Ilang sandali pa ay nakipaglaruan na siya ng baril-barilan. Sunod-sunod na pumasok ang mga tauhan ng Big Boss sa silid. Walang katakut-takot na pinagbabaril niya ang mga ito habang ang lalaki na may suot na mask, nakipagbarilan din ito... Pero hindi siya ang target nito, kundi ang mga tauhan ng Big Boss.
Parang balewala siyang lumabas ng silid at maarteng naglakad sa pasilyo. Hindi na siya gumamit ng elevator pababa. Mas maganda kung sa hagdanan para dama niya ang tinatawag na challenge. Nung naubusan siya ng bala, ang sling ng kaniyang bag ang kaniyang ginamit para gawing sandata. Bigla itong naging matigas na kadena. Magaling siya sa martial arts, especially sa Krav Maga. Isa sa deadliest martial arts kung saan natutunan niya ito sa training ground ng Belladonna. Patay kung patay ang training nila at katunayan, konti lang sila ang pumasa. Ang iba, sumuko at ang iba, naunang naghukay ng libingan.
Para lang siyang isang runaway model na maarteng naglakad at ang bawat nadadaanan niya, natutumba at namamatay. She’s really that good! Buong-buo ang kaniyang araw ngayon puro dugo ang kaniyang nakikita. Ang sarap sa pang-amoy. Nakaka-addict!
“Stop or I will ki—”
Tumama ang kaniyang takong sa leeg ng lalaking nagsalita.
“Opssie! Nagulat ako. What did you say?” Inosenteng tanong niya sa lalaking bumagsak na dilat ang mata at walang ampat ang pagdaloy ng dugo sa leeg nito. “Oh yeah, ikaw ‘yong guy sa gate. Anyways, my name is not Maggie. It’s Ramona,” pabulong na anas niya saka natatawang hinugot sa leeg nito ang kaniyang stiletto. Napailing-iling pa siya nang makita ang pagbulwak ng dugo sa leeg nito.
Bigla siyang nabagot. Lahat ng mga tauhan ni Mr. Thomas, kung hindi patay, nagsitakbuhan papalabas. Takot na takot sa kaniya at may sumigaw pa na isa siyang kampon ng demonyo. Ah no, matagal na siyang kampon. Mga 20 years ago! Mahaba na nga ang kaniyang sungay at may condo na rin siya sa impyerno. Si Satanas ang namamahala sa kaniyang negosyong tinayo roon na balang-araw siya rin ang papalit.
“Aconite.”
Bigla siyang napahinto. Code name niya. Eksaktong paglingon niya ay nakita niya ang lalaking may suot na mask at sa kaniya nakatutok ang baril na dala nito.
Pinag-aralan niya ang detalye at katawan ng lalaki sa ilalim ng maskara at suot na leather jacket. Nasa tangkad 6’5 ito, broad body, tan skin, at may tattoo sa kamay na nakaukit ang isang roman clock at kadena.
Natawa siya. kilalang-kilala niya ito. “Ikaw na ang magligpit ng kalat ko.” Agad siyang tumalikod at walang sabing inapakan ang mga bangkay na humarang sa kaniyang daraanan.
“You think hahayaan kitang umalis?” Nagbigay ito ng isang putok at tulad nung una, dumaplis lang sa kaniyang balikat ang bala.
“Why not? Iisa lang ang hangarin ng grupong pinagmulan natin. Now, if you’re not satisfied, pag-usapan natin sa pamamagitan ng baril. Barilin mo ako ng harap-harapan.” Humarap siya rito. Wala siyang pakialam kung bumabakat ang kaniyang utong sa damit niya. Utong lang naman, eh.
Natigilan naman ito sa kaniyang sinabi at hindi makapaniwala na iyon ang nanulas kaniyang bibig. “Don’t provoke me, Aconite.”
“I know you can’t, Dr. Jayvion Usuro.” Ngumiti siya nang matamis. “Nagulat ba kita at nakilala kita agad? It’s because I don’t forget people easily. Lalo na kung yummy at hot fafable like you na siyang may ari ng red tie na kinuha ko. Magkita tayo after nito, ha? Bye handsome!” Binigyan niya ito ng isang kindat at sinabayan ng talikod.
Walang katakot-takot siyang umalis sa harapan nito at deritsong tinungo ang kaniyang sasakyan. Bago niya paganahin ang makina, sumulyap siya sa lalaki at wala na ito sa kinatatayuan.
GUSTO niyang tumawa buong araw matapos niyang ibalik si Aurora sa vivarium nito. Agad itong pumulupot sa isang sangang nando’n at natulog. Aww her sweet Aurora, napagod ito sa action at barilan nila sa araw na ito.
Deretso niyang tinapon ang suot na plunging neckline dress sa trash can at agad nagtungo ng banyo. Nagbabad siya sa bath tub ng dalawang oras na puno ng mga pulang rose petals. Napapalibutan siya ng mga scented candles habang nakikinig sa malamyos na musika. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbabad at pag-iisip ng mga eksena sa utak.
Binabalikan niya ang parteng nakita niya si Jayvion sa crime scene. Muli, napahalakhak siya ng malakas sabay simsim niya ng wine. Hindi na kailangan ng lalaking Doctor ang mask, dahil nung inagaw niya ang red tie nito sa Hospital ng Hyzer Medical Group... Nakita niya na ang tattoo sa kamay nito.
Perks of having retentive memory! Walang kahirap-hirap sa kaniya ang tandaan ang isang bagay. Tulad nung, taong pumatay sa kaniyang buong pamilya. Hanggang ngayon, hina-hunting niya ang mga ito. Nakakalungkot lang, dahil hanggang ngayon, dalawampu’t taon na ang nakaraan ay hindi niya pa rin nakikita ang mga taong nagnakaw sa masayang alaala niya nung kabataan. Ang mga taong humulma sa kaniya na maging ganito. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa, hangga’t nabubuhay siya at tumitibok ang kaniyang puso.
At si Jayvion, ang lalaking may-ari ng kurbata. Ang lalaking gusto niyang maging kaniya. What a small world isn’t, right? Sinong mag-aakalang isang kasapi ng Dark X ang lalaki samantalang Doctor na ito? Not bad though, ang ganitong profession ay masaya. Iyon nga lang, isa siyang assassin. Hired killer. Samantalang ang lalaki ay professional Doctor.
Tumayo siya at nagtungo sa silid kung saan nando’n ang tie ng lalaking Doctor. Dinala niya ito pabalik sa bathtub at matagal na tinitigan ang tie nito. Nakuha pa niyang amuyin at minimemorya ng kaniyang utak ang amoy ng isang Jayvion. Katulad niya, ilan kaya ang gamit ng lalaki na pangalan?
Nilagay niya sa tabi ng wine bottle ang kurbata at muling sumimsim sa kopita. May hinihintay siyang tawag maliban sa balita na ilalabas ng media. Eksaktong tumunog ang phone niya at binuksan niya ang loud speaker n’yon. Gusto niyang makitang magwala ang kanilang leader sa kaniyang ginawa. She’s bitchy asshole!
“You are ruining the plan! Your assignment is to kill the Big Boss, hindi ang gumawa ng eksena at patayin lahat ng mga kasamahan niya, Ramona!”
Natawa siya sa galit na galit boses ng kanilang leader. Babae ito at nasa mid-40’s ang edad pero batang-bata pa rin tingnan. Hindi halatang isa itong mamatay-tao dahil sa pustura nitong parang isang anghel na kakababa lang sa langit.
“Ah, yeah? Sinunod ko ang gusto mo, Raquel.” Nagpipigil siyang humalakhak lalo na nung sambitin niya ang totoong pangalan ng leader nila.
“Enough with your excuses, Ramona. Alam mo ang utos ko. Your only target is Mr. Thomas. Wala ng iba, at wala ka ng idadamay pa. But what did you do? You go against my plan.”
Tsk! Boring.
Nag-ikot siya ng mata. “You should have sent Nerium then. Alam mong isa ay kulang para sa ‘kin, Raquel. The more, the merrier!”
“Bullshit! Report to my office now, Ramona.”
“Yeah, yeah I know. See ya!” Nauna niyang pinatay ang tawag at kasunod n’yon ang malakas niyang halakhak. Halos masamid-samid siya sa kaniyang iniinom na wine dahil hindi siya makapaniwala sa narinig.
Poor Raquel!
Sabihin na natin na utos nga nito pero may sarili siyang utak. Walang thrill kung sunod-sunuran siya kay Raquel. Kailangan niya ang grupo pero mas kailangan siya ng grupo.
Mas lalo niyang binagalan ang kaniyang kilos. Wala siyang planong lumabas ng bahay ngayon at ang gagawin niya lang ay magpakalunod ng wine buong magdamag. Bukas na siya magre-report sa office ni Raquel, hindi naman ito importanteng tao.
Nang matapos siyang magbabad sa bath tub, nagpasya siyang tumayo at humarap sa wall mirror na hubo’t hubad. Tumiim ang kaniyang mga mata sa Aconite flower tattoo na nagsimula sa gilid ng kaniyang dibdib papunta sa kaniyang balakang. Ito ang nagpapatunay na isa siyang kasapi ng grupo.
Bawat miyembro ay may kaniya-kaniyang naka-tattoo na bulaklak sa kahit saan parte ng kanilang katawan. Dalawa ang ibig sabihin ng Belladonna: Magandang babae at isang halamang nakakalason.
Inabot niya ang roba at sinuot iyon. Tinuyo niya muna ang kaniyang buhok bago siya nagpunta sa malawak na balcony at lumanghap ng hangin. Namimiss niya si Zerus pero tulad ng kaniyang pangako rito nung huli silang nagkita, hinding-hindi na siya mangingialam sa buhay ng lalaki. Hinding-hindi niya na rin gagalawin kahit ang dulo ng buhok ng babaeng mahal nito.
Masyado lang malapit ang loob niya sa binata kaya nung minsan nakasabayan niya ito sa isang misyon, naging sunod-sunoran na siya rito. Nakikita niya ang mukha ng kaniyang bunsong kapatid kay Zerus kaya ganoon siya ka-obsess sa lalaki na maprotektahan ito kahit hindi dapat.
But now, she’s totally okay. Tanggap niyang hindi sila totoong magkapatid ni Zerus at hindi niya hawak ang utak nito. Kaya kahit gusto niyang maging kontrabida, pinagliban niya na ito. Muntikan din siyang mapuruhan nung huling kita nila ni Zerus.
“Love is bullshit.” Naiiling siyang bumalik sa loob ng kaniyang silid at kumuha ng pulang damit.
Binuksan niya ang malaking TV at umupo sa sofa. Nakatingin siya deretso sa news at sinadya niyang lakasan ang volume. Trip niyang gayahin at pag-aralan bawat galaw ng mga taong nasa malaking screen.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang news sa araw na iyon at headline ng balita ang nangyaring patayan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang maraming dugo na nahagip ng camera. Nakakadagdag gana!
“Hmm, subukan ko kayang puntahan ang Doctor na ‘yon? Why not? Isa siyang Dark X and I’m a Belladonna. Perfect match! Wala akong pakialam kung may asawa’t anak siya. He’s mine and I want him!” Sa sinabing iyon, bigla siyang napatayo at gumuhit ang kakaibang ngiti sa kaniyang mapulang labi. Susurpresahin niya ang lalaki mamayang gabi sa pamamagitan ng mga halik niya.
Pero bago iyon, tinawagan niya muna saglit si Uno at may hinihingi ritong impormasyon. Pumayag ito pero kapalit ay malaking pera. Napailing na lang siya at natawa. Si Uno ay mukhang pera.
EASY pie niyang naakyat ang madilim na silid ng lalaking Doctor. Tuloy, gusto niyang tanungin ang lalaki mamaya kung miyembro ito ng Dark X, bakit hindi mahigpit ang security ng bahay nito sa mga taong tulad niya?
Nakakalokong ngumiti siya nang makita niyang mahimbing na natutulog si Jayvion. Ang lalaking gumulo ng utak niya ngayon kaya hindi siya nakatiis. Gusto niyang silipin ang gwapong mukha ng Doctor at tingnan ito sa malapitan.
Marahan siyang humakbang papalapit sa lalaki. Walang ingay na maririnig mula sa kaniyang high heels na suot. Nagmistula siyang bihis-puta sa damit niyang ruby sling dress na halos lumitaw na ang suot niyang lace panty sa ikli. Hawak niya ay isang posas at wala siyang dalang baril. Hindi siya pumarito sa silid ng lalaki para makipagpatayan kaya hindi siya nagdala.
Nang tuluyan siyang makalapit sa lalaki, sandali siyang napatigil. Mula sa ilaw na nagmumula sa lampshade, nakikita niyang mahimbing itong natutulog at inaamin ni Ramona na mas gwapo ang lalaki kapag nakapikit.
Mula sa makapal nitong kilay, sa mata nitong kahit nakapikit, alam niyang deep set ang mata nitong marble gray ang kulay. Ang dulo ng roman nose nito na ang sarap laruin ng kaniyang daliri. Isali pa ang labi nitong alam niyang masarap halikan at ito ang kaniyang plano. Not bad, bagay rito ang stubble beard and she wonder kung masarap ba ito pagdating sa kama at kung nakakaliti ba? Well, there’s one way to find out. Malandi siyang natawa sa isip.
“Look at you, ang gwapo mo. Oh, heaven!” Akmang hahaplusin niya ang pisngi nito nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang pulsuhan.
Pero inasahan na ni Ramona ito, hindi pipitsuhing agent ang lalaki. Kaya lang, nakalimutan din nito na mas magaling siya pagdating sa ganitong bagay. Mabilis ang kaniyang kanang kamay na pinosasan ang kanilang kamay dalawa.
“Fuck!”
Akmang gagamitan siya nito ng technique pero mabilis siyang nakadagan sa lalaking Doctor at siniil ito ng isang mainit na halik!
Ohh! These luscious lips.
Nagdiriwang ang kaniyang sarili nang matikman niya ang labi nito. Totoo, masarap ang labi ng lalaki. Wala itong nagawa kundi ang magpaubaya sa makasalanan niyang labi na sinu-sino na ang tinikman but Jayvion’s lips? Ah, intoxicating! Napatulala na lang ito sa kaniyang ginawa.
Lumalim pa ang halik na kaniyang ginawa at hindi siya papayag na hanggang halik lang. Kailan siya huling nakipag-sex? Hindi niya na matandaan. Masyado siyang obsess pumatay kesa ang lumasap ng tinatawag nilang sarap.
Mabilis na nakapasok ang kaniyang isang kamay sa loob ng boxer short nito at walang babalang dinakma ang pagkalalaki nitong nagulat din.
“Yayy! Naexcite siya sa ‘kin.” Ibig niyang sabihin ay ang pagkalalaki nitong nagising.
“Shit!” Napasinghap ito.
“Shhh... Bawal magmura.”
Muli niyang sinakop ang bibig nito habang ang kaniyang kamay ay walang tigil sa pagpapaamo sa alaga nitong galit na galit. Sinukat niya ito gamit ng daliri at lagpas isang dangkal ito.
He’s 7.8 inch! Ang saya!
“Ohhh shit!” Napamura ito.
Ayan, ayan ang gusto niya. Nagiging submissive sa kaniya. Dahil ang totoo, gusto niyang siya itong dominante. Siya ang dapat nasa taas at siya dapat ang gigiya kung saan sila pupunta.
“Umalis ka na hangga’t kaya ko pa magtimpi,” mahinang anas ni Jayvion. May pagbabanta sa boses nito pero mas lalo siyang naging agresibo.
“I won’t hangga’t hindi ko natitikman ang lahat sa ‘yo, Dr. Jayvion. Aminin na natin na bonus mo ito sa pagtulong sa ‘kin kanina. Plus, I’m attracted to you! Hindi ko lang alam kung saan parte pero sa tingin ko, dito.” Bigla niya itong siniil ng halik.
Napasinghap ito sa kaniyang ginawa pero wala siyang balak tumigil. Nagawa pa niyang tanggalin ang posas sa kanilang kamay at walang kahirap-hirap na pinusasan ang dalawang kamay nito sa headboard ng kama. Nagiging alipin ito. Ganito naman talaga ang gusto niya.
Sandali siyang lumayo rito. Nalaglag sa kaniyang paanan ang suot na sling dress at sinunod niyang hubarin ay ang maliit na telang tumatabing sa pribadong parte ng kaniyang katawan.
Hubo’t hubad siyang naglakad pabalik sa lalaki at gumapang sa ibabaw ng kama nito. Malamig ang buong silid pero init na init siya. Gusto niyang sumakay sa ibabaw nito pero may gusto siyang patunayan.
“Fuck!”
Pumalakpak ang kaniyang teynga nang magmura ng malakas si Jayvion. Walang kahirap-hirap na sinubo niya lahat ang pagkalalaki nito at kahit malaki ang lalaki, hindi siya nabulunan. Mas lalo niya pa itong sinagad.
“Damn you! Damn you!”
Yeah, damn me.
Gusto niyang humalakhak sa nakitang reaksyon ng lalaking pinapasaya niya ngayon. Para itong lion na gustong makawala sa hawlang pinaglalagyan niya. Mas lalo niyang pinagbutihan ang pagpapasaya rito. Hindi pa siya nakontento, sinama niya ang dalawang itlog nitong naninigas. Eksperto niyang dinilaan iyon at muling sinubo ang big size hotdog.
“Fuck, Ara!”
Ara? Sandali siyang natigilan.
Saan ba niya narinig ang pangalan na iyon? Well yeah, wala siyang pakialam kahit tawagin siya nito sa lahat ng pangalan ng mga babae o ang pangalan ng asawa nito.
“Ara! Damn you’re making me crazy again!”
Ngumisi lang siya. Mas lalo niyang binilisan. Sagad-sagaran ang kaniyang ginawa at bago pa ito mauna sa langit, huminto siya.
Siya naman.
Hinawakan niya ang tayong-tayo nitong pagkalalaki at giniya ito sa kaniyang lagusan. Dahan-dahan ang kaniyang ginawa lalo na at hindi niya na matandaan kung kailan siya huling nakipagsex sa isang lalaki.
Chinga tu madre! Ang laki niya.
Talagang dito lang nabuhay ang kaniyang katawan. There’s something on her body na ayaw umalis hangga’t hindi niya naitutuwid ang mga naglalarong eksena sa kaniyang utak. Pinapantasyahan niya ito, yes, inaamin niya ito.
Sabay silang napaungol. Sandali siyang tumigil at nilasap ang sarap. Ang sarap na parang gusto niyang maiyak! Nakakakiliti na masakit na hindi niya maintindihan kung ano. Halo-halo ang sensasyon nararamdaman niya ngayon.
Hinayaan niya si Jayvion na magwala. Gustong-gusto itong makawala sa posas pero hindi siya papayag. Alam niyang gagawin siya nitong alipin oras na makawala ito.
“Hindi ko inakalang ganito ka pala kasarap.” Nakakalokong ngumiti siya. Punong-puno ng pagnanasa ang kaniyang mata nang titigan niya si Jayvion.
Hinaplos niya ang pisngi nito, ang leeg, patungo sa mabalahibong dibdib hanggang sa malapandesal nitong tiyan. Panay ungol at mura ito pero hindi niya inintindi.
Nagsimula siyang gumalaw sa itaas nito. Nung una, banayad lang. Pinapakiramdaman niya lang ang laki at haba nito sa loob niya pero kalaunan ay naging maharot ang kaniyang galaw. Naging mas agresibo. Mas nangibabaw ang kaniyang pagiging obsess sa isang bagay.
“Ohhh!”
“Ummm!”
Sabay silang napaungol dalawa. Binilisan niya ang kaniyang galaw, para siyang nakipaghabulan habang sakay sa kabayo. Ganito pala ang feeling kapag cow girl. Napahagikhik siya tuloy.
Masarap! Parang may kung anong gustong lumabas sa kaniyang pagkababae at alam niya kung ano ito. She’s having an orgasms! Napaungol siya. Ayaw niyang tumigil. Hindi siya papayag na hanggang dito lang. Muli siyang nagtaas-baba sa ibabaw ng lalaki at napuno nila ng ungol ang buong silid.
Hindi niya matandaan kung ilan beses pinuno ni Jayvion ang kaniyang sinapupunan ng mainit na likido nito. Panay sambit ito ng pangalang ‘Araʼ at may ngiti ang labi nito nang matapos sila. Mahimbing itong nakatulog. Habang siya, tumayo na parang wala lang at dinampot ang damit. Sinuot niya iyon at saka iniwan ang susi ng posas at panty niya sa side table.
Natawa siya nang sandaling sulyapan niya ang lalaking Doctor. Dahil alam niyang sa mga oras na iyon, hindi roon magtatapos ang attraction na naramdaman niya para kay Jayvion. Sinisigurado niyang may susunod pang mangyayari sa kanila.