She was dressed to kill.
Walang kinakatakutan kahit anong bala.
She was destined to be assassin of Belladonna. Isang orginasyon kung saan ang mga katulad niya, ginagawang assassin. They kill for money and satisfaction for their clients. Lahat ng kasapi sa nasabing organisasyon ay walang puso. Kabilang na siya.
***
Chapter 1
Maarteng naglakad si Ramona sa pasilyong iyon ng Hyzer Medical Group. Lahat ng taong kaniyang nadadaanan ay napapalingon at humahanga sa kaniyang angking kagandahan. Well, sino ba ang hindi mabibihag sa kaniyang angking ganda? Isa lang naman siyang babaeng Belladonna.
“What are you looking at, sweetcakes?” Tinaasan niya ng kilay ang batang humarang sa kaniyang daraanan, may yakap-yakap itong manika at inosenteng nakatingin sa kaniya.
“Ang ganda-ganda niyo po!”
Inirapan lang niya ito at maarteng nilagpasan. Alam ni Ramona na maganda siya. Hindi siya naging Belladonna kung isa siyang kapintas-pintas na nilalang.
Sa pangatlong silid ang kaniyang direksyon, kung saan naghihintay ang personal Doctor ‘daw’ niya. Naiinis siya sa tuwing pumapasok siya sa Hopsital na ito. Nakakainis bawat pasilyo, lalo na ang amoy. Nakakasuka.
“You’re finally here!”
“Whatever, Doc.” Inirapan niya ang matanda at maarteng umupo sa sofa. Hindi siya nag-abalang tanggalin ang suot na sun-glasses. Agad itong lumapit sa kaniya at inabutan siya ng paborito niyang wine na galing sa Italy. Mabilis niyang inabot iyon at inamoy.
“Aurora, walang lason ang wine na iyan for God’s sake!”
Nagkibit siya ng balikat. Wala siyang pinagkakatiwalaan kundi sarili niya lamang. Ang pagkakaalam ng matandang Doctor na kaharap, isa siyang Pulis na nag-resign sa trabaho at piniling maging modelo.
“Whatever Doc, hindi mo ‘ko masisi. I have this trust issue.”
Napabuntong-hinga ito at napailing-iling. “That is why I’m asking you to visit me. We have to talk privately.”
“We’re talking, Doc. Usuro. Ano ba ang gusto n’yong sabihin? I have something to do and oh...” Sandali siyang tumigil at tiningnan ang iniinom na wine. “Masarap. Still my fave wine. Pahingi ng isang bottle nito.” Pero ang totoo, marami siyang paborito. Siguro lahat ng wine sa mundo, paboreto niya.
Tumango-tango ito at kinuha ang pinaglalagyan ng wine. Ang lawak ng kaniyang ngiti nang iabot nito sa kaniya iyon. Ah, wine! Wine is everything.
“So, what is it again, Doc. Usuro?”
“My son.”
Tumaas ang kaniyang kilay. Walang kwenta ang kanilang pag-uusapan kaya mabilis siyang tumayo at tinungga ang wine sa kopita. Hindi siya psychologist para pakinggan ang hinaing ng ibang tao. Sinayang ng Doctor na ito ang kaniyang mahalagang oras.
“Tell you straight, I don’t listen to someone else’s problem.”
“I know. Naalala mo ang sinabi ko rati? Na may isang lalaking nagdala sa ‘yo rito nung minsan duguan ka, walang malay at may tama ng baril sa likod at tagiliran?”
Sandali siyang natigilan at napatingin sa matanda. Well yeah, who cares? Kahit pa pulubi ang nagdala sa kaniya nang araw na iyon, wala pa rin siyang pakialam. Her mind is pretty busy killing someone’s ass.
“I have to go, Dr. John Usoro. Have a nice day!” Maarteng tinalikuran niya ito habang bitbit ang wine sa isang kamay.
Tinawag siya ng Doctor pero hindi niya ugaling lumilingon sa pinanggalingan. Tanging baril lang niya ang marunong lumingon, pero siya? Napangisi siya. Saka na sila mag-usap kapag nasa mood siyang dumalaw sa Hospital nito ulit at humingi ng panibagong wine.
Inabot niya ang doorknob at walang ingay na lumabas sa office nito. Muli niyang nakasalubong ang bata at nakangiti ito sa kaniya.
“What? Stop looking at me, will you?”
“You’re pretty po! You look like my mother.”
“Nah, mas maganda ako sweetcakes.” Tinaasan niya ito ng kilay at nilagpasan. Naiinis siya sa mga bata o sa madaling salita, ayaw niya sa mga bata. Sakit ang mga ito sa ulo.
Nasisiyahang binuksan niya ang wine na dala at walang sabing tinungga iyon kahit nasa pasilyo siya at pinagtitinginan ng mga tao. So what? Hindi siya naglalasing. Excited lang siyang tikman ulit ang wine na laging nagbibigay ng kasiyahan sa kaniyang pagkatao.
Mmm! I really like it. Ah! This must be created by God. Ah, wait. There’s no even God at all. Natawa siya sa isiping iyon.
Mula sa malayo, napansin niya ang lalaking walang emosyon ang matang nakatingin sa kaniya. Tiningnan lang niya ito ng walang kabuhay-buhay at napansin niya ang necktie nitong maganda ang kulay!
“Hey! Nice tie. Can I have that?” Ngumiti siya nang matamis. Nagniningning ang kaniyang mata habang nakatingin sa kurbata nitong suot.
Tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa at walang sabi na nilagpasan. Naiinis na nilingon niya ito at mabilis na lumitaw sa harapan ng lalaki na tingin niya ay isang Doctor.
“What is it?” Pati boses nito ay baritono at ang sarap pakinggan sa teynga. Ang gwapo nito! Ang gwapo ng suot nitong kurbata.
Ngumiti lang siya at tinuro ang tie na suot nito. Hindi rin siya nahiyang tinungga ang wine sa harap ng lalaki kahit umagang-umaga. “That. Give that to me.”
Tiningnan lang siya nito na para siyang isang baliw. Tumaas pa ang kanang sulok ng labi nito at naiiling na nilagpasan siya. Pero mabilis ang kaniyang kamay na hilain ang suot nitong kurbata at tinanggal iyon sa loob ng dalawang segundo. Sa sobrang bilis ng kaniyang kamay, napatanga na lang ang lalaki. Nagustuhan niya ang suot nitong kurbata at wala siyang pakialam kung magagalit ito. She’ll pay for it, maybe next 10 years.
“Daddy!”
Napaismid si Ramona nang makita ang batang sinabihan siyang kamukha niya ang ‘Mommy’ nito. Tinaasan niya ito ng kilay at bago pa kunin ng lalaki ang kurbatang hawak-hawak niya, maarte siyang lumayo.
“Daddy! Do you know her? She looks like Mom,`di ba?”
Nag-ikot siya ng mata at taas-noong naglakad na parang isang modelo. Halos mabali ang leeg ng mga taong nando’n na nakatingin sa kaniya. Oh yeah, mukha lang siyang artista sa kaniyang angking kagandahan pero wala siyang planong mag-artista at umarteng peke sa harap ng pelikula. She was born to be real, to kill! Masarap pumatay lalo na kapag nakikita niya ang takot ng mga taong pinapatay niya.
“She’s not, princess. Mas maganda ang Mommy mo. Come here! Bakit ka nandito sa labas? Where’s Lolo-Dad?”
Of course, hindi siya ‘no! FYI, mas maganda siya! Wala siyang anak at kung sakaling magkaro’n man, kawawa ang bata sa kaniya. Baka pangarapin ng batang ‘wag na lang mabuhay.
Deretso niyang tinungo ang sasakyan. Nakiramdam muna siya sa paligid kung may panganib ba na nakaambang. Napaismid siya. May isang babae nakamasid sa kaniya pero hinayaan niya ito. Siguraduhin lang nitong kaya siya nitong patumbahin dahil kung hindi, baka pagsisihan nito ang araw na sinilang ito sa mundo. Hindi marunong umilag ang kaniyang baril.
Maarteng tinanggal niya ang suot na sun-glasses at padarag na nilagay iyon sa katabing upuan. Tinungga niya ang bote ng wine bago ito binato sa malapit na trashbin kahit kalahati pa ang laman.
“Oh shoot!” Natawa siya. Saka napabaling ang kaniyang tingin sa kurbata. Pinaglaruan niya ito sa kamay saka niya binuksan ang makina ng kaniyang sasakyan.
Ilang tao ba ang papatayin niya ngayon? Isa... dalawa... no, lima ang papatayin niya ngayon araw. Limang tao na aso ng gobyerno at walang ginawa kundi ang magpahirap sa bansa, mangurakot at mang-abuso ng mahihirap na mamayan. Para matigil na ang mga kabastusan ng mga ito, siya na ang magbibigay tuldok sa buhay na pinahiram ng demonyo.
Malakas ang musika ng kaniyang car stereo. Sinabayan pa niya iyon ng paghi-head bang habang sumabasay sa malakas na kantang Sweet but Psycho ni Ava Max. Dahil hindi masyadong traffic, nagkaroon siya ng oras para makipaghabulan sa kalsada. Kulay pula ang kaniyang sasakyan na balak niyang palitan. Kakabili niya lang nito nung nakaraang buwan pero nagsawa na siya.
And oh, she loves color red kaya hindi nakakapagtakang puro kulay pula ang kaniyang suot. Kahit anong kulay na may shade na pula, kaniya ito. Because red defines danger and her.
“Aconite.”
Nag-ikot siya ng mata sa narinig. Aconite is her code name and a poisonous plant. Lahat naman yata sila na kasapi ng Belladonna, ay may kaniya-kaniyang code name ng mga nakakalason na halaman. Iyan ang masarap na katotohanan sa likod ng organisasyong ito. Isa silang mga nakakalason na nilalang.
Nasa kabilang linya si Arielyn. Ang babaeng hindi niya matatawag na kaibigan. Kaaway, pwede pa. Lahat na kasapi ng organisasyon ay `di pwedeng magtiwala sa isa’t isa. Dahil pwedeng magkaibigan sila kapag nasa loob sila Belladonna Quarter pero ‘pag nasa labas na sila, sila-sila rin minsan ang nagpapatayan.
“Hey, Nerium!” Kunwari, masaya siya na kausap ang babae pero ang totoo hindi.
Magka-away sila ng position at ‘yon ay susunod na leader ng Belladonna. Pero alam ni Ramona mas magaling siya pagdating sa pagkitil ng buhay. Wala siyang naging palya kahit isa. Mabilis lang ang pumatay sa kaniya lalo na ‘pag pera na limpak-limpak ang usapan.
“She’s looking for you.”
Napasimid siya. Ano kung hinahanap siya? May sarili siyang desisyon kung saan niya gustong magpunta. Walang sabing pinatay niya ang kabilang linya. Tiwala siyang hindi siya masusundan ni Arielyn.
Binagalan niya ang kaniyang pagpatakbo ng sasakyan. Napangiti siya nang sulyapan niya ang kurbatang nasa kamay. Kulay dark red ito kaya humatak ito sa kaniyang atensyon. Sumisimbolo ito ng dugo, nang kamatayan at pagiging kriminal niya.
“Chinga tu madre!” Napamura siya sa lenggwaheng mexican nang sulyapan niya ang kotsing itim na nakasunod sa kaniya. “Gusto yatang maagang magpapa-party kasama si Lucifer sa alapaap, ah.” Napangisi siya. Sinulyapan niya muna ang kaniyang magandang mukha sa rear-view mirror kung handa ba siyang makikipaggitgitan ng sasakyan ngayon. “Yep! Sobrang perfect ang kagandahan ko para pumatay ngayon.”
Walang sabing pinaharurot niya ang sasakyan at nakipagkarerahan dito. Natawa siya nang makitang sumunod ito at balak nga talaga nitong mamatay sa kaniyang kamay.
Mas lalo niyang binilisan ang pagpatakbo at humahabol din ito sa kaniya. Yeah, bring it on! Ang gustong sumama sa kaniya, sumama na! Ilang sandali pa, naghabulan silang dalawa at hindi nagkamali ng instinct si Ramona, may nakaumang na baril sa kaniya mula sa bintana ng itim na sasakyan nito. Babae ang nagmamaneho ro’n.
“Hi, bitch!” Ngumisi siya at naunang pinaulanan ito ng bala.
Ang lakas ng kaniyang tawa nang makailag ito. Estupido! Dapat sinalo nito ang kaniyang bala para mas masaya at makita nito agad si Satanas sa dulo. Muli niyang pinaulanan ito ng bala at nakipagsabayan din ito sa kaniya. But yeah, mas magaling siyang umilag kahit nakapikit pa.
“Take my bullets, pinche estupido!” fucking idiot.
Nagbigay ito sa kaniya ng middle finger na tinawanan lang niya. ‘Yan ang gusto niya sa mga kalaban, nakikisabay. Muli, pinaulanan niya ulit ito ng bala at nasapol ang balikat nito. Loser! Wala bang mas magaling pa sa kaniya? Nag-ikot siya ng mata nang huminto ito sa isang tabi.
Dahil siya iyong tipo na mabilis mabagot, muli niyang binaril ang ulo ng babae. “Imira que cabron!” Don’t try to be smart ass. Nagtaas siya ng isang kilay at maarteng hinipan ang dulo ng kaniyang baril.
So easy! Duh.
Maarteng hinagis niya ang baril sa tabing upuan at sandaling napatingin sa kurbata. “Hmm, that man... I want him.” Ngumisi siya nang nakakaloko at nagpatuloy sa pagmamaneho na parang walang nangyari.
NAPANGITI si Ramona nang makita ang laman ng balita sa gabing iyon. Puro patayan. Pinatay lang naman niya ang limang kurakot ng bayan na walang kahirap-hirap.
Napatingin siya sa wallclock, maghahating-gabi na. Hinayaan niyang nakabukas ang malaking flatscreen TV bago tinungo ang alaga niyang red viper sa vivarium. Malaki na ito at napakabait. Hindi nakakapagtakang ito lang ang malapit sa kaniya.
“Hello, Aurora! How’s my little baby?” Kinuha niya ito sa loob ng vivarium at agad itong pumulupot sa kaniyang braso. Nakangiting hinaplos niya ang ulo nito. Naglalambing ang kaniyang alagang ahas.
“You pretty remind me of myself.” Nilagay niya ito sa kaniyang leeg at doon ito pumulupot. Hinayaan niya si Aurora na maglambing sa kaniya. After all, harmless ito— sa kaniya.
Deretso niyang tinungo ang kaniyang mini bar at kumuha ng imported wine. Totoo niyan, maraming nagkalat na wine sa bahay niya. She loves wine so much! Mababaliw yata ang kaniyang araw kung hindi siya makakatikim ng wine.
Hmm! I like the taste of it.
Bitbit niya ang isang bote nang tinungo niya ang malaking terrace ng kaniyang bahay, no— palasyo. Kakabili lang niya sa palasyong ito at ibang pangalan ang kaniyang gamit. Well, marami siyang pangalan. Ang tanging may alam sa kaniyang totoong pangalan ay ang leader ng Belladona at ang alagang ahas niya. Kahit ang kaniyang mga kasamahan sa organisasyon ay hindi alam ang kaniyang totoong pangalan. Siya lang ang may alam sa totoong pangalan ng mga ito. Sa tagal ba naman siya sa grupo. She’s 29 years old.
“See, Aurora? Ang ganda ng kalangitan. Madilim.” Parang nakakaintindi naman si Aurora at tumingin ito sa kalangitan habang tinungga niya ang red wine. “You know why I love darkness, Aurora? Oh shit! Of course, hindi pa. Hindi ko pa na-share sa ‘yo.” Mapakla siyang natawa. “Okay saan ba ako magsisimula, Aurora?” Muli niyang tinungga ang hawak na bote habang `di inaalis ang tingin sa madilim na kalangitan...
NASA pribadong resthouse sila buong pamilya. Malapit ito sa beach. May bonfire sa gitna. May nakalapag na picnic blanket sa buhangin. Nagkaroon sila ng munting selebrasyon. Kaarawan ng kaniyang Ina kaya sila nagsasaya sa gabing iyon at sandali siyang nagpaalam na iihi lang sa banyo.
Nasa labas ang kaniyang tatlong kapatid pati ang kaniyang Ina at Ama. Masayang nagkakantahan ang mga ito sa labas nang may mga armadong lalaking dumating at pinagbabaril ang kanilang magulang. Sumilip siya sa bintana. Nakita niya kung ilan ang mga ito at tumama ang mata niya sa braso ng lalaki, may malaking tattoo ito.
Nakuhang tumakbo ng kaniyang dalawang kapatid pero kitang-kita niya kung paano bumagsak ang kaniyang Ate Charlota at Ate Ranela. Natuon ang kaniyang mata sa kaniyang bunsong kapatid na lalaki. Umiiyak ito at tinatawag ang kanilang magulang. Gusto niyang bumalik at lapitan ito pero tulad ng kaniyang dalawang kapatid, sunod na bumagsak ito. Naliligo sa sariling dugo at sa kaniya nakatingin ang mga matang dilat.
Bata pa siya pero sa mga sandaling iyon alam niya kung ano ang nangyayari sa paligid. Tahimik na tinakbo niya ang banyo at nagawang magtago sa loob ng malaking drum na may tubig at tinakpan ang sarili. Hindi siya umiyak. Siguro, dahil bata pa lang siya o likas na hindi siya iyakin at siya lang ang matapang sa kanilang magkakapatid.
Narinig niya ang boses ng mga armadong lalaki na nagpapalitan ng mura. Halatang hinahanap siya.
“Boss, nawala ang isang anak nila!”
“Gago! Hanapin niyo! Hindi pwedeng hindi mailigpit ang batang iyon.”
Walang siyang reaskyon. Nanatili lamang siyang tahimik.
“Pero Boss, kung sakaling nagtatago ang batang iyon dito, hindi rin ito mabubuhay. Isolated ang resthouse na ito at kasukalan na ang likod. Sa kagubatan pa lang, patay na ang aabutin ng batang iyon.”
“Kung sabagay, may punto ka. Hala, tayo na! Kahit tumakbo pa ang batang iyon sa Pulis, walang tutulong sa kaniya. Hawak natin ang ahensya ng mga Pulis.” Nagtawanan ang mga ito.
Habang si Ramona ay tahimik lamang na nakikinig. Malamig ang tubig sa loob ng drum pero sa batang kaisipan niya, mas ligtas siya sa malamig na tubig na nando’n.
“Batsi na ang lahat! Pero bago tayo umalis, itapon niyo sa kasukalan ang lahat ng bangkay. Naririnig niyo?!”
“Yes, Bossing!”
At narinig niya ang mga yabag ng mga paa papalayo sa kaniyang pinagtataguan. Nanatili siyang tahimik at walang ginawang ingay para hindi mabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito.
Tinandaan niya ang sabi ng kaniyang Ina na matuto siyang maging matapang at malakas. Sinanay rin siya ng kaniyang Ama na kahit kailan, huwag siyang iiyak sa maliit na bagay. Dapat matuto siyang itago ang kaniyang totoong emosyon.
Naghintay siyang maging tahimik ang buong paligid at nung maramdaman niyang wala na ang mga armadong lalaki na pumatay sa kaniyang buong pamilya, dahan-dahan niyang binuksan ang takip ng drum. Sumilip siya at tahimik na ang buong paligid. Tanging hampas ng alon sa dalampasigan na lamang ang kaniyang naririnig at ang mga huni ng insekto.
“M-mommy?”
Lumabas siya roon mula sa drum. Basang-basa ang kaniyang bestidang pula na may burdang bulaklak sa laylayan. Sa bawat hakbang niya, naiiwan ang ebedinsyang nagpapatunay na siya na lamang ang natitirang buhay.
“Daddy?”
Muli, hampas ng alon sa dalampasigan ang sumagot sa mga tawag niya. Tinungo niya ang pintuan at pinihit iyon. Tahimik na bakuran ang kaniyang nakita.
Wala pa rin reaksyon sa kaniya. Ando’n ang picnic blanket at ang mga pagkain na nagkalat. Dahan-dahan siyang humakbang at umupo sa picnic blanket. Kinuha niya ang hotdog at hinipan iyon para matanggal ang ilan sa buhangin na dumikit. Kumagat siya ng dalawang beses at napatitig sa mga nagkalat na dugo sa buhangin at ilan sa kaniyang kinauupuan.
Pula...
Pulang kulay.
Pulang bestida.
Pula lahat ang kaniyang nakikita.
“Ate? Mommy? Saan kayo?” mahinang bulong niya.
Nabagsak niya ang hawak na hotdog nang makitang nagkulay dugo ang kaniyang kamay. Inamoy niya ang dugo at malangsa ito.
Kasunod noon ay ang pagpatak ng mga luha ni Ramona. Doon niya tuluyang nakuha na patay na ang buong pamilya niya, at siya lamang ang natira. Wala na ang mga ito.
Nagsimula siyang umiyak at pumasok sa loob ng bahay. Deretso niyang tinungo ang silid nilang magkakapatid at umakyat sa ibabaw ng kama. Palakas nang palakas ang kaniyang iyak. Hinahanap ang mga ito. Nagtalukbong siya ng kumot hanggang sa nakatulugan niya ito.