For The Stars Have Sinned (Filipino) Chapter 24

Dalawang araw kaming nagkita ni Jamaica sa klase ni Prof nang hindi nagpapansinan. Matapos niyang sabihin ang tungkol sa nangyari sa kapatid niyang si Jonaira, napansin kong naging tahimik siya. Tuwing nagkakasalubong kami sa hallway, ni hindi siya nag-aangat ng tingin sa akin. Kaya minsan naisip kong... mas maganda pa 'yong lagi niya akong sinusungitan. Ang weird kasi. Hindi ako sanay sa bagong Jamaica.

"So, kumusta 'yong meet-up niyo ni CLGF?"

"CLGF?" taka kong tanong kay Reun.

"CareLikeGoldFish."

"Ah, hindi pa kami nagkita. Next week pa."

Tumaas ang kilay niya. "Saktong semestral break?"

"Yup."

Nangunot ang noo niya. "Paano 'yong concert ng Vine?"

"E kasi..." Napakamot ako sa pisngi. "Umaga kami magkikita. Tapos, sa hapon naman ang concert kaya sa tingin ko, makakaabot pa naman ako."

Nagkibit-balikat siya at nagpaalam na babalik sa upuan niya. Sana nga makaabot ako sa concert. Pero malapit lang naman ang Cebu sa Bohol kaya siguro isang oras lang ang biyahe. Or less? Sa Panglao rin ang concert. Bibili na lang ako ng plane ticket para diretso na ako sa concert kung saka-sakali.

Nang hapon, dumiretso ako sa waiting shed sa tapat ng gate ng University at hinintay ang sundo ko. Kaso, ilang oras na akong nakatayo ro'n pero wala pa ring dumadating. Tinawagan ko na si Gerard pero hinahatid pa raw niya si Mama sa Port.

"Mag-jeep ka na lang, Joy."

Napakamot ako sa pisngi. "Pero Ma, umaambon. Wala akong dalang payong." Tinaas ko ang malayang kamay at sinalo ang patak ng ulan na mula sa bubong ng waiting shed. Bumuntong-hinga ako.

"Tawagan mo na lang si Pipoy. Baka nakauwi na 'yon sa El Grande."

"Sige, Ma."

Binaba ko ang tawag at in-dial ang number ni Mang Pipoy. Pero sabi niya ay nasa Carcar pa siya. Napanguso ko. Sinabi ko na lang na magdala siya ng chicharon. Ilang araw na rin akong hindi nakakain ng chicharon.

Napatingin ako sa gate ng University. Maraming sasakyan na ang nagsisilabasan. Bigla na lang lumakas ang ambon. Napayakap tuloy ako sa sarili. Naman, kung bakit ngayon ko pa nalimutan ang payong.

Napalunok ako at napatingin sa terminal ng jeep sa kanto. Sobrang haba ng pila at natatakot akong mabasa ang gamit ko. Hindi naman kasi water-proof itong dala kong shoulder bag. Napabuga ako ng hangin.

Napaangat ako ng tingin nang maalala ko si Kervy. Malapit lang pala ang opisina niya sa EGL. Baka mahatid niya ako. Agad kong hinanap ang numero niya sa contacts. Tatlong ring nang may sumagot.

"Rishell?"

Hilaw akong napangiti nang marinig ang boses niya. "Hi."

"You've called. May kailangan ka ba?"

Napakurap ako at natawa nang bahagya. "Alam mo agad, ha?"

"Tumatawag ka lang sa akin 'pag may kailangan ka."

Naubo ako bigla. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Napakamot tuloy ako sa pisngi. "Pasensya naman."

"No need to apologize. I understand. So, what is it?"

"Kasi..." Umikhim ako. "Hindi ako masusundo ng driver ko. Free ka ba ngayon? Uh, nasa Sumaya ka ba?"

"Hmm... my cousin is here. But I'm free if it's you. Nasa'n ka ngayon?"

"CTU-Argao. Sa waiting shed sa harap ng gate."

"Wait for me. And don't entertain strangers."

"Alam ko," sabi ko at binabaan siya ng tawag. Napanguso ako. Naalala ko na naman 'yong magnanakaw sa bus. Hay nako.

Kumuha ako ng tatlong piraso ng yellow pad paper at nilagay sa sementadong upuan sa gitna ng waiting shed. Doon ako naupo at naghintay kay Kervy. Gusto ko sanang mag-cellphone, kaya lang baka may magnanakaw na naman sa paligid. Ayoko nang manakawan ulit. Baka sa susunod, hindi na isasauli ang wallet ko. Mawala pa ang mga ID.

"Ilang oras na ba?" bagot kong tanong. Nagbaba ako ng tingin sa relo. Alas-cinco y medya na? Hayst. Ambagal ni Kervy, ha?

Ngumuso ako. Kinuha ko sa bag ang Xiaomi at kinonekta ang earplugs. Sinaksak ko sa magkabilang tainga ang dulo niyon at agad binalik sa loob ng bag ang cellphone. Inaliw ko na lang ang sarili sa pakikinig ng mga kanta ng Vine.

Feeling ko nga, naubos na ang mga latest music ng Vine bago may pumaradang itim na pick-up sa harapan ng waiting shed. Tiningnan ko lang 'yong tinted na salamin ng kotse. Pamilyar pero imposibleng kay Lyndon 'yon. Maraming maitim na pick-up ang mabibili sa market.

Nakaharap sa gawi ko ang driver's seat kaya nakita ko ang pagbukas ng pinto. Umibis si Kervy. Tumaas bigla ang kilay ko. Kailan pa siya nakaroon ng pick-up? Sa pagkakaalam ko, Subaru Forester ang kotseng ginagamit niya.

"Rishell." Humakbang siya pasilong sa waiting shed.

Tumayo ako. "Kaninong kotse 'yan?"

"I only have thirty minutes to spare. Let's hurry."

Mabilis niya akong inalayan. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng back seat. Agad akong pumasok sa loob habang siya naman ay nagbukas ng pinto ng driver's seat at pumasok na rin.

Pinagpag ko ang buhok dahil sa ilang butil ng ulan na nadikit doon. Nang dumako ang mga mata ko sa rearview mirror, nakita ko bigla si Lyndon. Pumikit-pikit pa ako at napatingin sa passenger seat. Umawang ang labi ko. Sinasabi ko na! Sa kaniya 'tong Ford Ranger Wildtrak!

Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. "Seems like you've seen a ghost," bulong niya na narinig ko.

"Magkakilala..." Kunot-noo akong bumaling kay Kervy na nakaupo sa driver seat. "... kayo ni Lyndon?"

"He's my cousin, Rishell." Ngumiti pa siya sa akin sa rearview bago pinaandar ang pick-up. Pinatakbo niya at niliko sa kanto.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, maya-maya pa'y humalukipkip ako at sumandal sa sandalan. Aba, sobrang coincidence na 'to, a?

Napalunok ako. "Paanong... wait, taga-Baclayan ka rin, Kurt Vincent?"

"Yeah." Sumulyap siya sa rearview bago binalik ang tingin sa kalsada. "Same subdivision with Lyndon."

Natahimik ako saglit. Pero napatayo ako ng tuwid nang may maalala. "Nasa'n ang mga gamit ko?"

Tumingin sa rearview mirror si Lyndon. Tumitig sa akin. "Nandoon sa bahay. Sabihin mo lang kung kukunin mo na."

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman. Muli akong sumandal sa sandalan at dinukot sa shoulder bag ang Xiaomi. Napanguso ako nang mag-text ang network na wala na raw akong load. Lumunok ako at napatingin ulit sa harap. Uh, magkakilala naman kami so... ayos lang maki-hotspot?

"Hi, guys. Uhm... sino may load?" ngiwi kong tanong. Naman, nakakahiya pero para makahabol sa booking, kakapalan ko na lang ang mukha.

"What for?" tanong ni Lyndon.

"Makiki-hotspot sana. You know, magpapa-book ng flight papuntang Panglao Airport. Baka maubusan ako ng slot para next week, e."

"Flight?" Nangunot ang noo ni Lyndon. "Vacation?"

Nakagat ko bigla ang labi. Nadulas ka na naman. Hay nako. Ngumuso ako at humalukipkip. "Basta... flight. 'Yon na. Bakasyon mga gano'n. Basta flight, tapos."

"Suplada," naiiling na sabi ni Lyndon. Kumilos siya. Kinuha ang cellphone sa bulsa. "Here." Inabot niya sa akin ang isang Huawei.

Ngiti ko 'yong tinanggap at agad binuksan. Kaso, napanguso ako nang may passcode. "Anong code?" tanong ko.

"Ngiti ka muna," natatawa niyang saad.

Lumaki ang butas ng ilong ko at pinaningkitan siya ng mata. Napabuga ako ng hangin at pekeng ngumiti sa rearview. 'Yong malapad na ngiti. Yung kita pati gilagid. 'Yong aabot sa tainga ang labi. O ayan, ngiting-ngiti na ako kaya ibigay mo na ang passcode! Naglapat ang mga ngipin ko sa inis. Nakakagigil siya, grabe!

Humalakhak si Lyndon. Nakita ko rin ang pasimpleng ngiti ni Kervy. Huminga ako nang malalim at pinaningkitan sila ng mata. Talagang pinagkaisahan ako ng dalawang 'to!

"1-0-2-0-0-2."

Ngumiti ako ng pilit. "Salamat," matabang kong sambit.

Agad kong binuksan ang phone niya at nangunot ang noo ko nang makita ang home screen wallpaper. Teka, picture 'to ng letter ko kay Levi, a? Halatang-halata na nabasa ng tubig ang papel at na-fade ang ink. Rishell Joy Larica lang at 'yong salitang Admirer and Number One Fan ang medyo nababasa. Napalunok ako.

"Lyndon," tawag ko.

"What?"

"Bakit may picture dito ng letter ko?"

"Letter?"

"Sa wallpaper! 'Yong nasa home screen?"

Hininto ni Kervy ang kotse nang naging pula ang traffic lights sa unahan. Doon lang din lumingon si Lyndon sa akin. Mariin siyang tumitig sa mukha ko, tapos nagbaba ng tingin sa cellphone niyang hawak-hawak ko. Nagtagis ang bagang niya. "Naka-connect ka na? Ibalik mo na." Nilahad pa niya ang palad sa harap ko.

Anong akala niya? Basta-basta ko na lang ibibigay? Naningkit ang mga mata ko. "Sabihin mo sa akin kung bakit may picture ka ng letter ko. Ano talagang pakay mo?" Nangunot ang noo ko. "Anong pakay mo sa akin, sabihin mo!"

"Nothing. I... I took a picture of it, to remind me of you."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "No. That's a shallow reason! Tell me the truth!"

"But that's the truth." Napabuntong-hinga siya. "I took a photo of it to remind me of you."

"B-Bakit?" naguguluhan kong tanong.

Ilang minuto siyang nawalan ng salita. Kumurap siya at nagtagis na naman ang bagang niya. Kumunot ang noo. "Because... I like you since that day that I found your picture inside that pendat."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Ano raw?

Napatingin ako kay Kervy nang pinaandar niya ang pick-up at pinasulong. Wala siyang reaksyon sa sinabi ni Lyndon. Huminga ako nang malalim.

Dahan-dahan kong inabot ang pintuan ng kotse at pinindot ang button para bumaba ang glass window. Walang pagdadalawang-isip kong binato sa labas ng bintana ang cellphone ni Lyndon.

Narinig ko na lang ang sigaw niya. "Rishell Joy Larica!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not stupid. I know you're up to something I don't know."

Dumilim ang awra niya. Tiim bagang.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.