Football Hotties 2: The Wicked Striker Chapter 26

Sinalubong ni Cattleya si Pierson at niyakap. “Hello, young man,” bati niya sa pamangkin. Nakasuot ito ng tuxedo at mukhang isang pormal na okasyon ang pupunta. “We are not on a date. Sinong kasama mo?”

“Mom,” sagot nito at tumuro sa theater. “We will watch a play but I think it is boring. Can I join your date instead? Please. I think it is cooler to join you.”

“Pero baka hindi pumayag ang Mommy mo,” sabi ni Cattleya. Hirap na hirap si Raiza na pasunurin ang anak nito sa mga gusto nito kaya madalas ay di magkasundo ang mga ito. Baka kapag pinagbigyan niya si Pierson ay sila naman ni Raiza ang mag-away. Iyon ang iniiwasan niya.

“Do you want to meet my family?” tanong ni Liam at hinawakan ang kamay ni Pierson. Inilapit nito ang bata sa mga magulang. “Pierson, meet my parents - Nanay Eleonor and Tatay Bert. Kadadating lang nila galing sa Germany.”

Nagmano si Pierson kay Eleonor. “Mano po, Lola.”

Tumawa naman ang matandang babae at hinaplos ang ulo ni Pierson. “Magalang na bata.”

Nagmano din ito kay Bert. “Mano po, Lolo.”

Napansin niya na naluluha na si Bert. “Napakaguwapo mong bata, hijo. Pwede mo ba akong yakapin?”

“Opo,” sabi ni Pierson at niyakap ang matandang lalaki. Nagulat na lang siya nang biglang humagulgol ng iyak ang ama ni Liam. “Lolo, bakit po kayo umiiyak? Dahil po ba wala pang baby si Tito Liam?”

Tumawa ang matandang lalaki. “Oo. Ayaw pa niya akong bigyan ng apo.”

“Nagde-date na po sila ni Tita Cattleya ko at Tito Liam,” sabi naman ng bata. “Magkaka-baby na rin po sila.”

Sinapo niya ang noo. “Pierson...” Pambihira talaga ang batang ito. Masyadong advance.

Biglang pumunit ang matinis na boses ni Raiza. “Pierson! Kung saan-saan ka pumupunta!” Bigla na lang nitong hinila ang bata palayo. Bigla itong natigilan nang mapagmasdan ang ama ni Liam. “A-Anong ginagawa mo dito?”

“Dito na kami titira ng asawa ko dahil nandito na si Liam sa Pilipinas,” sabi ni Bert. “My wife, Eleonora.”

“Nanay, asawa po ng boss ko at nanay ni Pierson - si Raiza,” pagpapakilala naman ni Liam sa babae.

Inilahad ng ina ni Liam ang palad kay Raiza. “Good evening. I am not sure if we’ve met before. You look familiar.”

“I used to be your husband’s student and L-Liam’s friend,” sabi ni Raiza at napansin niya na malikot ang mga mata nito. “Hindi nabanggit ni Liam na babalik na rin kayo ng Pilipinas. Enjoy your stay here.”

"Of course. I'll definitely enjoy it because I am staying here for good." Naging matiim ang anyo ni Eleonor. "Gusto kong matiyak na hindi na kung sinu-sinong babae ang makakalapit sa anak ko. I will make sure that he'll end up with a decent woman. Hindi sa isang gold digger..."

"Aalis na po ako," putol ni Raiza sa pagsasalita ni Eleonor. “Let’s go, Pierson. We are late for the show.”

Lalo lamang tumindi ang tensiyon nang makaalis na si Raiza. “May gusto na kayong ipaliwanag sa akin, Berto, Liam?” tanong ni Eleonor sa maigting na boses.

"Nay, mag-dinner muna tayo. Baka gutom na si Cattleya," sabi ni Liam sa mahinahon na boses.

“That woman is trouble. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa iyo noon?" anang si Eleonor na ayaw magpaawat.

Anong mayroon sa pagitan nina Liam at Raiza noon? Bakit ayaw ni Eleonor kay Raiza? Ibig sabihin ay hindi lang simpleng magkaibigan ang relasyon ng mga ito. Ano pa ang di niya alam? Kaya ba hindi niya gusto ang pakiramdam tuwing nakikita niyang magkasama ang mga ito?

"May problema po ba?" tanong ni Cattleya at nagpapalit-palit ang tingin sa mga ito. Mukhang seryoso ang isyu ng pamilya tungkol kay Raiza.

Bumuga ng hangin si Eleonor. "Sa labas muna ako. I need some air."

“Liam, susundan ko muna si Tita,” sabi niya. She looked disconcerted. Kailangan siya nito.

“Sige. Papasok na kami ni Papa sa restaurant. Kami na ang bagalag umorder. Salamat, Cattleya.”

Naabutan niya ang matandang babae na nakatayo sa harap ng fountain sa labas ng hotel. “Tita, okay lang po ba kayo?”

"Pasensiya ka na. Hindi ko naman gustong maging emosyonal. Hindi ko naman alam na kilala mo pala si Raiza at asawa ng pinsan mo."

“Opo. Matagal na silang kasal,” aniya at tipid na ngumiti. “May sampung taong gulang na rin po silang anak.”

Huminga ito ng malalim. “Minsan lang kaming nagkakilala pero alam ko ang background niya. You see, dalawang taon kaming naghiwalay ng asawa ko. Gusto niyang sa Pilipinas magturo pero gusto ko naman manatili sa Germany. May maganda na akong trabaho noon at nawalan naman ng trabaho ang asawa ko. Dalawang taon siyang nagturo sa Davao. Naiwan sa akin si Liam. He was eighteen when he decided to visit his father. Ang alam ko isang buwan lang siya doon. Tapos sinabi niya na di na siya uuwi dahil may girlfriend na siya.”

“Si Raiza po ba iyon?”

Tumango ang matandang babae. “Oo. Pero nasa Germany ang buhay ni Liam. Papasok na rin siya sa university noon kung saan may football scholarship siya. Iiwan niya iyon lahat para sa isang babae? So I had that woman investigated. Nalaman ko na may iba pa pala siyang boyfriend bukod sa anak ko. At umuwi na ang ama ko sa Germany.” Pagak itong tumawa. “Di ko alam kung dapat kong ipagpasalamat iyon. Dahil sa kanya nabuo ulit ang pamilya ko pero may lamat siyang naiwan sa puso ng anak ko.”

“May sarili na pong pamilya si Raiza. Tahimik na po ang buhay niya kasama si Kuya Pierro at ni Pierson. Matagal na po iyon, Tita.”

"Sana nga disente na siyang babae at mahal niya ang pinsan mo. Minsan nang nawalan ng ganang makipagrelasyon si Liam dahil sa kanya. Ayaw niyang umuwi ng Pilipinas dahil naaalala lang niya ang ginawa ni Raiza. Minsan kasi natatakot ako na di pa rin niya nakakalimutan si Raiza."

First love never dies. At mahirap para sa kahit sino na pantayan ang unang pag-ibig ng taong gusto nito.

Ginagap ni Eleonor ang kamay niya. "Tulungan mo si Liam na tuluyang mabura si Raiza sa isipan niya."

"Po?" bulalas niya dahil nagulat siya sa pakiusap nito. "Pero hindi ko po alam kung matutulungan ko kayo diyan."

“I think you like my son and he likes you. Alam kong sa puso mo, alam mo kung paano matutulungan ang anak ko.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.