NAMASYAL sina Quinn at Kroen sa tabing dagat, naglangoy at nagharutan hanggang sa mapagod at abutin na ng gabi. Ang pinakagusto niya sa lahat, ang walang kamatayang pagsasalo nila sa mga matatamis na halik na para bang hindi sila magsasawa sa isa’t-isa.
Alas diyes ng gabi ay umuwi na sila sa pag-ca-camp fire. Dumeretso si Kroen sa silid nito. Sinundan ni Quinn. Habang nagbabawi ito ng lakas ay pinagsawa niya ang sarili na titigan ang lambana at kabisaduhin ang maski kaliit-liitang detalye ng anyo nito upang hindi niya makalimutan. Nagdesisyon na siya. Hindi niya kayang maging makasarili.
Gustuhin man niyang makasama pa ito ay hindi na pwede. Hindi niya maaatim na buhay nito ang maging kapalit ng kaunting araw na makakasama niya ang lambana. At kahit ilang oras nalang ang nalalabi sa kanila ay pinagkasya niya. Ayaw na niyang alamin kung anuman ang plano ni Kroen nang di sabihin sa kanya ang totoo nitong sitwasyon. Buo na ang desisyon niya.
“Bakit sumunod ka, Quinn?” nagtatakang tanong ni Kroen.
“Kukunin ko lang ito.” Dinampot niya ang painting ng portal na nasa loob ng silid ni Kroen. Nakataob iyon at palagay niya ay ni ayaw man lang tingnan ng lambana.
“Isuot mo ang pinakamaganda mong damit Kroen at sumunod ka sa akin sa work room.” Dagdag niya.
Ngumiti ng ubod-tamis si Kroen. Puno ng excitement ang mga mata. Siguradong mami-miss niya iyon.
“Bakit? Ipipinta mo na ba ako?”
Napangiti nalang siya. Kung nalalaman lang nito kung gaano karaming larawan na nito ang naiguhit na niya. Inilipat muna niyang lahat ang mga portrait nito sa silid niya dahil gagamitin nila ang work room.
“Basta sumunod ka sa akin sa work room. Wear your best.” Aniya.
Pero sabagay, wala naman itong anyo na hindi the best. Lahat ay napakagaganda at kaakit-akit.
Tumango si Kroen. Siya naman ay lumabas at dumeretso na sa work room. Ilang sandali lang at naroroon na din ito. Hindi niya sigurado kung hindi ba sineryoso ni Kroen ang sinabi niya dahil simple lang ang suot nitong bestida. Pero maski magkaganoon ay naging napakaganda pa din ng kasimplehan nito.
“Come here, Kroen.” Lumapit naman nga ito sa kanya.
He traced her face with his fingers and gentle claimed her lips in a passionate kiss. And then, gentle released her. Sa huling sandali ay nais niya itong pabaunan ng pag-ibig niya.
“You may go, now, Kroen.” Malungkot at mahinang bulong niya. “Any moment na lumapit ka sa lagusan ay magbubukas iyon, hindi ba? Iyon ang sinabi sa akin ni Erastus.”
Nanlaki ang mga mata ni Kroen. Siguro, nagulat itong malaman na kilala niya si Erastus.
“P-paanong—”
“Alam ko na ang lahat. So go now, Kroen.”
Hangga’t kaya ko pa ay umalis ka na.
“Hindi! Ayoko!” Namasa ang mga mata ng lambana.
Gusto nang sumuko ng puso ni Quinn, pero hindi pwede. Kung ganitong nagmamatigas si Kroen ay kailangan na niyang gawin ang second plan.
“Ganyan ka ba ka-desperada sa akin, Kroen? Kinailangan mo pang magsinungaling?”
Namula ito sa pagkapahiya at huminto ang panunubig ng mga mata. Siguro, nainis rin ito sa sinabi niya. Well, iyon talaga ang balak niya.
“Q-Quinn…”
“Umalis ka na Kroen. Ayokong maging dahilan ng kapahamakan mo. Magiging kargo de konsensiya pa kita. Ngayon ko pinagsisisihan na sinakyan ko pa ang damdamin mo—”
“Hindi totoo iyan! Alam kong iniibig mo rin ako! Nararamdaman ko.”
Natuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ni Kroen. Parang nais na tuloy niyang sapakin ang sarili! Bakit nga ba niya sinasaktan ang babaeng mahal niya? Gusto na niya itong yakapin at aluin. Kaya lang ay saan ito pupulutin kapag hindi pa niya ito itinaboy? At bago pa tuluyang sumuko ang puso niya ay:
Nginisihan ni Quinn si Kroen. An evil grins to cover his real feelings. Hindi siya maaaring magpatalo sa damdamin dahil mapapahamak lang ito.
“Well, I’m sorry Kroen, pero kung anuman ang nararamdaman mo ay mali ka. We, humans can always play with our feelings. Kaya naming ipakita na mahal namin ang isang nilalang maski hindi. Just to avoid them from a so called heart break. Pero parang ang ginawa kong pagmamagandang loob para hindi ka masaktan ay isa palang pagkakamali. Naawa ako sayo na i-reject ka nang magtapat ka ng damdamin kaya naman sinabi ko nalang na mahal din kita. Para hindi ka magduda ay ipinakita ko na rin na totoo iyon. Kaso, mali pala. Hindi kaya ng konsensiya ko na matapos kitang papaniwalain na mahal din kita ay isusugal mo ang sarili mong buhay makasama lang ako. Nagkaroon pa tuloy ako ng kargo-de konsensiya.” He sighed. “So, please. Unawain mo naman ako, umalis ka nalang para wala na akong inaalala. Tutal ay nagawa mo na ang gusto mo sa mundong ito. Hindi ba’t ang usapan lang natin ay hahanapin mo ang iyong ama at—”
“Hindi! Hindi totoo iyan! Hindi totoo ang mga nauna mong sinabi!” Tigmak ang luhang umiling si Kroen ng umiling.
Napatalikod na siya. Hindi na niya kayang tingnan ang lambana. Kung magtatagal pa niya itong panoorin ay baka sumuko na ang puso niya at bigla nalang itong yakapin at aluin. Mas na hindi maaari iyon. Mapapahamak ito!
“Umalis ka na! Ayokong sa pagbabalik ko rito ay naririto ka pa rin.”
Magsisimula nasana siyang humakbang palabas ng work room ng makarinig siya ng mga kalampag. Napalingon tuloy siya. Nanlaki ang mga mata ni Quinn nang makitang ipinagbababalibang ni Kroen ang mga pintura sa larawan ng lagusan. Mabilis at nasisindak na pinigilan niya ang lambana.
“Are you crazy?! Bakit mo ginawa iyon?!”
Kamdakumahog na kumuha siya ng paint brush at pintura para ayusin ang painting.
“Wala ka nang magagawa, Quinn. Wasak na ang lagusan. At dahil sinaktan mo ako, bahala kang makonsensiya sa pagkamatay ko.” Buong tatag at buong pait na hayag ni Kroen. Ang anyo nito ay nais magrebelde.
Mabilis na hinagip niya ito sa magkabilang braso. “Nababaliw ka na ba talaga? Gusto mo na ba talagang mamatay?” Hindi ito sumagot. Bigla niya itong kinabig at mahigpit na niyakap. “Hindi ito pwede! Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi!”
Ayaw man niya ay nag-uuna-unahang tumulo ang mga luha niya dahil sa matinding takot at pag-aalala.
“Gusto kitang iligtas pero ipinapahamak mo ang sarili mo! Handa na nga akong ipaubaya ka kay Erastus pero ano itong ginawa mo?!”
Humagulhol na si Quinn at mahigpit na niyakap si Kroen. Naramdaman niya ang pagganti nito.
“Ngayon mo sabihin sa akin ang sinabi mo kanina na hindi mo ako mahal.” Puno ng paghihinampo na saad ng lambana.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Kroen?” sumbat niya rito.
“Huwag mo akong ipamigay, Quinn. Hayaan mo nalang ako sa tabimo.” Pagsusumamo naman nito.
Pinakawalan niya si Kroen sinapo ng dalawang kamay ang napakaganda nitong mukha. Kagandahan na puno ng hapis at pagsusumamo.
“Hindi ko kayang makita kang walang buhay. Baka sumunod din ako sayo kaagad pero hindi ko naman sigurado kung pareho ba tayo ng pupuntahan. Napakahirap para sa akin na malamang mawawala ka samantalang pwede naman kitang iligtas. Bakit ba hindi mo ako maunawaan?”
“Ayokong makalimutan ka, Quinn. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin at kapag umuwi ako, makakalimutan kita. Unawain mo rin naman ako! Ayoko nang maligtas kung ang kapalit noon ay hindi kita makakasama at kung makakalimutan kita. Sigurado ako, makalimot man ang isip ko, alam kong hindi ka malilimutan ng puso ko. At ayokong mabuhay na parating may hinahanap subalit imposible nang makita. Napakahirap mabuhay na hindi kita makakasama. Mas maigi pang umigsi nalang ang buhay ko at gugulin ko ang nalalabi kong sandali na kasama ka. Mas maigi pang maramdaman ko ang pagmamahal mo kahit saglit lang. Huwag mo akong itaboy, Quinn. Nakikiusap ako. Hayaan mo na ako sa tabi mo, hanggang sa huli. Hindi mo man ako ibigin ng tulad ng pag-ibig ko sayo ay maluwag kong tatanggapin basta’t hayaan mo lang ako sa tabi mo, pakiusap.”
Lumuluhang niyakap niyang muli si Kroen at pinaulanan ng halik ang ulo nito.
“Kung nalalaman mo lamang kung gaano kita kamahal, Kroen. Kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko, kapalit sa buhay mo ay gagawin ko.”
Ano nang mangyayari sa kanila? Lalo’t higit kay Kroen kung ganitong nawasak na ang lagusan? Maayos man niya iyon ay malamang na huli na at di na aabot sa hatinggabi. Higit sa lahat ay hindi na niya ito mahihimok na tumawid dahil sa nakikita niya, buo na ang desisyon ni Kroen at hindi na iyon mababago pa.
“GOOD MORNING!”
Ang nakangiti at gwapong-gwapong si Quinn ang namulatan ni Kroen ng umagang iyon. Nagkasundo sila ng binata na gagawin ang lahat ng bagay na gusto nilang gawin na magkasama sa huling limang araw. Sa mga nakaraang araw ay nagliwaliw sila ni Quinn sa magagandang lugar sa bansa. Nag-camping sa pinakamalapit na bundok. Nag-boat sail. Umattend ng kasal ng pinsan nito na kinainggitan niya. Gusto niya ring makasal sila at nang sabihin niya iyon kay Quinn ay ngumiti lang ito. Hindi daw ganoon kadaling i-proseso ang pagpapakasal.
Napasimangot nalang siya.
Kahapon, wala silang ibang ginawa kundi ang mamasyal sa tabing dagat at kumain. Napakalambing nito sa kanya at halos ayaw nang umalis sa tabi niya. Siyempre pa ay masayang-masaya ang puso niya. Ayaw na niyang isipin at bilangin ang mga araw na nalalabi sa kanya.
Malapad ang ngiting bumangon si Kroen. “Magandang umaga.” Masayang bati niya.
“May sorpresa ako sayo.”
“Talaga?” nae-excite na saad niya.
“Oo, kaya halika na sa ibaba.”
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakabihis si Quinn ng kulay kremang pang-itaas at pang-ibaba na maluwag sa katawan nito. “Sandali, mag-aayos muna ako ng sarili ko.”
“Maganda ka naman na. Okay na ang suot mo.”
Nakaputing bestidang pantulog siya. Hindi naman talaga iyon mukhang pantulog dahil elegante ang tela. Ginamit nalang niyang pantulog dahil gusto niyang gamitin ang lahat ng damit at gamit na binili ni Quinn para sa kanya.
“Binobola mo ako.” Aniya.
Pinisil ni Quinn ang ilong niya at saka siya nginitian. “Hindi kita binobola. Parati kang maganda sa paningin ko, Kroen.”
“Maghihilamos nalang ako. Mauna ka na.”
“O sige.” Tumango si Quinn. “Pero sa may tabing dagat ka pupunta, ha?”
“Oo. Sige na, mauna ka na.” pagtataboy pa niya.
Hawak ang isa niyang kamay at pinisil-pisil iyon habang mataman siyang tinititigan. Parang may nais itong sabihin, sabik na sabik ipaalam sa kanya pero nagbago ang isip at muling pinisil-pisil nalang ang kamay niya.
“I feel so tense.” Pag-amin nito.
“Di ba ako nga ang dapat na kabahan?” natatawang tanong niya.
Kibit-balikat ang itinugon ni Quinn, waring nagpipigil na maibulalas ang isang bagay.
“Sige na. Mauna ka na.”
Tumayo siya at hinila ito palabas ng kanyang silid.
“Huwag kang masyadong magtatagal ha? Baka atakehin ako sa puso maski wala naman akong sakit sa puso habang naghihintay sayo.” Nakasungaw ang ulo sa may pinto na paalala nito sa kanya.
“Oo na. Sige na.”Natatawang sabi niya. Nang hindi pa din ito kumikilos para iwan siya ay marahan na niya itong itinulak at isinara ang pinto.
Na-e-excite siya sa kung anumang sorpresa ni Quinn para sa kanya. Alam niya at nararamdaman niya na magugustuhan niya iyon. Mabilis na inayos ni Kroen ang sarili bago nagpasyang bumaba. Tahimik na ang buong bahay, senyales na wala na roon si Quinn. Dahil kung naroroon pa ito, malamang na maya’t-mayang sumisigaw at tinatawag siya para bumaba na.
Dumeretso si Kroen sa dalampasigan. Malayo pa lang siya ay natatanaw na niya ang nagkalat na mga upuan at silya na nakaayos sa may buhanginan. May mangilan-ngilang tao sa paligid. May red carpet na nabubudburan ng mga bulaklak sa pinakagitna na tila naging aisle dahil sa magkabilang tabi ay nakalinya ang mga canvas. Gusto tuloy niyang magtaka at isiping naligaw siya pero nakita niya sa dulo ng red carpet si Quinn. Nandoon din ang kanyang ama at si Matthew. Nakangiti ang mga ito at inaanyayahan siyang lumapit.
Isang animo apprentice ang lumapit sa kanya at walang sabi-sabing kinabitan ng lace ang suot niyang bestida at nilagyan rin siya ng belo.
Sumunod siya. At ganoon nalang ang kanyang pagkamangha dahil ang laman ng bawat canvas ay mga larawan niya sa iba’t-ibang anggulo at iba’t-ibang eksena. Napangiti siya. Ganoon pala siya kaganda sa mga paningin ni Quinn. Kinukulit pa niya itong iguhit siya gayong sandamakmak na larawan na pala niya ang naiguhit nito.
Matapos marating ang kinaroroonan ng kanyang ama ay sinabayan siya nito sa paglalakad patungo kina Matthew at Quinn.
“Kinulit ako ni Quinn para ibigay ko na raw sa kanya ang kamay mo. At tulungan ko raw siyang maisaayos na ang kasal ninyo bago ka pa man umalis. Dapat daw ay maging legal kahit madalian lamang.” Pabulong na hayag sa kanya ng kanyang ama.
“K-Kasal?” nalilitong tanong niya at muling tiningnan si Quinn sa unahan katabi si Matthew. Ngayon lang din niya napansin na nasa pinakadulo ang isang pari.
Hindi niya tuloy alam kung maiinis o maiiyak sa sorpresang iyon ni Quinn sa kanya. Gusto niyang maging pinakamaganda sa araw ng kasal niya. Pero heto siya, bagong gising pa nang isugod ni Quinn sa kanilang mismong kasal.
“Nakakainis naman si Quinn, Daddy!” reklamo niya habang naluluhang naglalakad sa aisle.
“Bakit?” nagtatakang tanong nito. “The guy loves you very much, anak! Unawain mo nalang kung bakit siya nagmamadali.”
“Hindi naman po tungkol doon ang ikinaiinis ko.”
“Eh, alin?”
Humikbi siya. “Hindi ako maganda sa araw ng kasal ko.” Reklamo niya.
Napatawa ang kanyang ama. “You are beautiful, anak. You are always beautiful in his eyes. Patunay noon ang mga paintings na iyan na pininta ni Quinn. Kaya kahit bagong gising ka pang iharap ni Quinn sa mga tao, magandang-maganda ka pa rin sa kanyang paningin.”
Napangiti nalang siya at sabik na sabik habang lumuluhang naglalakad patungo sa altar. Kung pwede lang na takbuhin na niya ang mahabang aisle na iyon para lang makalapit na kay Quinn.