For The Stars Have Sinned (Filipino) Chapter 21

Binulyawan ako ni Papa. Bakit daw ako nagpunta sa Port, e delikado dahil niri-renovate ang buong building. Napanguso tuloy ako at tumungo. Bumibisita lang naman ako dahil may kukunin ako sa tambayan.

"Saglit lang naman ako, Pa. Promise, uuwi na rin ako kapag nakuha ko na ang mga libro ko sa tambayan."

Naningkit ang mga mata niya at inangat ang telepono. May tinawagan siya. "Mr. Davies, pwede ka bang pumasok sa opisina ko ngayon?" Binaba niya ang telepono. "Hindi ka na pwedeng bumisita hangga't hindi pa natatapos ang renovation," sabi niya sa akin.

"Pero, Pa, nasa kabila 'yong mga gamit ko."

"Kaya tinawag ko si Mr. Davies. Ipapabalot ko sa kaniya ang mga gamit mo para hindi ka na bumalik dito."

Nanlaki ang mga mata ko. "Saan ko naman 'yon itatago, Pa?" Lumabi ako. "Alam mo namang ayaw ni Mama na bumili ako ng gano'n."

Humalukipkip siya at sumandal sa sandalan. "Ako ba ang bumili? Bakit ko poproblemahin 'yan kung alam mo naman palang ayaw ng mama mong bumibili ka ng gano'n? Hindi ko na problema kung saan mo itatago ang mga 'yon, Rishell."

"Papa naman -"

Natigil ako sa pagsasalita nang may kumatok sa pinto ng opisina. Bumukas 'yon at pumasok si Engineer. Seryoso siya, at pansin kong bahagyang nabawasan ang sementong dumikit sa T-shirt niya. Sumulyap siya sa akin bago binalik ang tingin kay Papa. "Mr. Larica," bati niya.

"May pabor sana ako sa 'yo, Mr. Davies."

"Ano 'yon?"

Tumingin si Papa sa akin. Naniningkit ang mga mata. "Pwede mo bang tulungan si Rishell na ibalot ang mga gamit niya sa kabilang kuwarto? Para hindi na siya magpabalik-balik dito sa Port."

"Walang problema."

Ngumiti si Papa kay Mr. Engineer at nagpasalamat. Minuwestra niya akong lumabas ng opisina. Nakabusangot akong tumayo, kinuha ang paper bag sa mesa, at naunang nagmartsa palabas. Rinig ko ang yabag ni Engineer habang sumusunod sa akin sa likuran.

Hay nako.

Pinihit ko ang seradura ng ikalawang kuwarto. Mabuti na lang at bukas. Iniiwan ko talagang hindi locked ang pinto para hindi hassle sa tuwing nagpupunta ako rito.

Isa pa, alam ko namang walang magtatangkang pumasok sa loob. Dahil hindi naman nagagawi ang mga kargador dito sa second floor, at hindi rin hilig ni Papa na pumasok sa tambayan ko.

Binuksan ko ang ilaw sa loob. Mabuti na lang at hindi pa naputol ang wiring. Tahimik akong naglakad palapit sa mesa at nilagay ang paper bag sa ibabaw niyon bago hinarap si Engineer. Nakatayo siya sa harap ng poster ng Vine sa dingding at nakakunot ang noo habang nakatitig doon.

Umikhim ako. "Hindi mo na ako kailangang tulungan. Kaya ko nang ibalot ang lahat ng gamit."

"Fangirl ka pala."

Tumaas ang kilay ko. "Kilala mo ang Vine?"

"A little." Tumingin siya sa akin. "Tutulungan kita. Gabi na. Matatagalan kang ibalot lahat."

Pagak akong natawa. "Excuse me? Akala mo ba ibabalot ko talaga lahat? No way." Ngumisi ako sa kaniya at hinubad ang hard hat na sinuot niya sa akin kanina. Nilagay ko 'yon sa mesa. "Kukunin ko lang 'yong dalawang libro. Hahayaan ko ang mga gamit ko rito, okay?"

"Rishell." Umikhim siya at humalukipkip. "Babakbakin ang parteng 'to, pati na ang opisina ng ama mo. Nagbago ang isip niya at hindi na ililipat ang beacon. Ipapa-renovate niya lahat ng parte ng Larica building."

"Huh?"

"I can't promise you that my team will spare your things. They might end up in a trash bin."

"How dare you! Hindi ako papayag!"

Tumango-tango siya. Nilibot niya ang tingin at naglakad palapit sa bookshelf. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya at may tinawagan. "Yuli, I need your help. Bring your cart up here. I'll be waiting." Tapos binaba niya ang tawag.

"Sinong tinawagan mo?" kunot-noo kong tanong.

"Yuli, my foreman." Napatingin siya sa mga merchandise, books, at posters ko. Napailing siya. "Hindi ko inakalang binili mong lahat nang 'to. How much you've spent for these things?" Naningkit ang mga mata niya. "Around ninety to a hundred thousand?"

"Pakialam mo?" Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin. "Fine. Balutin mo lahat pero ako ang magdadala sa mga posters ng Vine. 'Wag mo ring hawakan ang mga libro ko. Maliwanag?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Deal."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago lumapit sa bookshelf at isa-isa 'yong nilabas. Kumuha ako ng eco bag at doon nilagay ang mga libro.

Pero grabe, hindi ko nga akalaing aabot sa dalawang malalaking eco bags ang mga 'to.

Dahan-dahan ko ring binaklas ang ilang posters ng Vine sa dingding. Tinulungan ako ni Engineer. Hinayaan ko na lang, total nahirapan ako sa pagbaklas dahil nadikit nang husto sa pader.

Binabaklas namin 'yong huling poster nang may kumatok sa pinto. Si Engineer na ang nagbukas at nakita ko ang isang babaeng pumasok. Hila-hila niya ang isang kariton.

"T-Teka! Ano 'yan?" nakangiwi kong tanong. Gawa sa plywood at kabilya ang kariton. At kahit nasa malayo ako ay alam kong marumi 'yon.

Napakamot ng batok 'yong babae. Yuli yata ang pangalan. "Ito 'yong ni-request ni Engineer, Maam."

Umawang ang mga labi ko at sinamaan ng tingin si Engineer. "Diyan mo ilalagay ang mga gamit ko? Nagbibiro ka ba?"

"No." Nangunot ang noo niya. "It's the only available transpo."

Natawa ako. "Wow, sobrang alaga ko sa mga 'yan tapos sa isang maruming kariton mo ilalagay ang mga binili ko? Excuse me, pero mas mahal pa yata ang mga mga gamit ko kaysa sa kariton mong kahiya-hiya."

"Miss Larica." Natigilan ako sa tono ng boses niya. Ngayon niya ulit ako tinawag sa apilyedo. Huminga siya nang malalim. "Ito lang ang makakaraan sa artificial ramp na nilagay ni Yuli. Mas mabilis nating maibaba ang lahat ng gamit mo kapag ito ang gagamitin natin. Aabutin tayo ng siyam-siyam kapag isa-isahin pa nating bubuhatin pababa ang mga 'to."

Napalunok ako. "Pero at least... malinis? Wala bang mas malinis kaysa riyan?"

Naningkit ang mga mata niya. Kinuha niya ang extra eco bag sa gilid at nilatag sa kariton. Binuhat niya ang dalawang eco bag kung saan 'yong mga libro at nilagay roon. Tinapik niya ang balikat ni Yuli. "Pakihatid sa likod ng pick-up," pakiusap niya sa babae.

Ngumiti si Yuli at tumango. Bahagya siyang yumukod sa akin bago nagpaalam at pumihit palabas. Tulak-tulak niya ang kariton. Napaamang ako. Hay nako. Ibang klase talaga.

Tumingin ako kay Lyndon at napailing. Simula ngayon, hindi ko na siya tatawaging Engineer! Baka magkaroon pa ako ng indifference sa propesyong 'yan.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago muling nagbalik si Yuli. Inutusan siya ni Lyndon na tawagin si Tures para magdala pa ng extra kariton sa second floor. Si Lyndon na rin ang pumalit kay Yuli sa pagtulak ng kariton pababa at pataas sa second floor. Habang ako naman, heto, tahimik silang pinapanood habang kumakain ng brownies.

Aba, naiinis pa ako kay Lyndon sa ginawa niya. Akalain mong nilagay niya sa maruming kariton ang mga libro't merchandise ko? Hayst. Allowance ko rin 'yong pinambibili ko sa mga 'yon!

Halos isang oras din ang lumipas nang matapos ang paglilipat ng mga gamit ko. Nagpahid ng pawis si Lyndon at nagpasalamat kina Yuli at Tures. Hilaw lang silang ngumiti bago nagpaalam.

Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa gawi ko si Lyndon. "Where to stock them?" tanong niya.

Ngumuso ako. "Hindi ko alam."

Napapantastikuhan naman siyang ngumisi. "What? You'll keep them at the back of my pick-up? Miss Larica, I'm serious. Tomorrow you'll see them at the dumpsite."

"You're kidding, aren't you?" Pero seryoso ang mukha niya. Walang ngiti kaya mas lalo akong kinabahan. "Mr. Lyndon, please let's talk about this."

Humalukipkip siya. "Those are your things. You should keep them."

"Pero kasi... wala akong mapaglagyan sa mga 'yon. Pwede bang doon na muna ang mga gamit ko hangga't hindi pa ako nakakahanap ng lugar na pwedeng mapaglagyan sa mga 'yon?"

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "You can't be serious ---"

"Please, Mr. Davies." Lumunok ako. "Sige, ganito. You can ask me for anything, just make sure to take care of my things."

Ilang minuto siyang tahimik. Nakatitig lang sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Grabeng titig na 'yan, ha? Nakakainit na ng pisngi.

Umikhim siya. "You have my word."

"Talaga? Thank you, Mr. Davies!"

Ngumiti siya. "One day, I'll ask you something in return for this favor. Don't forget your word, Rishell."

Napakurap ako at napalunok nang makailang beses. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.