Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 23

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Walang nagbago sa pagtrato sa kaniya ng kaniyang pamilya lalo na ngayon wala siyang pera sa mata ng mga ito. Nagkaroon din siya ng maliit na pwestuhan sa may kanto at nagtitinda ng kahit ano. Kahit papaano, may kita siya pero hindi malaki tulad ng kita niya sa pagiging fruit picker sa Japan.

“Pabili po, Aling Marie!”

Natawa siya nang paglingon niya ay si Fidel ang kaniyang nakita. “Anong ginagawa mo rito?”

“Tulungan kang magtinda, ano pa ba? Saka maghahanap ako ng mapapangasawa rito sa purok niyo.”

Nagkibit lang siya sa sinabi nito. Mas mabuti nga nandito ito ngayon, uuwi muna siya saglit sa bahay at maghahanda ng tanghalian. Nakiusap siya sa binata na bantayan muna nito ang mga paninda niya at pumayag ito basta dalhan niya raw ito ng ulam.

Pero nasa malayo pa lang siya, dinig na dinig niya ang pag-aaway ng kaniyang magulang. Babae na naman siguro ng Ama niya ang dahilan ng pag-aaway ng mga ito at kahit gusto niyang makisali, pinili niyang huwag na lang.

Sa likuran na pintuan siya sa dumaan. Ando’n na sa mesa ang apat na kapatid niya at bagot na bagot na naghihintay na magluto siya. sabado kaya walang pasok ang mga ito.

“Gutom na kami!”

“Magluluto lang ako ng mabilis.”

“Sarapan mo Ate, ah!” pahabol ng mga ito. Nagkaniya-kaniya na ang mga ito sa pag-gamit ng mga cellphone at hinahayaan mag-away ang magulang nilang walang araw na hindi nagbabatuhan ng masasakit na salita.

“Puro ka na lang pambabae, Odong! Wala kang balak magkayod?! Wala na si Marie Cris sa Japan, oy! Wala na tayong pera, ang dami pa natin bayarin. May mga manok ka pa! Ano Odong? Ha? Napakawalang-kwenta mong asawa!” nangangalaiting sigaw ng Ina nila.

“Ano ba ang gusto mo? Andiyan ang anak mong magaling, hingiian mo ng pera!”

“Hayop ka Odong! Marie Cris! Marie Cris! Labas ka nga rito at ikaw kumusap sa walang kwentang Ama mo!”

Labag sa loob na lumabas siya. Makalat na naman ang buong sala dahil pinagbabato ito ng kanilang Ina. Hawak niya ang sandok sa isang kamay at pinilit na huwag magsalita kahit isang letra.

“Marie Cris! Anong tinutunganga mo d’yan? Parehas kayong dalawa ng Ama mong walang kwenta! Pera na nga naging bato pa. uuwi ka tapos wala ka man lang dalang kahit singkwenta mil? Sayang ang pagpaaral namin sa ‘yong babae ka! Ang mahal-mahal ng tuition mo tapos uuwi kang walang dala?”

“Sabi kasi sa ‘yo ate, ‘di ba?” Si Marites ang nagsalita, nakasandal na ito sa dambana ng pintuan. Nakatutol ang tingin sa cellphone.

“Ano? Wala ka mang lang sasabihin d’yan, babae ka!”

Tumama sa kaniya ang matigas na bagay na binato nito. Napakagat siya ng labi. Ayaw niyang magsalita baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili.

“Magsalita ka raw ate, oy!” malditang saad ng mga kapatid niya.

“Kapag ikaw Marie Cris, hindi pa bumalik ng Japan bukas na bukas palalayasin kita sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo ba ako? Ha?!”

“Ma… H-hindi na ako pwedeng bumalik sa Japan. W-wala na akong babalikan doon.” Napakagat siya ng labi. Parang nanakit ang kaniyang lalamunan sa pagpipigil niyang huwag umiyak sa harapan nito.

“Punyeta!”

Binato siya nito ng vase at tumama sa noo niya ‘yon. Bahagya siyang napapikit at pakiramdam niya, nahihilo siya sa lakas ng pagbato nito. Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga dugo sa kaniyang noo kasabay ng luha niya.

“Hindi mo ba naiintindihan, ha, Marie Cris? Pera ang kailangan namin! Hindi ang presinsya mo. Pera! Saan kami pupulutin ng mga kapatid mo? Kita mo ang mga iyan? Wala ka man lang awa sa mga kapatid mo. Sarili mo lang iniisip mo! Palibhasa nakapagtapos ka na kaya ang lakas ng loob mong sumagot ngayon na kumo hindi ka na makakabalik ng Japan? Ay punyeta! Gawan mo ng paraan! Masyado na kasing mataas ang tingin mo sa sarili mo kaya may pauwi-uwi ka na. Anong pinaglalaban mo? Lumandi ka siguro ro’n babae ka!”

“Ma… T-tama na ho ang masasakit na salita…”

“Anong tama-tama? Matatamaan ka talaga sa ‘kin, Marie Cris! Akala mo hindi ko alam na umiiyak ka tuwing gabi at binabanggit mo ang pangalang Gheron ba ‘yon?! Pati sa pagtulog, Gheron-gheron ka. Iyan marahil ang dahilan kung bakit ka napauwi, ah. Kalandian mo talaga—”

“Tama na! Tama na ‘Ma!” Malakas na sigaw niya at tigmak sa luha at dugo ang mukha. Parang napupunit sa maraming beses ang puso niya. Hindi niya intensyon sumigaw pero tao siya. Tao siya.

“Aba at sumigaw-sigaw ka na ngayon! Bastos ka!” Akmang sabunutan siya nito nang makalapit ito pero nahawakan niya ang kamay ng Ina.

“Tama na ‘Ma! Anak niyo ako…” Nangangatal ang kaniyang labi habang sambitin niya ang katagang anak siya ng mga ito dahil ang totoo, hindi niya maramdaman iyon simula nung lumaki siya at nagkaroon ng malay. Hindi siya kailanman naging paborito sa pamilyang ito. “Hindi ako isang naglalakad na Bangko, ‘Ma! Hindi ako isang bagay na naglalabas ng pera kapag gusto niyo. ‘Ma napapagod din ako, nasasaktan… nagmamahal din ako. Pasensya kung wala akong magandang ambag sa pamilyang ito, pasensya kong tingin niyo sa ‘kin ay isang masamang anak na sarili ang iniisip dahil ang totoo niyan ‘Ma, kayo ang iniisip ko. Ang pamilyang ito. Lahat kayo kahit wala ng matira sa ‘kin. Walang-wala na ako ‘Ma, ubos na ubos na ako! ‘Ma kahit isang beses man lang tingnan niyo ako bilang isang anak. Kahit minsan man lang ho maramdaman ko sa pamilyang ito na mahalaga rin ako, na isa rin akong anak, na karapatan ko rin na makasama kayo.”

“Hindi ako naging maramot. Lahat ng ginawa ko, lahat ng paghihirap ginawa ko ang mga ito para sa inyo ni Papa. Si Papa na minsan hindi ko maramdaman na mahal ako. Si Papa na mas gusto pang makasama ang apat kong kapatid pero hindi ako nagreklamo kasi ako ang panganay. Ako ang panganay at ako dapat ang umintindi. Ako dapat ang magtaguyod. Ako dapat ang magparaya para sa pamilyang ito. ‘Ma, hindi ako hayop! Hindi ako bagay. Tao ako ‘Ma. Tao! Tratuhin niyo akong tao kung hindi niyo ako kayang tratuhin na anak… kahit iyon lang ho. Kahit iyon lang…” Humihikbing anas niya sa harapan nito.

“Walang kwentang anak!” Isang malakas na sampal ang nakuha niya sa Ama. “Pinalaki ka ba namin ganiyan para sagutin mo ang Ina mo? Ingrata ka!”

Habang ang mga luha niya ay walang tigil sa pagpatak ang mga iyon. Parang lahat ng mga hinanakit niya ay tila ulan na nabuksan sa kalangitan. Hindi siya tuminag sa kaniyang kinatatayuan. Sawa na rin siyang ‘Oo at Oo’ lagi sa mga ito.

“P-pinalaki niyo akong mabuting anak, ‘Pa. Nagkataon lang na kayo mismong ang walang kwentang magulang.” Matapang niyang hinarap ang mabagsik na tingin nito. “Minsan ba, minahal niyo ako? Minsan ba ‘Pa, anak ang turing niyo sa ‘kin? O isang bagay na nagbibigay sa inyo ng pera? Alam ko ang pinaggagawa niyo sa sahod ko sa Japan, ‘Ma, ‘Pa! Alam kong pinagwawaldas niyo ang perang pinadala ko. Pinagwawaldas ng mga kapatid ko pero may narinig ba kayong masakit na salita sa ‘kin o panunumbat, wala. Dahil iniisip ko, karapatan niyo iyon. Dahil karapatan niyo mamuhay ng masaya. Kasi akala ko nung una, pera ang tulay para matanggap niyo ako na anak niyo rin akong dalawa. Pero ang totoo, hindi kailanman pala matatabunan ng pera ang halaga ng isang tao. Dahil kahit ilang libo ang ibigay ko sa inyo, hindi niyo nakikita ang halaga ko. Mabuti pa ang pera, may halaga. Ako ba, may halaga sa inyo? Kahit maliit na halaga, meron bang natira? Meron ba akong puwang sa inyo? Magulang ko ba talaga kayo? Bakit pera lang ang mahalaga sa inyo? Bakit hindi niyo nakikitang nagsisikap ako para matugunan lahat ng pangangailangan ng pamilyang ito! Parte ba talaga ako ng pamilyang ito dahil ang totoo, hindi ko ramdam na kailanman parte ako ng pamilyang ito!”

“Ate…”

“A-anak…”

Pero umiling siya. Sapo niya ang kaniyang noong walang tigil ang pagsilabasan ng mga dugo roon. Habol-habol niya ang kaniyang hininga at halos mawasak ang kaniyang dibdib sa lakas ng tahip ng puso niya. Masakit ang kaniyang sugat na natamo pero mas masakit ang isipin na kailanman ay hindi siya importante.

“A-ate… Hindi namin sinadya...”

“Tama na. Simula ngayon, hindi na ako magiging pabigat sa pamilyang ito. Simula ngayon, matututo na kayong tumayo sa sarili niyong paa. Puputulin ko na ang sarili ko sa pamilyang ito. Tama na ang lahat. ‘Ma, ‘Pa… Aalis na ako sa pamilyang ito. Pasensya kung wala akong silbing anak sa tingin niyo pero masaya ako na kayo ang magulang ko. Masaya ako kahit minsan hindi ko maramdaman ang pagmamahal niyo. Aalis ako para sa ikatahimik ng lahat. Sana, maging masaya kayo na wala na ako. Pasensya na sa lahat at maraming salamat ho sa inyo, sa pamilyang ito.”

Matapos niyang sabihin iyon, deretso niyang tinungo ang silid niya sa itaas. Ang lakas ng kaniyang iyak habang kinukuha ang maletang naglalaman ng gamit niya. Wala sa plano niya ang umalis pero siguro, minsan, tama rin na piliin niya ang kaniyang sarili. Hindi niya na hihintayin ang araw na palayasin siya… Siya na mismo ang magkusang umalis.

Hilam sa bitbit niya ang kaniyang maleta pababa ng hagdan nang marinig niyang may nagsalita.

“Marie…”

Gheron?

Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? Mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki.

“Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?” boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.

Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pinahintulutan.

“Marie…”

“Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!” Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. “Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!” Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.

Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.

Mabilis siyang nilapitan ni Fidel at niyakap ng mahigpit. “Holy shit! Ang lakas ng dugo mo sa noo, Marie!” Agad nitong pinunit ang suot na tshirt at tinali sa kaniyang noo.

“Aalis n-na ako sa bahay na ito, F-fidel…” pahikbing saad niya.

“A-ate…”

“Anak… Marie Cris…”

“Isang lapit niyo pa kay Marie, hindi ko kayo mapapatawad!” Parang kulog ang boses ni Gheron ang pumuno ng buong kabahayan.

Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang galit ang binata pero mas galit siya rito! Galit siya sa lahat! Tanging si Fidel lang ang lalaking kaya niyang lapitan ngayon.

“Fidel, ilayo mo si Marie. Ako na ang bahala sa pamilyang ito.”

“A-anong gagawin mo sa ‘min?” magkapanabay na tanong ng magulang niya.

Pero hindi niya na hinintay ang sagot ni Gheron. Inakay na siya si Fidel papalabas habang ito ang nagdala ng maleta niya. Sumunod sa kanila si Gheron pero tinulak niya ito papalayo sa kaniya. Ayaw niyang lumapit ito sa kaniya kahit isang dangkal ang layo.

“Bumalik ka na sa Japan! Bumalik ka na sa kung saan ka nababagay! Bumalik ka ro’n. Hindi kita kailangan dito. Hindi ko kailangan ang tulong o ang presinsya mo! O ang makita ka, ayaw na ayaw ko.”

“Marie…”

“Ako na ang bahala sa kapatid ko.”

Sa sinabing iyon ni Fidel, inakay na siya nito papalayo at kahit gusto niyang tanungin si Fidel kung paano nito nasabing kapatid siya nito, wala na siyang mahagilap na kahit anong letra… Nanghina na siya. Napasandal siya kay Fidel… Nanghina siya dahil na rin siguro sa maraming dugong kumawala sa kaniyang noo.

“DAMN! Saan ang malapit na Hospital na sa lugar na ito?!” Hindi mapigilang mag-alala ng sobra ni Gallagher. Kung pwede lang na siya ang umalalay sa babae pero alam niyang mas lalo siyang kamumuhian ni Marie at iyon ang ayaw niya ng mangyari.

“Marie? Naririnig mo pa ba ako? Marie?”

Si Fidel ang pumangko sa dalaga at siya ang nagdala ng gamit. Sa unahan, naghihintay ang sasakyang inarkilahan niya. Agad nilang pinasok ang dalaga sa loob at siya na nagmaneho. Marami siyang gustong sabihin sa dalaga, marami siyang gustong sabihin pero sa daming gusto niyang sabihin, hindi niya alam kung saan siya magsisimula.

Ang ikinagalit niya lang, natagalan siya sa paghanap sa address ng dalaga. Binura lahat ni Magnar ang maliit na detalyadong magtuturo sa kaniya kung saan sa Siquijor ang dalaga. Natagalan din siya dahil pinarusahan siya ni Yx at Magnar at tinanggap niya ang bawat parusang binigay sa mga ito.

Binitay siya ng dalawa sa isang madilim na silid at hindi pinakain ng tatlong araw. Tubig lang ang binibigay ni Magnar sa kaniya at may kasamang mura. Hindi lan iyon, marami siyang natamong suntok ni Magnar at hanggang ngayon putok pa rin ang kaniyang labi at may mga pasa pa siya sa mukha. Alam niyang kulang pa ang mga ito sa ginawa niyang pananakit kay Marie. Kulang pa ang pasang nakuha at suntok na nagmula kay Magnar at Yx.

Ang plano niya, ang pagselosin lang at turuan ng leksyon ang dalaga. Hindi niya intensyon lumagpas sa linya at sinaktan ito sa paraang kahit sarili niya ay hindi tanggap na nagawa niya ang bagay na iyon dahil sa sobrang panibugho kay Magnar.

Kinailangan niyang bayaran si Marienella para sa leksyon na binigay niya kay Marie. Nagpapanggap silang malambing ‘pag nasa paligid ang dalaga pero kapag nakatalikod na ito at nakikita niyang naapektuhan, pinapatigil niya na si Marienella. Ang hindi niya lang inasahan, ang pabiglang lapit nito sa kaniya at siniil siya ng halik sa loob ng canteen kung saan hinahanap niya si Marie. Hindi na nakita ni Marie kung paano niya itinulak papalayo ang babae para rito.

Tinatanggap niyang nagkamali siya. Nasaktan siya nito nung sinabi nitong hindi siya nito mahal at gusto nito ay isang mayaman na lalaki. Gustong-gusto niyang sabihin kay Marie nang mga oras na iyon na hindi siya totoong mahirap. Pero naunahan siya ni Marie sampalin ng masasakit na salita. Iyon ang naging dahilan kung bakit nawala siya ng ilang araw at tanging ang kapatid niyang si Faarra ang karamay niya sa sakit.

Doon siya nakapagdesisyon na ilabas sa harap ni Marie na isa siyang mayaman at hindi siya magiging hadlang sa mga gusto nito. Kaya niyang buhayin ito, lahat ng pamilya nito kung ito ang pinoproblema ni Marie pero bago iyon, leksyon ang una niyang tinuro sa dalaga. Hindi niya lang napansin na sumobra siya sa leksyon na binigay.

Kaya tanggap niya ang leksyon na binigay rin ni Magnar at Yx sa kaniya. Binawalan siya ni Magnar na magpakita kay Marie at binantaan siya ng kaibigan na hindi lang isang suntok ang maakukuha sa kaniya pero kaya niyang makipagsuntukan na ngayon. Marami siyang kailangan bawiin. Marami siyang kailangan gawin.

Deretso nilang sinugod sa malapit na Hospital ang dalaga para magamot ang sugat na natamo nito at malinisan. Gaya ng sabi ni Marie, hindi siya lumapit dito. Nanatiling nasa malayo siya at nakamasid dito na parang sinusuntok ang puso.

“Aalis muna ako.”

Mabilis niyang napigilan si Fidel sa plano nito. “Bantayan mo si Marie. Ako na ang bahalang umayos sa problema.” Kumuyom ang kaniyang kamao nang umeksina ulit sa isip niya ang ginawa ng kinilalang pamilya nito.

“Hindi ko akalain na kaya nilang gawin ito sa kapatid ko. Inakala kong isang masayang pamilya ang napuntahan niya kaya hindi ko na ginulo ang mundo niya. Nagkasya akong sundan na lang siya sa Japan at bantayan. Kahit hindi kapatid ang tingin niya sa ‘kin, okay lang. Mas mainman nga iyon pero…” Tumalim ang mata ni Fidel nang tumingin sa kaniya. “Hindi ko rin lubos maisip na kaya mong saktan ang damdamin ng kapatid ko! Gusto kitang suntukin pero hindi ko na gagawin ito, Gheron. Gusto kitang magdusa at si Marie na ang bahala sa bagay na ‘yon. Sa mukha mo palang ngayon, kitang-kita ko ng nagdudurusa ka. At salamat nga pala nung sinabihan mo ako ang pinapabantayan ng organisasyon niyo. Ang totoo niyan, matagal na akong wala sa Blood Diamond. Hinanap ko lang ang kapatid ko nung mga panahong umanib ako sa organisasyong iyan pero mabibigyan kita ng impormasyon kung anong klaseng kalaban ang Blood Diamond. Alam kong mabait kang tao, dahil kung hindi, hindi mo na ako sana sinabihan at binigyan ng babala. Salamat din sa ‘yo at natutong magmahal si Marie pero tulad ng sinasabi ko, hindi pa rin magaan ang loob ko sa ‘yo Gheron. Si Marie na ang bahalang magtitimbang ng galit niya. Dahil kahit saan tingnan, naging Boss rin kita sa abroad at lahat ng mga naging amo ko, malaki ang respito ko sa kanila. Ipagdarasal ko na lang na sana matanggap ka pa ng kapatid ko.”

Parang pasan niya ang mundo nang marinig ang lahat ng sinabi ni Fidel. Ang bigat ng mga salitang binitawan nito at dama niya ang galit at respito ni Fidel sa kaniya. Tapik lang ang naging tugon niya sa lalaki at nagpasyang balikan ang pamilyang kumupkop kay Marie nung apat na taong gulang pa lang ito.

Alam niya rati pa na magkapatid ang dalawa. Nung nasa Silver Garden niya ang dalaga, alam niyang hindi totoong anak ito ng tinuturing nitong magulang. Nagkalkal siya ng impormasyon at isa sa nakuha niya ay nagkahiwalay si Marie at Fidel nung mga bata pa ang mga ito. Patay na ang totoong magulang ng mga ito dahil sa isang paglubog ng barko at tanging ang dalawa lang ang nakaligtas pero nagkahiwalay.

Sakay sa kotseng inarkilahan niya, deretso siyang bumalik sa bahay ng Antopina. Naabutan niyang nag-aaway pa rin ang mag-asawa, nagtutulakan ng sisi, pero nang makita siya agad nagsitahimik ang mga ito. Punong-puno ng tanong ang matang nakatingin sa kaniya at takot.

Pumasok siya sa loob at deretsong tinungo ang sofa. Umupo sya roon at blangkong ekspresyon ang binigay sa mga ito. Tahimik ang mga ito at naghihintay sa kaniyang gagawin lalo na ang apat na kunwariang kapatid ni Marie.

“S-sino ka ba? Kaano-ano ka ni Ate Marie?” lakas-loob na tanong ng lalaking kilala niya sa pangalan Mario.

“At saan mo dinala ang anak namin?!” Ang Ina nito ang nagsalita.

Ngumisi siya. “Hindi niyo na makikita pa ang anak niyong si Marie. Hindi niyo naman siya totoong anak kaya makakalaya na siya sa mahigpit niyong pamamalakad. Ginagawa niyong Bangko ang babaeng sobra-sobra ang pagpapahalaga sa inyo. Lahat ay ginawa niya para sa inyo kahit sarili niyang kapakanan hindi niya na inisip. Ganiyan kayo kaganid pagdating sa pera. Hindi isang perang naglalakad si Marie.” Malamig na lumabas iyon sa kaniyang bibig. Deretso ang kaniyang tingin sa mga ito at kitang-kita ni Gallagher ang pagsisi at sakit sa mga mata ng mga ‘to pero huli na.

“S-sino ka ba! Anong hindi anak ang pinagsasabi mo?!” matapang na sagot ng ama nito.

Bumuntunghinga si Gheron at napahalukipkip. Tiningnan niya ng isa-isang tingin ang mga ito. “I’m Gallagher Svensson. The owner and the CEO of Silver Garden Restaurant at ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking farm sa Hokkaido Japan. Ang taong mahal na mahal ang babaeng sinaktan ng pamilyang ito. Ang taong nagpapadala ng pera sa pamilyang ito sa tuwing walang naiipadala si Marie sa inyo dahil sa dami ng mga luho niyo. Oo, tama, ako ang nagpapadala ng singkwenta mil bawat linggo para tigilan niyo anak niyo sa kakahingi dahil sa mga bisyo. Pero ano itong ginawa ng pamilyang ito sa anak na ginagawa ang lahat para sa kanila? Hindi niyo alam na puro tinapay ang kinakain ni Marie para lang masunod lahat ng luho na gusto ng bawat isa sa inyo at ito ang inyong igaganti? Kung sabagay, wala kayong mga puso. Ngayon, pinuputol ko na ang koneksyon ko sa pamilyang ito at wala na kayong matatanggap mula sa ‘kin. Tuluyan niyong sinira ang babaeng walang hinangad kundi ang mahalin at tanggapin ng buong puso sa pamilyang inakala niya ay marunong magpahalaga. Paalam.” Sinundan niya ito ng tayo at tuluyang umalis. Hindi na hinintay ni Gallagher na magsalita ang mga ito na parang pinaliguan ng suka sa kaniyang sinabi.

“PUTANGINA ka! Paano ka nakarating d’yan sa probinsya ni Marie?”

Tiningnan lang ng masama ni Gallagher si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito.

“Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!” Napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya.

“Bakit ako?”

Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya sa dalaga. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie.

“Huwag mong ipakita sa ‘kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!”

Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlong araw. Magaling na kaibigan si Magnar! Magtutuos sila oras na magkaayos sila ni Marie. Magbilang na lang ng oras ang kaibigan at ito naman ang bibitayin niya.

“Ang gwapo ko talaga!” mayabang na saad nito, “Pinagselosan mo ako samantalang alam mong pareho tayong gwapo. Kung sabagay, mas gwapo pala ako.” Nagpasuntok-suntok pa ito sa hangin.

“Tandaan mo Magnario, hindi tayo magkaibigan ngayon. Huwag na huwag ka na rin lumapit kay Marie-babes ko. Once I see you talking to her again, pipilitin ko na ang leeg mo at papatayin na rin tutal wala kang kwentang kaibigan. Lakas ng trip mo! Hindi ka na pwedeng tumuntong sa lahat ng SG! Tinitiyak ko ‘yan.” Hindi niya na hinintay na makasagot si Magnar, pinatay niya ang tawag ng lalaki at galit na tiningnan sandali ang manibela. May iniisip siya at isa na nasa utak niya ay kung paano makabawi sa dalaga. Hindi siya makakapayag na ganito na lang ang lahat. Kailangan niyang bumawi.

Ilang sandali pa ay binaybay niya ang daan pabalik ng Hospital. Pagdating niya sa silid kung saan ito, nakitang nakaupo na ang dalaga sa Hospital bed at umiiyak sa balikat ni Fidel. Tahimik siyang umalis at nagpahangin sa labas. Bibigyan niya ng oras ang dalawa. Makakapaghintay ang puso niya.

Kung kinakailangan na lumuhod at magmakaawa siya sa paanan ni Marie, gagawin niya ito. Kahit ipagtabuyan siya, babalik at babalik siya. Tama na ang katangahan at pagseselos niya kay Magnar. Sa ngayon, ang pagpatawad ni Marie ang kailangan niyang pag-ipunan at kung paano makukuha ito sa dalaga. Pinapangako niyang hinding-hindi niya ito sasaktan sa pangalawang pagkakataon. Natuto na siya.

“Gallagher.”

Si Yx ang nasa kabilang linya, tumatawag sa kaniyang cellphone. Saka niya lang naalala na buong system ang pinatay niya sa kaniyang relong suot.

“Yeah?”

“Kumusta ang mga sugat mo?”

“Okay naman,” matabang na sagot niya. Hindi niya rin minsan makuha ang galaw ng utak ni Yx. Masyadong misteryuso ang pagkatao nito sa kanila.

“Pagkatapos mo d’yan sa Lazi, bumalik ka agad sa office. Marami ka pang gagawin na assigment kasama ang dalawang bagong tauhan ng Dark X.”

Hindi niya na tinanong kung paano nalaman ni Yx ang kaniyang lokasyon. Ang mahalaga, hinayaan na siya nitong makalaya sa madilim na silid na pinaglagyan sa kaniya ni Magnar.

“How’s your Marie anyway?”

“She’s good.”

“And?”

“She hates me.”

“Yeah. Kaya nga pinasubaybayan ko si Mr. Ramos sa ‘yo, ang kapatid niyang si Fidel. Para ikaw na rin mismo din makakatuklas na ang babaeng kinababaliwan mo ay kapatid ng taong may connection sa Blood Diamond.”

“Nagkausap na kami ni Fidel sa pagiging connection niya sa Blood Diamond.”

“I know. Matagal ng walang connection si Mr. Ramos sa Blood Diamond.”

“What?” Tumaas ang kaniyang boses.

“Wala. Pasensyahan mo kung nabigyan kita ng suntok. Nakiusap si Magnar sa ‘kin na suntukin ka.”

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Kung nasa harapan niya lang ang kaibigang si Magnar, makakatikim ito ng suntok pero sa ngayon, huwag muna. Naghihintay pa siyang patawarin ni Marie.

“Salamat sa suntok, Yx. Dala-dala ko pa ang mga pasa na galing sa ‘yo hanggang Lazi. Masakit na masarap maramdaman ang pagmamahal niyo ni Magnar. Nakakaiyak nga sa sobrang sarap!”

Ang lakas naman ng halakhak na pinakawalan nito pero agad nagseryuso. Dahil ang totoo, minsan sa isang taon lang tumatawa ang leader ng organisasyong kinabibilangan niya.

“I have to go. Kakausapin ko pa si Jayvion.” Agad itong nawala sa kabilang linya.

Saka na siya babalik ng Manila at magpakita sa grupo kapag napatawad na siya ni Marie. Mas mahalaga ang babae. Mahalaga sa kaniya ang organsisasyon dahil ito ang nagbigay kulay sa kaniyang mundo. Sadyang mas mahalaga lang si Marie kaya ganito ang nangyayari sa kaniya— nababaliw.

Dalawang oras din siyang naghintay sa labas nang tapikin ni Fidel ang kaniyang balikat. Tumingin siya rito at nagbigay ito sa kaniya ng go signal na pwede siyang pumasok para makita ang kalagayan ng dalaga. Isa sa pinasalamatan niya, hindi niya ito sinuntok dati. Dahil kung nagkataon, baka pati si Fidel pagbawalan siyang makita ang dalaga.

“Natutulog ang kapatid ko. Pwede mo siyang dalawin. Huwag mo lang gisingin at baka hindi lang pasa abutin mo sa kaniya.” Natawa ito nang makita ang pasa niya sa mukha. “Bagay pala sa ‘yo ang bugbugin.” Pahabol pa nito saka tuluyang umalis.

Naiiling na lang siyang nagtungo sa silid kung saan nagpapahinga si Marie. Dinadaga ang kaniyang dibdib kahit kakasabi lang ni Fidel na natutulog ang dalaga.

Nakita niyang payapang natutulog si Marie pagpasok niya. May bendahe ito sa noo. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan lumapit sa kinahihigaan ng dalaga. Halos hindi niya magawang ikurap ang mata habang nakatitig sa mukha nitong bakas ang ebidensyang nasasaktan.

Damn! Kumuyom ang kaniyang kamao at napabuntong-hinga dahil alam ni Gheron na isa siya sa nagpapahirap at nanakit sa dalaga. Isa siya sa dahilan kung bakit nahihirapan ang puso nito.

Gustong-gusto niyang abutin ang pisngi nito at haplusin ito pero pinigil niya ang kaniyang sarili. Napakaganda pa rin ng dalaga kahit nakapikit at may bendahe. Pero alam ni Gallagher, na mas malaking sugat ang nagawa niya sa pagkatao nito na hindi agad-agad matatanggal ng isang ‘sorry’ lang. Mahihirapan siya nito pero magtitiis siya para kay Marie. Pag-iipunan niya lahat para mabawi ito at bumalik sila sa una.

Nagkasya na lamang siyang umupo sa tabi ng kama ni Marie habang nanatiling nakatitig ang kaniyang mata sa dalaga. Marami siyang gustong sabihin at isa na roon ang salitang mahal niya ang babae pero ayaw makisama ang kaniyang bibig, ang puso niya lang nagsasalita at nanunubig ang kaniyang mata habang nakatunghay rito.

Paulit-ulit na lumitaw sa nakainom niyang diwa ang nagmamakaawang mata ni Marie nung araw na ginawan niya ito ng masama. Paulit-ulit din na parang sinuntok ang kaniyang puso. Gusto lang naman niya ang makita nito ang kaniyang halaga at turuan ito ng leksyon pero masyado siyang nagpadalos-dalos.

Sinunod niya ang bulong ng demonyong angkinin ito sa masakit na paraan. Alam niyang nasaktan niya ito sa unang gabi nila. Birhen ang dalaga, siya ang nakauna. Mali ang inisip niyang may unang dumaan dito at kahit mayroon mauuna sa kaniya, wala siyang pakialam. Hindi katawan ni Marie ang kaniyang habol. Ang habol niya ay ang puso nito pero sa kaniyang ginawa, lumagpas siya.

“I’m sorry Marie… I am sorry. Sana sa paggising mo magawa mo pa akong tingnan sa kabila ng ginawa ko…” Mapait siyang napangiti at ginanap ang kamay nito pero agad din niyang binitawan. Ayaw niyang magising ang dalaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.