam. Para lang siyang nagdadrama kanina at nag-inarte. Masiglang bumaba siya ng hagdanan at nakita ang kaniyang Itang na tumatawang nanonood ng action movie. Nagtanong pa ito kung okay na ba siya, tanging ngiti lang ang kaniyang naging sagot. Masaya siyang walang masamang nangyari rito at ‘di sila natunugan ng Mayor at nang mga tauhan nito.
“Alam mo ba ‘yong balita?”
“Ang alin po?”
“Naku si Mayor, may illegal na gawain pala sa baryong ito. Kagabi nga, may naririnig akong barilan. Laman lahat ng balita na makukulong si Mayor sa gawain niyang masama.”
Napangiti siya at napatango. Hindi na siya nagkomento pa. Nagtungo lang siya sa bakuran at lumanghap ng preskong hangin. Kahit papaano, masaya siya sa nalaman na ang lalaki ang dahilan kung bakit makukulong na ang masasamang tao sa kanilang lugar. Wala na rin siyang balak magtanong kung anong klaseng trabaho meron ito, halata naman na nagtatrabaho ito sa government.
Kumaway siya sa mga batang nagdaan sa harap ng bahay nila, may mga huling isda na ang mga ito at mga gulay. Dahil sa susunod na buwan, magtuturo na siya sa Baryong ito. Inaasikaso pa lang niya ang kaniyang papel para legal siyang magturo.
“Magandang araw sa`yo, Ma’m Odessa!”
“Magandang araw rin sa inyo. Ingat kayo pag-uwi, ha?”
Nagsitanguan lang ang mga ito at nagpatuloy. Napasulyap naman siya kay Frahisto na may dalang maraming isda na buhay pa at kumakalampag. Agad namula ang kaniyang pisngi pero umarte siyang kaswal sa harapan nito.
“Okay ka na?”
Kimi siyang tumango. “A-ang dami mo yatang nahuling isda ngayon.”
Ngumuti lang ito nang sulyapan ang isdang dala. “Anong lutong ang gusto mo?”
Tuluyan siyang namula kahit wala naman mali sa tanong nito. Ngumiti siya ng kimi at inayos ang sarili bago sumagot. “Kahit ano. Alam ko naman masarap kang magluto kesa sa ‘kin.”
Hindi na ito sumagot. Umangat lang ang sulok ng labi nito saka ito nagpaalam na papasok na sa loob ng bahay. Napasunod naman ang kaniyang tingin dito. Napakagat siya ng labi at hinamig ang sarili, pakiramdam niya kasi lalabas na ang kaniyang puso. Hanggang ngayon, nasisilong pa rin siya at ‘di kayang salubungin ang mata nitong matiim kung tumitig. Mga mata nitong kahit sino ay maiilang kapag tiningnan nito.
Nagpunta siya sa kusina at nagpresintang tulungan ito sa paglilinis ng isda. Hindi naman ito umayaw at hinayaan siya. Habang tinatanggal niya ang lamang-loob ng isang nakuha nito, panay sulyap siya sa lalaki. Nalulungkot siya sa isiping aalis na ito bukas.
“F-frahisto...”
“Yes?”
“Salamat nga pala kanina...”
Nagkibit lang ito ng balikat at muling hinarap ang panggatong na gagamitin nito. Pansin niyang sanay na sanay ito at walang kahirap-hirap sa ginagawa. Kung titingnan, mukha itong mayaman sa tindig at kilos pa lang nito. Pero ‘di ba ‘pag mayaman, maarte? Iyon lagi nakikita niya sa mga palabas at matataas ang tingin sa sarili.
“Kanina mo pa ako tinitigan. Matutunaw na yata ako, Odessa.” Humarap ito sa kaniya at matamang tinitigan siya.
Agad namula ang kaniyang pisngi nang magbawi siya ng tingin. Tarantang hinarap niya ang isda. Bakit ba ang hilig nitong manggulat? Ba’t ‘di na lang siya hayaang titigan ito hanggang sa matunaw nga?
“Bukas ng umaga, aalis na ako.”
Parang kinurot ang kaniyang puso sa narinig. Dahil wala naman siyang alam na sasabihin at imposibleng pigilan ito. Kaya tumango lang siya. Ngayon pa lang, naiiyak na siya. Magagalit ba ito kung sasabihin niyang next week na uuwi?
Nang gabing iyon, nakatunganga lang siya sa bintana ng kaniyang kwarto. Dahil maliwanag ang buwan na nagpupumilit na pumuslit sa matataas na kahoy na nakapaligid sa kanilang bahay, nagpasya siyang maligo sa batis. Magbababad lang siya at kapag okay na ang kaniyang pakiramdam, uuwi siya agad. Ginagawa niya ito rati no’ng wala pa si Frahisto at kasama lagi si Tina.
Walang paalam na lumabas siya ng bahay. Nagdala lang siya ng gasera, sabon at tuwalya. Hindi naman siya natatakot kahit mag-isa lang na naglalakad. Pinalaki siyang may kwentas laging suot para sa masasamang espirito.
Nagtanggal siya ng kasuotan at do’n sa mababaw na bahagi siya pumwesto, hanggang dibdib lang niya ang tubig. Tiwala siyang wala ng masasamang tao sa baryo nila, tinugis na ni Frahisto. Napatingin siya sa gaserang nilagay niya sa tabi. Malungkot siyang napangiti. Nagkagusto nga siya, may asawa naman. Humugot siya ng malalim na hangin at pinikit ang mata. Maligamgam ang tubig ngayon, hindi katulad kagabi na halos mangisay siya kung wala lang sa tabi niya ang lalaki.
Ilang minuto siyang gano’n, nakapikit ang mata at nakasandal sa bato nang magulat siya ng may nagsalita.
“Odessa...”
Eksaktong pagmulat niya ng mata. Si Frahisto ang unang nakita niya. Nakatambad ang matikas na dibdib at tulad niya, nakababad din ito sa tubig...
Agad niyang nayakap ang sariling kahubdan kahit nakababad siya sa tubig. Anong ginagawa ni Frahisto rito? Nung dumating siya kanina, wala siyang nakita kahit anino nito o baka masyadong occupied ang isip niya kaya ‘di niya napansin na andito ito?
Nakita ba niya ang katawan ko?! Namula siya.
“Gabi na. Bakit ka nagpunta rito, Odessa?”
Nagbaba siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nalulungkot siya sa isiping aalis ito at gusto lang niyang pakalmahin ang sarili? “H-hindi ko alam na n-nandito ka...”
Matagal ito bago nakasagot. Ramdam niya ang titig na binigay nito at naiilang siya, “Umuwi ka na.”
“Ha?”
“Umuwi ka na habang nakakaya kong kontrolin ang sarili ko.”
Naguluhan siya at nagtaas ng tingin. Sinalubong niya ang tingin nito kahit madilim ang pwesto nito, “Anong ibig mong sabihin?”
Napahugot naman ito ng hangin at tumalikod. “Bigla kang naghubad sa harapan ko. Paano na lang kung ibang tao ang nandito? Tsk. Tsk.”
Namula siya ng husto sa sinabi ni Frahisto. Ibig sabihin, nakita nga nito ang kaniyang katawan! Parang gusto niyang magpakuha sa kadiliman nang mga sandaling iyon sa sobrang kahihiyan. Nagmamadaling umalis siya sa tubig. Uuwi na siya.
Sa pagmamadali niyang makaalis sa tubig, hindi niya napansin ang papalapit na mga kalalakihan na nanghuhuli ng palaka. May dala ang mga ito na flashlight. Bago pa tumama ang liwanag sa kaniyang hubad na katawan, agad siyang nahila ni Frahisto pabalik sa tubig at tinakpan ng katawan.
Napasinghap siya at muntik ng mapasigaw pero sinenyasan lang siya nitong ‘wag maingay. Marahan siyang tumango at saka lang niya nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. Napatingin siya sa deriksyon ng mga kalalakihan, lumihis ang mga ito ng daan nang tawagin pa ng ibang kasama na maraming palaka sa pwesto ng mga ito. Muntikan na siyang makitaan ng katawan!
“See? That’s what I mean.”
“Oo... M-magbibihis na ako—”
Mahigpit siya nitong hinawakan nang magtangka siyang umalis mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. “Not now... And’yan lang sila sa paligid.”
“Pero—”
Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang putulin nito ang pagitan nila ng labi. Hinalikan siya ni Frahisto?! Nagmistula siyang tuod at ‘di makagalaw. Nananginip yata siya ng gising. Marahan niyang kinurap-kurap ang mata, baka masyado siyang naging ilusyonada. Pero hindi, nasa totoong sitwasyon siya kung saan, banayad ang labing nagnakaw ng kaniyang first kiss.
Nanatili lang silang gano’n, walang gumalaw, walang umimik. Magkadaop ang kanilang labi at pakiramdam niya, tumigil ang kaniyang mundo.
Frahisto...
Agad siya nitong binitawan at lumayo. Naging mailap ang mata. “Odessa...”
“H-hinalikan mo ako?” parang tangang tanong niya. Obviously, naman hinalikan siya kaya para siyang nahipotismong nakatitig sa lalaki. “B-bakit?”
“T-that kiss... That kiss”
Hindi niya pinatapos itong magsalita, agad niyang hinila ang lalaki papalapit sa kaniya at sinalubong ang labi nito. Bahagya itong nagulat sa kaniyang ginawa pero agad din siyang niyakap ng mahigpit. Parang tuluyang naglaho lahat ng pagtitimpi nito sa kaniya at walang pakialam sa paligid.
Wala siyang karanasan kung paano humalik ng tama, instinct na lang niya ang gumiya sa kaniya ng tamang pagtugon sa mainit at punong-puno ng emosyon na halik nito. Napakapit siya sa leeg ni Frahisto at ang mga kamay nito, nasa beywang niya... Dahan-dahang bumaba papunta sa kaniyang balakang...
Ito yata ang sinasabi ni Tina na kapag hinalikan ka ng taong mahal mo, parang may anghel na nagkakantahan. Ganito pala ‘yong feeling na mahalikan ng isang tulad ni Frahisto!
Mabilis niya itong naitulak at lumayo sa lalaki. Masarap ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa pero ang reyalisasyong may asawa ito at uuwi sa Maynila ang nagpabalik sa kaniyang katinuan. Hindi dapat! Mahal niya ang lalaki but she’s preserving her virginity to her future husband. Kapag tuluyan siyang magpadala sa nararamdaman niya, sa nakakatuksong halik nito... Baka sa basurahan siya pulutin.
“I’m s-sorry! Uuwi na ako!” Hindi na siya nahiyang takbuhin ang kaniyang damit at agad na nagbihis. Walang sabing dinampot niya ang gasera at tinakbo ang daan pabalik ng bahay.
Samantalang naiwan naman si Farhistt na ‘di makahuma sa kaniyang kinatatayuan. Ilang segundo muna ang nagdaan bago siya napabalik sa hwesyo. Napasabunot siya sa buhok at napailing-iling.
Fuck. Did I— Fuck!
Napapikit siya ng mata at pinuno ng hangin ang dibdib. Kinastigo niya ang sarili kung bakit hinalikan niya ang dalaga. Pero sa kabilang sulok, wala siyang pinagsisihan kung bakit niya hinalikan si Odessa. Napabuntunghinga siya. Aalis na siya bukas, mas lalo lang niyang pinagulo ang sitwasyon.
Alam niyang may gusto sa kaniya ang babae. Hindi siya manhid at mas lalong hindi siya bulag. Kaya siya naging leader ng Dark X dahil may kakayahan siyang bumasa ng galaw at isip ng tao. Pero sa uri ng kanilang trabaho, malabo. Isa pa, ayaw niyang saktan ang damdamin ng kaniyang asawa kahit nauna ito sa langit.
Damn it! Bakit ko ba kasi hinalikan...
Sino ba kasing mag-aakalang pupunta ito sa batis at walang sabing naghubad ng damit. Gusto niyang bawiin ang kaniyang tingin pero napako siya sa magandang hubog ng katawan ni Odessa. Do’n lang siya napabalik sa katinuan nung nagbabad na ito sa tubig.
Hindi mo ako pwedeng mahalin, Odessa... Malalagay ko lang sa peligro ang buhay mo at ayukong mangyari ulit iyon.
Totoo, sinadya niyang sundan siya ng dalaga para malaman nito kung anong totoong trabaho niya. Alam niyang sinundan siya nito nung pumunta siya sa hide out. Mali ang kaniyang ginawa pero may parte ng kaniyang pagkatao na gusto niyang malaman nito, kung anong klaseng tao ang meron siya. Na hindi siya karapat-dapat mahalin nito. Na masasaktan lang ang dalaga at iiyak.
Odessa... Kung gaano kaganda ang pangalan mo..Gano’n ka rin kainosente...
Dalawang oras siyang nanatili sa tubig at nagpasyang bumalik ng bahay. Tapos na ang kaniyang misyon sa baryong ito. Nadakip na ang Mayor na may illegal na gawain kasama ng mga tauhan. Nakausap na rin niya si Maccabi at Gallagher na ihanda ang sarili pagbalik niya. Alam niyang oras na bumalik siya ng Maynila, makakalimutan niya na ang lugar na ito. Magiging parte na lang ito ng kaniyang alaala hanggang sa tuluyang makalimutan kasama ang dalaga.
NAPALINGON si Farhistt sa silid ni Odessa, aalis na siya ngayong umaga pero ‘di pa rin lumalabas ang dalaga sa silid nito. Napabuntunghinga siya, siguro dahil sa nangyari kagabi. Nung hinalikan niya ito. Napakuyom siya ng kamao, first time niyang maramdaman ang ganito. Ilang babae ba ang nagtangkang akitin at pasayahin siya sa kama? Hindi niya na mabilang.
Nagpaalam na siya kay Mang Bartolome na aalis na. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga pero baka galit ito kaya hinayaan na lang ni Farhistt. Kailangan na rin niyang bumalik ng Maynila. Masyadong mataas ang 2 weeks na inilagi niya sa lugar na ito. Mostly on his every assignment, 3 days ang pinakamataas. Ngayon lang siya nagbigay sa kaniyang sarili ng mahabang panahon... Siguro dahil gusto niyang takasan sandali ang nakasanayang lugar.
Nakausap na rin niya si Maccabi, naghihintay na ito sa kaniya na makabalik agad siya. Aside from that, may pinapagawa siya rito na kunin si Don. Hernandez ayon sa utos ng kaibigan niyang si Cuhen Malcogn.
Isang sulyap muna ang kaniyang binigay sa bintana ng kwarto ni Odessa saka siya nagpasyang umalis. Alam niyang hanggang dito na lang sila at malabong magkikita pa sila ulit ng dalaga. Humugot siya ng malalim na hangin saka humakbang paalis sa bahay na iyon. Tapos na ang kaniyang misyon.
Marahang pumatak ang luha ni Odessa, kahit anong pilit niyang ‘wag maiyak... Pumapatak ang mga iyon na parang ulan mula sa kaniyang mata. Nasasaktan siya! Aalis na ang lalaki pero ‘di niya kayang magpaalam man lang. Ayaw niya. Baka kapag ginawa niya iyon, mag-iiyak lang siya na parang baliw. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mata habang nakasilip siya sa kaniyang bintana. Kitang-kita niya na nakatingin si Frahisto sa kaniyang kwarto bago ito tuluyang tumalikod.
Frahisto...
Gusto niyang pigilan ang pag-alis nito pero kapag ginawa niya iyon, parang binaba na rin niya ang kaniyang sarili. Nakatatak pa rin sa isip niya na may asawa itong babalikan sa Maynila. Pero ang ‘di lang niya maintindihan, bakit siya nito hinalikan? At bakit din niya ito hinalikan?
Ay, nababaliw na talaga siya! Hanggang sa tuluyan niya ng hindi nakita ang lalaki, impit siyang napaiyak sa kaniyang palad. Kung hindi pa siya tinawag ng kaniyang Itang, malamang magdadrama muna siya at maglupasay ng iyak sa kama.
Kaya sa gabing iyon, para siyang tangang nakatulalang nakaharap sa pagkain. Kailangan pa siyang tapikin ng kaniyang Itang para magbalik siya sa hwesyo. Malungkot siyang tumingin dito at nagyuko.
“Aba’y hija, matanda na ako pero ‘yang mga galawan na ‘yan... Ganiyan na ganiyan ako no’ng mga kapanahunan mo. Umibig sa isang taong hindi pwede mahalin.”
Napakagat siya ng labi at ‘di magawang sumagot. Kinwento na nito ang madramang pagmanahal nito sa kaniyang Inay na mas pinili ang kaniyang Itay. Pero kalaunan, nakapag-move on at nakapangasawa ng taga-probinsya at dito na namalagi.
“Ano kaya kung umuwi ka muna sandali sa Maynila? Uuwi rin sila kuya at ate mo rito para magbakasyon kaya may kasama ako. ‘Wag mo muna akong isipin, sarili mo isipin mo at damdamin ng magulang mong bata ka! Nakuu! Magtatampo na ang mga ‘yon sa ‘kin.”
“Pero ‘Tang—”
“‘Wag matigas ang ulo, Odessa. Umuwi ka muna pansamantala.”
“O-okay po,” napabuntunghinga siya. Tama ang kaniyang Itang, kailangan niya munang umuwi at baka sa tuwing magpupunta siya sa batis... Magdadrama lang siya sa alaalang iniwan sa kaniya ng lalaki. Kasabay yata nitong dinala ang kawawang puso niya.
“Mas maigi kung mamalagi ka muna kahit ilang buwan sa Maynila.”
“Pero Itang—”
“Kumain ka na. Papakuhain kita ng ticket mamaya.”
Napabuntunghinga siya ulit at hindi na nagsalita pa. Hinarap niya ang kaniyang pagkain at matamplay na pumunta sa palengke. Kahit may katigasan ang kaniyang ulo, nasusunod pa rin ang kaniyang Itang.