Enchanted (Compilation of Lambana Stories) Chapter 20

KASABAY ng pagtango ni Kroen ay nabago ang anyo ng paligid nila ni Erastus. Sa isang kisap-mata ay naroroon na sila sa bahay ni Quinn sa San Juan. Sabik na nagtatakbo siya paakyat sa hagdan para hanapin ang asawa.

Sa work room nito siya unang pumunta. Mas madalas naman kasi na doon magbababad si Quinn. Simula’t sapul ay wala naman itong nais gawin kundi ang gumuhit. Subalit hindi niya ito natagpuan roon. Pumunta siya sa silid nito. Ngunit wala rin doon ang kanyang hinahanap. Umahon ang kaba sa dibdib niya. Nasaan si Quinn?

Saglit siyang natigilan matapos maalala ang silid na ginagamit niya noong mortal pa siya. Kung tama ang iniisip niyang nangungulila sa kanya si Quinn, malamang na naroroon iyon. Dagli siyang nagtatakbo patungo sa kanyang silid. At hindi nga siya nagkamali. Natagpuan ni Kroen na nakahilata si Quinn sa kanyang kama. Tulog na tulog ito habang yakap ang kasuotan niya noong unang pagkakataon na lumitaw siya sa mundo ng mga tao.

Humagibis ang lungkot sa puso ni Kroen matapos matunghayan ang walang pagsidlang hapis sa gwapong mukha ng kabiyak. Tinangka niyang haplusin ang mukha ni Quinn subalit tumagos lang iyon. Sa pagkamangha pa niya ay tumulo ang nag-iisang butil ng luha mula sa nakapikit na mata nito.

Napahikbi na si Kroen. Alam niya at nararamdaman niya ang dinadanas na sakit at paghihirap ni Quinn. Dahil maski naman siya, ganoon din ang nararamdaman. Narito lang siya sa tabi ng asawa subalit hindi naman niya ito mahawakan. Gustuhin man niyang pagaanin ang loob nito ay hindi niya magagawa.

“Kroen…”

Naitakip ni Kroen ang dalawang kamay sa mukha at humaguohol matapos marinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan mula sa pagtulog. Ganoong-ganoon ang tinig nito sa tuwing maririnig niya habang nasa Gitbutay siya. Posible kayang ang panaginip nito ang naghahatid sa kanya sa tinig nito habang nasa Gitbutay pa siya?

Naramdaman ni Kroen ang isang kamay sa kanyang balikat.

“Huston a, Kroen.” Narinig niyang pag-aalo sa kanya ni Erastus.

Halos hindi na niya ito inintindi kaninang pagkalapat ng mga paa niya sa bahay ni Quinn.

Tumunog ang cellphone ni Quinn na nasa tabi lang nito. Nagising ito at pupungas-pungas na inabot ang nag-iingay na gadget.

“Hey, Matthew? Napatawag ka?” bungad ni Quinn sa tumatawag. Saglit itong nakinig sa kausap. “Ha? On the way ka na papunta rito? Anong meron?” Nakinig itong muli. “No, thanks dude. I’m fine.” Pumalatak si Quinn. “I’m not in the mood to go out… Hello? Matt??? Tss!”

Inis na inihagis ni Quinn ang cellphone sa kama. Bumangon na ito at maingat na itinupi ang damit na yakap sa pagtulog saka itinabi sa closet. Lumapit ito sa isang parihabang sisidlang bubog na kahalintulad ng sisidlan ni Matthew ng mga isda. Ang ipinagkaiba lamang ay hindi niya nakikita ang laman noon sapagkat nababalutan ng mga larawan niya ang paligid ng sisidlan.

Isang malaking larawan niya ang nasa front surface ang hinarap ni Quinn. Ngumiti ito at pagkuway hinaplos ng likod ng palad nito ang pisngi ng larawan niya.

“Happy anniversary, sweetheart. Miss na miss na kita, mahal ko.”

Isan g butil na naman ng luha ang kumislap sa mata ni Quinn. Dagli siyang napabaling kay Erastus.

“Anniversary?” nagtatakang tanong niya.

Tumango si Erastus. “Isang taon na ang nakalilipas magmula ng mawala ka.”

“Ngunit saglit pa lang ako sa Gitbutay.” tutol niya.

“Sakop ng kaalaman mo na napakabagal ng oras sa Gitbutay, Kroen.”

Nakalimutan niya. Napabuntong-hininga nalang si Kroen. Kung ganoon pala…

Muli siyang bumaling sa asawa. At halos mawasak ang puso niya matapos matunghayan ang napakalungkot na mukha nito. Napakatagal na pala nitong nagdurusa. Isang taon na ang lumipas at hindi pa din siya nito nakakalimutan maski alam naman nito na hindi na siya makakabalik.

Tumunog ang doorbell sa ibaba. Napilitan tuloy si Quinn na lumabas. Naiwan siya roob. Pakiwari ba niya’y ayaw na niyang kumilos. Hindi na niya kayang panoorin at matunghayan ang kamiserablehan ng asawa. Pakiwari niya, doble ng paghihirap ni Quinn ang nararamdaman niya ngayon.

“Ang abo ng katawang lupa mo ang laman ng sisidlan.” Sabi ni Erastus.

“A-ano?” nagtatakang tanong niya.

Hindi naman ganoon kadami ang abo niya para ilagay sa ganoon kalaking sisidlan.

Tinitigan ni Erastus ang parisukat na sisidlang bubog. Saglit pa at nakikita na niya ang laman ng sisidlan. Nalalatagan ang ilalim ng putting tela saka maayos na nakakalat ang abo sa tela. Maski pala ang abo niya ay iniingatan din ni Quinn. Lahat nalang yata ng bagay na may kinalaman sa kanya ay iniingatan nito. Paano pala ito makakalimot sa kanya kung ganito na tila ayaw din naman ni Quinn na lumimot.

Masakit man ang ideya na lilimutin siya ng lalaking pinakaiibig niya ay kailangan niya iyong imungkahi. Dahil mas mahihirapan ito kung patuloy na magmamahal at aasa saw ala. At tulad niya, gusto niyang umasa na maaaring magbago ang desisyon ng kalikasan. Subalit batid din naman niyang kailangan niyang pagbayaran ang nagawa niyang pagkakamali. Sumuway siya sa patakaran ng mundo nila kaya’t natural lang na parusahan siya ng kalikasan.

“I’m not goin’, Matt. Anniversary namin ni Kroen. Hindi ako pwedeng umalis.”

Napabaling si Kroen sa labas. Naririnig niya ang mga boses nina Quinn at Matthew. Napilitan tuloy siyang bumaba.

“Dude, ano ka ba naman? Kailan ka ba matatauhan? Wedding anniversary ninyo pero mag-isa ka lang. At bakit ba isang taon na siyang missing in action? Ano ba talagang nangyari pagkatapos ng kasal? Pati si Lolo, parang hindi naman nag-aalala.” Sermon at pag-uurirat ni Matthew sa kaibigan.

Patamad na naupo sa couch roon sa receiving area si Quinn. Dumeretso naman sa mini bar si Matthew at nagsalin ng alak sa dalawang kopita. Kung ganoon ay hindi ipinaalam ng kanyang ama at ni Quinn ang dahilan ng pagkawala niya. Natural lang naman na magtanong si Matthew. Sa palagay niya, iba din ang alam ng Daddy niya sa pagkawala niya. Iyon ang dahilan kung bakit mas masakit at mahirap para kay Quinn na mag-isa niyang dinadala sa dibdib ang pagluluksa.

Inabutan ni Matthew ng alak si Quinn. “Come on, dude. Ayusin mo nga ang buhay mo? Pinsan ko man si Kroen, pero hindi ko gusto ang ginagawa niyang pagbibitin sayo sa kawalan. Ginagawa niyang miserable ang buhay mo. Hindi ka na tulad ng dati. Bihirang-bihira ka na ngang lumalabas sa lungga mo.” Matthew sighed frustratedly. “I thought you’ll be happy marrying Kroen. I can see that you love each other. But am I wrong?”

Quinn drunk his liquor until he emptied his glass. “I love her. I really love her. And I believe that she loves me so much, also.” Maemosyong saad nito sa kaibigan. May pakiramdam siya na nababasag na naman ang puso niya sa kalungkutan ng asawa.

“If that so, then why did she left you? At isiping sa mismong araw ng kasal ninyo siya umalis? Alam ko iyon dahil bumalik ako rito para kunin ang naiwan kong mga gamit at wala na siya.”

Lumingon si Quinn sa kaibigan. He just looked at him and didn’t say anything.

“What?” untag ni Matthew.

“Kapag sinabi ko, hindi ka maniniwala.”

“Oh try me, bro.”

Quinn released a heavy sigh once more. “Kroen’s gone.”

“What?!” gulantang na tanong ni Matthew. “How? What happened? Bakit hindi namin alam? Ano bang sinasabi mo? Nagbibiro ka ba?”

“She turned to ashes after her one hundred days in our world.”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Matthew si Quinn. “Ano bang kalokohan iyan, pare?”

“See? You looked horrified.” Patuyang saad ni Quinn. “You’re a doctor. Alam ko na ang sasabihin ko kapag ipinagpilitan ko iyan. Sasabihin mo na I should consult a psychiatrist because I might losing my sanity. That I was stressed out. That I was just missing her so badly I ended up making such impossible stories.”

Napailing nalang si Matthew. “You didn’t look like an insane one. You looked stressed. At hindi iyan senyales ng taong mayroong healthy mind. Maybe you’re hurt and angry kaya mo nasasabi iyan—”

“No.” antala ni Quinn sa kaibigan. “Hindi ako galit sa kanya. Miss na miss ko nalang siya.”

Quinn’s eyes turned misty. Gusto ni Kroen na yakapin ang asawa at pagaanin ang loob nito. Gusto niyang ipadama na naroroon lang siya sa tabi nito. Pero paano?

She felt frustrated at wala siyang ibang nagawa kundi ang makisalo na din sa bigat na dinadala ni Quinn sa dibdib nito. Napaluha nalang siya habang tinitingnan ng buong pagmamahal ang asawa.

“Kung miss mo nap ala siya, bakit hindi mo nalang siya sundan?” mungkahi ni Matthew.

Nais yata niyang sikamtin ang pamangkin. Kung nalalaman lang nito na binubuyo nito sa hindi maganda si Quinn.

“Quinn, huwag! Huwag kang making kay Matt. Huwag mo akong susundan!” pahurumentadong sigaw niya. Tahimik lang si Quinn na tila nag-iisip. “Quinn! Mahal ko, huwag!”

“Kahit anong gawin mo, hindi ka niya, maririnig, Kroen.” Saad ni Erastus sa tabi niya.

Bumaling si Kroen kay Erastus. Gusto niyang humingi ng tulong subalit palagay niya ay wala rin naman itong maitutulong. Hindi naman siya nito kayang buhayin at gawing tao muli.

Tarantang bumaling siya sa nananahimik na asawa. Hinawakan niya ito sa balikat subalit tumagos na naman siya. Umiyak na naman siya.

“Quinn… mabubuhay ka pa ng matagal. Huwag kang gagawa ng hindi maganda sa sarili mo.”

Bumaling si Quinn kay Matthew. “That’s a better idea, bro.” Sa pagkagulat ni Kroen ay saad ni Quinn. Lalo siyang nataranta.

“Hindi! Huwag Quinn! Huwag mong gagawin iyan!”

“Kung makasisigurado lang ba ako na magkikita kami kapag sumunod ako sa kanya, gagawin ko.” Pagkuway dugsong ni Quinn. Nabawasan ang tensyon na nadadama ni Kroen.

“E bakit ba kasi hindi mo alam kung saan nagpunta si Kroen? Si Lolo ba, hindi niya rin alam?”

Umiling si Quinn. “Ayaw rin naman ni Kroen na sundan ko siya.”

“Mabuti at alam mo.” Nakahinga ng maluwag si Kroen.

Sumabunot ang kamay ni Matthew sa buhok nito. “And what did you planned to do with your life now, man?”

“I wanted to be happy. But I don’t know how.”

“Paano? Alam ko naman na si Kroen lang ang makakapagpasaya sayo. Kaya lang, paano mo naman siya mahahanap kung hindi mo alam kung nasaan siya?”

Kibit-balikat ang itinugon ni Quinn.

“Hayst! Para kang bulag na naghahanap ng liwanag.” Palatak ni Matthew.

Umiling lang si Quinn. “Pakikuha ng scotch, gusto ko pang uminom hanggang sa makalimot.”

“You know what,” Tumalikod si Matthew habang nagsasalita. Dumeretso ito sa mini bar para kumuha ng alak. “You should take a rest and stopped thinking such problems. Lumabas ka at magsaya. Sumama ka sa akin. Kaya nga ako naririto, hindi ba?”

“Sayo na nanggaling na si Kroen lang ang makakapagpasaya sa akin. Hindi ang paglalamyerda, pagpunta at pagwawala sa mga bar at pag-iinom.”

Hindi na kinaya ni Kroen ang mga naririnig at nakikitang kamiserablehan ng asawa. Hindi na niya ito kayang bantayan pa. Hindi na niya kayang makita ang paghihirap ng loob ni Quinn.

“Ibalik mo na ako sa Gitbutay, Erastus.” Anyaya niya.

“Iyon ba talaga ang nais mo?”

Binalingan niya si Quinn na nakaupo at umakto na yayakapin ito. Eksakto lang para hindi siya tumagos. Hinagkan din niya ito sa pisngi at sa buhok bago hinarap si Erastus.

“Halika na.”

Tumango si Erastus at sa isang iglap ay nagbalik sila sa liwanag at kawalan. Muli na naman siyang humagulhol. Hindi na niya napigilan ang damdamin. Ano nang gagawin niya? Paano niya magagawang bawasan ang paghihirap ng damdamin ni Quinn? Paano niya ito maibabalik sa dati nitong buhay? Paano?!

“Kroen…”

Naramdaman na naman niya ang pagyakap at pag-alo ni Erastus.

“Kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan. Hindi nalang sana ako dumating sa buhay niya.”

“Sssh… Kroen. Hindi ka dapat na nagsasalita ng ganyan.”

“Hindi ko alam kung paano maaayos ang lahat. Gusto kong mabuhay muli bilang tao at makasama ang lalaking mahal ko.” Humagulhol na naman si Kroen. “Pero paano? Paano kung ganitong imposible na iyon.”

Yakap ang naging tugon ni Erastus sa pag-iyak niya at sa mga tanong niya.

QUINN couldn’t help but closed his eyes. Wari niya ay may yumakap sa kanya. Parang may humalik pa nga sa ulo niya. Pakiramdam niya, nasa paligid lang si Kroen at binabantayan siya. Hindi ba ito matahimik sa kabilang buhay dahil wala sa ayos ang buhay niya?

Siguro nga, hindi natutuwa si Kroen sa kamiserablehan niya kaya’t nagpaparamdam ito. Sinabi nito at nais nito na ituloy niya ang buhay niya maski wala na ito. Pero ano bang ginagawa niya? Isang taon na siyang nagmumukmok sa resthouse niya. Araw-araw na nasa dalampasigan siya at nagre-reminisce ng mga alaala nila ng asawa. Kung anu-ano lang ang ipinipinta niya kapag humaharap sa canvas. At sa tuwing may exhibit ay ipinauubaya niya iyon sa kinukuhang event coordinator.

Paano ba naman, araw-araw siyang umaasa na posibleng magkaroon ng himala at lumitaw muli si Kroen sa lugar kung saan ito naglaho at naging abo. Oo. Siguro nga, isa siyang tanga. Pero ano ba ang magagawa niya kung ganito na kahit patay na si Kroen, hindi naman namatay ang pag-ibig niya rito. Hindi siya magsasawa at matatapos na mahalin ang asawa…

“KROEN.”

Mula sa pagkakasalampak sa kawalan ay nag-angat ng hilam sa luhang mga mata si Kroen. Si Erastus. Akala ba niya ay umalis na ito at bumalik sa Engkantasya? Bigla nalang kasi itong nawala matapos niyang mag-iiyak. Pero hayun at naririto na naman ito sa tabi niya.

“Tumayo ka na diyan, Kroen at maghanda ka.”

Dagli siyang napatayo. Ano bang sinasabi nito?

Nakamaang na tiningala niya si Erastus.

“Babalik ka na sa mundo ng mga tao.”

Ang malungkot na damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay dagling naglaho. Napalitan iyon ng napakaraming iba’t-ibang damdamin. Tuwa, pagkasabik, pagtataka at pagdududa.

“Hindi kita maunawaan, Erastus. Kung binibiro mo ako ay hindi ko ikinatutuwa iyan.”

Ngumiti si Erastus ng ubod tamis sa kanya at inabot ang magkabila niyang balikat.

“Hindi ito isang biro. Totoo. Napagkasunduan ng konseho na ibalik ka sa mundo ng mga tao yamang hindi mapagdesisyonan kung saan ka ilalagak. Kung magiging mortal ka, sa sandaling panawan ka ng buhay ay ang mundo na ng mga tao ang magpapasya para sa iyo.”

Sa labis na tuwa ay napatalon siya at niyakap si Erastus. Gumanti rin ito ng mahigpit na yakap sa kanya.

“Pero… sigurado na ba ito? Wala na ba itong bawian? Paano kung biglang makaisip ang mga kasamahan mo sa konseho ng tama at dapat kong kalagyan?” nagdududa pa ding tanong niya.

Ngumiti muli si Erastus. “Hindi ka na dapat na nag-aalala. May kasunduan na kami ng iba pang miyembro ng konseho. Hindi na nila maaaring basta bawiin ang napagkasunduan.”

“Anong ibig mong ipahiwatig?”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito saka nagpaliwanag.

“Noon pa man ay iniibig na kita, Kroen. Subalit hindi ko kaya na nakikita kang nahihirapan. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan dahil wala kang magawa para sa lalaking totoo mong iniibig. Kaya naman, nakipagkasundo ako sa buong konseho. Isusuko ko ang aking buhay at katungkulan sa konseho kapalit ng pagbabalik sayo sa mundo ng mga tao at gawin ka nang ganap na mortal—”

“H-hindi! Hindi mo gagawin iyan!” pag-antala niya kay Erastus. “Hindi ako makakpayag na mapahamak ka ng dahil sa akin. Hindi, Erastus.” Natatarantang sambit pa niya.

Marahang pinisil ni Erastus ang kanyang balikat upang pakalmahin siya.

“Hindi ako mapapahamak, Kroen. At kusang-loob kong isinusuko ang pagiging miyembro ko ng konseho. Wala kang dapat na ipag-alala.”

Mas lalong binagabag siya ng konsensiya nang ngitian siya nito. Napakabuti nito. Paanong nagagawa nitong magsakripisyo para sa isang hamak na tulad niya.

“Pero ang sabi mo’y—”

“Magiging mortal din ako, Kroen. At makakalimot. Magkakaroon ako ng panibagong buhay sa mundo ng mga tao. Iyon nga lang ay saglit at kasing igsi ng sa mga mortal. Ngunit hindi ba’t hindi na rin iyon malupit? Mararanasan ko ding mabuhay sa kabilang mundo. Marahil ay makakasama din kita. Ang mahalaga sa akin ay maibalik kita sa lalaking iniibig mo.”

“Erastus…”

Umiiyak na yumakap siya sa malaki at matatag na katawan nito. Hindi niya mapaniwalaan na ganoon siya kamahal ni Erastus na handa nitong ialay ang buhay na walang hanggan kapalit ng kanyang kaligayahan. At isipin pang iniibig siya nito ngunit tutulungan siya nito para makapiling ang iba. Napakabuti nito.

“Hindi ko alam ang dapat na sabihin, Erastus.” Sambit niya sa gitna ng paghikbi.

“Wala kang dapat na sabihin kundi ang pangako na magiging maligaya ka. Ipangako mong magiging maligaya ka, Kroen.”

“Oo, Erastus. Ipinapangako ko. Maraming salamat sa iyo. Sa kabutihan at sa pag-ibig mo.”

Muli niya itong niyakap kasabay ng pagbaha sa kanyang dibdib ng kaligayahan at pananabik na makabalik kay Quinn.

Two years after Kroen’s death

PAPASOK si Quinn sa silid ng namayapang asawa para alayan ng bulaklak ang abo nito. Araw-araw niyang ginagawa iyon sa loob ng dalawang taon. Ngayon nga ay second anniversary na nila, ng kasal nila. Ang araw na iyon ay hindi araw para gunitain ang pagkawala ni Kroen kundi ang pinakamahalagang araw para sa kanila. Araw ng pag-iisang dibdib nila.

Matapos makalapit sa front surface ng sisidlan na may nakakapit na malaking larawan ni Kroen ay ngumiti siya. Napakaganda pa din ng kanyang lambana. Kung nabubuhay ito, sigurado siyang wala pa ding kupas ang taglay nitong ganda at alindog.

“Happy second year anniversary, sweetheart.” Aniya habang hinahaplos ng likod ng kamay ang bandang pisngi sa larawan. “Miss ko na ang adobong gumamela mo.”

Napatawa siya sa sarili matapos balikan ang alaalang iyon. Ang unang beses na nagluto si Kroen. Saglit pa at may namuo na namang mga luha sa kanyang mga mata. Tumingala siya upang pigilan ang pagpatak ng mga iyon. Sinabi ni Kroen na pulos maliligayang alaala lamang ang aalalahanin niya upang hindi siya malungkot. Pero kahit ganitong maliligayang alaala ang iniisip siya, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapaluha. Miss na miss na niya ito.

“Mahal ko…gusto kitang makasama.”

Bago pa siya tuluyang maiyak ay tumalikod na siya. Magliliwaliw muna siya sa may dagat at…

“Quinn…”

Napaigtad si Quinn. Bakit tila nadinig niya ang boses ni Kroen? Ah, namimiss na niya ito ng sobra kaya’t kung anu-ano ang naririnig niya at ginagawang ilusyon ng utak niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng silid.

“Quinn…”

Pero iyon na naman ang boses ni Kroen. Bigla ang ginawa niyang paglingon. At ganoon nalang ang panggigilalas niya matapos mapansing nagliliwanag ang clear glass container na kinalalagyan ng abo ng asawa. Mabilis na nilapitan niya iyon at ibinaba mula sa console table.

Patuloy iyon sa pagliliwanag. Saglit pa at naaaninag na niya ang isang kamay na may pamilyar na singsing sa palasingsingan. Namamangha man subalit mas matimbang ang kaligayahan at pananabik na inabot niya ang kamay sa gitna ng liwanag sa loob ng glass container.

Hindi siya nagkamali. Dahil kung paano ang pakiramdam kapag nahahawakan niya si Kroen ay ganoon ang damdamin niya ngayon. Ilang saglit pa at hinila na niya ang kamay nito mula sa liwanag upang tumuyang mabuo ang imahe na kay tagal na niyang kinasasabikan.

“Kroen!” Halo-halo ang emosyong bulalas niya.

“Kamusta?” Malapad ang ngiting bati ng napakagandang mukha ng babaeng mahal na mahal niya.

Hindi makapaniwalang napatunganga siya rito habang hinahagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinubukan niya rin itong hawakan upang makasigurado siyang totoo ito at hindi na bunga ng pananabik niya.

“Totoo ka!”

Tumawa si Kroen. “Oo naman. Totoong tao na ako ngayon. At totoong sabik na sabik ako say—”

“Sa labis na kaligayahan ay agad na kinabig niya ito at niyakap ng mahigpit. Saka pinupog ng nag-aalab na halik. Dalawang taon siyang nangulila. Makatwiran naman siguro ang nadarama niyang pagkasabik sa asawa.

“Palagay ko, nasabik ka din sa akin.” Pabirong saad ni Kroen sa kanya matapos nilang pakawalan ang isa’t-isa.

“Kung alam mo lang, Kroen. Kung alam mo lang.” Natigilan siya matapos may maalala. “Sinabi mong totoong tao ka na? Totoo ba?”

Ipinaliwanag nito sa kanya ang lahat-lahat maging ang pagdalaw nito sa kanya. Kaya naman pala minsan niyang naramdaman ang presensiya nito.

“Ibigsabihin, magkakasama na tayo? Totoong-totoo na ito? Wala nang mga batas na dapat kong iwasan para makasama kita ng panghabambuhay?”

Sunod-sunod na tumango si Kroen. Sa sobrang tuwa niya ay binuhat niya ito habang nagsisisigaw sa sobrang tuwa. Sa wakas ay hindi na sila mapaghihiwalay ng magkaibang mundo. Malaya na nilang magagawang mahalin ang isa’t-isa ng walang inaalala. Tapos na ang lahat ng paghihirap nila.

“Mahal na mahal kita, Kroen. At sinisigurado ko sayo, even death do us part, I will never stop loving you. Maski sa kabilang buhay, mamahalin pa din kita.”

“Ako man, Quinn. Iniibig kita ng sobra at hindi ang magkaibang mundo natin ang makakapigil sa pagpintig ng puso ko para sayo.”

Bago pa mauwi sa kung anu-ano ang lahat ay muling siniil ni Quinn ng marubdob, nag-aalab at nananabik na halik ang labi ng asawa.

.

.

.

.

Nagulat ang ama ni Kroen nang malaman na nakabalik na siya. Subalit pumanaw rin ito makalipas ang ilang buwan. Labis ang pagdadalamhati niya dahil hindi man lang niya nakasama ang ama ng mas matagal gayong ang una niyang hangad sa pagtawid sa mundo ng mga tao ay ang makasama ang kanyang ama.

Hindi nawala ang alaala niya patungkol sa Engkantasya at parati pa rin siyang kinakamusta at kinakausap ng kanyang ina sa panaginip. Iyon nalang ang paraan para makapag-usap sila dahil ganap na siyang mortal.

Maski ang mga kaibigan niyang lambana ay madalas din siyang dalawin. Maski papaano ay hindi siya nawalan ng paraan kung paano makakasama ang mga nilalang na kinalakihan niya. Siguro, kung may bagong lagusan patungo sa Engkantasya, iyon ay ang alaala niya.

Sa ngayon, maligaya silang nagsasama ni Quinn kasama ang nag-iisang makulit nilang anak na babae, si Shunn.

WAKAS

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.