Enchanted (Compilation of Lambana Stories) Chapter 31

PABAGSAK na umupo sa kama si Erastus. Pagod na siya. Kakauwi lang niya sa condo niya, galing sa isang misyon. Succesful naman ang biglaan nilang pagsugod sa isang drug den sa Bulacan. Nahuli din ang mga kriminal na sumisira sa buhay ng mga kabataan sa lugar. Tatlong linggo lang nang mapunta sa kanya ang proyektong iyon at ngayon nga ay naplantsa niya rin sa wakas ang trabaho.

Hihiga na sana si Erastus nang may maalala. Hinila niya ang drawer sa side table at inilabas ang puting bato. Napabuntong-hininga siya saka tuluyang humiga sa kama. Ang bahaging tuhod paibaba ay nakalaylay sa kama. Itinaas niya ang bato habang hawak iyon.

Isang buwan na din pala.

Isang buwan na magmula nang umalis si Rosette sa buhay niya. Isang buwan na siyang ginugulo ng alaala nito. Pati na din ang napakadaming katanungang dala nito sa kanya. Tatlong beses na siyang nanaginip patungkol sa mga kakaibang nilalang magmula nang umalis si Rosette.

At sa bawat pagkakataon, gusto niyang mayamot kay Rosette sa biglaan nitong pag-alis. Kung kailan handa na siyang makinig sa mga sasabihin nito, saka naman ito nawala.

Araw-araw siyang naghihintay sa pagbabalik nito. Para siyang tanga na parating tinitingnan ang bato at umaasang magliliwanag ulit iyon. Na lalabas ulit mula roon si Rosette. Pero wala. Nakabalik siya at lahat sa serbisyo ay hindi na bumalik ang babae.

Naroong abalahin na lang niya ang sarili sa trabaho at mga misyon. Sinubukan niya rin lumabas nang ayain siya ni Shunn. Nagbabakasaling makakalimutan na niya ang paghihintay kay Rosette.

But he failed.

Dahil parati niyang naaalala si Rosette. Parati itong sumasagi sa isip niya at parati siyang nananabik sa pagbabalik nito. Kahit ipinagtutulakan siya ng ina na bigyan ng panahon ang sarili na maki-hang out kay Shunn ay hindi niya maturuan ang sarili. Pinagbibigyan ni Erastus ang ina sa pagse-set ng date sa kanila ni Shunn—na hindi niya alam kung paanong nagkakilala ang dalawa—hindi pa rin mapunan niyon ang pagkasabik at paghihintay niya kay Rosette.

Hanggang kailan siya maghihintay?

At may hinihintay ba talaga siya?

Babalik pa ba ito?

“Hay, Rosette! Why did you have to do this to me?” Hindi niya napigil ang mapabuntong-hininga na naman.

Pinipilit niya ang utak na huwag nang umasa pero hindi ganoon ang nangyayari. Pilitin man niya pero hindi niya mapigil ang sarili na umasang babalik si Rosette.

Babangon na sana ulit si Erastus para ibalik ang bato sa loob ng drawer nang bigla iyong magliwanag. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng napakabilis at napakalakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Palawak nang palawak ang liwanag at nasisilaw na siya kaya isinangga niya ang isang braso upang maprotektahan sa tila nakakagulat na liwanag.

Ilang sandali rin iyon nang unti-unti nang mawala ang liwanag. Madidismaya na sana siya dahil parang walang kahit anong bago sa paligid nang may bumagsak na kung ano sa ibabaw niya.

Dumoble ng napakaraming beses ang pagkabog ng kanyang puso nang makita ang pinakamagandang mukha na nakita niya. Napakalapit lang nito dahil nakakubabaw ito sa ibabaw niya.

Their lips almost touch each others. And there was something aching inside him… aching to kiss her.

Touch her.

Hindi nakatulong ang pagkagulat na makikita sa magandang mukha ni Rosette na nakatunghay sa kanya. Dahil lalo lang noong pinaigting ang damdamin niya.

Hindi niya napigilan ang sarili. Magkakahalong pagnanais, tuwa at pananabik na kinabig niya ang batok nito at inangkin ang pinakamaganda, pinakamalambot at pinakasenswal na yatang labi na matitikman niya sa buong buhay niya.

Sandaling kumawag sa ibabaw niya si Rosette. Sandaling-sandali lang iyon dahil mabilis din itong nagpaubaya. She returned his kisses with the same intensity and need. It was so mind-bending all he wanted to do was kissed her, non-stop.

NAGSUSUMIGAW ang babala sa isip ni Rosette nang maramdaman ang pagkabig ni Erastus sa batok niya. Hindi siya pwedeng halikan ni Erastus dahil magiging mitsa iyon ng kanyang buhay!

Subalit bakit nang mga sandaling lumapat ang mga labi nito sa kanya ay tuluyan niyang nakalimutan ang lahat ng tamang kaisipan?

Nakapasarap sa pakiramdam ng bawat hagod ng malalambot na mga labi nito sa kanya. May hatid iyong kakaibang sensasyong nanunulay, nanunuot at sumasabog sa kanyang buong sistema. It was the greatest feeling she had ever felt in her entire existence. She was surprised she heard a sensual moan came out of her mouth.

Malalasing na lang siya sa mga labi ni Erastus nang marinig ang nagpa-panic na tinig ni Axyl sa kanyang isip.

What the hell are you doing, Rosette?! Ikapapahamak mo iyan! Nasa anyong tao pa rin si Erastus at bibilang pa rin ng tatlumpong araw ang life line mo!

Tuluyang nahimasmasan si Rosette. Mabilis siyang bumangon at umalis sa ibabaw ni Erastus. Masarap ang pakiramdam na namagitan sa kanila subalit mas nangibabaw ang takot niya dahil sa kapangahasang hinayaan niyang mamagitan sa kanila ni Erastus.

Damn it!

Kung bakit ba naman kasi sa ganoong posisyon siya lumabas sa harap ni Erastus?!

Sino ang dapat niyang sisihin? Ang portal?

Hindi!

Kasalanan niya. Alam naman niyang kapag hinalikan siya ng isang mortal, kailangang mahalin siya nito bago dumating ang ikatatlumpong araw, kung hindi ay mamamatay siya. Alam na alam niya iyon.

Pero bakit siya nagpadala sa udyok ng kanyang damdamin?

Damdamin…

Ang pahamak niyang damdamin.

Naramdaman niya ang pagpapaubaya sa kabila ng mariing pagtutol ng kanyang isip. Ganoon na ba siya karupok? O dahil sa magkahalong selos, inis at pananabik niya rito kung kaya hindi siya nakapag-isip nang maayos?

Umahon mula sa kama si Erastus at nilapitan ang nanlalaki ang mga mata sa takot at pag-aaalala na si Rosette.

“Don’t worry, sweet. Hindi ka naman mabubuntis sa isang halik.”

Sa narinig ay umigkas ang isang palad niya patungo sa mukha nito. Sa tono nito ay parang wala lang dito ang halik na iyon. But it cost her her life!

Ang tanga-tanga rin naman kasi niya!

“Hey!” Sandaling tumigas ang anyo ni Erastus ngunit mabilis rin namang bumalik sa walang emosyon ang guwapo nitong mukha.

Kahit dapat na nagagalit siya kay Erastus ay hindi niya mapigilan ang sarili na purihin ang kaguwapuhan nito. Ang matikas na katawan nito na kanina ay kinukubabawan lang niya. Ang masarap na pakiramdam na hatid ng pagkakadaiti ng kanilang mga katawan…

Nah! Stop, Rosette! Stop…

She was really crazy! Ano itong mga kalokohang naiisip niya? Hindi niya ito dapat na pinagpapantasyahan matapos ang kabaliwang nagawa niya?!

“Come on, be fair. You want it, too. `Wag kang umarte na para bang ako lang ang may gusto sa halik na iyon.”

Gustong manlaki ng mga mata ni Rosette. Naapektuhan ba ng pagiging tao nito ang ugali nito? How could he be bold just like that?

“Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo sa akin, Erastus!” galit na singhal niya.

Subalit isang bahagi ng utak niya ang nais na magalit din sa sarili.

It’s not all in him. Dahil nagpaubaya din naman siya. Tama ito, nagustuhan din naman niya. Ano at ganito siya mag-react ngayon?

Magpapakumbaba na sana siya nang makitang ngumiti si Erastus.

“Alam ko, Rosette. Alam na alam ko.” Desire flashes all over his pair of light violet eyes.

Bagaman naapektuhan siya ng nakikita ay para bang may tumutusok na maliliit na karayom sa puso niya.

“Katulad ka na din ng mga tao, Erastus. Isa ka na ring mapagnasang nilalang.” Pagkasabi niyon ay mabilis siyang tumalikod.

“Saan ka pupunta?” pigil nito sa kanya.

“Wala kang pakialam!” Singhal niya rito. She just wanted a minute or two, for herself. Napakaraming alalahanin ang umiikot sa kanyang isip. “At huwag mo akong susundan. Gusto kong mapag-isa.”

“Marami pa akong itatanong sa `yo,” anitong inabot ang kanyang braso. Tinitigan niya ito habang pinaglalabanan ang kakaibang mainit na sensasyong nanunulay sa kanyang mga himaymay.

Bakit ganito ang kanyang pakiramdam? Ganito ba talaga ang mga tao? Nakakalito ang mga damdamin.

Her heart was telling her to stay but her mind wants to dragged her out, away from Erastus.

“Mamaya na lang, please. Hayaan mo muna ako. May malaki kang kasalanang ginawa sa akin at hindi ko alam kung paano kita patatawarin.”

Nakita niya ang halo-halong emosyon sa mga mata ni Erastus. Punong-puno ng pagtataka ang mga mata nito. Tila pagod rin ang mga iyon na nakatitig sa kanya. Higit sa lahat, nakikita niya na ayaw siya nitong hayaang umalis subalit naging mabilis ang pagtakbo ng kanyang isip. Hinablot niya ang braso mula rito.

Lumabas si Rosette sa silid ni Erastus. Nagulat pa siya na ibang lugar ang kinaroroonan niya. Kung ganoon ay wala na sila sa rest house?

Hinanap niya ang main door ng lugar ni Erastus at lumabas doon. Wala siyang alam na dapat puntahan. Ang alam lang niya ay kailangan niyang mag-isip mabuti sa mga susunod na gagawin. Nabibilang na ang mga araw ng buhay niya.

Kapag hindi niya napaibig si Erastus pagkatapos ng tatlumpong-araw ay mamamatay siya.

“Kung bakit ba naman kasi nagpahalik ka sa kanya, Rosette!” gigil na singhal niya sa sarili.

Because you craved for his lips also.

And you even enjoyed his exhilarating kiss!

Dahil sa maliit na mga tinig na iyon sa isip ni Rosette ay lalo siyang naimbyerna. It is all her fault!

Hindi siya nag-iisip nang magpahalik siya sa lalaking mukhang in love na sa anak ni Kroen.

Sa labis na frustration ay napaiyak siya habang naglalakad sa walang hanggang pasilyo. Ano na’ng gagawin niya ngayon? Ayaw pa niyang mamatay. Kapag namatay siya sa Gitbutay siya mapupunta. Hihintayin pa niyang magkaasawa si Erastus at magkaanak para sa unang iyak ng sanggol nito ay muli siyang lilitaw sa ibabaw ng bulaklak .

At ang isiping magkakaroon ito ng asawang mortal at magkakaanak sa ibang babae ay napakabigat sa pakiramdam niya.

SANDALING natigilan si Erastus. Ilang beses na inaral sa isip ang sinabi ni Rosette.

Mamaya na lang, please. Hayaan mo muna ako. May malaki kang kasalanang ginawa sa akin at hindi ko alam kung paano kita patatawarin.

Pilit man niyang isipin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon ay hindi niya talaga maunawaan. Anong kasalanan ang sinasabi nito?

`Yon bang halik? Pero alam naman niyang nagustuhan din nito. Kusa itong tumugon. Narinig pa niya itong umungol.

Nah!

Ano ba’ng iniisip niya nang halikan niya si Rosette? It was not enough that her beautiful lips were so inviting. Dapat ay nagpigil siya.

Subalit hindi niya napigil ang sarili. Napakalakas ng hatak ng pang-akit na taglay nito at hindi nito iyon napapansin. Maski naroroon ang katotohanang mahiwagang babae ito, hindi iyon naging hadlang para hindi siya mahalina sa napakagandang lambana.

May diperensiya ang lalaking hindi magnanais sa isang napakagandang babae na katulad ni Rosette. Kahit na sinong lalaki naman ay tiyak na maaakit sa taglay nitong karisma.

Sa naisip ay mabilis na kumambiyo siya patalikod palabas ng silid. Umalis si Rosette. At hinayaan niya ito. Anong laki niyang tanga para hayaan itong makaalis samantalang madilim sa labas? Madaling-araw na. Delikado para sa tulad nito ang magliwaliw sa labas sa ganoong oras lalo pa at maraming tarantadong nagkalat sa malapit sa residential building na iyon.

Paano na lang kung mapag-trip-an ito ng mga adik?

Binundol siya ng napakatinding takot, kaba at pag-aalala habang lakad-takbong binabaybay ang mahabang pasilyo. Hindi niya makita si Rosette. Saan ito nagpunta? Hindi naman nito alam kung anong lugar iyon. Baka mapahamak ito.

“Kailan ka pa naging ganyan kapabaya sa isang napakahalagang bagay, Erastus?” mahinang singhal niya sa sarili.

Why the hell did he let her get away, in the first place?

Nakababa at nakababa siya ng lobby ng building pero hindi niya nakita si Rosette. Itinanong niya sa gwardiya kung napansin ba ng mga ito ang babae. Sinabi niya ang description ni Rosette. At noon naalala ni Erastus na kung ano ang anyo at kasuotan ni Rosette nang una niya itong makita ay ganoon din ngayon.

Hindi ba at nasa rest house nila ang damit na iyon ni Rosette?

Nah! Wala na siyang pakialam kung may unlimited supplies ito ng ganoong klase ng kasuotan. Ang kailangan niya ay mahanap ang lambana. Delikado para dito ang lugar na iyon. Lalo pa at alam niyang inosente ang babae. Mahirap nang mapag-trip-an ito ng mga luku-luko at madala sa kung saan.

Nasaan ka na naman, Rosette?

“Ah, nakita ko nga pong may ganyang babae na bumaba rito. Lumabas siya kasama nung lalaking guest ni Mr. Fontanilla.”

Nadoble ang pagragasa ng kanyang pag-aalala. Si Mr. Fontanilla ay isa sa mga resident doon. Mayaman. Isang negosyante. At hindi niya gusto ang karakas ng mga kaibigan nitong naisasama roon. Mayayabang at sa palagay niya ay mapagsamantala.

“Parang ang dinig ko po, nagyayang kumain diyan sa kabilang kalye. Sa Bistro Guwapo.”

“Damn!” mariing napamura si Erastus at walang sabi-sabing iniwan ang security na napagtanungan.

Nakakairita naman itong si Rosette! Bakit ito sumasama sa hindi nito kilala?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.