Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 20

Maaga pa lang ay nagpunta na si Marie sa Green House kung saan siya nakatuka. Hinihintay niya si Gheron. Eksaktong pagpatak ng alas-sais ng umaga, dumating si Gheron. Walang ekspresyon mga matang nakatingin sa kaniya.

“Come with me.”

Tumango siya at agad na sumunod sa binata. Nauna itong humakbang at malalaki ang hakbang na ginagawa nito kaya halos tumakbo na siya para mahabol ang binata.

“Here. Gamitin mo ‘to.” Pabagsak na binigay nito sa kaniya ang mabigat na gamit pang-lalaki.

Nasa likuran sila kung saan gawain ng mga lalaki ang pwede ro’n sa bahagi ng farm. Ngayon ay papalapit na ang spring season, konti na lang din ang yelo pero malamig pa rin ang klima.

“Huwag kang tumunganga, Ms. Antopina. Trabaho ang pinunta natin rito, hindi ang tumunganga lang.”

“Sorry, Sir.”

Umungol lang ito na parang ‘di sangayon sa pagtawag niya ng ‘Sir’ dito.

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang magtrabaho. Magtatannggal ng yelo ang una nilang gawin pero hindi naman kabigatan na trabaho iyon. Imbes na machine ang pwedeng gamitin para pantanggal ng yelo, manu-mano nilang ginawa ito. Hawak niya ang may kalakihang pala.

“Kaya pa ba?”

“Kaya pa, Sir.”

“Good. Aalisin natin lahat ng mga yelong nakikita mo.”

Napalunok siya sa sinabi ni Gheron. Ilang hectares ang farm nito tapos aalisin lahat ng mga yelo? Iisipin lang ni Marie ang bagay na ‘yon, parang gusto niyang panlamigan ng katawan. Pinaparusahan ba siya nito? Dahil kung oo, tanggap niya ang parusang iyon pero hindi nga lang makatarungan.

Kayanin ko ‘to. Para sa pamilya ko! Kaya ko ‘to. Pampalakas niya ng loob.

Saglit siyang iniwan ni Gheron doon mag-isa. May gagawin daw ito at babalik daw agad ito kaya siya muna mag-isa. Tumango lang siya at pinagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Hindi pa siya naka-1/8 sa dami!

“Marie! Bakit ikaw ang gumagawa d’yan?”

Si Fidel ang nakita niyang mabilis na lumapit sa kaniya. Mag-isa lang ito, siguro nasa canteen ang iba nilang mga kasamahan at nagkakape.

“W-wala. Trip ko lang dito magtrabaho. Nakakabagot sa Green House.” Nagsinungaling siya. Oras na sinabi niya kay Fidel ang totoo, ‘di siya nito titigilan sa pagtatanong hanggang sa mainis siya.

“Kung hindi ko lang kilala na masipag ka, iisipin kung pinaparusahan ka ni Gheron sa kamalditahan mo sa kaniya. Akin na nga ‘yan, tutulungan na kita.”

Hindi na siya nakapa-react nang bawiin nito sa kaniya ang hawak na pala. Ito na mismo ang nag-aalis ng mga kokonting yelo.

“May machine naman tayo. Iyon kaya gamitin natin para mas madali?”

“Hindi. Mas maganda ang shovel. Akin na nga, ako na.” Kinuha niya ulit dito ang pala. Nag-agawan silang dalawa na parang mga timang at nauwi sa malakas na tawa nang matumba siya at nasubsob ang pang-upo sa lupang may yelo.

“Sorry Marie!” Mabilis naman siya nitong dinaluhan at tinulungan sa pagtayo. “Huwag kang magalit sa ‘kin, gusto lang naman kitang tulungan.”

Natawa siya. “Wala iyon.”

Ilang segundo naman ito bago nakaimik. “Marie, ikaw ba ‘yan?”

“Ha?”

“Iyan! ‘Yang mga ngiti mong lagi mong pinagdadamot sa ‘min. Ikaw ba ‘yan? Ngumingit ka na at tumatawa?”

Inirapan lang niya ng pabiro ang binata. “Magtrabaho na nga ako. Bumalik ka na ro’n at baka mapagalitan ka pa.”

“Sino naman magagalit sa ‘kin?”

“Me.”

Nanigas sila pareho ni Fidel sa malaking boses ni Gheron. Eksaktong paglingon nila, ang seryusong mukha ni Gheron ang kanilang nakikita at hindi niya kayang arukin kung ano ang iniisip nito.

“Bumalik ka sa trabaho mo, Mr. Ramos.”

“Yes, Sir.” Mabilis na tumalikod si Fidel pero bago iyon ngumiti muna ito sa kaniya. Tumango lang din siya sa binata.

“And you, Ms. Antopina, iniwan ka lang saglit may gana kang agad makipaglandian ng ganito kaaga kay Mr. Ramos?”

Napanting ang kaniyang teynga sa narinig pero nagtimpi siya. Gano’n-gano’n na lamang siyang tawagin ni Gheron pero hindi nito alam ang buong kwento kaya hahayaan niya ito. Ito ang Boss niya. Boss niya ito at isa lang siyang empleyado na nangangailangan ng pera at trabaho.

“P-pasensya na ho, Sir.” Nagbaba siya ng tingin. Ngayon alam niyang Gallagher Svensson ang totoong pangalan nito, nalilito siya kung anong apelyido ang dapat niya i-address dito.

Umangat lang ang sulok ng labi nito at tumalikod. “Follow me.”

Lihim siyang napahugot ng hangin at mabilis na sumunod sa binata. Tulad ng dati, malalaki pa rin ang hakbang nito kaya nahirapan siyang habulin bawat hakbang ni Gheron. Huminto sila sa isang Green House. Hindi pa iyon accessible. Nasa dulong bahagi rin ito ng farm at malimit nilang pinupuntahang mga fruit picker.

“Here. Itanim mo lahat ang mga ito.” Tinuro nito ang mga nakahilirang strawberry runners sa isang table.

Napasunod naman ang kaniyang tingin sa mga strawberry runners. Ready na ang mga iyon para ilipat at itanim pero nang tingnan niya ang klase ng lupa ng pagtatamnan, napailing siya ng wala sa oras.

Nababagay ang mga strawberry sa deep, sandy loam soil na mayaman sa organic matter. Pero ang lupang nasa Green House na kanilang kinatatayuan, acidic soil at pwede itanim ro’n ay Blueberries or kahit anong tanim na pwede sa acidic soil.

“Sir, acidic ang lupa. Hindi pwede ang strawberries dito.” Nagtaas siya ng tingin para salubungin ang mga mata nitong nakakatakot titigan, hindi tulad noon.

“Sino ba ang Superior mo?”

Nagbaba siya ng tingin at laglag ang balikat na sumagot. “Pasensya ho.”

“Go! Gusto ko bago matapos ang isang araw, matatapos mo ang lahat ng stawberry runners na ito sa pagtanim. ‘Yan ang kapalit ng sick leave mo, gusto mo ng trabaho ‘di ba?”

“P-pero…”

“Start now. Babalik ako by 11 A.M.” Saglit itong sumulyap sa wristwatch nitong nagsisigaw sa sobrang mahal.

Tumango siya bilang sangayon. Walang sabing tumalikod ito at iniwan siyang mag-isa sa loob ng Green House. Napabuntong-hinga na lang si Marie at problemadong napatingin sa mga runners na masasayang lang kapag pinilit na itanim sa acidic na lupa.

“Paano ko ba kayo itanim? Paniguradong mamamatay kayo kapag itanim ko kayo pero bahala na, siya ang Boss.”

Mabigat sa loob na sinumulan niyang kunin ang mga runners at itinanim iyon. Mag-isa lang siya at imposibleng matatapos niya lahat ang mga iyon sa loob ng isang araw! Ang lawak ng Green House! Halata nga na pinaparusahan siya ni Gheron. Nanalangin na lang siyang sana ay maka-survive ang mga ito sa klase ng lupang pinagtamnan niya. Araw-araw niyang kakausapin ang mga ito na hindi sana magtampo.

Nasa dalawang oras na siyang pagtatanim sa bawat strawberry nang biglang dumungaw sa entrance si Magnar. Muntikan pa siyang atakehin kung hindi ito ngumiti. Agad na lumapit sa kaniya sabay akbay na parang matagal na silang magkaibigan.

“Hi Marie! How are you today? Maganda ba ang gising natin? In love na ba? Ha? Magkwento ka, bilis!”

Napakunot naman siya ng noo at sandaling tinanggal ang kamay nito. Maliban sa nagmukha siyang batang paslit sa tabi nito, ang bigat pa ng kamay nito.

“Paano ka nakapasok dito? Paano mo rin nalaman na dito ako nakatuka ngayon?” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Magnar.

“Ah, nagtanong ako sa mga kasamahan mo sa labas. Don’t ask too many questions will you, Marie? Ang mahalaga, lumitaw ako ngayon. Akala ko kagabi ang huli natin pagkikita, mema ko lang pala ‘yon.”

“Mema?”

Humalakhak ito. “Nakuha ko ang salitang ‘yan sa kalye. Don’t mind it.” Kumindat ito. “Ito nga pala, nakalimutan mo sa kotse ko. Kaya personal ko ng dinala rito ulit at pinalitan ko rin.” Inabot nito sa kaniya ang cookies na totoong nakalimutan nga niya sasakyan nito kagabi.

“Thank you.”

“Yeah.” Nagkibit lang ito ng balikat. “Nga pala, nagdala rin ako ng breakfast. Sabayan kitang kumain, pwede ba?”

“Ha? Bakit mo ako sasabayan?”

“Kasi hindi ka pa naman kumakain.”

“Kumain na ako—” Natigilan siya nang biglang tumunog ang tiyan niya na tinawanan nito.

“See, gusto niyang kumain na kasama ako. Let’s go? Tayo lang naman sa Green House na ito. Aside sa gusto ko ng kumain at gutom na ako, baka ikaw pa ang makain ko na alam kong papatayin ako ni Gallagher.” Ngumisi ito at agad nag-peace sign. “Joke!”

Nagdalawang isip si Marie kung sasabayan ba niya si Magnar, baka makita na naman siya ni Gheron baka kung ano ang iisipin nito. Pero nawala lahat ng pagdadalawang isip niya nang malanghap ang bagong luto na dala nito. Parang sa tabing daan lang nito binili ang lutong Pinoy at amoy na amoy niya ang adobong baboy.

“Ayaw mo ba talaga?”

Nag-atubli siya. “Anong oras na ba?”

“Break time na. 10 A.M!”

“10? Ang bilis ng oras.” Napailing siya. Kung gano’n, kanina pa pala siya nagtatanim. May isang oras pa bago siya puntahan ulit ni Gheron. Siguro naman pwedeng kumain lalo na at masarap ang pagkain dala ni Magnar.

“Ano? The food is waiting, Marie.”

Ngumiti siya. Para talaga niyang kaibigan si Magnar. Kung ganito sana sila dati. “Sige na nga! Gutom na rin ako.”

“Good!” Ngumiti ito nang matamis. ‘Yong klaseng ngiti na may nakaabang na panganib sa dulo.

Ito na ang nag-asikaso sa kaniya. At dahil may mesang nando’n at mga upuan, nilagay na nito sa ibabaw ng stainless table ang dala nitong pagkain. Kompleto iyon. Mula sa kapeng nasa thermos, fried rice, adobong baboy at sunny side up egg. Dalawang plato, kutsara at tinidor.

Napangiti siya kahit papaano sa nakita. Para silang nag-date ni Magnar sa gitna ng Green House. Kung noon siguro nito ginawa ang bagay na ito, baka namatay na siya sa kilig.

“Bakit naisipan mong dumalaw rito at dito ka pa talaga balak kumain?”

Nagkibit lang ito ng balikat at hindi pinansin ang kaniyang tanong. “Upo ka na. May gusto lang akong patunayan.” Ngumisi ito. Ngising may kaakibat na peligro sa dulo.

“May masama ka bang binabalak sa ‘kin, Magnar?” nagsitaasan ang kaniyang kilay.

“What? Me? No fucking ways, Marie! Para lang ‘to sa closure natin at masaya ako na magkaibigan na tayo. Though hindi ko talaga gustong gawin ‘to pero para sa ‘yo, gagawin ko ‘to. Alam mo ba ikaw lang ang ginawan ko ng ganito? Kaya considered it as your lucky day. Wala kang makikitang Magnar sa daan na kasing-gwapo ko.”

Napapantastikuhang napailing na lamang siya sa sinabi ni Magnar. Inisip nyang baka gutom lang ito kaya nauna na siyang kumain. Gutom na rin siya.

“Hey-hey, Marie!”

“Ano?” hindi niya mapigilang magtaas ng boses.

“Wala.” Ngumisi ito. “Sige, kain ka na. Sulitin natin ito bago ako mabugbog.”

“Anong mabugbog?”

“Wala. Kain na tayo at gutom na rin ako.”

Mas mabuti nga. Iyon ang pinakahihintay niyang sasabihin ni Magnar at gutom na siya. Sa ikatatlong pagkakataon na magkasabay silang kumain ay masaya siya. Closure nga talaga siguro ito o ito siguro ang tinatawag nilang maturity ng bawat tao… Ang kayang makipagkaibigan sa taong nanakit sa kaniya ng apat na taon.

“O, bakit ganiyan ka makatitig sa ‘kin? Kung iniisip mong may gusto ako—”

“Para kang baliw.” Sinamaan niya ito ng tingin.

Tinawanan naman siya ni Magnar. Nasa gano’n posisyon silang dalawa nang maabutan sila ni Gheron. Bigla siyang nanigas sa kaniyang kinauupuan

“Wait-wait, Marie!” Mabilis naman siyang nahawakan ni Magnar sa kamay at hinila papaupo nang tumayo siya para tapusin ang pagtatanim ng mga strawberry runners.

“Kumakain pa tayo.

“Magnar!”

“O, Gal! Dito ka pala. Kain ka muna.”

Habang siya ay nasisilong sa presinsya ni Gheron. Matiim ang mga titig nito sa kanila, lalo na sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamay nitong handang susuntok sa kahit sinong makita.

“Ms. Antopina.” Pati boses nito ay nakakatakot pakinggan. Para itong kulog na kahit sinong makikinig ay matatakot.

“S-sir!”

“Come on, Gal. Don’t be rude. Kumakain pa kami ni Marie.”

“Shut the hell up motherfucker!”

Napasinghap si Marie sa lakas ng boses ni Gheron. Ngayon pa lang niya nakita na sobrang galit ang boses ng binata at nasisilaw siya sa mata nito. Natatakot. Nalilito kung ano ang gawin. Ang kumain ba o ang magtanim na ulit para hindi na magalit ang binata.

“Don’t yell at me, Gal,” mahinahong saad ni Magnar na nakaya pang sumubo ng kanin.

Hindi sumagot si Gheron pero deri-deretso itong lumabas ng Green House. Napasunod naman ang kaniyang tingin sa binata at parang gusto niyang habulin ito at tanungin kung bakit ganito ito galit na galit ngayon.

“Hayaan mo na siya, Marie. Inggit lang siya kasi may cookies ka tapos hindi natin siya niyaya.”

“Nagalit siya kamo dahil oras ng trabaho ko at heto ako kumakain pa. Dalian na lang natin tapos balik na ako sa pagtatanim.”

“Okay!” Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis na parang gusto siyang inisin.

Mabilis niyang inubos ang pagkain at nagulat pa si Magnar dahil para raw siyang sundalong kumain na 1-2-3. Pagkatapos, patakbo niya ng tinungo ang mga strawberry at sinimulan ulit ang trabahong iniwan niya.

Tinulungan din siya ni Magnar magtanim pero pinauwi niya ito. Baka oras na bumalik ulit si Gheron, magsuntukan na ang mga ito. Nakita niya na kung paano magsuntukan ang mga ito rati sa harap niya kaya malabong hindi mangyayaring magsuntukan ang mga ito.

Pero natapos ang buong araw na hindi niya nakikita ang lalaki. Nakauwi na lang din si Magnar, walang Gallagher Svensson o Gheron. Walang Gheron para icheck ang trabaho niya kung perfect ba sa mga mata nito. Parang gusto niyang kabahan sa isiping hindi ito nagpakita. Iba ang dinidikta ng kaniyang isip lalo na at damang-dama niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

Tahimik siyang tinungo ang daan papunta sa Farm house para kunin ang kaniyang gamit doon at ibalik sa staff house. Gusto sana siyang samahan ni Judith pero tumawag daw ang jowa nito kaya mauna na lang siya at susunod ito.

Bawat hakbang na ginawad niya sa hagdanan ay napapalunok si Marie. Mas lalong lumakas ang tahip ng puso niya nang maaninag niya ang pintuan sa unahan.

Bakit pakiramdam ko may mga matang kanina pa nakatitig sa ‘kin? Nakagat niya ang kaniyang labi at sandaling huminga ng malalim. Kung anu-ano na itong pumapasok sa kaniyang isipan. Napapraning na yata siya sa isiping baka ando’n si Gheron sa madilim na bahagi at biglang lilitaw sa harapan niya.

Eksaktong pagbukas niya sa pintuan ng kaniyang silid nang may nagsalita sa kaniyang likuran at boses iyon ni Gheron.

“Masaya ba kasama si Magnar?”

“Ha?”

Hindi niya nakuhang lumingon pa nang hawakan ni Gheron ang kaniyang braso at hinila papasok sa loob ng silid. Mabilis nitong sinara ang pintuan at… Iba ang nababasa niya sa mga mata nito. Galit. Matinding galit na ilang sandali lang ay tutupok sa kaniya. Hindi ito si Gheron! Hindi ito ang lalaking nakilala niyang Gheron.

“I thought money was everything for you?” puno ng pang-iinsultong saad nito, “Bakit ngayon, nakikita kong nakipaglandian ka sa kaibigan ko?” Natawa ito ng malakas at aaminin ni Marie hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ni Gheron. “Ah, dahil mayaman ang kaibigan ko. Damn! Gold digger bitch.”

“S-sir, n-nakainom kayo. Pwedeng bukas na lang natin ito pag-usapan.” Pinili niyang huwag pansinsin ang sinabi nitong masasakit na salita.

“Bukas?”

Dumiin ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso at nasasaktan siya. Gusto niyang magreklamo pero tila may pumipigil sa kaniyang lalamunan para gawin ang bagay na iyon.

“Bukas pag-usapan para mas lalo mo maharot ang kaibigan kong si Magnar, gano’n ba?!” Tinulak siya nito sa isang tabi.

Napaigik naman siya lalo na nung tumama ang kaniyang balakang sa gilid ng mesa. Masakit iyon pero mas masakit ang mga salitang naririnig niyang binitawan nito. Gusto niyang isipin na dahil lang sa nakainom ito kaya ganito ito ngayon.

“G-gheron hindi sa gano’n. Nakainom ka at—”

“Gheron?” Tumalim ang mga mata nito at malaki ang hakbang na lumapit sa kaniya. Hinaklit nito ang kaniyang braso at hindi niya inasahan ang pabiglang tawid ng halik nito sa kaniyang labi.

Maparusa ang halik na binigay nito dahil nalalasahan niya ang sariling dugo mula sa kaniyang labi na pinipilit na buksan ni Gheron sa pamamagitan ng dila.

“Gheron? Sinabi ko bang tawagin mo ako sa pangalang ‘yan? Hindi ba at ayaw mo sa ‘kin dahil isa akong mahirap sa tingin mo at hindi pwede tugunan ang pagmamahal dahil gusto mo ng sobrang yaman, ha, Marie? Ngayon mayaman na ako, mayamang-mayaman na kahit buong pagkatao mo kaya kong bilhin sa harap ng pamilya mo! Ano Marie? Ano? Hindi lang ako milyonaryo. Isa akong bilyonaryo na isang pitik ko lang ng kamay, handa kang ibenta ng magulang mo sa ‘kin—”

“Tama na!” Isang nakakabinging sampal ang binigay niya kay Gheron na halos ikabaling ng mukha nito sa lakas na binigay niyang sampal.

Tigmak sa luha ang kaniyang mata na parang ilog sa patuloy na pag-agos ang mga iyon. Parang lahat ng kaniyang pagtitimpi ay dahan-dahan lumabas sa sobrang sakit ng mga pinagsasabi nito ngayon.

“Tama na, Gheron! Tama na, please?” nangangatal ang kaniyang boses habang nakatitig dito. “Hindi mo ako pagmamay-ari para harap-harapang pagsabihan ng ganiyan. Hindi mo ako kilala… Hindi mo alam kung ano ang nasa puso ko. Wala kang alam sa sakit na nararamdaman ko, Gheron… Wala kang alam.”

Natigilan naman ito pero agad din ngumisi. “Talaga? Kaya pala ang dikit mo kay Magnar.” Madilim ang mukha nito nang tingnan siya.

Nasindak siya. Agad siyang napaatras pero hindi niya nakuhang gawin iyon nang muling salubungin ni Gheron ang kaniyang labi at binigyan siya ng maparusa at mapanakit na halik.

Dugo at luha ang kaniyang nalalasahan. Masakit na masakit ang kaniyaang loob pero parang wala siyang karapatan para sabihin lahat ng mga nasa puso niya rito.

Kahit anong pagtutulak niya sa binata, walang saysay ang mga iyon lalo na at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. Walang balak ang lalaki na pakawalan siya sa gabing iyon.

“G-gheron, please…” Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha niya. Hindi ito si Gheron, hindi ito. Ibang-iba ito sa lalaking una niyang nakilala. Ibang-iba.

“Don’t worry Marie, kaya kong bayaran ng mas malaking halaga ang katawan mo pagkatapos nang gabing ito,” usal nito na puno ng pang-uuyam ang boses.

Napapikit na lamang siya nang dahan-dahan bumagsak ang suot niyang damit. Wala na siyang lakas para pigilin ang binata. Kung ito ang gusto nito, mabibigay niya iyon pero alam niya ang kasunod na mangyayari.

“Magkano ang binabayad sa ‘yo ni Magnar? Doblehin ko, triplehin. Tutal pera naman ang gusto mo sa lahat, ‘di ba, Marie? Sumagot ka!”

Kagat niya ang labing umiling siya pero galit na halik ang binigay ulit ni Gheron.

“Sagot Marie! Pera ‘di ba? Pera ‘di ba?!” malakas na sigaw nito. Niyugyog siya at pinipilit na sumagot sa tanong nito.

“M-mahal kita. Mahal kita, Gheron…” At tuluyang nawasak ang kaniyang puso.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.