Special Chapter
N
akakunot ang noong pinagmasdan ni Gallagher ang babaeng kanina pa panay lamon nang lamon. Paborito nitong kainin ay ang kaniyang nilulutong steak. Halos araw-araw, ito lagi ang hinihiling ng babaeng mahal niya.
“Marie-babes, sure ka ba talagang hindi bampira ang anak natin?”
Natawa naman ito at umiling. “Bakit naman inisip mo ‘yan?”
“Wala lang. Baka kasi—”
“Maria! Dito na ako— ayy! Steak. Patikim!”
Napakamot na lamang si Gallagher ng ulo nang pumasok si Judith at mabilis itong lumapit kay Marie. Nagsimula na ang dalawa sa pag-aagawan ng pagkain kaya ang nangyari nagluto siya ulit para hindi na mag-away ang dalawang magkaibigan.
“Ang swerte mo kay Gheron, Maria. Nakakainggit. Kung hindi lang kita kaibigan, inagaw ko na si Gheron sa ‘yo.”
“Buang ka talaga.”
“Nasaan ba si Inukito?” Siya na ang nagtanong.
“Andoon, busy sa pagmamahal sa ‘kin. Ang ganda-ganda ko kaya!” Sinabayan nito ng hagikhik.
“Kuya, nandito na ako! Dala ko ‘yong inutos mo sa ‘kin.”
“Hi, Faarra!” Ang babaeng mahal niya ang unang bumati sa kararating niyang kapatid.
Marami itong dala at halos buong buwan ng groceries nila ito. Mabilis nitong nilagay sa lapag ang pinamili nito at lumapit kay Marie. Naiiling na lang si Gallagher nang makitang kinakausap ng werdong kapatid niya ang tiyan ni Marie. Tuwang-tuwa pa ito nang gumalaw ang anak nila sa loob ng tiyan.
“Kuya! Foot ball player yata itong anak niyo ni ate Marie!”
“Ay naku day. Kahit mag-basketball player siya, keri lang! Basta gwapo. Pak na pak iyon!” Si Judith ang sumagot.
Habang sila dalawa ni Marie ay natawa na lang. Magkasundo si Faarra at Judith. Pero mas close nito ang Marie-babes niya. Parang magkapatid ang turingan ng mga ito. Hindi na nga siya tinuring na kapatid ni Faarra.
“Gal! Ito na ‘yong pinadala mong mga karne. Aanhin mo ba kasi ito at sobrang dami?” Si Magnar ito. Kakapasok lang habang bitbit ang mga pinamili.
“At nandito ka rin pala talaga? Kakasabi ko lang na ayaw ko makita ‘yang pagmumukha mo, ah?”
“Oh, mag-aaway na naman kayong dalawa. Nasa harapan niyo si Marie-babes ko.” Sansala niya nang humarap siya sa mga ito.
“Eh kasi kuya, siya ‘yong dahilan kung bakit ka muntikan tumalon ng building!”
“Really besh? Tumalon si Gheron ng building?” Si Judith.
“Hindi siya tumalon...” apila ng Marie-babes niya.
“Pero gano’n pa rin ‘yon!” Tumayo ang kaniyang kapatid at maarteng tumalikod. “Nanginginig ang kalamnan ko sa pagmumukha ng Magnario na 'yan.” inirapan ni Faarra ang kaibigan niya at naunang lumabas ng bahay. Mabilis naman na sumunod si Magnar sa kapatid niya.
Habang si Gallagher ay abot hanggang atay ang kaniyang ngiti. Mukhang iba ang naamoy niya. Parang ito na ‘yong panahon na kaniyang hinihintay na makakapaghigante sa kaibigan niyang sira-ulo.
“May science subject sila ‘no?”
Natawa siya sa sinabi ni Judith. “Chemistry, yeah. Hindi ako makapaghintay kay Magnar na iiyak ng dugo.”
“Masama ‘yang iniisip mo, Gheron.” Pinagalitan naman siya ni Marie. Tumalim ang mata nitong tiningnan siya.
Nagkibit lang siya ng balikat at hinarap ang niluluto. Makakabawi na rin siya! Walang ingay siyang tumawa at ganadong nagluto. May usapan sila ni Marie na pagkatapos nitong isilang ang baby boy nila, magpapakasal sila sa kahit saan simbahan na gusto nito.
Simpleng kasal ang gusto ng babaeng mahal niya at pumayag siya doon. Nagsuhestyon din ito na imbitahan nila ang pamilyang nagpalaki rito na kaniyang sinang-ayunan.
Pinatawad na ito ni Marie. Pero may limitasyon na ang pamilya nito. Ang mga kapatid nito ay lumuwas ng Maynila at hinayaan niyang magtrabaho sa Silver Garden. Gusto raw ng mga kapatid nito na bumawi sa pagkakamaling nagawa. Hindi na ito humihingi pa ng pera kay Marie. Kaniya-kaniyang sikap ang mga ito para maiahon ang pag-aaral.
Ang magulang na kinilala ni Marie ay nagpaiwan sa Lazi. Bumalik sa pagtitinda sa palengke ang Ina nito at ang Ama nito ay bumalik sa pangingisda. Nakikita ni Gallagher na nagbago na ang ugali ng pamilyang tinuring ni Marie kaya sino siya para pahirapan ang mga ito?
Kahit papaano, masaya si Gallagher. Nasa kaniya na ang babaeng minsan niyang sinaktan at sa susunod na taon ay magiging isang ganap na pamilya na sila. Kung pwede hilain ang araw at linggo, ginawa na ni Gallagher. Hindi siya makapaghintay na palitan ang apelyido nito ng apelyido niya.
Mrs. Marie Cris Svensson. Pangalan pa lang, kinikilig na siya. Hindi aiya makapaghintay! Iniisip palang niya ito, naluluha na siya sa saya. Lalo na siguro ‘pag dumating ang araw ng kanilang kasal.
“Gheron, kumusta na ang magulang ko sa Lazi?”
“They’re okay. Nakikita kong nagbago na sila, Marie-babes.”
“Eh, ‘yong mga kapatid niyang salbahe?” Si Judith ang nagtanong na agad tinampal ni Marie sa balikat. “Eh totoo naman na salbahe sila, ah! Buti na lang nagayuma si Gheron sa beauty mo, hindut ka!”
Napangiti na lang si Gallagher at pinatay ang stove. Humarap siya sa dalawang magkaibigan. “So far so good. Masisipag ang mga kapatid ni Marie. Nasa Silver Garden sila nagtatrabaho sa umaga at sa gabi, nag-aaral. I’m teaching them a lesson. And I guess, it's working. Bumait ang mga kapatid ng Marie-babes ko.”
“Eh si Fidel na totoong kapatid pala ni Maria? Shookness ako kasi OMG! Magkapatid pala sila. Akala ko anak ng malaking kawayan ‘to si Maria noon.”
“Ang harsh mo.” Inirapan naman ito ng kaniyang babaeng mahal. “Nasa Siargao, naghahanap ng babaeng papakasalan.”
“Really? Ako na lang sana.”
“Sumbong kita kay Inukito?”
“Bad trip ka.”
“Tama na ‘yan.” pag-aawat niya sa dalawa. Nagtawanan naman ang mga ito at mabilis na tumango.
Habang si Gallagher ay lumapit sa future wife niya at hinalikan ito sa noo at labi. Inggit na inggit ang kaibigan nito at inismiran silang dalawa. Mabilis itong nag-walk out habang dala-dala ang steak na niluto niya kay Marie.
“Judith!!! Akin ‘yan, ah!”
“So what?”
“Hey-hey, nagluto ako ng panibago.” Natawa siya at hinalikan ito ulit sa labi. “Para kang maubusan diyan. Samantalang nasa harapan mo lang ang totoong steak. Masarap pa!”
Inismiran lang siya ni Marie. “Eh kagabi nga, gusto ko pa isa. Umayaw ka na!”
Ang lakas naman ng kaniyang halakhak. “Pero pang-apat na natin ‘yon. Naaawa ako sa anak natin at baka magreklamo.”
“Pero gusto ko pa.”
“Okay-okay!” Nagtaas siya bg kamay. “Anong mas gusto mo, steak o ako?”
“Both.”
Sabay silang nagtawanan sa naging sagot ng Marie-babes niya. Mahal na mahal niya talaga ang babaeng ito. Handa siyang isuko ang lahat kapalit lang ng ngiti nito. Ah, ang sarap magmahal. Ang sarap ma-inlove ‘pag nasang tamang tao…