SIMPLE at mabilis ang naging seremonya ng kasal. Naging napakasaya din ng buong araw ng selebrasyon. Iyon na yata ang pinakamaligayang araw ni Kroen. Siya ang pinakamasayang nilalang sa araw na iyon dahil nagawa ni Quinn na tuparin ang bagay na gustong-gusto niya—ang makasal rito—maski imposible iyon.
Pinatunayan lang ni Quinn na lahat ay gagawin nito para sa kanya. Maski imposibleng bagay, kung kaya rin lang nitong gawing posible ay gagawin nito para paligayahin siya. At dahil doon lalo lang niya itong minamahal. Lalong lumaki ang pag-ibig niya para sa asawa at sa sobrang laki noon, hindi na niya kayang sukatin pa.
At ano bang pakialam niya sa sukat ng pag-ibig? Ang pagmamahal ay hindi dapat na sinusukat, ang dapat ay maging totoo iyon.
Nakangiting bumaling si Quinn sa kanya. Tiningala niya ang asawa. Agad naman siya nitong ginawaran ng matamis na halik. Nasa dalampasigan pa rin sila. Madaling araw na, pero hindi pa din sila umuuwi. Nakaalis na ang mga bisita. Mga mesa at dekorasyon sa naganap na kasalan na lamang ang naiwan. Inilatag nila ang isang mantel sa buhanginan at doon sumalampak.
Masaya na siya sa ganoon. Nanonood ng mga bituin sa langit habang nakapaikot sa kanya ang braso ni Quinn. Gusto niyang manatili sa ganoong posisyon hanggang sa sandali niya sa mundo ng lalaking mahal niya.
“Mag-iikadalawa na ng umaga, Quinn.” Mahinang sabi niya rito.
Ngumiti ito sa kanya. Pilit at palagay niya’y aral na ngiti. Kinabig siya nito palapit sa katawan nito at hinagkan sa kanyang tuktok. Napapikit naman siya at sinamyo ang napakabango nitong katawan mula sa nakabukas na mga butones ng kamiseta nito.
“Gusto kong mabuhay ka ng matagal kahit wala na ako, Quinn.” Mahinang bulong niya sa asawa.
Narinig niya ang tila nahihirapang pagbuntong-hininga nito.
“Paano ko ‘yun magagawa na wala ka sa tabi ko?” garalgal ang boses na wika ni Quinn. “Hindi ko kaya na… mabuhay na wala ka, Kroen. Pina-ibig mo ako ng sobra. Sobra-sobra na hindi ko kayang manatili sa mundong ito na hindi kita kasama.”
Bumalong ang masaganang luha mula sa mga mata ni Kroen. Tinuyo niya iyon agad at bumaling sa asawa. Tiningala niya ito nang may ngiti sa mga labi. Gusto niyang ipakitang aalis siya na masaya.
“Quinn? Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pag-gunita sa akin. Isipin mo nalang na…” Pumiyok na siya. Subalit pinilit pa rin niyang matapos ang sasabihin. “Na isa lang akong panaginip. Isang napakasayang panaginip. Isipin mo ang naging masayang alaala natin. Ang pagkaasar mo sa akin. Para naman hindi ka malungkot. Kapag kasi nalungkot ka, malulungkot rin ako.”
Quinn cupped her face and gentle caressed. She could feel his loneliness upon touching her. Kung may kakayahan lang siyang kunin ang mga alaala patungkol sa kanya mula rito upang hindi na ito masaktan ay gagawin niya.
“Kroen…” His tears ran down his face. “H-hindi ko kaya nang wala ka.”
Pati tuloy siya ay nadamay na sa pagbaha ng mga luha. Hinawakan niya rin ang mukha nito at nakapikit na dinama iyon. Gusto niyang kabisahin ang bawat detalye ng napakagwapong mukha ng asawa. Pagkuway inilapat ang mga labi sa labi ni Quinn.
Naramdaman niya ang maalab nitong pagtugon sa kanyang halik. Marahan siya nitong inihiga sa nakalatag na tela sa buhangin habang ang isang kamay nito ay naglalayag sa kanyang katawan. Pakiwari niya, mababaliw siya sa bawat nag-aapoy na mga haplos ni Quinn. Gusto niya ang pakiramdam. Gusto niya ang unti-unting nagsisiklab na apoy sa kanyang kaibuturan habang nilalasap ang masarap na damdaming kaloob ng kamay ni Quinn.
Kusang umangat ang mga kamay niya upang ipulupot sa batok ng asawa. Nang saglit na iwan ni Quinn ang mga labi niya ay tila nais magprotesta ng buong sistema niya. Subalit nang dumako sa loob ng kanyang bestida ang isang kamay nito ay tuluyan nang nawala ang kanyang kontrol sa kanyang isip. Her heart ruled her. At ang tanging iniuutos ng kanyang puso ay damhin ang masarap na sensasyong kaloob ng asawa.
She was on the verge of enjoying the feeling when she suddenly felt her energy skipping away from her body so fast.Hindi dahil sa may kakayahan si Quinn na alisan siya ng enerhiya sa bawat haplos nito kundi literal na nawawalan siya ng enerhiya. She felt the worst feeling she never imagined she could feel. Nawawalan siya ng pandama. Nawawalan siya ng kakayahang kumilos. Tila gumagaan ang utak niya hanggang sa mawalan na iyon ng laman. And her condition was deteriorating fast.
She could feel that she was coming near to her end.
“K-Kroen…”
Nakikita pa niya ang panlalaki ng mga mata ni Quinn habang nakatunghay sa kanya. Unti-unting pumapanawang kanyang katawang lupa. Ang tangi nalang malinaw na malinaw pa rin sa kanya ay ang napakagwapong anyo ng kanyang asawa. At ang natataranta nitong anyo habang hindi malaman kung hahawakan ba siya o hindi.
“Iniibig kita ng sobra, Quinn.”
“Kroen!!!” Ang malakas na sigaw ni Quinn sa pangalan niya ang huli niyang namalay hanggang sa tangayin na siya ng hangin sa kawalan.
NAPALUHOD si Quinn sa telang nakalatag sa buhanginan habang buong panlulumong dinadakot ng mga kamay ang abong naiwan ni Kroen. Wala na ang asawa niya. Sa isang saglit ay nakita niya kung paano naging abo ang lambana. Hindi niya iyon matanggap. Maski pa inihanda na niya ang sarili sa pag-alis ni Kroen at maski pa harapan niyang nakita ang pagkawala nito, hindi pa din iyon matanggap ng kanyang puso at isip. Hindi niya kayang tanggapin na iniwan na siya ng kanyang asawa. Hindi niya kayang isipin na gigising siya bukas na wala na ang makulit at may napakagandang ngiti na si Kroen. Hindi niya kayang tanggapin na mag-isa nalang siya matapos ang araw ng kanyang kasal.
“Na-mi-miss na kita kaagad, Kroen…” Lumuluhang wika niya sa abo ng asawa. “Hindi ko matatanggap na isa ka lang masayang panaginip. Hindi… Hindi ko kayang tanggapin na ganoon lang…”
Humahagulhol na yumuko siya sa buhanginan.
“Kroennnnnn!!!!!!!!!!!”
Kung may ilang sandali si Quinn sa ganoong posisyon hanggang sa magdesisyon siyang tipunin ang abo ni Kroen at ibalot sa tela. Nanatili lang siyang nakaupo sa buhanginan. Matagal. Inabot na siya roon ng bukang-liwayway ay hindi pa din siya tumatayo. Gusto pa ring umasa ng puso niya na mula sa kung saan ay lilitaw ang kanyang asawa.
He was still hoping that the enchanted scene he witnessed was just a pigment of his imagination. Or that it was just a dream. Kroen will going to rise from the water and will going to run towards him and hugged him tight. Just like what they did the last time they were in that same beach. He still wanted to hope… Gusto niyang papaniwalain ang sarili na babalik pa si Kroen… Babalik ito… babalikan siya nito.
Subalit inabot na siya ng tanghali roon at lahat ay hindi na muling nagpakita si Kroen. Walang Kroen na lumitaw mula sa tubig. Walang Kroen na tumatakbo sa buhanginan at kinukulit siyang magpatabon ng buhangin rito. Walang Kroen na gustong magpagawa ng sand castle sa kanya. Walang Kroen na nagpupumilit sa kanyang habulin ang mga jelly fish na naliligaw malapit sa dalampasigan. Wala si Kroen… Wala na si Kroen…
Pero bakit sa puso niya, buhay na buhay pa rin ang asawa? Buhay pa rin ang mga alaala nito at kahit paano, gusto niyang ngumiti kapag naaalala ang mga ngiti nito. Gusto niyang humalakhak kapag naaalala ang tunog ng pagtawa nito.
Tumayo na si Quinn at nagpasyang bumalik sa rest house niya.
But it was just a wrong move. Dahil sa entrada palang, agad na sumalubong sa kanya ang alaala ng asawa na nakahalumbaba sa balustre roon sa teresa. Ngumiti iyon sa kanya at kumaway sabay sabing: “Anong isda ang nabili mo?”
Ipinilig niya ang ulo at nawala ang imahe ni Kroen. Dumeretso siya sa loob at waring nakita na naman niya itong nakaupo sa couch at nanunuod ng telebisyon. Nang dumako naman ang mga mata niya sa hagdanan ay tila nakikita niyang bumababa roon ang magandang imahe ng asawa at nakangiting sumalubong sa kanya.
“Kroen…” Tinangka niya itong hawakan subalit nawala ang imahe nito.
Ah!!!
Mababaliw na siya. Siguradong maging sa pag-akyat niya sa bawat silid sa itaas ay makikita at maaalala pa rin niya ang asawa. Bumalong na naman ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Hindi na niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang ganoong senaryo na nasa matino siyang pag-iisip. Hindi niya alam… At hindi niya alam kung kakayanin niya.
“Kroen… Bumalik ka na, mahal ko…”
Sumalampak si Quinn sa sahig yakap ang telang kinababalutan ng abo ni Kroen at muli na namang humagulhol.
“KROEN…”
Iminulat ni Kroen ang mga mata at napabangon mula sa pagkakasalampak sa—
Natigilan siya. Nakalutang siya! Pero wala naman siyang pakpak. Nasa anyong tao pa rin siya. Walang ibang makita si Kroen kundi ang maliwanag na kawalan. Patay na siya. Hindi ba dapat na wala na siyang nakikita? Dapat ay naglaho na siya. Subalit tila naririnig niya ang tinig ni Quinn mula sa kung saan. Bakit? Paano?
“Kroen…”
Hayun na naman ang napakalungkot na tinig ni Quinn na tila tinatawag siya. Ngunit saan niya hahanapin ang asawa? Saan nagmula ang tinig? Hindi niya ito makita.
“Quinn!”
Nagpalinga-linga siya sa paligid na para bang sa paraang iyon ay makikita niya ang asawa. Samantalang napakaimposible naman noon dahil pulos kawalan ang nakikita niya. Napaiyak nalang si Kroen sa kawalan ng pag-asa. Dala lang ban g pagkasabik kaya’t tila naririnig niya ang asawa?
Pero paano kung totoo ngang nangungulila sa kanya si Quinn? Paano kung talagang hinahanap siya nito? Paano kung hindi matanggap ni Quinn ang pagkawala niya?
“Quinn…”
Humihikbing niyakap niya ang sarili. Nasasabik na siya sa asawa subalit ano pa ba ang magagawa niya? Lumabag siya sa batas ng mga lambana at kamatayan ang kaparusahan niya. Kaya lang ay bakit naririto siya sa… ano bang lugar ito?
“Kroen.”
Napalingon si Kroen sa muling tumawag sa pangalan niya. Sa pagkakataong iyon ay may nalingunan na siya. Si Erastus. Nagulat siyang makita ito roon. Namatay na rin ba ito?
“Anong ginagawa mo rito? At ako? Ano bang lugar ito? Hindi ba dapat na naglaho na ang ispiritu ko?”
Lumapit si Erastus sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Hindi mapagdesisyunan ng Engkantasya ang patutunguhan mo, Kroen. Alam mo naman na ang mga karaniwang lambanang lumabag sa batas ay tuluyang naglalaho matapos mamatay at habambuhay na pahihirapan at makukulong sa dilim kasama ng tagalipol ng mga suwail na lambana. Ang mga lambana naman na namatay dahil sa paghina ng paniniwala ng mga mortal ay lumilitaw muli sa unang pagtawa ng sanggol na nagmula sa lahi ng mortal na dahilan ng kamatayan niya. At hindi ka purong lambana. Kalahating mortal ka Kroen.”
Nalilitong napatitig siya rito. “Nasaan ako, kung ganoon?”
“Nasa Gitbutay ka.”
Ang Gitbutay o kalagitnaan ng buhay at kamatayan. Iyon ang huling hantungan ng mga lambanang naghihintay na muling lumitaw sa ibabaw ng bagong bulaklak.
“Ibig mo bang sabihin na makakabalik ako sa Engkantasya bilang lambana?”
Umiling si Erastus. “Narito ka dahil hindi malaman kung saan ka ilalagak. Hindi hiningi sa itaas ang kaluluwa mo. Hindi ka rin tanggapin ng mga tagalipol ng mga lambana at makulong sa dilim dahil wala ka sa listahan ng mga purong lambana. Minabuti ng iba pang miyembro ng konseho na dito sa sa Gitbutay muna ilagak ang ispiritu mo habang hindi pa mapagpasyahan ang gagawin sayo. Maski na nilabag mo ang batas ng mga lambana, hindi ka pa din tuluyan maipatapon sa huling hantungan dahil pinagdedebatihan pa kung saan ka nararapat ilagak at kung sino ang dapat na tumanggap sayo.”
Bumuntong-hininga si Kroen. Dagli ay may pumasok na ideya sa isip niya.
“Kung ibalik niyo muna sa lupa ang ispiritu ko habang pinagdedesisyunan pa kung saan ako itatapon? Gusto ko sanang bantayan si Quinn.” Matapat na saad ni Kroen kay Erastus.
Walang dahilan para magsinungaling siya. Isa pa ay kayang basahin ni Erastus ang laman ng isip niya kung gugustuhin nito.
Saglit na natahimik si Erastus. Palagay niya ay nakikipagkomperensiya na ito sa isip sa iba pang miyembro ng konseho. Ilang sandali at nakangiting humarap na ito sa kanya.
“Pinahintulutan ka nila.” Tuwang-tuwang tinalon niya ng yakap si Erastus. “Pero sa kondisyon na kasama mo ako sa lupa.”
Nakangiting kumalas siya kay Erastus. Maski ano pang kondisyon basta makasama niya si Quinn ay papayag agad siya.
“Kailan tayo tatawid sa kabilang mundo?” nasasabik na tanong niya rito.
“Ano mang sandali na naisin mo.Nais mo ba na ngayon na?”