Finding Carrot Man 4: Forever Means By Your Side Chapter 12

“MANONG, bakit ganito? Bakit puro ulap? Papunta na yata ang daan na ito sa kabilang buhay. Manong, para!”

Nagising si Paloma sa tili ng pinsang si Bernardo. Nakasakay sila sa pick up truck na maghahatid sa kanila papunta ng Barlig para makita si Jeyrick. Bumiyahe sila sa Baguio nang gabi at saglit na namahinga sa Camp John Hay.

“Ang ingay mo,” paungol niyang angal sa pinsan. “Masakit sa ulo.”

“Mabuti nga nararamdaman mo pa ang sakit ng ulo mo. Ako manhid na. Parang humiwalay na ang kaluluwa ko sa gorgeous body ko. Wala na akong nakikita sa paligid kung hindi ulap.”

“Parang di ka tumira sa Baguio dati,” nakaismid niyang sabi at humikab. “Saka ganyan din ang view kapag nasa eroplano ka. Para kang batang inosente.”

“Mag-iisang araw na tayong nagbibiyahe. Daig pa nito ang flight ko papuntang Brazil. Hindi ako prepared sa mga bangin at zero visibility.” Sinapo nito ang noo. “Gosh! Bakit ba ganito kahaba ang biyahe natin? Parang forever na tayo dito.”

“Alam mo, tumahimik ka na lang o kaya matulog ka. Pati si Manong natataranta sa bibig mo. Baka mamaya hindi na makapag-focus sa daan si katatalak mo. Bawal ang maiingay sa Barlig. Bawal din doon ang mareklamo. Magagalit ang mga anito.”

Yumakap sa braso niya ang pinsan. “Mabuti naman kinakausap mo na ako ngayon. Akala ko mapapanisan ka na ng laway forever. Bati na tayo?” lambing nito.

“Galit pa rin ako sa iyo,” aniya at pumaling patalikod dito saka pumikit.

“Ano na namang drama iyan, Ate?”

Humarap siya dito at naniningkit ang mata itong pinagmasdan. “Akala magkakampi tayo pero tinraidor mo ako.”

“What? Paanong tinraidor?” inosente nitong tanong habang eksaherada ang panlalaki ng mga mata.

“Bakit mo sinabi kay Tita ang tungkol kay Jeyrick? Iniingatan ko nga na lumabas ag identity niya sa iba. Ikaw naman ibinulgar mo pa kay Tita Bevz.”

Lumungkot ang mga mata nito. “Hindi ko lang matiis na nilalait-lait ka ni Mama. Karapatan mong magmahal que mahirap o chararat pa ang gusto mo. Love wins dapat.”

“Kaya ko namang tagalan iyon. Manhid na ako. Hindi mo na ako kailangang depensahan. At lalong di mo siya dapat binigyan ng idea tungkol sa pagpasok ni Jeyrick sa showbiz. Akala ko ba magkakampi tayo? I trusted you.”

Tumirik ang mata ng pinsan. “Ay naku! Kasalanan ko pa talaga. Mabuti nga sinabi ko sa kanya. Look at you. Papunta ka na sa Barlig para makita ang Igorot bae mo. Kung hindi ko sinabi kay Mama, malamang hindi ka niya papayagang umalis. Ipagduduldulan niya sa iyo si Thirdy na reyna naming mga paminta.” Ngumisi si Bernardo. “Naiba ngayon ang ihip ng hanghin. E di siya pa ang nagkukumahog ngayon na magkita kayo ni Jeyrick. Legal na ang pag-iibigan ninyo.”

“There is no such thing. Hindi kami nag-iibigan or whatever.” Sinapo niya ang noo. “Gusto ko lang pumunta ng Barlig para magbakasyon. Gusto ko lang siyang bigyan ng warning tungkol sa viral video niya. I want privacy for both of us.”

“Pero may ibang plano ang tadhana para sa inyo. You have to accept it. Di lahat pwedeng sumunod ayon sa plano mo.”

Mariin niyang ikinarayod ang daliri sa anit sa sobrang frustration. “Hindi ko gusto na nagagamit si Jeyrick para lang mapaangat ang career ko ulit. Ayoko ng ganito, cuz.”

“Parang bago ka nang bago sa showbiz. Kahit na anong iwas mo, malalaman at malalaman pa rin ng mga tao ang tungkol kay Jeyrick. Hindi lang ikaw ang may solong hawak ng impormasyon tungkol sa kanya. May makakakilala at makakakakilala sa pagkatao niya dahil sa lawak ng social media at sasabihin din sa reporters. Mas mabuti nang tayo ang mauna sa kanya kaysa ma-exploit ng iba.”

“Hindi pa ba exploitation ang gagawin natin?”

“Tulong ito at hindi exploitation. Don’t be so hard on your self.” Nag-ring ang cellphone ni Hepburn at sinagot nito ang tawag. “Hello. Star Network Baguio? Yes, I am her road manager. Oh! Video nina Paloma at Carrot Man na nagsasayaw?”

Ano daw? May video daw sila ni Jeyrick na nagsasayaw? Mabilis ang mga daliri ng dalaga na hanapin sa internet ang video daw nila ni Jeyrick. Sa kasamaang-palad ay mahina ang signal ng internet kaya sobrang bagal mag-download. Di niya ma-open kahit ang Facebook account man lang niya.

“Hindi ako aware na may video na kumalat tungkol sa kay Carrot Man at kay Paloma. Ah! Must be during the wedding of their friend.” Humalakhak ang pinsan niya. “Mukha bang sweet sila? Ha? May kinalaman ba sa break up nila ni Thirdy? No comment. Maglalabas kami ng official statement tungkol sa koneksyon nina Carrot Man at Ate Paloma. Pero sa ngayon nasa bakasyon pa kasi ang pinsan ko. Yes. I will keep in touch. Thank you.”

“Ano daw iyon?” tanong niya.

“May video daw na kuha ninyo ni Jeyrick noong kasal na naka-upload sa isang showbiz magazine page.”

“What?” bulalas niya.

“Kuha lang sa cellphone camera. They want a confirmation kung siya nga iyon at kung kilala mo daw ba. Baka naman random lang.”

Sa wakas ay nagbukas na ang search result niya sa Facebook at tiningnan ang video na sinasabi ng mga ito. Tinampal niya ang pinsan sa braso. “Ito ‘yung video na ipinakita mo sa akin. Galing ito sa cellphone mo.”

Itinaas agad nito ang dalawang kamay nang akmang hahampasin niya sa balikat. “Ano ba? Utos ni Mommy. Okay? Pareho lang taong sumusunod dito.”

“I feel like a famewhore. Sumasakay sa kasikatan ng iba.”

That memory with Jeyrick was precious for her. Kinuhanan ng pinsan niya ang video para pasayahin siya. Ngayon ay nagamit na ang video na animo’y patibong para sa kanila ni Jeyrick. Di na maikakaila basta ang ugnayan nila. She felt like their privacy was violated. Lahat ng sagrado para sa kanila ni Jeyrick ay nasira na.

“Huwag kang masyadong malupit sa sarili mo. Isipin mo na lang na gagawin mo ito para kay Jeyrick. Kailangan niya ng tulong para makaahon ang pamilya niya sa kahirapan. Isipin mo na paraan mo na ito para makabawi sa kanya dahil nagsakripisyo siya para sa pangarap mo.”

Sarkastiko siyang ngumiti dito. “Salamat sa pangongonsensiya.”

“I am sure kung siya ang nasa sitwasyon mo, willing to help rin siya. Nagkataon lang na gaganda rin ang image mo dahil dito. Isipin mo na blessing iyon para sa iyo.”

Umiling siya. “Hindi kaya ng konsensiya ko.”

“Sige. Ako na lang ang magdadala ng konsensiya mo. Tutal ako naman ang may kasalanan. Kung papasok si Jeyrick sa showbiz, choice na niya iyon. At isipin mo na lang na nariyan ka para protektahan siya.”

“Protektahan siya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko sa sarili kong career. I am a failure. Paano kung maipahamak ko si Jeyrick?”

“You mean well. Ang mahalaga nandiyan ka para sa kanya. Kung may mali man sa buhay mo tiyakin mo na di na iyon mauulit pa sa kanya.”

Huminga siya ng malalim at pumikit. “I just wish I could turn back time.”

Noong simpleng teenagers pa lang sila, idealistic at masayang nangangarap. Na parang kahit gaano kahirap ang buhay ay makulay pa rin ang paligid. Na kaya nilang abutin ang mga pangarap nila at walang pwedeng maghiwalay sa kanilang dalawa. Noong hindi pa komplikado ang lahat.

Nag-iba na ang landscape nang makapasok sila ng Barlig. Mula sa mangilan-ngilang puno sa kabundukan ng Bontoc at kulumpunan ng mga kabahayang nadaanan nila, biglang napuno ng berdeng mga puno ang paligid. Ipina-off ng dalaga ang aircon at ibinaba ang bintanang salamin ng sasakyan. Nararamdaman nila na nasa Barlig na sila.

“Parang wala halos nagbago dito,” usal ni Paloma at pumikit. “Parang masayang sumakay sa ibabaw ng sasakyan. Topload.”

“Ma’am, alam po pala ninyo ‘yung topload,” sabi ng driver.

Paloma suddenly felt giddy. Parang isa siyang lusis na sinindihan at biglang kumislap. “Pwede ko po bang gawin? Kasi ganoon kami ng kaibigan ko dati…”

Pinigilan ni Hepburn ang braso niya. “Ate, ngayon mo pa talaga napag-trip-an na umakyat sa taas ng sasakyan. Saka ka na magbuwis-buhay kapag naisama na natin pabalik ng Manila ang Carrot Man mo. Nasaan daw siya nang huli mong makausap?"

"Sa Fiangtin. Sa sentro ng Barlig. Pero ang sabi niya sa bukid nila walang signal."

"Puntahan na lang natin sa kanila. Saan iyon? Sa Kadang-Kadang?"

"Kadaclan. Two hours pa ang layo dito."

"May mas lalayo pa pala dito. Juskoh!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.