Hindi pa siya nakasagot sa sinabi nito, hinila na siya nito ng tuluyan at lumundag sila sa tubig. Napatili siya ng malakas hanggang sa bumagsak ang katawan nila sa tubig. Napaigik siya sa impact ng tubig. Pakiramdam niya, nag-uunahan sa pagtibok ang kaniyang puso at doon pa lang siya nagsimulang maluha sa nangyari. Basta lang siyang nakatitig sa barkong dahan-dahang kinain ng apoy at dama niya ang init na nakapaligid sa barko.
“Odessa...”
Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. Awtomatikong napaawang ang kaniyang bibig nang masilayan ang mukha nito. Mula sa maliwanag na dala ng apoy, kitang-kita niya kung sino ang nasa kaniyang harapan.
“Frahisto...”
Matiim lang siya nitong tinitigan saka nito hinila ang kaniyang kamay papalayo. Nalilito man, sumunod siya sa lalaki habang nakatitig dito. Tuluyan siyang napaiyak sa isiping si Frahisto nga at niligtas siya.
Malayo-layo sila nang nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napatakip siya ng teynga at mabibingi yata siya sa lakas ng impact. Bigla siyang naging manhid sa mga oras na iyon habang walang sawang pagpatak ang mga luha sa mata niya. Muntikan na naman siyang mamatay. Naririnig niya ang bawat sigawan at iyakan sa buong paligid. Naisip niya, ilan lang kaya sila ang nakaligtas? May na-trap ba sa loob ng barko? May namatay ba? Bakit nangyari ‘to?
Saka lang niya naramdaman ang kamay ni Frahisto na humaplos sa kaniyang pisngi. Eksaktong pagmulat niya ng mata, nagtama ang mata nila ng lalaki. Napakagat siya ng labi at pinigil ang sariling ‘wag maiyak lalo.
“Shhh... You are safe now.”
Marahan siyang tumango. Habang ang batang paslit ay umiiyak pa rin kaya lumapit siya rito at kinuha ang bata. “A-ako na magbuhat sa kaniya... Baka natakot siya sa`yo.”
Nag-alanganin ito pero sinunod ang kaniyang gusto. Inabot nito sa kaniya ang batang tingin niya, 3 years old. “Hi, tahan na baby ha? Tahan na... Hahanapin natin si Mama bukas ha... Tahan na...” Marahan naman tumango ang bata at tumigil sa pag-iyak.
Habang narinig naman niyang napabuntunghinga si Frahisto. Nagtaas siya ng tingin at nagtama ulit ang mga mata nila. May nakita siyang fondness sa mata nito habang nakatingin sa kaniya.
“Huwag kang mag-alala, may darating na rescuer. Everything will be okay. Andito lang ako.”
“S-salamat...” nagbaba siya ng tingin. After 5 months, ngayon niya ulit nakita ito. Tadhana na ba? Ando’n na naman ‘yong uncontrollable feelings niya para sa lalaki. Sa ikalawang pagkakataon, niligtas nito ang buhay niya. “P-paano mo nalaman na isa ako sa pasahero ng barko? Sinusundan mo ba ako?” Huli nang maisip niya ang kaniyang sinabi. Mali. Mali!
“Papunta ako ng Ozamis dahil may kailangan akong ayusin na lupain ng ama ko. Nagkataon lang na nagkita tayo rito sa barko at sa panahong nasunog pa.”
Napatango siya. Gano’n pala iyon. Akala niya talaga sinundan siya nito. Umasa pa naman ang inosente niyang puso pero ‘wag muna ang kaniyang kalandian ang iisipin niya ngayon. Ang isipin niya, na sana ‘wag silang kainin ng mga shark sa gitna ng dagat.
Nagdaan ang isang oras, may nakita siyang sea chopper at mga rescue boats na paparating. Lumarawan ang saya sa mukha niya. Maliligtas na sila! Salamat naman sa Diyos.
Agad nag-landing sa tubig ang sea chopper at lumabas do’n ang isang gwapong nilalang. Napatango-tango na lang siya, mukhang sign na yata niya talaga ang mamatay. Nakakita na naman siya ng pang-international ang kagwapuhan aside from Frahisto.
“Let’s go, Odessa.”
Napatingin siya kay Frahisto na nagsalita. Ano raw? Saan sila pupunta? Maliban na sa dagat sila, wala naman pasyalan dito, “Saan?”
Hindi na ito sumagot. Basta lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay papalapit dito. Saka sila lumangoy papunta sa chopper, kung saan nakatayo ang gwapong nilalang sa may pintuan. Nagulat siya nung bigla siyang iahon ni Frahisto sa tubig at pinakuha sa lalaki ang batang karga-karga niya. Nang makita nito na secured na siya, saka ito umahon sa tubig at tinanong kung okay na ba siya o walang masakit sa kaniyang katawan.
“I think she’s okay.”
Napatingin siya sa pilotong nagsalita. Nakatingin ito sa kaniya ngayon at tulad kay Frahisto, hindi matatawarang kagwapohan din meron ito.
“Start the engine, Magnar.”
“Aye aye!”
“Pero wait—”
“Calm down, Odessa. Kanina ka pa hindi mapakali. I’ll make sure they’ll be okay. Maililigtas silang lahat. Bukas na bukas din, ipapahanap natin ang parents ng batang iyan. Kaya please, kumalma ka muna, ha? You can sleep if you want. You’re safe now... With me.”
Para siyang nahipotismong tumango. Habang nagtikhiman ang dalawang lalaki at pabirong sumipol. Hindi na lang niya pinansin iyon. Tama si Frahisto, kanina pa siya ‘di mapakali. Ang daming pumasok na eksena sa utak niya kanina pero ngayon, alam niyang entirely safe na sila...
Nagising lang si Odessa kinabukasan, nasa malaki at malambot siya na kama nakahiga. Kulay pastel pink ang paligid at may aircon sa dulo. Bahagya niyang pinilig ang ulo at inisip kung ano ang nangyari matapos silang sumakay ni Frahisto ng chopper, na first time lang niya maranasan sakyan.
There! Naalala niya na. Sumakay sila sa isang magarang sasakyan nung bumaba sa sa chopper. First time niyang sumakay ng mamahalin at mabangong sasakyan kaya ingat na ingat siyang ‘wag mabasa ang upuan. Pagkatapos, huminto ang sasakyan sa harap ng napakataas na building. Mababali yata ang kaniyang leeg pag titingalain at bibilangin pa niya kung ilang palapag iyon.
Pumasok sila sa isang napakagandang silid. Binigyan siya ng mga staff ng damit pampalit at tuwalya. Ang bata naman, si Frahisto na raw ang bahala. Matapos siya makapagligo at makapagpalit, dumeritso siya sa kama.
First time niyang makapasok sa isang napakagandang silid, na sa movie lang niya nakikita. Napangiti siya ng mapait. Kailangan niya pala muna maranasan na malapit ng mamatay, bago makapasok sa ganito karangya na silid at makahiga sa sobrang lambot na kama.
Dahil sa sobrang pagod at nakakatraumang nangyari, agad siyang nilugmok ng antok at mahimbing nakatulog.
Naalimpungatan pa siya nung may gumanap sa kaniyang kamay at maingat na hinagkan ang kaniyang noo. Punong-puno iyon ng emosyon at gusto niyang imulat ang mata pero iniisip niyang nasa isang maganda siyang panaginip. Pagkatapos, tuloy-tuloy na ang kaniyang mahimbing na tulog.
Nag-alangan siyang bumaba mula sa kama nang makita ang marmol na sahig. Nakakahiya naman umapak kahit may disposable slippers doon na pwede niyang suutin. Still, nakakahiya pa rin na dungisan iyon sa kaniyang paa. Huminga muna siya ng malalim at nagbilang ng isa hanggang sampo bago niya magawang iapak ang paa sa sahig.
Una niyang tinungo ang balcony at napanganga sa nakita. God! Ang ganda. Nilibot niya ang kaniyang paningin at napanganga, mas lalo siyang namangha. Nasa isang lugar siya na hindi niya alam kung saan. Baka nasa heaven na ako! Pero bakit may hotel dito sa heaven at mga sasakyan— biglang tumunog ang doorbell. Nagdalawang isip siya kung puntahan ang pintuan at pagbuksan iyon or ‘wag na lang. Ang una ang kaniyang pinili.
“Ma’m, naghihintay na po sa inyo si Sir Fortocarrero sa rooftop po. Doon na raw po kayo sa rooftop mag-breakfast kasama siya.”
Isang babaeng naka-uniform ang nakita niya at nakasuot ng high heels. Kinailangan pa niyang tumingala. “Sino si Fortocarrero?”
Nalito naman ito sa kaniyang tanong pero mabait pa rin sumagot. “Si Mr. Farhistt Fortocarrero, Ma’m.”
“Hindi ko ‘yan kilala. Sorry. Sabihin mo kamo, hindi ako nagpapakain. Mas lalong hindi ako pang-breakfast at sumasama sa sino. Sige... Salamat.”
“Pero Ma’m—”
Pumasok na siya sa loob at hindi na pinansin ang babae. Wala siyang kilalang Farhistt Fortocarrero. Saka, hindi siya kaladkarng babae para sumama sa kung sinu-sino. Saan ba kasi si Frahisto? Bakit siya nito iniwan sa loob ng hotel room?
Bumalik siya sa kama at hinagilap ang remote. Kahit papaano, alam niya paano gamitin iyon. Pinindot niya ang power button at deritso nag-flash sa harap ng malaking flat screen TV ang insidenteng nangyari kagabi. Titig na titig siya sa news. May mga batang nag-iyakan, magulang na nawalan ng anak, kapatid na hindi makita— pinatay niya ang news at marahang nagpunas ng luha. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Masasabi niyang maswerte siya at isa siya sa nakaligtas ng nakakagimbal na pangyayaring iyon. Nagbalik lang siya sa hwesyo nung maalala niya ang kaniyang magulang! Tiyak na nag-aalala na ang mga ito kung nanood ng balita.
Napatayo siya at nakapaang palakad-lakad sa sahig. Nag-iisip siya kung paano tawagan ang pamilya niya para ‘di mag-alala ang mga ito. Nagulat lang siya nung may nag-doorbell. Mabilis siyang humakbang papuntang pintuan para pagsabihan ang babaeng hindi nga siya sasama kay Fortocarrerong Kariton!
“Miss hindi nga ako sumasama—” Awtomatikong natigilan siya nang magtama ang mata nila ni Frahisto. Matiim itong nakatitig sa kaniya at halatang amused na amused. “F-Frahisto... Ikaw pala.”
Tumikhim naman agad ito at nagbawi ng tingin. “Yeah, ako nga. Ang sabi kasi ng staff ko, ayaw mo sumamang mag-breakfast sa ‘kin.”
“Ha?” literal na napanganga siya. Anong breakfast pinagsasabi nito? Anong...
“Kaya personal na akong bumaba para yayain ka. Pwede mo ba akong sabayan kumain do’n sa rooftop, Odessa?”
Natuliro siya. Kung gano’n, ito pala ang ibig sabihin ng staff. Hindi ibang tao. “You mean, ikaw si Farhistt Fortocarrero Kariton?”
Natawa ito sa kaniyang tanong. “Fortocarrero lang, Odessa. Ibig ba sabihin niyan, pumapayag ka na?”
Agad siyang tumango. Basta, huwag lang siyang gawing pang-breakfast nito, bakit hindi? Pero akala ba niya, Frahisto ang pangalan nito? Bakit naging Farhistt?
Kung namangha siya kanina sa tanawin mula sa balcony, mas namangha siya nung nasa rooftop sila. Habang naglalakad sila sa pasilyo papuntang elevator, ang daming pumapasok sa utak niya. Like, anong gagawin nila sa rooftop at mainit do’n. Bakit sa rooftop pa, may mesa naman? Gusto rin sana niyang itanong kay Frahisto or Farhistt, kung bakit sa itaas. Mainit kamo at masusunog ang glass skin niyang sunog. Kung hindi pa siya sinabihan nito na magsuot ng disposable slipper, baka nagpaa lang siya hanggang ngayon.
“Ang ganda rito!”
“Oo... Maganda ka.”
“H-ha?”
Mabilis itong umiling at giniya siya sa unahan kung saan nakalatag ang maraming pagkain sa puting bilog na mesa. Ang nakaya lang yatang pangalanan ni Odessa sa nakita; kutsara, pinggan at baso. The rest, pangmayaman na. Nakakapanghina ng tuhod! Kaya bigla siyang napakapit sa braso ni Frahisto nang maramdaman niyang mag-collapse yata siya anytime.
“Okay ka lang ba?” nag-alala ang mukha nito ng hawakan siya para makatayo ng maayos.
Mabilis siyang tumango at kiming ngumiti. Agad din niyang inalis ang pagkakahawak dito at dumistansya. Napapaso yata siya sa presinsya nito.
Nung makaupo na sila, inasikaso siya nito. Ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya at balak yata siyang patayin sa pagkain dahil sobrang dami. Ito na rin ang nagtimpla ng kaniyang coffee na may creamer. Gusto sana niyang pigilan si Frahisto pero ang makita itong busy sa pag-aasikaso sa kaniya nang mga sandaling iyon, para siyang dinuduyan sa heaven.
Ang sarap sa feeling!
“Odessa? Odessa, hey! Okay ka lang? Odessa?”
Nanumbalik siya sa reyalidad nang tapikin nito nang mahina ang kaniyang pisngi. Agad siyang nagbaba ng tingin at umayos ng upo. Nakakahiya ka! Bakit ba kasi nakatulala ka na naman diyan? Sandali siyang tumikhim at sinimulang tikman ang pagkaing nasa plato niya.
“Ang sarap naman!” Nakakatikim lang siya ng masasarap na pagkaing pangmayaman pag may birthday.
Kung sabagay, kahit birthday nilang magkakapatid... Tamang adobong tahong, pancit at bihon saka biko lang ang handa. Payts na! Magarbong handaan na iyon para sa kanilang na-belong sa mahihirap na pamilyang tinulungan itaguyod ang sarili para lang makapagtapos at maabot ang pangarap. Sabi nga nila; hindi hadlang ang kahirapan na meron ka ngayon, basta may pangarap kang gustong tuparin.
Ayaw man niyang mahulog ulit sa lalaki, heto na naman siya, parang tanga. Bakit kasi kung kailan nakapag-move on na siya kunwari sa feelings niya, saka ito babalik at magpapakita? Hindi nakakatuwa ang tadhana. Okay sana kung wala itong asawa. Nalungkot siya sa parteng iyon. Of course, ayaw niyang maging mistress o kabit. Masama iyon, sabi ng kaniyang Itang. Pero sa tingin niya, nagiging masama lang ang isang bagay kung aangkinin mo iyon kahit hindi sa`yo. ‘Yong pagmamay-ari nang iba, aangkinin mo para lang sumaya ka.
“Bakit?”
Natigil ito sa pag-inom ng coffee at napatingin sa kaniya. “Hmm?”
“May asawa ka na Frahisto. Anong dahilan mo para dalhin ako rito sa rooftop at kasabay kang kumain? May asawa ka ‘di ba? Masama iyon. Panloloko ‘yang ginagawa mo. Saka... Saka... Hinalikan mo rin ako n-nung nasa batis tayo. T-that time, ‘di mo ba naiisip man lang wife mo? Babae ako, Frahisto Kariton. Masakit sa ‘min kapag nalaman namin na pinagloloko kami. Hindi tama iyon. Maling-mali. Probinsyana man ako pero hindi ako nasisilaw sa material na bagay, mas lalong hindi ako nasisilaw d’yan sa kagwapuhan mo— okay, aaminin ko na gwapo ka at... At... Ano... Basta iyon! Masama ‘tong pinaggagawa mo Frahisto. Itigil mo na itong kalandian mo sa ‘kin.”
“Odessa...”
Nag-iwas siya ng tingin at hindi na nagsalita. Tahimik na lang siyang hinarap ang kaniyang pagkain at ninamnam ang sarap. Baka ito ‘yong huling kasalo niya si Frahisto. Inabot niya ang mug na may timplang kape at sinimsim iyon. Walang nagsalita sa kanila. Pareho silang tahimik at mas mabuti nga iyon.
“Odessa—”
“Stop!” Binaba niya ang mug at matapang na hinarap ang mga titig nito. Kahit naiilang siya, pero kailangan. “Ano ba ang gusto mo? Ang gawin akong kabit o ang gawin akong kerida? Wait, same lang pala iyon. Basta iyon na ‘yon at hindi ako papayag, Frahisto.
Hindi ako kaladkaring babae! Kahit gustong gusto kita, hindi pwede iyon. May puso akong hindi sakim sa pagmamahal na hindi para sa ‘kin.” Sinabayan niya iyon ng tayo at walang sabing umalis. Tinungo niya ang daan kung saan sila dumaan kanina.
Natigilan lang siya nung maramdaman niyang hinila ni Frahisto ang kaniyang kamay at sinalubong siya ng mainit na halik. Magwawala pa sana siya pero himalang naiwan lahat sa ere ang kaniyang sinabi kanina, tuluyan siyang nadala sa masarap at mainit na halik nito na halos ayaw siyang pakawalan pa. Ang kamay nito ay nasa kaniyang beywang habang ang isa, sumusuporta sa kaniyang ulo para hindi siya makaiwas kung sasakaling dumistansya siya.
Ayan, ayan na naman ‘yong feeling niyang parang nagsiawitan lahat ng mga ibon sa paligid. ‘Yong feeling na parang inakyat siya sa ikapitong langit at sinalubong ng mga anghel sabay shake hands sa kaniya at bulong na ang landi-landi ng kaniyang matris. Ang feeling na pwede na yata siyang magpagulong mula rito sa rooftop hanggang sa mahulog siya sa tamang tao!
Ubod lakas niya itong tinulak at nabaling ang mukha nito sa malakas na sampal na binigay niya. “Sabi ng may asawa ka na! Bakit ba ang hilig mong manghalik nang manghalik sa ‘kin, ha?! Gusto mo isumbong kita sa babaeng kumatok sa ‘kin kanina na nilalandi mo ako!”
“Fuck, Odessa! Matagal ng nasa langit ang asawa ko. Ang mali ko lang, hindi ko sinabi sa`yo ang parteng iyan kasi masyado akong pakampante sa sarili kong ‘di ako mahuhulog sa isang probinsyana...”
“H-ha?” bigla siyang napipi at napaurong. Tama pa naman ang kaniyang pandinig. Ano raw ulit? Nasa langit? Ibig sabihin...
“I’m single. Ang singsing na suot ko, alaala ito ng yumao kong asawa but now you’re here... You’re... Making every inch of me gone wild and crazy. Gusto kita, Odessa. Gusto kita...”
Lord kunin mo na ako! Nag-hallucinations na ako. Malala na ang sakit ko, Lord. Ayuko pa ma-mental! Lord! Ano ‘to?! Si Frahisto... Si Frahisto!
“I’d promised to myself before, no woman could ever make me fall on my knees. But here you are Goddess L. Elairon, proving me that love can be taught. Love happens in unexpected way...”
Marahan niyang sinampal ang sarili. Masyadong malala ang tinira niyang kape, naging high siya. “N-nahulog ka sa ‘kin...”
“Cliché but yes. Nahulog ako sa sarili kong bitag na walang babae akong mamahalin. I did fall. Shit!” nagmura ito at bahagyang tumagilid. Naging mailap din ang mata at hindi siya kayang tingnan. Halatang namumula ang buong mukha. “I’m not sweet as sugar, Odessa, not even good in words to make you blush.”
“Frahisto...”
Humarap ito ulit sa kaniya at tinitigan siya ng matiim sa mata. Halos mailang siya sa ginawa nito. “I... I’ve tried very hard to hide my true feelings from you. But, it’s been really futile. I’ve been a coward for 5 fucking months! And I guess, it’s time to stand up for myself and make my intentions known. Tama na ako Odessa sa pagkakataong ito, you are the ONE FOR ME.”
Literal na bumagsak ang panga niya sa sinabi nito. Hindi siya nag-hallucinate. Totoo lahat ang kaniyang narinig. Hindi rin siya binibiro ng kaniyang pandinig! Totoong mahal siya ni Frahisto!
“T-the one for you? A-ako? Y-you mean, a-ako ang babaeng gusto—”
“Oh fuck, Odessa!” naputol ang kaniyang sinabi nang putulin nito ang pagitan nila ng isang masarap na halik.
Marahan na lang niyang pinikit ang mata at feeling dyosa sa mga sandaling iyon. Siya na ang dyosa sa lahat... Siya na ang may lovelife! Siya na ang pinagpala sa lahat ng dyosang nasa earth.
Good bye, Ma! Ikakasal na ako.
Habol ni Odessa ang kaniyang hininga nang maglayo ang labi nila ni Frahisto. Napatitig siya sa mga mata nitong dati, nahihirapan siyang basahin kung ano ang nilalaman. Pero ngayon, kitang-kita niya kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na iyon.
Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi at pinisil. Hindi pa rin nito binabawi ang tingin na binigay sa kaniya kaya, siya na ang umiwas pero ‘di siya nito pinayagang gawin iyon. “Look at me, Odessa...”
Napasunod lang siya sa sinabi nito at tumingin sa mata nito. Ano ba ang gusto nito, magtitigan sila hanggang gabi o magtitigan sila hanggang bukas? “Am... Hanggang kailan tayo magtitigan, Frahisto?”
Natawa ito sa kaniyang tanong at pinisil ang kaniyang pisngi. “Napakainosente mo.”
Tumango lang siya at hindi nag-komento. Hindi naman siguro tamang sabihin na ang sarap kainin ng mga natirang pagkain sa mesa. Sayang kasi, eh. Maraming nagugutom tapos itatapon lang.
Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sabay nila tinungo ang exit way. Panay lingon niya sa pagkaing naiwan. Sure na ba talaga si Frahisto na iwan nila? “Frahisto, wait...”
“Hmm?”
“Hindi ko ba pwedeng balutin ang mga natirang pagkain at dalhin—”
Napatili siya nang pinangko siya nito kaya hindi niya naituloy ang gustong sabihin. “Ikaw na lang balutin ko at itapon sa kama ko, pwede ba?”
“Frahisto!”
“Sorry, I scared you.” Agad naman siya nitong binaba at malamlam ang mga matang tiningnan siya. “Gusto mo ba ibalot natin?”
Mabilis siyang tumango. Kakamot-kamot naman ito sa ulo at natatawang sinunod ang kaniyang gusto nang mag-ring ang cellphone nito. Tingin ito sa kaniya at parang nanghihingi ng permiso na sagutin muna nito ang tawag kaya tumango siya.
Nanatiling nakatingin lang siya rito habang ang sexy nitong tingnan habang nagsasalita. May accent ang english at halos ‘di niya maintindihan sa sobrang lalim na ginamit nitong english. Basta lang siyang nakatingin dito na parang falling star sa kalangitan.
Bakit Lord? Bakit binigyan niyo ako ng lalaking tulad niya? Naiiyak ako, ano ba! Kasi naman po, parang imposible. Namaligno ba siya sa ‘kin? Saka bakit Farhistt Kariton pangalan niya, Lord? Para naman siyang taga-tulak ng kariton sa bangketa sa pangalan niya pero ‘di bale, ang gwapo-gwapo naman niya. Solve na solve na po ako! Isaw lang hiningi ko, Lord. Binigyan niyo ko ng fried chicken, may ketchup pa! Naks mahal niyo po talaga ako!
Tuluyan siyang naiyak sa sobrang saya. Sunod-sunod na nagsipatak ang mga luha niya habang nakatitig dito. Masaya siya sa isipin nagbunga ang kalandian niya sa probinsya. Mabilis naman nataranta si Frahisto nang makita siyang lumuluha na parang timang at nakaharap dito.
“Hey, hey! May problema ba, Vida Mia?” Tarantang binulsa nito ang cellphone at lumapit sa kaniya. Nag-alalang pinunasan nito ang kaniyang luha at masuyong ginanap ang kaniyang pisngi at inangat para magpantay ang kanilang tingin.
Nakangiting umiling-iling siya. “Wala, masaya lang ako. Pero sino ‘yan si Mia Khalifa?” takang tanong niya.
“Mia Khalifa?” kunot-noong tanong nito.
Tumango siya, “Yes. Sabi mo, ‘May problema ka ba Mia Khalifa?’ Siya ba ‘yong wife mong pumanaw na?”
Napapantastikuhang napatingin ito sa kaniya at matagal siyang tinitigan. Napangiwi na lang siya nang marahan nitong pinitik ang kaniyang noo. “Vida Mia means, My Life...” naiiling na saad nito.
Habang ‘di nakaligtas kay Odessa ang pagtaas ng sulok ng labi nito, na pinipigilan ang sarili na ‘wag ngumiti. Kinilig naman ang inosente niyang puso sa Mia Khalifa na tawag nito sa kaniya. ‘My life’ pala iyon. Nakakataba naman ng puso. “Frahisto...”
“Hmm?”
“Pwede ko na bang balutin?”
Napuno ng malakas na halakhak nito ang buong rooftop sa kaniyang sinabi.