Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 21

Sandaling natigilan ang lalaki sa kaniyang sinabi at sa isipin na lalayuan siya nito ay nagkamali si Marie. Dahil mas lalong naging mapusok ito at hindi lang labi nito ang nagpaparusa sa kaniya ngayon, pati na ang kamay nito ay nagpaparusa sa kaniyang katawan.

“Mahal mo ako?” pauyam na tanong nito.

Kinagat nito ang kaniyang leeg at sinipsip iyon. Napapikit siya sa sakit. Gusto niyang manulak at pigilin si Gheron sa ginagawang kabastusan sa katawan niya pero walang lakas ang kaniyang katawan.

“You love me now, huh? Sweet! Those are the three words I’ve been dying to hear from you, Marie, pero pinagkait mo sa ‘kin dahil isa akong mahirap sa mga mata mo. Ngayong isa na akong mayaman, mahal mo na ako agad? Mahal mo ako agad dahil sa pera ko? Gusto mo maniwala ako?”

“G-gheron hindi…”

Siniil siya ng halik ni Gheron at ang mga salitang gusto niyang sabihin ay tinangay ng hangin. Kung ito ang paraan para makita nito ang totoo, pwes handa niyang ibigay ang kaniyang sarili.

Kahit puno ng parusa ang bawat haplos at halik ng binata, hindi na siya nagreklamo o nagsalita. Dahil walang saysay ang mga salitang sasabihin niya kung nanatiling bingi ito sa kahit anong paliwanag niya. Tinanggap niya ang lahat ng mga salitang binato nito. Lahat ng mga sakit! Pero sana bukas, kaya niya itong patawarin pagkatapos ng ginawa nito ngayon. Sana bukas, siya pa rin ang Marie ang binago nito at hindi ang Marie na naging manhid sa loob ng apat na taon. Sana…

Sunod niyang naramdaman ay pinangko siya ni Gheron at dinala sa malambot na kama. Walang pagtutol na nagmula sa kaniya na maririnig. Pinagtatanggal nito ang lahat ng mga kasuotan niya sa katawan. Hahayaan niya ito hanggang sa kusa itong aalis at iwan siya ro’n.

“Huwag ka mag-alala, Marie. Kapalit nito ay pera.” Ngumisi ito.

Kaya ang ginawa niya ay pinikit ang mata. Hindi niya kayang tingnan si Gheron na parang demonyo lalo na at nagsimula itong maghubad ng kasuotan at hindi sapat ang lamig sa loob ng silid para maging manhid ng tuluyan ang kaniyang pakiramdam.

Nakagat na lamang si Marie ang kaniyang labi nang hindi niya napaghandaan ang pabiglang pasok ng lalaki sa kaniyang mundo. Napaiyak siya. Iyak na walang ingay na lumalabas sa kaniyang bibig. Basta lang nagsipatak ang mga luhang walang plano sa pagtigil.

Wala na, nakuha ni Gheron ang sinasabi nitong inangkin ni Magnar. Napangiti siya ng mapait kasabay ang paghikbi niya ang pagtigil ni Gheron sa itaas niya. Gulat na gulat itong tumingin sa kaniya na puno ng pagtatanong ang mga mata nang salubungin niya ang mga titig nito.

“G-gheron… Iyan ang nagpapatunay na mali ang iniisip mo laban sa ‘kin…” Kahit namimilipit siya sa sakit dahil sa laki nito, pinilit niyang lagyan ng ngiti ang nanginginig niyang labi habang hilam sa luha ang kaniyang mata. “M-mahal kita hindi dahil sa pera mo o hindi dahil sa alam kong mayaman ka. Mahal kita Gheron noon pa pero natakot ako, natakot akong sabihin sa ‘yo ang totoo…”

“Tumahimik ka!” Siniil siya ng mariin na halik ni Gheron. Muling gumalaw ito sa itaas niya at sa bawat ulos nito ay parang pagpunit ng mundo niya ng tuluyan.

Masakit. Masakit pero hindi niya pipigilan ang binata sa pag-angkin nito sa kaniya ngayon. Lihim na lang niyang pinagdarasal na sana ay matapos na itong pagpaparusa sa kaniya ng binata.

Mariin siyang napapikit nang isagad nito ang pagkalalaki sa kaniya at kasunod n’yon ay bumagsak ito sa kaniyang tabi. Ang buong akala ni Marie ay aalis ito at iiwan siya tulad ng ginagawa nito, nagkamali siya. Hindi ito umalis.

At buong gabi… Buong gabi siyang inangkin ni Gheron. Naghalo ang sarap at kirot sa kaniya pero naghari ang awa niya sa kaniyang sarili. Hindi siya nito tinigilan hanggang sa ang katawan na mismo nito ang tumigil at sa tabi niya ito natulog.

MASAKIT ang katawan ni Marie nang magising siya kinabukasan. Halos hindi niya kayang igalaw ang kaniyang katawan sa sakit pero pinilit niyang umalis sa ibabaw ng kama. Nasa tabi niya si Gheron at mahimbing pa rin na natutulog. Mabuti na lang at hindi ito nakayakap sa kaniya kaya maingat siyang nakaalis sa tabi nito. Natatakot siyang baka magising ang binata.

Mabilis niyang pinulot ang mga damit na nagsilaglagan sa sahig at sinilid iyon sa bag niya. Nagpalit siya ng ibang damit at kinuha ang bag. Dadalhin niya ang mga ito sa staff house at paniguradong maraming tanong si Judith sa kaniya.

Kahit nasasaktan siya sa isiping nagmantsa ang ebidensyang si Gheron ang kauna-unang lalaki sa buhay niya at hindi si Magnar. Dahil kahit minahal niya ang lalaki no’n, hindi umabot sa punto na binigay niya ang kaniyang sarili rito. Tanging kay Gheron lang.

Paika-ika siyang naglakad papalabas ng pintuan. Bago siya tuluyang lumabas, isang sulyap ang binigay niya sa binata at mapait na ngumiti. Sana naging masaya ito sa ginawa sa kaniya…

Dala niya ang kaniyang bag at malapit na siya sa staff house nang makita siya ni Judith. Mabilis itong bumaba para tulungan siyang mag-akyat ang gamit niya.

“Maria! Anong nangyari sa ‘yo? Para kang pinalayas ng asawa mo.”

Nagpanggap siyang masigla sa tanong ni Judith. “May lagnat yata ako.”

“Na naman? May comeback pala ang sakit mo, ‘no? Sorry hindi ako nakapunta kagabi para tulungan ka. Tumawag kasi si Inukito my labs!” Humagikhik ito. “Inlove siya sa ‘kin at inlove na rin ako sa kaniya kaya ako na ang may lovelife.”

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kaibigan. Dere-deretso lang siyang nagtungo sa banyo at naligo. Malayang kumawala ang luhang kanina pa niya pinigilan. Hinayaan niyang lamunin siya ng sakit sa ilalim ng malakas na lagaslas ng tubig.

Masakit ang pagitan ng kaniyang hita pero mas masakit ang puso niyang durog na durog ngayon. Pakiramdam niya ay nagsilaglagan ang bawat piraso sa kaniyang paanan at nahirapan siyang pulutin at buuin ito.

Kahit masakit ang kaniyang katawan, pumasok pa rin siya sa trabaho. Bumalik siya sa Green House kung saan may tatapusin pa siyang mga tanim. Dapat matapos niya ang mga iyon ngayon araw kahit hinang-hina ang katawan niya.

Ilang minuto pa siyang nagtatanim ng mga strawberry runners nang puntahan siya ni Fidel.

“Marie!”

Napatingin siya sa binata. “Bakit?”

“Sabi na nga ba at dito kita makikita. Yayain kitang magkape tutal maaga pa naman. Saka may sasabihin din ako sa ‘yo.”

“Sasabihin?”

“Oo. Ngayon na ang huling araw ko rito sa farm at flight ko bukas pauwing Pinas.”

“Uuwi ka na?”

Natawa naman ito at tumango. “Kaya samahan mo na ako mag-almusal sa canteen kahit ngayon lang, please? Isa kita sa mamimiss dito, alam mo naman na malapit ang loob ko sa ‘yo. Parang kapatid turing ko sa ‘yo kahit puro pangmamaldita ang alam mo.”

Bahagya siyang natawa pero agad din nagseryuso. “Mabuti ka pa.” Nakaramdam siya ng lungkot. Mauuna na pala sa kanila si Fidel at masaya siya rito kahit may parte ng pagkatao niya na gusto niyang sumama rito pauwi ng Pinas.

SUMAMA siya kay Fidel papuntang canteen. Kape ang inorder niya at isang pirasong sandwich. Nagpanggap siyang okay sa mata ni Fidel.

“Mamimiss ko ang farm na ito.” Tumawa ito at napakamot sa ulo. “Mag-iingat ka rito, ha? Kayo ni Judith.”

Tumango lang siya bilang sang-ayon at ininom ang kape. Dalangin niya ay sana huwag niyang makita ngayon araw si Gheron. Hindi siya handang salubungin ang blangkong mata nito.

Pero mapagkait ang panahon, dahil kung kailan ayaw niyang makita ang lalaki. Saka niya nakita si Gheron na humakbang papasok ng canteen. Napalunok siya nang wala sa oras at halos lumabas na ang puso niya sa lakas ng tibok n’yon.

“Good morning, Mr.Winfrith!” masiglang bati ng lahat dito pero walang sagot na galing sa lalaki.

Umikot ang mata nito sa loob ng canteen at halatang may hinahanap. Eksaktong paghinto ng mata nito sa kaniya ay kumunot ang noo nito nang mapasulyap ito sa katabi niyang si Fidel. Matagal siya nitong tinitigan na parang inaarok ang kaniyang isip.

“Gheron!”

Parang sinaksak ang kaniyang puso nang lumapit si Marienella sa lalaki at mabilis na yumakap sa leeg ng binata kahit and daming mga workers sa canteen. Napatingin siya sa babae, nakangisi ito at parang pinagmamalaki nitong pagmamay-ari nito ang binata.

“Hmm?” Sa kaniya pa rin nakatuon ang mga mata ni Gheron.

“Anong gusto mong kape? Black coffee o… Ako.” Mabilis na sinunggaban ng halik ni Marienella ang labi ni Gheron.

Lahat ng mga nando’n ay napasinghap sa nakita. Lalo na siya at halos napako siya sa kaniyang kinauupuan. Ilang segundo siyang hindi makahuma sa nasaksihan at kahit hindi niya pagmamay-ari ang lalaki, pakiramdam niya buong mundo ang tuluyan nasira.

Dahan-dahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata at kasabay ng pag-usbong ng hindi niya maiintindihang galit sa sulok ng puso niya, nagyuko siya ng tingin at hindi nakaligtas kay Fidel ang kaniyang pag-iyak.

“Marie, okay ka lang?”

Umiling siya. Gusto niyang maglaho ro’n pero walang lakas ang kaniyang tuhod para tumayo. Damang-dama niya ang galit na hindi niya alam kung saan at para kanino!

“Shh…” Inakbayan siya ni Fidel dahil sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa lalamunan niya kahit anong pigil niya. “Maririnig ka nilang umiiyak. Exit muna tayo…”

Tama. Exit muna siya. May isang exit door na malapit sa kusina, nagmadali siyang tumayo at patakbong umalis do’n. Sumunod naman sa kaniya si Fidel na awang-awa kahit wala itong alam sa nangyayari.

“Fidel, isama mo ako sa pagbalik mo sa Pinas.”

Nagulat naman ito sa kaniyang sinabi nang humarap siya sa binata na tigmak sa luha ang mata nang makalabas na sila.

“Pero hindi pa end of contract mo.”

Napasigok siya. Ano ngayon kung hindi? “Ililigpit ko na ang gamit ko, Fidel. Hintayin mo lang ako, sasama ako sa ‘yo pauwi.”

“Sige…”

“Ms. Antopina!”

Umusbong ang galit niya nang marinig ang boses ni Gheron. Sinenyasan niya si Fidel na mauuna siya sa staff house at magliligpit lang siya ng gamit. Tumango naman ang binata at mabilis siyang naglakad palayo. Kahit sumisigid ang sakit sa kaniyang pagkababae, ininda niya iyon. kailangan niyang makalayo at wala siyang lakas para pakiharapan ang pagmumukha ni Gheron na alam niyang sinusundan siya.

“Marie!” malakas na tawag ni Gheron sa kaniya.

“Gheron! Ano ba?!” Boses naman iyon ni Marienella.

Nagkukot naman ang kaniyang kalooban sa narinig. Hindi niya pinakinggan ang mga tawag ng lalaki. Masyado pa maaga at ito ang sinasabi niya kagabi, na sana ay huwag baguhin kagabi ang pagkatao niya.

“Marie Cris Antopina!” Buong pangalan niya na ang binanggit nito.

Pero tumakbo siya. Tinakbuhan niya papalayo ang mga tawag ni Gheron. Wala na siyang pakialam kung nagmukha siyang tanga at napapatingin sa kanila ang ilan sa mga worker ng farm. Hindi alam ng mga ito ang nangyari kaya kahit puno ng pagtatanong at pagtataka ang mga mata ng mga ito, nagpatuloy siya sa pagtakbo.

Hindi siya lumingon. Alam niyang hindi na siya sinundan ng binata dahil umeksina na si Marienella. Saka alam niya na ang ipapamukha nito. Ipapamukha nitong isa siyang birhen at pagkatapos ay ano? Tama na ang mga naririnig niyang masasakit na salita kagabi. Ang mga masakit na parusang natanggap niya sa kamay ng binata. Kung kagabi natanggap niya ang mga iyon, iba ngayon. Ibang-iba ngayon!

Sa Green House dinala ang kaniyang paa kung saan siya nagtatanim ng mga strawberry runners mag-isa.

“Marie okay ka lang?”

Napasinghap siya nang marinig niya ang boses ni Magnar. Nang makita niya ito, parang talon na nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Patakbong lumapit siya sa binata at yumakap ng mahigpit dito. Parang sa katauhan ni Magnar siya nakahanap ng karamay, nang kaibigan, nang taong kailangan niyang kapitan ngayon durog na durog siya.

“Hey-hey! Andito ako para magdala ng breakfast natin dahil buhay pa ako at hindi nabugbog ni Taurus.” Natawa ito pero agad din natigilan nang makitang humihikbi siya sa dibdib nito. “Fuck! Did I miss something? May nangyari ba, Marie, ha?” Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya sa mata na puno ng pagtatanong.

Kagat ang labing umiling siya pero kailan ba natatraydor ang mata kung hindi na kaya ng puso ang sakit?

“Come on, tell me! Did something happen? Did Gallagher hit you? Marie, tell me! “

Mas lalo lang lumakas ang kaniyang iyak sa harapan nito. Bakit mas concern pa si Magnar sa kaniya keysa kay Gheron? Bakit kung kailan si Gheron na ang kaniyang mahal saka naman siya pinaglaruan ng tadhana? Pero tapos niya nang binayaran iyon kagabi, tapos na lahat!

“Wait, what’s this?” Tinuro nito ang sugat sa kaniyang leeg. Sinipat nito ng maayos iyon. “Marka ng kagat to, ah?” Mas lalong nangunot ang noo nito at halatang nagpipigil ito sa galit ayon sa kaniyang nakita.

Agad niyang iniwas ang kaniyang leeg. Ayaw niyang pag-usapan ang ginawang parusa sa kaniya ni Gheron. “B-bakit ka nandito?”

“And you have bruises?” Hinawi nito ang kaniyang suot na jacket at pinagmasdan ang braso niya at pulsuhan. “Damn! Sabihin mo nga sa ‘kin. Si Gheron ba ang gumawa nito?! Lumagpas ba ang gagong kaibigan ko sa linyang hindi niya dapat ginawa?” kalmadong tanong ni Magnar pero sa mga mata nito, nasasalamin niya ang matinding galit.

“Umalis ka na Magnar. Baka makita ka pa niya rito at…” Hindi nga siya nagkamali. Dahil biglang sumulpot ang lalaking iniwasan niya simula sa canteen.

“Tangina mo talaga, Gallagher!”

Napasigaw siya nang biglang sugurin ni Magnar si Gheron ng suntok sa mukha. Pinagsusuntok ito ni Magnar pero hindi umilag si Gheron sa bawat suntok na binigay ni Magnar.

“Tangina mo! You love Marie but what did you do? Binaboy mo ang babaeng mahal mo para sa walang kwentang pinaglalaban mo? Binaboy mo ang babaeng balak mong pakasalan sa kahit saan simbahan! Tangina mo talaga Gallagher, saan ba ang utak mo? Saan ba at para mahukay ko at isaksak d’yan sa ulo mo?”

“Just let me talk to her,” mahinang anas nito at malungkot na tumingin sa kaniya.

“Talk to her? Gago ka talaga!” Inundayan ito ulit ng suntok ni Magnar sa mukha.

Pero siya, wala siyang naramdaman awa o ano. Nanatili lang siyang nakatayo sa isang tabi habang hilam sa luha ang kaniyang matang nakatingin sa mga ito na nag-susuntukan sa harapan niya. Mali, si Magnar lang pala ang nagbibigay ng suntok dahil hindi lumalaban si Gheron.

“Marie! Kakausapin mo pa ba ang taong ito?” Humarap sa kaniya si Magnar na puno ng galit ang mga matang tumingin sa kaniya. “Sabihin mo lang kung kakausapin mo o hindi dahil kung hindi, ngayon-ngayon mismo, iaalis kita sa farm na ito at ilalayo sa kaibigan kong ito na hindi ko alam saan nilagay ang utak! Hangang-hanga pa naman ako sa ‘yo, Gallagher.”

“Marie… Please, let’s talk?” Nasa boses ni Gheron ang pagmamakaawa sa kaniya.

Napangiti siya. Pero ang ngiting iyon ay hindi dahil masaya siya, kundi, ngiti iyon na ibig sabihin ay hindi na. Wala ng silang pag-usapan. Tapos na silang mag-usap dalawa at iyon ay ang kagabi. Tinuldukan nito ang lahat sa pamamagitan ng pag-angkin sa kaniya ng marahas at puno ng galit. Tinuldukan nito ang puso niyang nagmahal sa ikalawang pagkakataon. Nagkamali siya nung tinrato niyang masama si Gheron, aminado siya sa parteng iyon pero pinagsisihan niya na. Hindi niya lang inakala na aabot sila sa ganitong sitwasyon.

“Marie, ano?” galit na tanong sa kaniya ni Magnar.

Isang iling ang kaniyang sagot at isang malakas na suntok pa ang binigay ni Magnar kay Gheron.

“Magkaibigan tayo pero hindi ko palalagpasin ang pambababoy na ginawa mo sa babaeng mahal ka, Gal. Oo, tama. Mahal ka ni Marie. Mahal ka ng babaeng tinrato mong hayop sa kama. Lumagpas ka sa linya... Lumagpas ka.”

At kasunod na ginawa ni Magnar ay hinawakan siya sa braso at hinila palabas sa Green House. Maraming nakiusyong mga worker pero lahat nagsitabi ang mga ito at bumalik sa kaniya-kaniyang trabaho nang makitang galit na galit ang mukha ng lalaking hawak-hawak siya sa braso.

Tahimik siyang sumunod sa binata at sa sasakyan siya nito dinala. Madilim pa rin ang anyo nito at ilang beses itong napamura sa hangin bago nagbaling ng tingin sa kaniya.

“Why did you let him?”

Namula siya sa tanong na iyon. Wala siyang maisagot.

“Sasama ka sa ‘kin ngayon, Marie. Tuturuan natin ng leksyon ang kaibigan kong gago! I don’t like the way he treated you.”

Tumango lang siya pero ang totoo, dama niya ang dahan-dahang pagiging manhid ng kaniyang puso. Siguro dahil sa lamig ng klima o siguro dahil sa halik na nakita niya kanina na parang isang indikasyon na tama na ang pagmamahal na sinasabi ng puso niya.

“Ipapakuha ko ang gamit mo mamaya. Sa ngayon, sa ‘kin ka muna at iuuwi kita sa Pinas. Ako na bahala sa plane ticket at sa lahat. Hindi mo deserve ang masamang pagtrato ng kaibigan ko sa ‘yo. Kahit kaibigan ko si Gallagher, hindi ko siya papanigan.”

TULAD nga ng sabi ni Magnar, ito ang kumuha ng plane ticket niya at hindi lang iyon, sinamahan siya nitong bumalik ng Pinas. Kahit ilang beses niyang sinabi rito na kaya niyang umuwi mag-isa o kaya sumabay na lang siya kay Fidel.

Pero nung nasa NAIA na siya, hindi niya na hinayaan si Magnar na ihatid pa siya sa probinsya nila. Nag-alangan pa ito nung una pero nung sinabi niyang gusto niyang mapag-isa at mag-isip, napapayag niya ang binata.

Nagtagumpay si Gheron na gawin siyang manhid. Nagtagumpay ang lalaking gawin siyang bato sa huli.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.