Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 24

Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gallagher iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikamuhi nito sa kaniya kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahirapan siya nito.

“Fidel…”

“Oh?” Mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili.

“Paalisin mo ang taong ‘yan.” Tumingin ito sa kaniya.

“Marie…” Napatingin sa kaniya si Fidel.

“Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano’n, anong ginagawa ng taong ‘yan dito? Isang estranghero. Paalisin mo,” muling sambit ng dalaga.

“Gheron?” Tumingin sa kaniya si Fidel.

“Yeah, I understand. Sige, alis muna ako.” Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na bumuntong-hinga, kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.

Bagsak ang kaniyang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kaniyang kotse na lamang siya maghihintay. Pinalayas lang siya ni Marie pero hindi ibig sabihin n’yon, katapusan nang mundo. Marami pa siyang oras para bawiin ang lahat.

Mayamaya ay natanaw niya ang paglabas ni Marie at Fidel. Naka-focus ang kaniyang tingin sa dalaga na kahit tinatago nito ang sakit, damang-dama naman ni Gallagher ang aura sa mukha nito.

Inisip niyang sa kaniya sasakay ang mga ito pero nagkamali siya nang magpara ang mga ito ng tricycle. Napabuntong-hinga na lamang si Gallagher, naiintindihan niyang ayaw siyang makita ni Marie. Kaya nagkasya na lang siyang sumunod sa mga ito kahit alam niya kung saan ang bahay ni Fidel.

ISANG may kalakihang bahay ang kaniyang nakita. Yari ito sa salamin at semento. Bahay-bakasyunan ito ni Fidel dahil nasa Manila ang totoong bahay ng pamilya nitong namayapa.

Pinagmasdan niya ang dalagang inalalayan ni Fidel. May kung anong tumulak sa kaniya na lapitan ang mga ito pero nagtimpi si Gallagher. Pagbibigyan niya ang araw na ito na hindi siya makikita ni Marie. Kahit ngayon araw lang at bukas, magsisimula siyang kumatok, magmamakaawa, hihingi ng tawad, ng pagkakataon na ligawan ito ng pormal at pagkakataon na bawiin ang lahat ng mali.

Nagpasya siyang matulog sa loob ng kotse kinagabihan. Gusto niyang bukas na bukas pagsikat ng araw, mukha ng dalaga ang kaniyang makikita. Natatakot siyang baka umalis ito at pahihirapan siya ni Magnar ulit sa pagkuha ng lokasyon ni Marie. Kilala niya ang kaibigan, dakilang epal ito sa buhay. Pero kahit gano’n, matalik na kaibigan pa rin ang kaniyang tingin dito.

Maaga pa lang, nag-door bell na siya. Si Fidel ang nagbukas sa kaniya at pinapasok siya sa loob. Sinenyasan siya nitong huwag siyang maingay at natutulog pa si Marie. Niyaya rin siya nitong magkape silang dalawa saglit sa kusina. Nang matapos silang magkape nagpaalam ito na aalis.

“Gheron, punta lang ako ng bayan. Huwag kang gumawa ng bagay na ikagalit ng kapatid ko dahil nasa pamamahay kita, binabalaan kita. Kung nung una, napapatawad pa kita sa sapilitan mong pag-angkin ng pagmamahal niya, baka ngayon hindi na. Kaya binabalaan kita, lalaki sa lalaki ang usapan na ito. Wala akong pakialam kung ikaw ang may ari ng pinagtrabahuan ko sa Japan. Nakukuha mo ba ako?”

“Yeah.”

“That’s right. Alis na ako. Binabalaan kita, Gheron.” Sumenyas ito sa kaniya bago umalis ng bahay.

Tumango lang siya at hindi na nag-abalang sumagot.

“Gheron, uulitin ko. Huwag na huwag kang—” Bigla itong sumulpot sa likuran niya si Fidel na seryusong nakatingin sa kaniya.

“Pasalamat ka kapatid ka ni Marie. Baka kanina pa kita pinilipit sa kamay ko.”

Ngumisi lang ito at tinapik siya. “Good luck. Likas na manhid si Marie kahit nung mga bata pa kami. Kaya magdasal ka sa lahat ng mga santong kilala mo para lang mapatawad ka.” Binigyan siya nito ng nakakaasar na ngiti at biglang nawala sa kaniyang harapan.

Naiiling na lang si Gallagher na binuksan ang ref, mangingialam siya para sa almusal na gagawin niya kay Marie. Sana, kainin nito…

Pero nahanda niya na lahat ng masasarap at special na ulam, ne isang tingin galing sa dalaga ay wala siyang nakuha nung bumaba ito at nakitang nagluluto siya.

“Fidel!”

“O?” Dumating na ang lalaki. May dala itong mga groceries.

“Bakit ka nagpapasok ng taong hindi natin kilala?”

Natigilan si Gallagher sa kaniyang pagluluto nang marinig niya ang sinabi ng dalaga.

“Marie…”

“Palabasin mo ang demonyong ‘yan, Fidel. Gusto ko pagbaba ko, wala na akong makita na hindi kaaya-aya sa mata.” Deretso itong tumalikod. Nagtungo ito sa hagdanan at umakyat papunta sa itaas kung saan ando’n ang silid nito.

Napakuyom siya ng kamao pero hindi siya tuminag sa kaniyang kinatatayuan. Nagpatuloy siya sa pagluluto. Kung kahapon, pinagbigyan niya si Marie na huwag siyang makita, ngayon hindi na siya papayag. Kailangan niyang bumawi. Maraming-marami siyang kailangan gawin at ang pagsilbihan ito ay isa sa gusto niya kahit ayaw nito.

“Paano ba ‘yan, ayaw ng kapatid ko? Ayaw ka makita.”

“Hindi ako susuko.”

Nagkibit lang ng balikat si Fidel at pinagmasdan ang kaniyang mga niluto. “Malaki ang tsansa na ako lahat makakatikim niyan pati mga kapitbahay.”

“Magtira ka kay Marie. Hindi ikaw ang nilulutuan ko. Para sa kaniya ito.”

“Ayaw nga niya sa ‘yo.”

“Akala ko ba tutulungan mo ako?”

“Sino sabi? Ako? Ang sabi ko lang, hindi ako galit.”

Hindi na siya umimik. Kakainin o hindi ni Marie itong mga pinaghahanda niya, okay lang. Uubusin niya lahat ng paninda sa palengke mapatawad lang siya nito at tanggapin.

NAGMISTULANG aso si Gheron na tahimik na sunod nang sunod sa dalaga. Kung saan pumupunta si Marie, nakasunod siya rito lage. Pinapalayas na rin siya ng dalaga pero makulit siya, hindi siya aalis. Hinding-hindi siya aalis doon sa bahay na kung saan ando’n ang kaniyang mundo na minsan niyang winasak.

Tulad ngayon, pangatlong araw niya sa bahay ni Fidel. Nasa taas lang ang dalaga at nagmumukmok sa kwarto nito habang ang kapatid nitong si Fidel ay umalis saglit, may inaasikaso itong papeles at alam niya kung anong inaasikaso nito.

Kinatok niya ang pintuan ng silid ni Marie. May dala siyang lunch para rito. “Marie…” Tatlong katok ang kaniyang ginawa. “Ilalagay ko rito sa harap ng pintuan mo ang tray na may pagkain. Alam kong gutom ka na, kanina ka pa hindi bumaba at kumain. Heto, may ginawa akong masarap na luto na magugustuhan mo. Iiwan ko lang, ha? Sige, sa baba lang ako.” Tinungo niya ang hagdanan nang matanggap niya ang tawag ni Magnar.

Nagtagpo agad ang kaniyang kilay nang mabasa ang code name ng kaibigan sa hologram watch. Tangina pa rin nito! “What motherfucker?!” asik niya rito. Dito niya nabaling ang kaniyang galit.

“Easy! Weww!” Tumawa ito. “Why are you mad? Sa gwapo kong ito, galit ka agad?”

“Remind me to kill you dick head! Gago! Huwag ka ng tumawag sa ‘kin. Kalimutan mo na rin na may kaibigan kang Gallagher dahil binubura na kita sa buhay ko.”

Ang lakas naman ng halakhak nito pero agad din nagseryuso nang maramdaman nitong naaasar na siya. “Nandito ako sa Lazi. Sa harap ng bahay ni Joseph Sacario. Pagbuksan mo ako ng gate, please?”

“What the!” Mabilis pa sa kidlat ang naging takbo ni Gallagher papuntang pintuan at sinilip ang labas ng gate.

Napamura siya ng malakas nang makita itong nakangisi. Umakyat pa ito sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign.

Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar, nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay at layuan ang babaeng mahal niya!

“Tanginang gagong ‘to! Nagpakita pa talaga…” Hindi niya natuloy ang iba pang sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.

Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Dere-deretso itong nagtungo sa kaniyang kinatatayuan.

“Tabi!”

Napilitan siyang umalis sa pagkakaharang niya sa pintuan. Ayaw niyang makita nito si Magnar. Kung pwede lang itanan ang babae, ginawa niya na.

Binuksan ni Marie ang pintuan at niluwa roon ang presinsya ni Magnar. Mabilis na yumakap ito sa dalaga.

Motherfucker! Napakuyom siya ng kamao at agad binaling ang tingin sa ibang deriksyon.

“Marie! Kumusta ka na? Na-miss kita sa loob ng isang linggo. Anong nangyari d’yan sa noo mo? May pasalubong pala ako sa ‘yo.”

Awtomatikong napatingin siya ulit kay Magnar habang nasa gilid pa rin siya ng pintuan. Marami itong dala. Isang malaking stuff toy sa isang kamay at sa isang kamay isang bugkos ng bulaklak. Kanina lang ay wala itong dala nung umakyat ng bakod.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang makitang ibang damit na ang suot nito. ‘Go Marie!’ na ang print at kulay pulang-pula at may thumbs up.

“Oh Gal? Ikaw pala ‘yan?” Nagkunwari itong ngayon lang siya nakita.

Magaling. Magaling kang kupal ka!

Kinalma niya ang sarili. Nung huling nagselos siya ng sobra, ibang tao ang kaniyang nasaktan.

“Nag-abala ka pa na nito. Salamat pala.” Ngumiti ang kaniyang Marie kay Magnar.

Ngumiti! Gusto niyang magwala sa simpleng ngiti ng dalaga. Bakit kay Magnar ang bilis nitong ngumiti, pero pagdating sa kaniya, isa siyang hangin?

“Syempre, mahalaga ka rin sa ‘kin. Ano nga pala pagkain niyo? Gutom na ako. Pakainin mo ako, Marie.”

Natawa naman ang dalaga sa inasta ng kaibigan niyang baliw. Sa ngiti palang ni Magnar, parang buong dugo niya umakyat sa kaniyang ulo! Gustong-gusto niya ng manuntok pero kalmado pa rin si Gallagher. Hindi na siya magpapadaig sa kaniyang selos. Hindi na siya magpapadaig sa kaniyang emosyon.

“Paglutuan na lang kita…” suhestiyon ni Marie.

“Sige! Tayo na at gutom na ako.” Mabilis na inakbayan ni Magnar si Marie at kumindat pa ito sa kaniya. Nagtungo ang mga ito papuntang kusina.

Sasakalin talaga kita Magnar!

Mabilis siyang sumunod sa mga ito at babantayan niya si Magnar. Hindi si Marie ang kaniyang babantayan kundi ang walang hiyang Magnar dahil wala na siyang tiwala rito. Alam niyang nananadya ito pero hindi niya pa rin mapigilang magselos.

“Ano bang ulam ang gusto mo?”

“Basta made with love, Marie!” Ngumiti nang matamis si Magnar. Nakaupo na ito sa silya at matamang nakatingin sa Marie niya.

“Bakit ka nga pala nakasuot ng ganiyan na damit? May pangalan ko pa talaga?” Natatawang tanong ng babae habang kumukuha ng lulutuin.

“Ah ito? Wala lang. Trip ko lang na pangalan mo ang nakalagay.”

Trip din kitang patayin gago ka! Selos na selos na siya sa kinatatayuan. Hindi niya matanggap na kinakausap ng bababeng mahal niya si Magnar habang siya ay nagmistulang isang bato sa tabi, hindi pinapansin.

“Ano nga ang gusto mong lutuin ko?”

“Adobo!”

“Ako na ang magluto!” Mabilis siyang umeksina.

Napatingin sa kaniya ang kaibigan at nagliwanag ang mata. “Talaga? Pwede rin pero gusto ko si Mari—”

“May problema ba sa adobo ko, Magnario Ignacio Mouallem?!”

Sunod-sunod na napailing-iling si Magnar sa kaniyang naging tanong. Hilaw na ngumiti ito. “Yeah, I remember. Masarap pala ang adobo ni Gallagher, Marie. Siya na paglutuin mo tapos ibang putahe naman ang gawin mo. Gusto ko 3 kinds of dishes.”

“Sige.”

“Ako na rin ang gagawa!” Kulang na lang bugahan niya ng apoy ang kaibigan. “Ano pa ang gusto mong ipaluto, at baka hindi ako makapagtimpi, isama kita?”

“Aw, ang thoughtful mo naman Gal. Okay na ako sa 3. Tayo na Marie, samahan mo ako kung saan ang silid ko para makapagpahinga na ako. Masakit ang buong katawan ko sa biyahe. Hooh!”

Teka— tangina ka!!!

Mabilis na hinila ng kaibigan niyang monggoloid ang dalaga palabas ng kusina at may pahabol pang salita.

“Sarapan mo ang luto, ah! Kahit Chef ka, pwede pa rin pumalpak ‘yang luto mo ngayon dahil sa ‘kin.” Humagalpak ito ng tawa. “Huwag mong lagyan ng lason. Kilala kita!”

Kulang na lang ay magwala si Gallagher sa sobrang asar kay Magnar pero bigla rin siyang kumalma nang maalala ang huling sinabi nito. ‘Lason’ pala, ha? Napangisi siya. Binigyan siya nito ng idea kung anong gagawin para mapaalis ito.

Ganado siyang nagluto at pakanta-kanta pa siya. Nakaplano na sa kaniyang utak ang lahat at sasarapan niya ang luto hanggang sa mangisay ang kaibigan. Muli siyang napahalakhak sa naisip na kademonyuhan. Hindi niya na inalam kung ano ang ginagawa ng mga ito, may tiwala siya kay Marie. Maghintay lang si Magnar ng isang oras at mabubusog na ito sa sarap ng pagkaing ihahanda niya.

SAMANTALANG si Magnar naman ay ang lawak ng ngisi sa labi. Kanina pa niya gustong humalakhak, pero pinipigilan niya lang at baka magtaka ang dalagang kasama niyang paakyat sa hagdanan. Nagpahatid siya sa magiging silid niya sa bahay na ito.

Plano niyang manatili ng isang araw dahil may pinapasuyo si Yx sa kaniya, pero dahil sa reaksyon ng kaibigan niyang si Gallagher, nagbago ang kaniyang plano. Mas gusto niya palang manatili ng ilang araw habang nasa paligid si Marie.

Kung si Gallagher ay gusto nitong turuan ng leksyon ang babae sa pamamagitan ng dahas, siya ay tuturuan niya ng leksyon ang kaibigan na maging maamo at hindi magpapadala sa selos. Paano na lang kung may ibang lalaking kakasap kay Marie? Magseselos na naman ang walang kwenta niyang kaibigan na nasa talampakan ang utak.

Kilala niya ang kaibigan, territorial ito at dominante. Kaya kahit gigil na gigil na ito at mukhang gigilitan na siya sa leeg, naging kalmado pa rin si Magnar. Ligtas siya hangga’t nasa paligid si Marie.

“Marie, huwag mo akong hayaan mamatay rito, ha?”

“Mamatay?”

Ngumisi siya. “Yeah. Mamatay.”

Napailing lang ito at huminto sila sa isang silid. Binuksan nito ang pintuan at pumasok ito kasunod siya.

“Dito ang magiging kwarto mo.”

“Dito ka muna saglit lang. Pag-usapan natin kung bakit may sugat ka sa noo at bakit parang iba ‘yang nasa kislap ng mga mata mo?”

Umilap naman ang mga nito at hindi sumagot.

“Okay-okay, hindi ako magtatanong. Magkwento ka na lang kung bakit nandito ang kaibigan kong ulupong.”

ANG lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak.

“Luto na ba, Gal?” Kasunod nito si Marie at mukhang ginawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya.

“Yeah.”

“Good! Kasi gutom na gutom na ako.”

“Kumain ka na bago ko ihampas lahat ‘yan sa ‘yo.”

Ningisihan lang siya ni Magnar at binigyan ng dirty finger. Siya pa ang nag-ayos ng mesa para rito at tuwang-tuwa ito na ginawa siyang alila. Siya ang naglagay ng tubig sa baso, kumuha ng kutsara at naglagay ng table napkin. Muntikan pa niyang ibuhol sa leeg ng kaibigan kung hindi niya lang nakita si Marie.

“Let’s eat, Marie?”

“Sige lang, hihintayin ko si Fidel.”

Nagkibit naman ng balikat si Magnar. “Ayaw mong tikman ang luto ni Gallagher? Masarap magluto si Gallagher kahit galit na galit ‘yan sa ‘kin ngayon. Mga pasa niya ang nagpapatunay na mahal na mahal ka—”

“Kumain ka na d’yan.” mabilis na putol ni Marie sa sasabihin ni Magnar.

“Sige pero ayaw mo ba talaga?”

“Kumain ka na Magnar. Dami mong sinasabi.”

Napatingin naman sa kaniya ang kaibigan at matagal siya nitong tinitigan. Binabasa ang kaniyang isipan pero magaling siyang mangharang. Nagkibit naman ito ng balikat at maganang sinimulan nitong kainin ang kaniyang niluto. Sandali siyang tumalikod at tinungo ang two-way refrigerator. Pinipigil niya ang sariling huwag bumunghalit ng tawa habang panay puri ang kaibigan sa nakakamatay na luto niya.

“Gal! Ang sarap mo talaga magluto, ‘no?”

“Yeah.”

“Sana lagi kang mabait sa ‘kin kahit wala si Marie…” Sandali itong natigilan.

Napalingon siya kay Magnar at tiningnan ito ng blangko. Napahawak ito bigla sa tiyan at takang napatingin sa kaniya. Nakita rin niya ang reaksyon ng dalaga na takang napatingin kay Magnar. Napatigil si Magnar sa paglamon at butil-butil ang pawis na tumingin sa kaniya na halatang hindi nakapaniwala.

“G-gal… wala ka naman nilagay rito, ‘di ba?”

Gusto niyang humalakhak sa reaskyon ng mukha ni Magnar. Tuwang-tuwa siyang namimilipit sa sakit ang histsura nito.

“Anong nangyari sa ‘yo?” Alalang tanong naman ni Marie.

“M-marie, saan ang… saan ang banyo niyo!” Mabilis na napatayo ang kaibigan niyang hangal at tumakbo papunta sa kanang deriksyon.

“Magnar, nasa kaliwa ang banyo!’

“Puta!” Malakas na mura ni Magnar habang namimilipit sa sakit ng tiyan.

At si Gallagher, nanatiling kalmado kahit tawang-tawa na siya. Nagpipigil lang dahil nasa harapan niya ang dalaga at ayaw niyang pagdudahan siya nito.

Kumuha siya ng tubig at mabilis na nilagok ang laman n’yon. Kailangan kalmado siya. Kailangan hindi mapansin ni Marie na siya ang may pakana.

“Pagkatapos mo uminom ng tubig, bukas ang pintuan para sa mga taong tulad mo na umalis.”

Napaubo siya sa salitang namutawi sa bibig ng dalaga. Awtomatikong napatingin siya rito at tama siya sa nababasang galit sa mga mata ni Marie. Sa paraan palang ng pagtitig nito, pinapatay ang kaniyang puso.

“Marie… Hindi ako narito para mas lalo mong layuan. Gusto ko lang itama lahat ng mga nagawa ko sa ‘yo.”

Pero wala siyang nakuhang tugon sa dalaga. Tumalikod lang ang ito habang dinig na dinig niya ang namimilipit na sigaw ni Magnar sa banyo at minumura ang kaniyang pangalan. Imbes na makaramdam ng saya dahil nakaganti siya kay Magnar, mas lalong bumigat ang kaniyang puso.

Tahimik na kinuha niya ang niluto at nilagay ito sa hugasan. Hihingi lang siya ng pasensya sa kaibigan. Naisip niyang mali ang kaniyang ginawa. Nagpadala na naman siya sa selos at nakagawa ng kademonyuhan.

“Oh, bakit mo tinatapon ‘yan? Pwede naman akong kumain niyan kahit ayaw kainin ng kapatid ko.” Si Fidel ang nagsalita. Kararating lang nito.

“Magluto ka na lang ng sarili mo.”

Nagkibit ang ito ng balikat at natigilan sa sigaw ni Magnar. “Sino ‘yan?”

“Kaibigan ko. Malaki ang sama ng loob sa banyo.”

Natawa naman ito at hindi na muling nagtanong pa. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig. “Huwag mo lang sukuan si Marie. Mahal ka ng kapatid ko. Galit lang ‘yon sa ‘yo. Pero pasaan ba at baka mapatawad ka niya. Kung sakaling hindi man, bumalik ka na lang sa Japan at asikasuhin mo ang buhay mo. Kalimutan mo siya at mamuhay ka ng normal. Payong kapatid ni Marie lang.”

“Hindi nakakatulong ang payo mo.”

“I know. Salamat.”

Parang pinasan ng puso niya ang buong isla ng Pinas. Marami siyang naresulbang mga kaso pero pagdating sa kaso ng puso niya, malabo. Hindi niya alam paano kung paano resulbahin ito.

“G-gallagher… T-tubig…”

Napalingon siya kay Magnar. Hawak-hawak pa rin nito ang tiyan at napangiwi. Namumutla at butil-butil ang pawis na nakasandal sa dingding.

“Here. Drink this. Mawawala iyan.” Binigay niya rito ang gamot para gumaling ito.

Mabilis nitong tinanggap ang baso ng tubig na kaniyang binigay at gamot. Nilagok nito ang isang tableta at ilang minuto lang ay naging okay na ito pero namumutla pa rin.

“Nalason ka pre?”

“Huwag mo akong tanungin!” asik ni Magnar kay Fidel.

“Nasa pamamahay kita.”

“Nilason ko.” Siya na ang sumagot.

“Tangina mo!”

Nagkibit lang siya ng balikat. “Sorry,” apologetic na saad niya.

Natigilan naman si Magnar at matagal napatitig sa kaniya na parang nakakita ng multo. “Sorry? Marunong kang mag-sorry?”

“Hindi ba siya marunong mag-sorry?” ganting tanong ni Fidel.

“Yes.”

“Woah!” gulat na anas ni Fidel.

“Natuto ka na my friend!”

“Kausapin mo kamao ko.” Nagdilim ang kaniyang mukhang humarap siya kay Magnar.

“Iba talaga kapag nagmamahal ang isang tao.”

“Yeah, you’re right. Kaso hindi na siya yata magagawang patawarin ng kapatid ko kaya kung ako ang nasa kalagayan ng kaibigan mo, uuwi na ako at hanapin na ang sarili ko. Masasaktan lang siya.”

Kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatingin sa dalawa. Iniisip na lamang ni Gallagher na dalawang poste ang nasa harapan niya. Bago pa niya mabigyan ng tig-iisang suntok ang dalawa, nagtungo siya sa labas at nagpahangin. Habang malakas na nagtatawanan ang dalawa at inasar siya lalo

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.