Dominant Series 6 & 7: Deception and Amorous Chapter 6

Malayang sinamyos ni Odessa ang malamig na hangin nung nasa balcony siya. Kararating lang niya at unang sumalubong sa kaniya ang kaniyang nagtatampong ina dahil wala na raw siyang balak umuwi. Naglalambing na niyakap na lang niya ito at binigyan ng munting pasalubong.

Sana, makalimutan niya si Frahisto kahit wala namang sila. Itong puso niya kasi, ‘di mapigil. Baka kung nagpadala siya nang gabing iyon, baka naisuko niya na ang kaniyang iniingatang katawan. Napakagat na lamang siya ng labi at bumuntunghinga.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi na rin niya masyadong naiisip si Frahisto. Malaki ang naitulong sa lagi niyang pagsasama sa laot kasama ang kaniyang ama na nangunguha ng isda at ilang seafoods para dalhin sa Malcogn’s Island. Personal na taga-deliver ang kaniyang ama every sunday at dapat walang palya iyon.

Nung nakaraang araw nga, muntik na siyang atakehin sa puso. Paano ba naman, sinama nila ng kaniyang Itay ang babaeng tumakas galing sa isla. Dahil naawa ang ama niya, sinama nito nung pag-uwi nila. Nakilala niya ang dalaga sa pangalang Ellah at hindi ito masyadong nagkwento. Umiyak lang ito nang umiyak at nakaramdam siya ng habag sa babae.

Mabuti na lang at hindi sila nadamay sa galit ni Mr. Malcogn nung pinaghahanap ng mga tauhan nito ang babae. Kung hindi, magkakandaletse ang tanging pamumuhay ng kaniyang pamilya—ang pangingisda.

“Ate Goddess!”

Nilingon niya ang batang tumawag sa kaniya. Napangiti siya sa hitsura ng kaniyang kapatid. Napakadungis na naman at hindi pa nakaligo.

“Ba’t ‘di ka pa naliligo, ha?” sita niya. Nasa Hunasan siya ng mga oras na iyon, parte ng dagat na nag-low tide. Nangunguha siya ng pwede nilang gawing ulam.

“Eh kasi ate...”

“At sa’n ka naman galing niyang mga chocolate na kinakain mo? Ikaw talaga Inggo, kaya nabubulok ipin mo.”

Napangiwi lang ito at nagkamot sa ulo, “Makinig ka muna kasi ate!”

Natawa siya at tumayo mula sa pagkakayuko. Nandidisturbo talaga ‘to sa kaniya, eh. Nakapameywang siyang hinarap ito habang puno ng putik ang kaniyang kamay.

“Ano kasi ‘yon? Tuli ka na?” Inismiran lang siya nito at akmang tatalikuran nang hilain niya ang damit nito. “Joke lang, ano po kasi kuya? Bakit mo ako po tinawag?”

“May nagpapabigay kasi sa`yo nito.”

Saka lang niya napansin ang isang bugkos na Forget Me Not flowers ang dala ng kaniyang kapatid. Sumikdo ang kaniyang dibdib nang makita iyon at halu-halong emosyon ang kaniyang naramdaman. Isa na ba siyang patay? Pampatay ‘tong bulaklak na ‘to, ah!

“S-sino ang nagbigay?” Mabilis niyang kinuha iyon at nangingislap ang matang tinitigan ang bulaklak. Ayaw man niyang kiligin pero... Kinilig na siyang parang tanga.

“Si kuyang gwapo!” May tinuro ito sa kabilang dako ng dagat. Napakunot siya ng noo, wala siyang makitang tao. Puro bangka lang ang nakikita niya. “Ay, ba’t nawala?”

“Ano raw pangalan niya?”

Nag-isip naman ito at nagliwanag ang mukha, “Yx! Si Yx daw siya.” Saka ito tumalikod na walang paalam.

Pipigilan pa sana niya ang kaniyang kapatid at tanungin sino si Yx, nakalayo na ito at nakipaghabulan pa sa isa niyang kapatid. Nagkibit na lang siya ng balikat at tinitigan ang bulaklak. Parang nawala lahat ng sakit ng likod niya sa kakayuko at pakikipaglaro sa putik para may makuhang pangdagdag ulam.

Sino si Yx?

Akala pa naman niya, galing kay Frahisto. Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang lalaking iyon. Okay-okay! Tama na, Odessa. Pinilig niya ang ulo at nilagay sa isang baldeng walang laman ang bulaklak saka nagpatuloy. Saka niya na isipin si Frahisto kapag nakapag-move on na siya totally.

ANG luwang ng ngiti ni Odessa habang kausap ang mga bata sa kanilang baryo. Nasa ibabaw siya ng may kalakihang tipak na bato habang nakaharap sa kaniya ang mga bata at nakikinig sa kwentong pambata na binida niya sa araw na iyon.

Kailangan pa niyang ikumpas-kumpas ang kamay para mas lalong thrilling ang kaniyang kwento na si Paru-paro at Bulaklak. May ibang kalalakihan din ang nakikinig sa kaniya pero dahil sobrang aloof niya sa mga binata sa kanilang baryo, walang nagtangkang manligaw.

“Ate, ate!”

Napatingin siya sa batang tumawag sa kaniya saka ngumiti. “Nagugutom ka na?”

“Hindi po. Tatanungin ko lang po bakit iniwan ni Paru-paro si Bulaklak kung mahal naman po pala niya ito?”

Natawa siya sa inosenteng tanong na iyon. “Kasi hindi lahat ng taong mahal ka, mananatili. Ang iba, dumating lang para saktan ka...”

“Ate ang drama mo! Borken hartid ka no?” epal na singit ng kapatid niya, “Oyy si ate, borken!”

Akmang babatuhin niya ito ng tsinelas nang lumapit ang kaniyang isang kapatid na babae, may bitbit na bugkos ng isang Forget Me Not. Agad nitong inabot sa kaniya ang bulaklak saka tumalikod.

“Kanino galing ‘to?” Takang napatayo siya at sinundan ito.

“Basta lang inabot ni kuyang pogi. Ang sabi lang niya, siya si Yx tapos umalis na.” maarteng sagot nito at nagtuloy-tuloy.

Agad umugong ang tuksuhan sa kaniya ng mga bata at kinikilig-kilig pa. May ilang batang humirit sa kaniya na siya si Bulaklak at ang nagbigay ng flowers daw sa kaniya ay si Paru-paro. Bigla tuloy siyang natigilan at naalala si Frahisto...

Kumusta na kaya siya... Hayy! Ayukong isipin ang lalaking ‘yon. Bahala siya sa buhay niya!

MALAYANG pinagmasdan ni Farhistt si Odessa habang kausap ang mga bata. Nakaupo ang mga bata sa buhanginan habang nasa tipak na bato ang dalaga nakaupo. For some reason, he found himself looking at her again. Bahagya niyang pinilig ang ulo nang sulyapan niya ang hawak na bulaklak. Nakikinig siya sa kwento nitong Paru-paro at Bulaklak and somehow, pakiramdam niya... Siya ang nasa kwentong ito. Napangiti siya sa makulit na tanong ng bata pero nawala rin agad ang kaniyang ngiti sa naging sagot ni Odessa. May sakit sa tono ng boses nito at hindi nakaligtas sa pandinig niya iyon.

Napabuntunghinga siya saka tinawag ang batang babae na alam niyang kapatid ng dalaga. Binigay niya ang bulaklak para iabot sa ate nito at sinabing siya si Yx. Hinatid niya muna ng tingin ang dalagitang papunta sa deriksyon ni Odessa saka siya nagpasyang umalis. Ilang araw na siya rito sa baryong ito at kailangan na rin niyang bumalik sa Makati. May personal pa siyang gagawin maliban sa pagmo-monitor sa kalagayan ni Don Hernandez.

Pinagbigyan lang niya ang kaniyang sarili na makita ang dalaga, na hindi nito napapansin. Sa halik na ginawa niya, pakiramdam niya siya ang napuruhan. The impact jarred him to the core. Hindi niya napaghandaan. Nagiba ang kaniyang pader na siya mismo ang naglagay.

“Yx?”

Nasa Makati na siya at kaharap niya si Magnar at Tiverius. Kakauwi lang ni Magnar nung nakaraang araw samantalang si Tiverius, last week galing sa Russia. He’s glad at natapos ng dalawa ang assignment na binigay niya na walang palpak. The Dark X four constellation; Magnar, Tiverius, Maccabi and Gallagher. Kung wala ang mga ito, hindi niya masasabing successful ang itinayo niyang organization.

“Have you heard it? May panibagong case akong nasaganap. It’s about slavery and human traffi—”

“Narinig na namin ‘yan,” mabilis na putol ni Magnar sa sinabi ni Tiverius, “Late ka talaga lagi sa tsismis.”

Tumalim naman ang mata nito at hindi pinansin si Magnar. Nakatingin lang ito sa kaniya habang nasa rooftop silang tatlo, nagpapahangin at may hawak na bote ng beer. Ang rooftop ng nagtataasang building ang pinakapaborito niya sa lahat. Mula sa kaniyang kinakakatayuan, nakikita niya ang kabuuang view ng buong city. Sa nagkakagandahang kislap ng ilaw pag-gabi hanggang sa malamig na hangin na nagpupumilit yumakap sa kaniyang katauhang nababalot ng kadiliman at kahugkaan.

“Those women were sold to prostitution,” anas niya, “Pagkakaalam ko, sex work is now legalised in few countries in Nevada, US. May iba naman, binibenta thru black market.” Nilagok niya ang hawak na beer. Hindi man lang niya malasahan ang pait.

Napailing naman si Magnar at natawa sa salitang sex work. “Here’s my two cents: Prostitution should be legal and Sex trafficking shouldn’t be. Alam mo, sex with consent is okay. Non-consensual sex and sex to minors is not.”

Agad umeksina si Tiverius sa naging sagot ni Magnar, “Prostitution should not be legal, Magnar. What will happen to the future generations? Wala. Pakarat na at magbebenta na lang ng katawan ang lahat ng kababaehan o kalalakihan because of that. Malibog ka talagang tao ka!”

“Face it. The world is slowly changing...”

“Gusto mo mauna kitang ibenta sa bakla ng walong libo? Tutal, ganiyan kaliit ang halaga mo.”

Ngumisi lang ito at nagsimulang magbangayan ang dalawa nang umeksina siya. Wala siyang pinapanigan. “I have a new assignment for you two,” agad nagsitahimik ang mga ito at nakinig sa kaniya. Muli niyang tinungga ang beer at marahang binagsak iyon sa tabi na walang laman. “Take a break.”

“Ha?”

“I’m giving you a whole month of break. Depende na sa inyo kung saan kayo sa loob ng isang buwan na iyan.” Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at humakbang papuntang exit. Nasa itaas sila ng Fortocarrero Properties. Sandali siyang humarap sa mga ito. “See you next month.”

Sabay na nagbigay ng saludo ang mga ito na halatang hindi pa rin makapaniwala. Naiiling na nagpatuloy siya sa paghakbang at para makauwi na sa kaniyang mansion. Tanging siya lang ang nakatira at walang kasama, maliban sa dalawang kasambahay na every saturday lang ang punta para maglinis.

Hanggang ngayon, galit pa rin ang nararamdaman niya sa tuwing naalala ang insidenteng gabi-gabi rin niya laging napapaginipan. Ang hikbi at iyak ng kaniyang asawa at mag-iisang taong anak, na namatay sa araw na iyon.

Hinamig ni Farhistt ang kaniyang sarili. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang nawalang pamilya. Lalo na at kailangan din siya ni Cuhen. Alam niyang may mali sa imbestigasyon na ginawa ng kaibigan pero hahayaan niyang itong tumuklas. Hangga’t maari, ‘di niya pinapairal ang galit. Nadala na siya, at nung huling sumabog ang galit niya... Ang daming naapektuhan at nadamay. No, he won’t let it happened again.

Hindi sila gaanong close ni Florae; ang namayapang fiancée ni Cuhen. Magkapatid sila pero sa isiping pinatay ito... Hindi niya mapapatawad ang gumawa. May nakuha siyang lead pero hindi malinaw. Malinis ang gumawa at halatang pinagplanuhan ang lahat ng pagpatay. Gustuhin niyang umeksina, pero umayaw siya. Laban ito ng kaniyang kaibigan at nasa likod lang siya kung tatawagin nito ang kaniyang pangalan.

Napakuyom siya ng kamao nang pumasok siya sa loob ng kaniyang kotse. Inosenteng mukha ni Odessa ang lumitaw sa kaniyang isipan. Nakangiti ito pero nababanaag ang lungkot sa kislap ng magagandang mata.

Nasaktan ko siya...

Napasandal siya at matagal na tinitigan ang dashboard. Mag-sorry ba siya sa kaniyang ginawang paghalik sa dalaga? It keeps bugging him. Part of him says no, and part of him says yes. Napabuntunghinga siya at ilang beses na kinalma ang sarili. Ando’n na naman ‘yong pakiramdam na gustomg gusto niya itong makita.

Fuck! What’s wrong with you, Farhistt? This is not good. This is not really good!

MABILIS na nagdaan ang ilang buwan. Natatawa na lang si Odessa sa katangahan ng kaniyang puso nung makilala niya si Frahisto. Mabuti talaga at hindi siya tuluyang nahulog. Nakahanda na siyang bumalik sa Mindanao. Nung tumawag siya sa kaniyang Itang Bartolome, nasa maayos lang ang kalagayan nito. Limang buwan na rin ang lumipas at nami-miss niya na ang batis. Pinayagan na rin siya ng kaniyang magulang na sa Baryo ng Bayog siya magturo kahit ayaw na ayaw sana ng mga ito.

May lima siyang kapatid at pangatlo siya. Ang kaniyang kuya, hindi nakatapagtapos at mas piniling mag-asawa na lang at may dalawang anak na. Ang sumunod, nahuli sa pag-aaral kaya namamasukan sa Maynila bilang working student at tinatapos ang kursong kinuha. Habang siya, mas piniling sa Mindanao magtuturo.

“Heto, baonin mo ito. Tatlong araw ka sa barko, aba ay baka gutumin ka.” Inabutan siya ng kaniyang napakabait na Itay ng kakanin na binalot pa sa dahon ng saging. Panigurado, nasa loob ang pinakapaborito niyang moron at bibingka.

“Tay! Ang dami naman nito.”

“Ayaw kitang pagutumin sa loob ng barko. Naku, malayo ang Luzon papuntang Ozamis. Tapos Ozamis papuntang Bayog.”

Napangiti siya at nilagay iyon sa plastic. “May libre naman po pagkain sa barko, Itay.”

Tinalikuran na siya nito at hinarap ang lambat. “Marami pero hindi gawa ng gwapong tatay mo.”

Natawa siya sa pagbibiro nito. Kung pwede lang sana na dumito siya sa baryong ito, pero kawawa naman ang kaniyang Itang Bartolome. Pangalawang Tatay niya rin ang matandang iyon.

Nakahanda na ang kaniyang bagahe. Ngayong araw siya sasakay ng barko. Nakahanda na rin ang motorsiklo ng kaniyang kapatid na siyang maghahatid sa kaniya sa bayan. Matapos masigurado na wala na siyang nakakalimutan, nagpaalam na siya sa kaniyang magulang at kapatid. Biniro pa siya ni Inggo na parang nagpapaalam na raw siya habangbuhay. Kurot tuloy ang nakuha nito sa singit at pingot sa teynga.

Habang sakay ng motorsiklo, nanatiling nakatingin lang siya sa magandang paligid ng baryong kinalalakihan. Hanggang ngayon palaisipan sa kaniya ang natatanggap na Forget Me Not flowers. Imbes na matakot dahil lagi lang pinapaabot ng sender ang bulaklak, kabaliktaran naman sa kaniya. Kilig ang kaniyang nararamdaman. Problema nga lang, ‘di niya kilala si Yx.

Last month, wala siyang natanggap na bulaklak kay Yx. Every week yata siyang may natatanggap dati. Baka naubos na ang pananim. May time pa nga, sa kagustuhan niyang makilala ang lalaki... Tinanong niya ang kapatid niya at ginuhit ang mukha ni Yx. Kaso nang matapos siya sa ginawang sketch, mukhang papasa pa ang grade 1 sa guhit niya.

NASA Mega Value Cabin siya nakapwesto kaya agad niyang hinanap ang number at room. Nang makita ang higaan niya, agad niyang nilagay ang bagahe sa tabi ng higaan at umupo. Napagod din siya sa kabibitbit ng mabigat niyang bagahe. Wala man lang nagtangkang tumulong o nag-abot ng tulong pero okay lang ‘yon, ang mahalaga nakasakay siya sa barko.

Anyong ipipikit niya na ang kaniyang mata para makatulog nang marinig niya ang boses ni Frahisto. Mabilis siyang nagmulat ng mata at napatingin sa paligid. Napasimangot lang siya nang tumama ang kaniyang tingin sa lalaking ang lagkit kung makatitig sa kaniya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at bumalik sa pagkakahiga. Bakit bigla niyang naisip si Frahisto?

Namalayang niyang gabi na nung magising siya. Nung makaramdam siya ng gutom, ang paboritong moron ang kaniyang ginawang hapunan ng gabing iyon bago nagtungo sa

roof deck. Sasagap lang siya ng hangin at pupunuin ang dibdib.

Napaginipan niya ang lalaki, magkasama raw sila sa isang lugar at dinala sa bahay nito saka ginawang asawa. Muntik pa siyang kiligin mga bente nang matisod daw siya sa bato at tuluyang nagising. Sayang!

“May nakita akong gwapong lalaki— hindi, ubod ng gwapo bes kanina!”

Napatigil siya sa paglalakad papuntang railings sa narinig. Hmp! Walang-wala ‘yan kay Frahisto. Baka pag nakita niyo ang lalaking ‘yon, laglag ‘yang mga panty niyo. Natawa siya sa isiping ‘yon.

“Ang daming nagkagusto sa kaniya kanina. Halos ayaw ko nga siyang lubayan ng tingin at baka isa talaga siyang gods na bumaba sa lupa tas alam mo na, naghahanap ng kasingganda natin!”

“Gorl, ‘di ka maganda. ‘Wag feelingera.”

Tuluyan siyang natawa sa pag-uusap ng dalawang magkaibigang puro dalagita. Naalala niya tuloy si Tina sa mga ito. Saka siya nagtaas ng tingin sa kalangitan, maraming bituin at masarap sa mata tingnan. Isabay pa ang malamig na hangin na humahampas sa kaniya

Tinali niya ang kaniyang buhok at baka mahirapan siyang suklayin ito na hanggang likod ang haba. Tamang-tama na matapos niyang itali ang buhok nang biglang nag-ship alarm.

Anong nangyari?!

Marami agad ang nataranta at nagtakbuhan. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano ang nangyayari dahil puro sigawan at tilian na ngayon ang kapwa niya pasahero. Basta ang pumasok sa isip niya, may sunog! Diyos ko! Dito na ba siya mamatay?

Napatitig siya sa mga taong nagtakbuhan. May ibang nadapa, naapakan, nagtutulakan. Ang iba, nag-aagawan ng life jacket. Doon lang siya bumalik sa kaniyang katinuan nang maalalang kailangan niya ng life jacket din! Ayaw niya pa na mamatay sa barkong ito.

Bigla siyang tumakbo sa deriksyon ng mga taong nagtutulakan sa pagbaba sa hagdanan nang may humila sa kaniyang kamay. Dahil may kadiliman ang roof deck, hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng taong humila sa kaniyang kamay.

“Ano ba! Bitawan mo ako. Kailangan kong kumuha ng life jacket at—”

“The cruise is on fire. Wala ng oras para kumuha ka ng life jacket, Odessa.”

Natigilan siya agad sa narinig. Binanggit ng lalaking nasa kaniyang harapan ang kaniyang pangalan.

“Follow me.”

“Saan tayo?” nagawa pa rin niyang itanong iyon habang nakasunod dito at magkahawak kamay sila. Nababangga siya ng mga tao kaya ang ginawa nito, tinakpan siya nito gamit ang katawan at halos yakapin para lang makalagpas sila sa dami ng taong nagpapanik.

Parang... Parang kilala ko ang katawan na ito...

“Odessa, listen.”

“H-ha?”

“Ilang minuto lang at lulubog ang barkong ito.”

Napasinghap siya sa narinig. Paano na ang kakanin niya?! Hindi pa naman niya naubos ang tatlong moron. “Wala akong life jacket...”

Pinisil nito ang kaniyang kamay at saka niya naramdamang may kinabit ito sa kaniyang katawan. Kahit madilim, nakaya nitong ikabit ang jacket na walang kahirap-hirap. “Let’s go.” Muli siya nitong hinila.

Panay siya lingon sa paligid at tama nga ang lalaking tumulong sa kaniya ngayon, nasusunog ang barko! Malaki na ang apoy at sa unahan ito nagsimula. Marami na rin ang nagsitalunan sa dagat at marami rin ang nag-iiyakan.

“Eyes on me, Odessa. If you want to get save, then focus on me.”

Hindi siya nakinig. Napahinto siya nang makita ang batang paslit na umiiyak at parang napalayo sa magulang. “Ang bata!”

“Odessa...”

“Ang bata! Tulungan natin siya.”

Napabuntunghinga ito at sandaling sinulyapan ang batang umiiyak. Mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang kamay at magkasabay nilang tinungo ang bata. Bago pa tuluyang kumalat ang apoy sa kanilang pwesto, mabilis napangko ng lalaki ang bata.

“Odessa, jump!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.