Enchanted (Compilation of Lambana Stories) Chapter 11

PANAY ang subo ni Kroen ng wafer sticks habang nakatutok sa telebisyon. Nakasalampak siya sa couch at walang pakialam kung nakasampong beses na yata siyang binaba ni Quinn para suysuing magbihis na. May pupuntahan daw sila.

Pero buo na ang desisyon niya. Hindi na siya parating pupulupot sa binata saan man ito magpunta. Mas maganda kung matapos na ang kung anumang pakay ni Quinn sa siyudad para naman makabalik na sila sa rest house nito. Mas gusto niya roon. Mas at home siyang makakakilos at hindi siya kailangang parating pagagalitan ni Quinn sa mga bagay na pinakikialaman niya. Isa pa, mababantayan niya nag lagusan. Baka kasi mamaya niyan, mangatngat ng daga ang larawan habang wala sila roon.

“Kroen! Ano ba? Hindi ka pa rin ba tatayo diyan?!”

Hayun ang tila nagsisimula na namang mairita na tinig ni Quinn.

Ah, bahala ito. Hindi siya tatayo mula sa panonood ng t.v.

Iglap at nawala sa kanyang kandungan ang garapon ng wafer sticks. Namatay rin ang tv. Hindi naman talaga siya interesado sa pinapanood. Gusto lang niya ng bagay na kunwari ay pinagkakaabalahan para tantanan na siya ni Quinn.

“Get up!” mariing utos ni Quinn kay Kroen.

“Akina ang remote at ang supersticks ko.” Nakangusong sabi niya, di alintana ang nayayamot na reaksyon nito.

“No.” Magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Quinn. “Kailan ka pa naging stubborn, ha?”

Inagaw nga niya rito ang garapon ng wafersticks, Pero hindi rin ito nagparaya. Kaya’t sa huli, nag-tug of war sila sa garapon.

“Hey guys! Madami naman tayong stocks, bakit kayo nag-aagawan sa isang garapon?”

Sabay silang napalingon sa bagong dating. Si Matthew.

Dahil na-distract ng bagong dating ay madali niyang naagaw kay Quinn ang garapon. Naiinis na bumaling sa kanya ang binata. Lumabi naman siya rito saka kumuha ng isang stick at kinagat. Nakangiting bumaling siya sa bagong dating.

“Ang sarap pala nitong supersticks mo! Mauubos ko na ang isang garapon.” Nakangiting aniya kay Matthew.

Ngumiti rin ito sa kanya. “Sige lang. Kainin mo hangga’t gusto mo. Kung may iba ka pang gusto, feel free na kunin mo.” Bumaling ito kay Quinn na hindi na maipinta ang pagmumukha. “Ngayon lang ba siya nakatikim ng wafersticks?” Tila nagtataka ito.

Bago pa makasagot si Quinn ay sumabat na siya. “Wala siya nito sa bahay niya. Madalas nga na wala siyang stocks ng pagkain. Buti pa dito sa bahay mo, maraming kakaibang bagay. At lahat, masasarap! Kaya lang, hindi naman pwedeng pakialaman kasi magagalit ka daw.” Mahabang sabi niya. Napanguso pa si Kroen.

“Sinong may sabi?” Tila aliw na aliw na tanong ni Matthew.

“Iyang masungit na lalaking ‘yan.” Sumbong niya.

Kagabi pa siyang naiinis kay Quinn. Lahat ng bagay na mahawakan niya ay ipinagbabawal nito ganoong hindi naman ito ang may-ari.

‘Wala tayo sa bahay ko. Hindi mo pwedeng gawin ditto ang ginagawa mong pakikialam sa mga gamit ko.’

Napasimangot na naman siya matapos maalala ang paninitang iyon ni Quinn. Napakasungit nito sa madaming sandali. Kung maging mabait man ito sa kanya ay panandalian lamang.

“Okay lang naman. Bisita ko kayo. Feel at home.” Saad ni Matthew. “O, Quinn, may lakad ka ulit? Okay lang na iwan mo saken si Kroen. I’ll entertain her.” Bumaling muli sa kanya si Matthew. “Halika na Kroen. May iba pa akong ipapakita sayo na magugustuhan mo.”

“Talaga?” Na-excite na napatayo si Kroen. Inagaw sa kanya ni Quinn ang garapon marahil, para kunin marahil ang atensyon niya, pero hindi na niya ito pinansin. Kumapit siya sa braso ni Matthew. “Sige, tara na!”

Bago sila lumagpas kay Quinn ay naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso. Mahigpit. Napabaling tuloy siya rito.

“Sasama ka saken.” Matigas at tila nagbabantang hayag nito.

Napamaang si Kroen. Sobra ang pagkaseryoso ni Quinn at tila ba sinasabing kung hindi siya sasama ay dadaanin siya nito sa dahas. Palagay niya ay di uubra ang pagpapasaway niya ngayon sa binata.

“It’s okay, dude.” Sambit bigla ni Matthew. “Baka ma-late ka pa sa lakad mo. Ako na ang bahala kay Kroen.”

Umakbay pa si Matthew sa kanya. Agad iyong inalis ni Quinn. Iniitsa rin nito ang garapon ng wafersticks sa couch.

“No.” tiim-bagang nito. “Kahit bestfriend kita, hindi ko siya pwedeng ipagkatiwala sayo. Masyado kang malikot.”

Napataas ang dalawang kamay ni Matthew at natatawang nailing na lumayo. Walang pakundangan namang hinila siya ni Quinn palabas ng town house.

“Sandali! Ayoko ngang sumama sayo.” Pilit kumakawala si Kroen sa pagkakahawak ni Quinn.

“Sasama ka sa akin. Hindi ka pwedeng magpaiwan rito.” Giit nito.

“Bakit hindi?”

“Dahil…” Tila nag-iisip ito ng sasabihin. “Dahil kailangang kasama kita sa pupuntahan ko.”

“Saan ka ba pupunta?”

Marahas na bumuntong-hininga si Quinn. “Bakit ba ang dami mong tanong? Sumama ka nalang!”

“Ayoko. Naiinis pa ako sayo sa pag-agaw mo sa supersticks ko. Tsaka, ayoko munang kasama ka. Kumilos ka nang hindi ako kasama. Kaya ko naman ang sarili ko.”

“Ah, ganon? At nakakainis ako? Pwes! Nakakainis ka din!”

“A-Ako?” Naituro niya ang sarili.

“Hindi. Baka ‘yung paso.” Sarkastikong tugon nito. “Ano na naman bang problema natin? Akala ko, okay na tayo? Bakit pinapahirapan mo na naman ako?” Naiinis na pinakawalan siya nito.

‘Ako ang pinapahirapan mo, Quinn. Ayoko muna ngang maglalapit sayo, pero ikaw itong humihila sa akin palapit sayo.’

Ayokong lumabas. Ikaw nalang.”

Umakma siyang tatalikuran si Quinn.

“Akala ko ba wala kang gusto sa kanya?” biglang saad ni Quinn.

“Ha?”

“Kay Matthew.”

Napakamot siya sa leeg. Bumalik na naman sila sa paksang iyon. Bakit ba nito ipinipilit na may gusto siya kay Matthew. At kung sakaling totoo, ano naman rito?

“Sige na, sasama na ako.”

At nangunguna pa siyang naglakad patungo sa garahe. Kung di niya lang nararamdaman na may bagay na bumabagabag kay Quinn ay paninindigan na sana niyang huwag nang sumama rito. Maski pa ang totoo, ayaw naman talaga niyang magpaiwan. Gusto niya itong kasama parati maski na nga nagdesisyon na ang utak niya na huwag nang maglalapit rito.

Bakit nga ba kailangan pa niyang patunayan na wala talaga siyang romantikong pagtingin kay Matthew para lang sa ikatatahimik ng kalooban ni Quinn? Di ba dapat nga ay hayaan nalang niya ito sa ganoong isipin para mas maging madali ang paglayo ng loob nila sa isa’t-isa? Iiwasan na siya nito, mas madali iyon.

Naramdaman ni Kroen ang isang braso ni Quinn sa balikat niya habang naglalakad sila papunta sa garahe. Napabaling tuloy siya rito. At ganoon nalang ang pagtataka niya sa iglap na pagbabago ng ekspresyon nito. Nakangiti na ito ngayon at maaliwalas ang mukha.

“O, AYAN.”

Umangat ang kilay ni Kroen habang tinitingnan ang tatlong garapon ng wafersticks na isinalampak ni Quinn sa kandungan niya. Iba-iba ang kulay. Gusto niya ang dilaw at rosas na kulay. Siguro ay masarap din iyon…

“Ano ito?” nagtatakang dinampot niya ang isang garapon na may lamang kulay dilaw at rosas na wafersticks.

Lumigid naman si Quinn sa kabilang panig para makasakay sa driver seat. Galing ito sa isang supermarket na nadaanan nila. Pilit siyang pinapababa ni Quinn para sumamang mamili. Pero nagmatigas siya. Wala itong nagawa ng hindi siya mapilit.

Akala niya ay nailagay na ni Quinn sa trunk ng kotse nito ang mga pinamili dahil doon ito unang dumeretso pagkagaling sa supermarket. Kaya nagulat siya ng salampakan siya nito ng mga garapon.

“Ang hirap talagang espiling-in ng mga babae.” Reklamo ni Quinn at ini-start ang sasakyan. “Hindi ba’t iyan ang pinagsisintir mo kanina? Kaya nga binilhan na kita. Tatlo pa.”

Iningusan niya ito pagkuway binuksan na ang nagustuhan niyang garapon at sinimulang lantakan. Masarap nga pala iyon.

“Ang mga lambana ba ay nagkakaroon din ng period?” tanong pa nito.

“Period?”

“Oo, ‘yung ano…” Tila hirap ito sa pagpapaliwanang kung ano ba ang tinutukoy nito. Hindi rin naman niya ito maunawaan. “Ang mga babae kasi, kapag may period, nagiging moody. Kahit wala namang kadahi-dahilan ay nagsusungit at nagtataray o di kaya ay wala sa mood para gawin ang mga nakagawian.”

‘May dahilan kung bakit wala ako sa mood. Ayoko nga munang lumapit sayo. Nagbabago ang ihip ng hangin kapag kasama kita. At makakasama iyon sa sistema ko.’

“Ano ba mismo iyong period.” Sa halip ay naitanong niya.

Natigilan si Quinn at nilingon siya. Pagkuway bumalik sa daan ang mga paningin. Sa hitsura nito, tila ba napakahirap sagutin ng tanong niya.

“Nevermind.” Bumuntong-hininga ito.

Hindi naman siya paawat. Tutal ay nasimulan na nito, dapat din nitong tapusin. Isa pa, may pakiramdam siya na dapat niyang malaman ang bagay na iyon.

“Ano nga kasi iyon?” giit niya.

“Huwag mo nang alamin. Kalimutan mo nalang na itinanong ko.”

“Hindi pwede, kailangan mong sabihin sa akin.”

“Alam mo…” naiinis na bumaling ito sa kanya. “Ang hirap ng tanong mo.”

“Tinanong mo ako ng tungkol sa period kaya obligasyon mong ipaliwanag sa akin iyon.”

May palagay siya na gusto na siyang sakalin ni Quinn. Subalit nagpakahinahon ito.

“It’s… ano…”

“Ano?”

“Bleeding of your private part, I guess.” Nalilitong sabi ni Quinn.

“Awtomatikong bumaba ang mga paningin ni Kroen sa kandungan. Parang gusto niyang mailang. Pero alam niyang wala namang malisya ang mga sinabi ni Quinn.

“Ibigsabihin, kapag nagkasugat ang ano ko, may period? Aba, natural lang na maging moody kapag ganoon. Mahirap yata ang may sugat sa ano.”

Sa pagkagulat niya’y humagalpak ng tawa si Quinn. Nagtatakang lumingon siya rito. Natahimik naman ito. Pagkuway tumawa ulit.

“Anong nakakatawa?”

“Luka-luka ka talaga, Kroen. Hindi ko maarok ang talino mo.”

“Hindi ba, kapag dumudugo ay may sugat?”

“Oo nga. Pero, ibang klaseng pagdurugo kasi iyon.”

“Anong klase?”

Tila natigilan na naman ito. “Basta… Ano… normal bleeding iyon. Four to five days ang itinatagal noon.”

“Ayoko yatang magka-period. Baka mamatay ako at maubusan ng dugo. Isipin mo, limang araw na pagdurugo.”

Napatingin siya sa kanyang kandungan at nanghilakbot. Ayon sa nabasa niya, ang katawan ng tao ay patuloy na gumagana dahil sa maayos na sirkulasyon ng dugo. Kapag naubusan ng dugo, natural na mamamatay.

Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga at nang lingunin niya ay napansin niyang nagpipigil itong tumawa.

“Bakit na naman ba?”

“Hindi ka magkakaanak kung hindi ka magkaka-period.”

“Ganoon ang mga tao. Lambana ako.”

“Let’s drop the subject. Malapit na tayo sa park.”

“Okay, kay Matthew nalang ako magtatanong dahil ayaw mong ipaliwanag sa akin ang tungkol doon.”

“What?” Biglang bumaling si Quinn sa kanya. “No way! Hindi mo pwedeng gawin iyon.”

“Bakit hindi?”

Bumuntong-hininga si Quinn. “Ako na ang magpapaliwanag.”

INILATAG ni Quinn ang malapad na picnic blanket at iniaayos ang mga pinamili roon. Si Kroen naman ay panay ang linga sa paligid. Tila naninibago ito sa mga nakikita.

Natural!

Malamang na hindi pa nito naranasang mag-picnic. Siya man ay unang beses din lamang iyong gagawin.

At kung bakit niya naisipang gawin ang kalokohang iyon ay dahil nabubuwisit na siya sa kaalamang hindi na niya masolo ang atensyon ni Kroen. Sa tuwina ay abala ito sa pakikipagkwentuhan kay Matthew.

Kahapon ngang sumaglit siya sa BIR, pagbalik niya sa bahay ng bestfriend ay tila naging invisible na siya sa paningin ni Kroen. Masyado na itong abala at nawiwili sa pakikipaghalakhakan kay Matthew. At hindi niya maiwasang magsintir.

Dati-rati ay s akanya at saw ii lang nito ang atensyon pero ngayon, kahati na niya ang kaibigan. Palagay naman niya ay walang balak si Matthew na kataluhin siya. Mukhang naaaliw lang it okay Kroen. Pero ang talagang pinangangambahan niya ay ang damdamin ng dalaga. Madali at naging masyado itong malapit kay Matthew sa ganoon kaigsing panahon. Samantalang sa kanya, mas madalas na magbangayan sila kesa magkasundo. Bakit kay Matthew ay close agad ito. At lately, parang nagtatago na ito ng saloobin. Nagiging matigas na ang ulo at hindi niya maimaniobra sa gusto.

Ah!

Gusto na niyang matapos ang lahat ng agenda niya sa siyudad nang maiuwi na niya si Kroen. Hindi niya gusto na iwan ito sa San Juan habang may inaayos siya sa Maynila kaya’t isinama niya si Kroen. Kung pwede nga lang ay itatali niya ito sa kanyang katawan, huwag lang itong malayo sa kanya.

Tapos na niyang asikasuhin ang pagbabayad ng kanyang buwis. Ang isusunod niya ay ang maliit na problema sa kanyang bank account. Hindi pa kasi pumapasok ang mga bayad sa ibang paintings niyang nabents sa nakaraang exhibit. Kung hindi niya iyon personal na aayusin, baka magulangan siya ng mga kliyente.

At dahil sabado ngayon, dalawang araw pa ang bibilangin bago niya maharap ang kanyang agenda. Maganda na din iyon dahil marami siyang panahon para kay Kroen.

“Sit.” Utos niya kay Kroen na hindi matapos-tapos sa pagmamasid sa paligid.

“Anong gagawin natin dito? Nagtatakang tanong nito habang umuupo, kipkip ang tatlong garapon ng wafersticks.

“Uhm, wala. Mamamahinga.” Balewalang tugong niya.

“Mamamahinga? Wala naman akong ibang ginagawa kundi ang mamahinga. Napapagod na nga akong mamahinga.” Nilantakan na naman nito ang wafersticks.

Kung alam niya lang na kahihiligan nito ang ganoong pagkain ay nag-stock sana siya ng marami. Wala siya maski chocolate o anumang junk foods sa bahay. Kaya siguro ganoon nalang ang pagkaaliw ni Kroen sa storage cabinet ni Matthew. Noon lang nito nalaman na nakakain din ang mga chocolates at wafersticks. Nakailang pakete rin ito ng Piattos.

‘Takaw talaga. Hindi naman tumataba.’

Kinuha niya ang supot ng mga pinamili at kinuha ang isang balot ng Ferrero at iniabot kay Kroen. Ewan lang niya kung hindi ito maumay roon.

“Ano ito?” takang tanong nito.

“Chocolates. Katulad nung nilantakan mo sa bahay ni Matt. Ibang brand nga lang iyan. Pero mas masarap ‘yan. Maraming peanuts ‘yung kinain mo dun, magkaka-pimples ka.”

Umigkas ang kilay ni Kroen. “Sabi ni Matthew, hindi naman raw totoo na sa mani nakukuha ang tagiyawat.” Pero binuksan din naman ang chocolate.

Napasimangot siya. “So, mas naniniwala ka na ngayon kay Matthew kesa sa akin?”

“Doktor siya, pintor ka. Mas marami siyang alam pagdating sa ganoong bagay kesa sayo.”

“Aba’t—”

“Mas masarap na sa bahay ni Matthew tayo mamahinga. May tv doon at pwede akong mahiga sa couch…” biglang ngumiti si Kroen at tumingin sa kandungan niya. Pero mabilis ding dumako sa di kalayuan ang mga paningin. Isang pareha na nakaunan ang lalaki sa hita ng babae.

Parang naunawaan na niya ang iniisip ni Kroem. At bakit kaya hindi nito isinatinig ang iniisip? Samantalang dati naman ay napaka-prangka nito pagdating sa nararamdaman at iniisip.

“Halika na dito.” Tinapik niya ang hita ng bumaling sa kanya si Kroen.

“Huh?”

Ngumiti siya. Kung gaano nito kadaling pag-initin ang ulo niya ay ganoon din nito kadaling ayusin ang kanyang mood. Minsan ay naiisip na nga niyang baka ginagamitan na siya nito ng mahika. Pero naisip din niyang sa tagal na nilang nagkakasama, hindi niya ito nakitaan na gumamit ng mahika. Ang mga kakaibang kakayahan lang nito ang natunghayan niya, kaya’t siguro, wala itong magic. Kakaiba lang ang kakayahan nito dahil lambana ito.

“Mas masarap kumain ng chocolate na nakahiga. Huwag ka nang mahiga. Alam ko namang gusto mo din silang gayahin.” Inginuso niya ang tinitingnan nito.

Pinamulagan iti ng mukha at bago pa tuluyang lamunin ng hiya ay kinabig niya si Kroen. Walang paalam na inihiga at ipinaunan ang kanyang hita sa ulo nito.

“Relax, okay?” aniya nang mapansing uneasy ito sa pwesto nila.

“O-Okay.” Pinagtuunan nito ng pansin ang chocolate na kinakain.

Hindi naman niya mapigilan na mapangiti habang pinapanood ito. Napakaganda talaga ni Kroen. Natukso siyang haplusin ang napakakinis nitong mukha.

He focused on touching and caressing her very beautiful face. He loves the shape of it. And also, the shape of that tiny pair of lips of hers. Parati niyang pinapangarap na matikman iyon. Pero siyempre ay ayaw naman niyang manganib ang buhay nito. Ayon dito, kailangan niya itong mahalin sa loob ng tatlumpong araw matapos niya itong halikan, kundi ay mamamatay ito. Paano kung hindi niya magawa?

Ni wala nga siyang ideya kung paano ba nalalamang tunay na pag-ibig na ang nadarama.

All right! He lust her. Pero malayo ang lust sa love. Ayaw niyang ipagsapalaran ang buhay nito dahil lang sa pagnanasa niya.

Kroen is special to him. Kahit paano ay natutunan na din niya itong pahalagahan maski magkaiba silang nilalang. And he promised himself that he’ll protect her, no matter what.

Kaya nga’t ingat na ingat siyang masolo ito ng malikot niyang bestfriend. Baka magnakaw pa iyon ng halik kay Kroen at mapahamak ang dalaga. Kung siya ay hindi pa natutuklasan ang damdamin ng tunay na pag-ibig, mas lalong mangmang si Matthew sa bagay na iyon.

“Bakit ganyan ka tumingin? May problema bas a mukha ko?” untag ni Kroen kay Quinn.

Napangiti ang binata. “Oo. May kumalat na chocolate.”

Ngali-ngali niyang pawiin ng sariling bibig ang chocolate remains sa paligid ng labi nito kung hindi lang siya nakapagpigil. Kumuha siya ng tissue mula sa supot ng mga pinamili at pinunasan ang bibig ni Kroen.

“Salamat.” Anito.

“You’re welcome.” Hindi niya maialis ang mga paningin sa magandang mukha ng dalaga.

Ang kainosentahan nito, iyon marahil ang nagtutulak sa kanya para orotektahan si Kroen.

“Ang sarap pala ng ganito. Huwag muna tayong umuwi ha?” sabi pa ni Kroen at nagpatuloy sa pagkain ng chocolate.

‘And now she’s back to her real self.’

Iyan ang hinihintay niya, ang pagiging honest at straight to the point nito sa mga bagay-bagay at saloobin. Pabor sa kanya dahil nalalaman niya ang ibigsabihin ng mga kilos nito. Kesa naman sa tahimik ito at wala siyang ideya sa itinatakbo ng utak ng dalaga.

“Sure, ayoko pa din namang umuwi.” Gusto ko pang solohin ka.

Nakikini-kinita na niya sa balintataw ang mga imahe ng susunod niyang ipipinta. Ang kanyang muse—si Kroen.

“Ipaliwanag mo na sa akin ang tungkol sa period.” Anito na ikinatigalgal niya.

“Akala ko, tapos na ang usapang iyan?”

“Hindi pa. Sabi mo, ikaw ang magpapaliwanag sa akin? O kung tinatamad ka ay si Matthew nalang.”

Para lang maiwasang magtanong ito ng maseselang bagay sa kanyang bestfriend na iba rin kung mag-isip minsan ay ginawa niya ang lahat ng makakaya para maipaliwanag ang tungkol sa menstruation. Kung bakit ba naman kasi nabuksan-buksan pa niya ang tungkol roon? Tuloy ay hindi paaawat si Kroen sa kung anumang katanungan sa utak nito. Knowing her, she was eager to find everything in this world. At hindi niya hahayaang si Matthew ang pagtanungan nito. Hindi naman alam ng bestfriend niya na ibang nilalang si Kroen. Baka kung ano pang pumasok sa kukote noon sa inosenteng mga tanong ni Kroen.

Napabuntong-hininga siya matapos magpaliwanag.

“Sabi mo, hindi magkaka-anak ang babae kapag hindi nagka-period ang babae?” tanong ni Kroen.

“Oo nga.”

“Paano ba ginagawa ang baby ng mga tao?”

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong na iyon ni Kroen. Mas lalong hindi nito maaaring itanong kay Matthew ang bagay na iyon. Mas delikado!

“Sa ibang araw ko ipapaliwanag. Masyadong mahaba iyon eh.” Pagpapalusot niya.

Mabuti nalang at nahagip ng mga paningin ni Kroen ang mga nagbibisekleta. Bumangon ito at…

“Gusto ko ring sumakay roon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.