Dominant Series 8 - Indestructible Chapter 28

“Gosh! Aurora, napahaba ang kwento ko sa ‘yo!” Binaling niya ang kaniyang atensyon sa alagang ahas. “See, I told you na nakakaiyak ang kwento ko. Walong taon pa ako no’n. I know you’re crying inside.” Natawa siya. “But anyways, magpahinga na tayo. Maaga pa ang alis ko bukas and, magpahinga ka na rin. Bantayan mo ang palasyo ni Mommy, okay?” Tila nakaintindi naman ang viper snake niya.

Maarteng humakbang siya pabalik sa vivarium nito at nilagay ito roon. Deadly and poisonous ang Aurora niya, pero masisi ba niya ang sarili kung may connection sila sa isa’t isa ng pet niya? Mabait naman ito. Iyon nga lang, talagang nakakamatay ito.

Pakanta-kanta siya nang tinungo niya ang kama. Humiga siya roon at napangiti. Ah, ang sarap sa pakiramdam kapag ang kama niya na ang usapan! Kaya sa gabing iyon, natulog siyang parang walang nangyari.

“A FRESHY morning!” Masiglang bumangon siya kinabukasan at tinungo ang vivarium. Naglagay siya ng pagkain para sa kaniyang nag-iisang kaibigan bago siya dumeretso sa loob ng malaking banyo.

Sa laki ng espasyo n’yon, pwede na siya magpatayo ng parke sa loob lalo na at hindi basta-basta banyo iyon. Sa kanang bahagi, may lagusan ro’n. Escape way kung baga. Sa kaliwang bahagi, may secret door na kung saan andoon lahat ng mga collections niya. Hindi wine, kundi mga bagay na kinuha niya mula sa kung kanino. Basta kulay pula, ay kaniya. Kumikintab o mamahalin, pangit o mumurahin. Kapag nagustuhan ng kaniyang mata, kinukuha niya ito at dinadala sa bahay niya.

Kumakanta-kanta pa siya sa harap ng malaking salamin bago tuluyang naligo at inasikaso ang sarili. Isang oras bago siya nagdesisyon na magpalit ng damit at tinungo niya ang queen size wardrobe.

Namili siya ng damit na susuotin. Lahat ng klaseng red shade ay nasa kaniya. From cherry, rose, jam, merlot, garnet, crimson, ruby, scarlet, wine, brick, apple, mahogany, blood, sangria, berry, currant at marami pang klaseng pula. Ganito siya ka-obsess sa kulay na ito.

Isang wine color plunging neckline dress ang napili niya. Maikli ang damit at labas ang kaniyang cleavage. Tamang-tama lang ang laki ng kaniyang dibdib, hindi malaki at hindi mabigat. Nakakatakbo siya at nakakagulong.

Dinikitan din niya ng nipple tape ang kaniyang korona. Hindi siya sanay magsuot ng bra dahil hindi niya naman kailangan ang bra. Hadlang lang ito sa fresh air na kaniyang gusto.

Kumuha siya ng 6 inches stiletto na kakulay ng kaniyang damit. Pakanta-kanta pa siya nang maglagay siya ng mga alahas. Mostly, totoong ruby ang mga ito. Mula sa hikaw, kwentas at singsing.

Sophisticated bronze make-up ang napili niya plus red lipstick! Perfect na perfect! Napangisi siya sa harap ng salamin. Isang maganda at sopistakadang babae ang kaniyang nakikita. Walang takot at walang kinakatakutan kahit sino. Tanging mga kalaban niya lang ang takot sa kaniya.

“Can’t wait to kill! Ilang tao ba papatayin ko ngayon araw?” Ni-recall niya sa isip kung ilan ang assignment niya. Napaismid siya nang malamang isa lang. “Ah yeah, no worries. My rules again.” Napangiti siya. Papatay siya ng masasamang tao ngayon. Pwede rin inosente! Tuluyan siyang humalakhak sa naisip.

Nagpaalam muna siya kay Aurora bago siya umalis ng bahay. Bitbit niya ang kaniyang bag na ang laman ay isang malakas na uri ng baril. Hinagis niya ito sa upuan nang makapasok siya sa loob ng kaniyang sasakyan na may face and voice recognition. Bulletproof din ito at kayang maging invicible kapag gusto niya. Mahal ang bili niya sa sasakyang ito, na kay Uno niya mismo pinagawa. Iba ito sa ginamit niya kahapon.

Pakanta-kanta siya habang nagmamaneho. May target siya at ito ang plano niyang unang patumbahin bago siya mag-window shopping at magwaldas ng pera sa mga walang kwentang bagay.

“Red lights! Gusto ko rin niyan magkaroon sa bahay.” Natawa siya sa naisip na kalokohan nang makita ang stop light. Imbes na huminto, parang balewala na sumuot siya sa mga nagtatakbuhang sasakyan sa kabilang lane.

Ops! Sorry. Nakita niya sa rear-view mirror na nagkaroon ng banggaan dahil sa kaniyang ginawa. Kunwari sincere siya pero hindi. Matamis lang siyang ngumiti at nagtuloy-tuloy sa kaniyang pupuntahan. Sandaling napasulyap siya sa kaniyang bag. Lumabas doon si Aurora kasama ang baril niya.

“Aurora! Oh my gosh! Bakit ka sumama sa ‘kin?” Natitilihang tanong niya at kinuha ito.

Agad itong pumulupot sa kaniyang kanan kamay at hinayaan ito. Naalala niyang kinuha niya pala itong ahas sa vivarium at nilagay sa bag. Dahil iba ang kaniyang plano, hindi baril ang gagamitin niya ngayon araw kundi si Aurora.

Ngumisi siya na parang demonyo. Venomous ang viper niyang alaga at wala itong kinikilalang tao kundi siya lang. Aurora is her only friend. Ito lang ang nakakaintindi sa kaniya, ang kausap niya, ang tanggap ang pagkatao niya bilang si Ramona.

Dalawang oras ang kaniyang ibabiyahe pero hindi siya nainip. Mas na-excite siya lalo na at isang big time syndicate ang kaniyang itutumba ngayon. Ang sabi ng Belladonna leader na siyang nagbigay sa kaniya ng assignment, delikadong tao ang kaniyang papatayin ngayon araw at maraming mga tauhan.

Dagdag pa nito, hindi siya pwedeng sumablay dahil kasabayan niya ang Dark X Organization. Kung siya, iba ang kaniyang pakay, ang Dark X may ay ibang layunin din. Kaakibat ito ng gobyerno at kahit hindi niya kilala kung sino ang nasa likod nito, alam niyang kukunin lang ng Dark X ang big boss para ikulong at pagbayarin ng habang buhay sa kulungan. Pero siya? No, hindi siya nagbibigay ng panibagong pagkakataon. Patay kung patay. Masaya ang makakita ng dugo at makarinig ng pagmamakaawa. Iyong tipong nanginginig sa takot habang nakaluhod o kaya ay gumagapang sa sariling dugo.

Siya ang klase ng assassin na hindi pumapatay agad ng target, pinapahirapan niya muna ang biktima at nilalasap ang bawat sigaw at iyak ng mga ito. Sa bawat sigaw at pagmamakaawa, mas lalo niyang nararamdaman ang salitang kasiyahan. Kasiyahan kung paano pumatay.

“Don’t worry Aurora, bago mo siya bigyan ng babala, ako muna ang sasalubong sa kaniya and we can’t afford to be late! Mauunahan tayo ng Dark X and I won’t let it happen. Dagli lang ang pasensya meron tayo.” Sa sinabing iyon bigla niyang pinatulin ang takbo ng kaniyang sasakyang dala habang ang demonyong ngiti sa kaniyang labi ay nakapaskil sa kaniyang magandang mukha.

MATAMAN niyang pinagmasdan ang bawat sulok ng bahay mula sa kalayuan. Dala niya ang high tech binocular niyang tumataginting sa dolyar ang presyo. Hindi lang ito basta-basta binocular dahil nakikita niya kahit nasa loob ng bahay.

“Okay, nasa mahigit na tatlumpu’t katao ang nasa loob. Dalawamput dalawa rin ang sa labas plus sampu sa gate. Not bad, right Aurora?” Binalingan niya ang kaniyang alaga na sa manibela nakapulupot. Kinuha niya ito at nilagay sa kaniyang bag. Tulad niya, excited na itong makipagpatayan sila ngayon araw.

Nag-iba ang kaniyang plano. Imbes na ang drug syndicate Big Boss ang kaniyang patayin, isasama niya na ang mga alagad nito. Tutal, nakakalungkot mag-isa sa libingan. May kasabihan ng ‘The more, the merrier!’

Nilagay niya sa tabi ang binocular at hinarap ang manibela. Nagmaneho siya papalapit sa malaking bahay na nasa loob ng kasukalan. Nakakalokong ngiti ang kumawala sa kaniyang magandang mukha pero sa likod n’yon ay panganib ang dala.

Nang huminto ang kaniyang sasakyan sa harap ng malaking gate, agad may tumutok sa kaniyang mga baril. Maarteng kinuha niya ang red card na siyang nagpapatunay na imbitado siyang personal na tagaalay ng sarap para sa Big Boss. Of course, hindi siya tangang susugod do’n kahit kaya naman niyang makipagsabayan ng barilan. It’s just that, masyado pang maaga at hindi mai-enjoy ni Aurora ang unang kagat nito sa araw na ito.

“Name?” May lumapit sa kaniyang lalaki at nakatutok pa rin sa kaniya ang baril nung binaba niya ang salamin ng kaniyang sasakyan.

“Maggie!” Ngumiti siya nang ubod tamis. Binigay rito ang red card at kinindatan ang lalaki. Pabirong hinagod niya pa ang dulo ng baril nito at mapang-akit itong tiningnan.

Sandali itong napahinto sa kaniyang ginawa at hindi makahuma. Nahulog sa kaniyang kagandahan. Lihim siyang natawa. Kung sabagay, sino ba ang hindi mahuhumaling sa kaniyang angking ganda pinagpala ng lahat?

Mapagmataas ang korte ng kaniyang kilay, at ang tangos ng kaniyang ilong ay nagpapatunay na hindi siya purong pinay. Isa siyang half mexican. Kaya normal na ang height niyang 5’8 ft. Kulay light brown ang kaniyang mata pero sa uri ng kaniyang trabaho, naglalagay siya lagi ng iba’t ibang kulay ng contact lens. Full lips ang korte ng kaniyang labi at lahat ng kaniyang target ay gusto siyang mahalikan. Tuwid na tuwid ang itim niyang buhok na hanggang likod pero minsan, kinukulot niya ito depende sa mood na gusto niya. Depende rin sa kulay na gusto niya. Maputi ang kaniyang balat na kasingputi ng lily flower at makinis ito. Walang kapintas-pintas! Mahihiya ang alikabok na dumapo sa kaniyang balat.

“Sige, deretso ka na. Kanina ka pa hinintay ni Bossing.”

“Good. Thank you love!” Nag-alay siya ng halik sa hangin para rito at saka minaneho ang sasakyan papasok sa loob.

Tila linta itong kinilig kasama ng mga kasamahan nito. Ang hindi alam ng mga ito, trahedya ang kaniyang dala. Well, palagi naman trahedya ang dala niya kahit saan siya magpunta. Kaya siya tinawag na A ng Belladona.

Huminto ang kaniyang sasakyan sa harap ng malaking bahay. May dalawang lalaki na lumapit sa kaniya at pinagbuksan siya ng mga ito. In which, kaya niyang buksan ang sarili niyang sasakyan. Duh!

“Naghihintay na sa ‘yo si Bossing sa itaas,” anas nito.

Ngumiti lang siya nang matamis sa mga ito at kinuha ang bag sa tabi. “Yeah, thanks!” Kinindatan niya ito nang lumabas siya. Tulad nung mga nauna, parang nakakita ang mga ito ng hugis-pusong ginto. Kuminang-kinang ang mga mata ng dalawang lalaki na parang asong ulol nang lagpasan niya.

“Ang ganda niya grabe, pre!”

“Tiba-tiba si Boss! Ang swerte!”

Natawa siya sa narinig. Yeah, yeah. Swerte ng Boss ng mga ito sa kaniya. Siya pa ba? Ang galing niyang magpaikot gamit lang ng kaniyang pilik-mata. Sa madaling salita, malakas ang kaniyang sex appeal at walang nakakahindi sa kaniyang karismang dala.

Nung nasa loob na siya ng malaking bahay, napansin ni Ramona na puro mamahaling bagay ang mga nando’n. Antique vase na naghahalagang milyones, antique paintings na halatang galing sa nakaw at ibang klase pang kagamitan na puro antigo. Too bad, wala siyang nakitang aakit sa kaniyang mata. Tulad ng pulang kabaong.

Gusto niya tuloy tanungin ang sarili kung bakit walang kabaong naka-display, tutal dito niya ilalagay ang Big Boss na papatayin niya ngayon. Yeah, next time na lang niya tanungin. She’s not rushing things at all. Marunong siyang maghintay.

Ginamit niya ang elevator imbes na ang hagdanan. Not fan siya ng hagdanan lalo na at nakakasira ito ng kaniyang magandang poise. Gagamitin niya lang ito kapag nakikipagbakbakan na siya mamaya. Kailangan niya ng maraming dugo! She’s an avid fan of blood bathing. Masarap kaya minsan ang maligo ng dugo at gawing body bath ito. Cleansing ang dating and super duper grabe ang contentment ang kaniyang nararamdaman sa tuwing naliligo siya ng dugo. Heaven kung baga!

Tumunog ang elevator at bumukas iyon. Saglit niyang inayos ang buhok at bag na dala. Pinapakalma niya si Aurora, iba ito kapag nati-triggered. Nagiging agresibo parang siya.

“This way.”

Humakbang siya patungo sa silid kung saan tinuro ng isa sa limang bantay. Nakasuot ang mga ito ng itim at halatang maagang nagdaos ng lamay.

Natawa siya sandali. Inisip palang niya na may dadausin lamay ay gusto niyang bumunghalit ng halakhak. Ang saya manood ng lamay, infairness!

Hinamig niya ang kaniyang sarili at nung kalmado na siya, pinihit niya ang pintuan. Malaki ang silid ang kaniyang nakita. Dim light ang kulay ng ilaw at nakita niya roon ang lalaking nasa edad singkwenta. Mahaba ang balbas nito at nasa sofa. Nakahubad ito ng pang-itaas at sa kaniyang nakikita, nakipaglaro ito ng puting bato sa demonyo gamit ang lighter. Hmm... Maarteng sinara niya ang pintuan at nakangising humakbang papalapit dito.

“Sa wakas, nandito ka na. Halika, tumabi ka sa ‘kin at makipaglaro.”

“As you wish,” malambing niyang saad.

Hindi alam ng lalaking nasa harapan niya na kamatayan ang kakahantungan nito at naghihintay ang demonyo rito sa labas ng pintuan.

Mapang-akit niyang tinanggal ang suot na plunging neckline dress at binato ito sa lalaki. Para itong asong ulol na sinalo ang kaniyang damit. Sanay siyang sumayaw na hubo’t hubad at hindi ito bago kay Ramona. Katawan ang pinakaunang panlaban ng mga Belladonna.

“Ah sexy!” Sumipol ito nang makitang isang kapirangot na tape lang ang nakatakip sa kaniyang nipple at isang lace panty sa ibaba. “Take that off!”

Maarte siyang humalakhak. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at nagpatugtog ng kantang gusto niya. Sensual music ito. Pampagana. Pampawala.

Ilang sandali pa ay nagsimula siyang sumayaw sa senswal na paraan. Tinanggal niya ang tape na nakatakip sa korona ng kaniyang bundok at dinikit ito sa noo ng lalaki. Target kung saan niya ito babarilin mamaya kapag tapos na si Aurora.

Bago siya mahawakan nito, tinulak niya ito pabalik sa kinauupuan at sumayaw ng mas nakakaakit at mas nakakabaliw. Ang kamay nito ay gustong umabot sa kaniyang dibdib, gustong pumisil pero sorry, hanggang sa mata lang nito ang dibdib niya. Dahil ang totoo, sa kalagitnaan ng kaniyang sayaw, ang totoong tugtog ni kamatayan ang biglang eeksena. Maglalaruan sila ng kamatayan at siya ang taya.

“Want me?” Nanunuksong tanong niya sa lalaki.

Naglalaway na tumango naman ito ng sunod-sunod at akmang hahawakan siya pero heels ng kaniyang sapatos ang pumigil sa dibdib nito. Para itong isang aso na bahag ang buntot na sumunod sa kaniya.

Nag-dirty dance siya harapan ng lalaki at aliw na aliw ito sa kaniya. gumiling siya sa harapan nito at pasimpleng inabot ang bag sa sahig, hinila ang sling n’yon.

“Grind for me babe!”

Ngumiti siya nang matamis. Hindi pa ba sapat ang paggiling niya rito? O hindi ba nito napapansin ang panganib na gagawin niya? Humakbang siya papalapit dito at sinakyan ang hita ng lalaki. Gusto niyang humalakhak nang mapansin ang pagkalalaki nito na ngayon ay galit na galit na. Gusto niya itong tuksuhin. Magagalit pa ba ang pagkalalaki nito kung ilang segundo na lang, bilang na sa daliri niya ang buhay nito?

Sumasabay sa senswal na giling ang kaniyang katawan. Hinaplos niya ang mabalbas na katawan ng lalaki at puro ungol ang lumalabas sa bibig nito. Mapang-akit na nilagay niya sa leeg nito ang sling ng kaniyang bag. Nasa loob ang kaniyang ahas, naghihintay.

“Smooth or wild? Hmm?”

“Wild babe! I want to see you wild on me!”

“Yes babe...” pabulong na anas niya sa teynga nito at hudyat ang ginawa niyang paghaplos sa gilid ng leeg ng lalaki ang go cignal para si Aurora naman ang bahala.

Akmang bubuksan niya ang lock ng bag nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok doon ang lalaking may suot na mask at may dalang baril.

“Chinga tu Madre!” Fuck your mother! Napamura si Ramona nang malakas. Naudlot ang kaniyang plano.

“You can’t kill him! That man must be punished by law—”

Isang putok na baril ang kaniyang binigay sa lalaking may suot na mask. Baril ito ng lalaking sinasayawan niya. Disturbo ito sa sayaw nila ni Aurora! Mabuti at mabilis na nakailag ang lalaki, dahil kung hindi bagsak itong dilat ang mata.

Bago pa makawala ang kaniyang target at hadlangan ng kahit sinong miyembro ng Dark X ang kaniyang plano, mabilis niyang kinuha si Aurora sa bag. Sayang, gusto pa sana niyang maglaro kasama si Aurora pero naudlot dahil sa pesteng Dark X!

“A-anong gagawin mo?!” Gulat na gulat ito.

“Shh! Mabilis lang ito.” Sa kaniyang sinabi, agad namilipit ang lalaki. Tinuklaw kaagad ito ni Aurora sa leeg.

Ang lakas ng kaniyang halakhak nang makitang tumitirik ang mata nito, hindi sa sarap kundi sa sakit. Nang makitang patay na ang Big Boss, kinuha niya si Aurora at sa kaniyang leeg niya ito nilagay. Bago siya tumalikod, binigyan niya ang lalaki ng dalawang putok sa noo kung saan may target x siyang nilagay.

Napangisi siya pero agad siyang pinaulanan ng bala nung lalaking nakasuot ng mask pero alam niyang hindi siya ang punterya nito. Paano niya nasabi? Dumamplis lang sa kaniyang balikat ang mga bala ng baril. Siguro mas gusto niyang sabihin, wala itong planong barilin ang kaniyang kagandahan.

Tatlong segundo, suot niya na ang kaniyang damit. Dinampot niya ang kaniyang bag at sinukbit ito sa balikat habang hawak ang isang baril

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.