For The Stars Have Sinned (Filipino) Chapter 25

Pinindot ko ang factory reset settings ng Xiaomi. Naghintay ako ng ilang saglit bago napatay, at kusang nagbukas, saka bumalik sa home screen. Wala na ang data ng nakaraang activity ko sa cellphone. Pati na 'yong accounts, database, at mga na-download kong apps at files. Lumunok ako bago inabot kay Kervy ang cellphone.

"Salamat sa pagbili niyan. Binabalik ko na sa 'yo." Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"R-Rishell..."

Nangunot ang noo ko. "Sige na. 'Wag mo na ring ituloy ang panliligaw mo sa akin. Tapos, ibabalik ko na 'yong..." Lumunok ulit ako. "... yong mga librong binigay mo. Saka 'yong mga perfumes at make-ups, bibilhan ko na lang ng bago kasi nagamit ko na."

"No, don't do that. I bought those for you, Rishell."

Mariin kong tinitigan si Kervy. "Hindi na. Ibabalik ko na sa 'yo lahat. Wala akong planong sumagot sa 'yo. Saka, ayokong magkautang-loob sa 'yo."

Napalunok siya at nagbaba ng tingin sa inaabot kong cellphone. Kumuyom ang kamao niya. "I can accept rejection. Pero 'wag mo nang ibalik ang binigay ko sa 'yo."

"Sige na, Kervy. Tanggapin mo na."

"Rishell," daing niya. Halatang hindi sang-ayon sa pinapagawa ko.

"Tanggapin mo sabi ---"

"You can't force him to accept that, Larica. Rejecting him doesn't require you to give back those things he bought for you."

Kumunot ang noo ko at tumingin sa nagsalitang Engineer. Nakahalukipkip na siya sa may tabi, habang nakasandig sa haligi ng porch ng bahay. Kunot ang noo, halatang ayaw din sa pinapagawa ko kay Kervy. Pinaningkitan ko siya ng mga mata sabay umirap. "Manahimik ka," sita ko.

Narinig ko ang buntong-hinga niya. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagpalit niya ng posisyon pero nanatiling walang imik. Mabuti naman. Humarap ulit ako kay Kervy. Nakatitig siya sa akin, na parang nagmamakaawang 'wag ko nang ibalik 'yon. Hayst. Ginawa pa akong kontrabida nito, e.

"Oo na." Napanguso ako. "Hindi ko na ibabalik. Pero 'wag mo nang ituloy. Wala talaga akong plano, Kervy."

Ngumiti siya. Nakahinga nang maluwag. "Naintindihan ko, Rishell." Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. "So... I guess, it's a goodbye?"

Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagsalita sa harap ko na hindi tumitingin sa mukha ko. Napahugot ako nang malalim na hininga. "Yes, it is. Thanks for everything, Kervy."

"R-Rishell." Bigla niya akong hinigit sa isang yakap. Ilang segundong napapabuntong-hinga. "Take care, sweetheart. Take care," sabi niya tapos kumalas sa yakap. Tumitig siya sa mukha ko sabay haplos sa pisngi ko, bago pumihit at naglakad palapit sa pick-up. Walang lingon siyang pumasok sa loob ng driver's door.

Huminga na naman ako nang malalim. Hindi ko alam kung magsisisi o hindi sa ginawa ko. Pero naisip kong mas mabuti na ring natuldukan ang panliligaw niya. Alam kong wala akong gusto sa kaniya. Alam niya rin 'yon. Sadyang hindi niya lang kayang lumayo sa akin, at hindi ko pa kaya noong pakawalan siya kasi palagi siyang may dalang regalo sa akin.

Marahan akong napangiti. At least ngayon, malaya na siyang humanap ng iba. Baka mas sasaya siya sa ibang babae. 'Yong babaeng mas deserve sa mga regalong binibigay niya. 'Yong babaeng kayang suklian ang efforts at pagmamahal na ibibigay niya. Gumaan na rin ang bigat ng konsensya ko.

"You've grown, Larica."

Napatingin ako kay Lyndon. Nakatititg siya sa akin at may munting ngiting naglalaro sa gilid ng labi. Lumunok ako. "Anong sinasabi mo riyan?"

"Palagi ka niyang kinukwento sa akin, Larica. And those stories were his dreams of future with you. But hearing your conversation, I'm happy that you let him go. You don't deserve my cousin."

Aray. Sakit ng pinagsasabi niya, a? Anong gusto niyang sabihin sa akin? Na wala akong kwentang babae? Aba naman. Sumimangot ako. "Siya naman talaga 'yong ayaw tumigil. Hinahayaan ko lang."

"Hinahayaan mo kasi gusto mo ang mga regalo niya? Sana noon mo pa sinabi sa kaniyang wala kang planong sumagot. Pinaasa mo 'yong tao."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba parang nangingialam ka sa amin, ha? Anong punto mo?"

"That he will resent on me because of what you did."

"Ano?" Pumalatak ako. "Aba, kung makapagsalita ka, a? Ako pa sinisi mo?" Tinuro ko ang sarili ko.

Tumango siya. "Have you forgot what happened in the car? You threw away my phone outside and accused me. Iisipin niyang pinutol mo ang panliligaw niya dahil may galit ka sa akin. Ako ang sisisihin niya, Larica."

Humalukipkip ako. Tumaas ang kilay habang nakatitig sa kaniya. "Kung galit nga siya sa 'yo, bakit nandiyan pa 'yong kotse? Dapat pinaharurot niya 'yan kanina pa."

Napabuntong-hinga siya. "That's my car. He has the decency to wait for its owner."

"Ah. Talaga?" Napaiwas ako ng tingin. Bakit ko ba siya kinakausap? Dapat hindi. May atraso pa siya sa akin, a? Huminga ako nang malalim at pumihit. Natigilan ako nang makita ko si Mama sa may entrada ng main door. Nakataas ang kilay niya.

Napansin din siya ni Lyndon. Narinig kong nagpaalam siya kay Mama bago naglakad palapit sa kotse. Narinig ko ang ugong niyon palayo. Dahan-dahan akong naglakad papasok pero makakaligtas ba ako sa Q and A portion ni Mama?

Bagot kong kinuwento sa kaniya ang nangyari, pero hindi ko na sinali 'yong tungkol sa cellphone ni Lyndon. Mahabang kuwento kasi kapag magtatanong siya kung bakit ko tinapon.

Matapos niyon ay nagpunta ako sa itaas para magbihis. Tapos, agad din akong bumaba para kumain ng hapunan. Tumaas pa ang kilay ni Mama habang pinagmamasdan akong bumababa sa hagdanan.

Ngumiti ako sa kaniya pero napalis 'yon nang makita ko kung anong hawak niya. 'Yong WiFi modem!

"Ma!" bulalas ko. "Hindi mo na kailangang patayin 'yan. Eto na 'ko, o? Kakain na ng hapunan." Tinuro ko pa ang wall clock sa dingding. "O 'di ba? Alas-siyete."

Nangunot ang noo ni Mama at binalik sa lagayan ang WiFi. Humalukipkip siya. "Anong nakain mo at bumaba ka agad?"

"Mama naman, o." Bahagya pa akong natawa. "Siyempre, kakain na muna bago mag-cellphone. Para tuloy-tuloy akong makapag-study at makapag-net mamaya."

"Talaga lang."

"Ma? Hindi ka naniniwala?"

Ilang segundo niya akong tinitigan bago ako nilampasan. Napangiti ako at sumunod sa kaniya papunta sa kusina. Nakahanda na ang lahat sa hapag. Inaya ni Mama 'yong mga katulong kaya sabay kaming kumain ng hapunan.

Pero habang kumakain kami, narinig ko ang busina ng sasakyan ni Papa. Napakurap ako. Mabilis akong nag-excuse at nagpunta sa sala. Sinalubong ko si Papa na may ngiti.

"Anong ngiti 'yan?" natatawang tanong ni Papa. Nilagay niya sa sofa 'yong mga pasalubong.

Umiling ako. "Wala naman, Pa. Kumakain kami. Tara sa hapag, Pa."

Sumunod siya sa akin. Naghugas muna siya ng kamay bago dumulog sa hapagkainan. Sabay kaming kumain lahat. Napangiti ako. Hindi ko alam na... nakaka-miss din pala ang pagkain nang sabay-sabay. Mas gusto kong ganito na lang palagi. Masaya.

TINAPOS ko muna 'yong last requirement para sa clearance, at nagbasa ng dalawang notes bago nag-scroll sa Facebook. Hinanda ko na rin ang gamit ko para bukas bago humilata sa kama habang nagsa-sound trip.

Ilang minuto rin 'yon bago ko naisipang buksan ang reading app. As usual, maraming notifications mula sa authors. Ang nagpabuhay sa interes ko ay ang notif sa bagong book ni CLGF. Agad ko 'yon in-click. The Last Resort ang title.

~

THE LAST RESORT

by CareLikeGoldFish

I have only one resort. One choice. And it could ruin me or ruin five people. I chose to ruin one.

Napangiti ako nang mabasa ang first paragraph. Ang galing niya talaga! Idol! Inayos ko ang pagkakahiga at pinagpatuloy ang pagbabasa.

It was midnight, I guess? Who would know? The whole street gave chill to my bones. It was so quiet and I could hear the chattering sound of gentle rain at the roof of my car. The breeze could frost my skin but what could it do with my boiling blood? The car speed up.

"Ikaw ang nakakaalam, Magnus. Sinabi mo sana sa kaniya ang totoo!"

"Quiet!"  I silenced him. I couldn't think of other ways but to calm my raging blood. If I will not do it, then who will? I can't risk losing my team.

"Parang awa mo na, Magnus. Pinatay ko 'yong girlfriend ko. Narinig mo ba? Pinatay ko siya alang-alang sa hayop na babaeng 'yon!"

I shook my head in disbelief. How could a mere twenty-one year old guy kill someone? A girl perhaps?

"You could turn her down. Pero anong ginawa mo, Haret? Binuntis mo 'yong babae. Alam mong bawal 'yon sa atin. Just understand her, will you? Pinoprotektahan lang niya tayo."

"Ano? Baliw ka ba? Anong protekta ang sinasabi mo? Ito ba? 'Yong pagdungis ng dugo sa kamay ko?" I hear him sob. "Mahal ko siya, Magnus. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin habang nakikita ko siyang naghihingalo. I-I could see her questioning look, like she's asking me how could I end up betraying her? Ang sakit. Sobrang sakit."

"Man, there's nothing we could do right now. Just shut it up, will you?"

"Hindi." He took a deep breathe. And threw a serious glare on me. "Kakalas ako. Hindi ko na masikmura ang pinanggagawa ng babaeng 'yon. Sasabihin ko sa media ang nangyari. Ako ang mananagot. Ibibigay ko ang hustisya na hinihingi ni Sabrina."

I stepped on the brake. The car abruptly stopped. I threw a death glare on him. "You can't do that, Haret."

"Kaya ko."

I cursed. And cursed more. "No. You can't. You shouldn't! Don't ruin your name for that dead girl!

"I can't walk with my head's high because of what I've done, Magnus! Nahihiya ako. Mamatay-tao ako!"

"Shut up! You're not a killer!"

"Mamatay-tao ako!"

I threw him my most dangerous glare when he tried to open the passenger door. When he succeeded, he ran outside. I could see him running away. My jaw clenched. I opened the storage below the dashboard and got my pistol. I went outside my car.

"Haret!" I called him as I hid my pistol at my back.

He stopped and turned to face me. With the soft touch of the street light in his face, I could see the tears streaming down on his cheeks. I walked towards him. Slowly, like a lion preying on his prey. I smiled. A dark one.

"What are you up to?" he asked.

I shrugged my shoulders. "I can't give them up for you. You'll ruin your name, you'll ruin ours. I have decided to ruin one life just for the sake of four others."

"Magnus."

I gave him a secret smile. A smile that made him stepped back. "Can I have your life, Haret?"

With a fast move, I shot him. I watched as he slowly bended his knees. His face is a picture of a scared child. A horrible sight.

"I'm sorry, dude. But you just crossed your line," I whispered in the air.

I looked up to the sky of midnight blue. The breeze was soft against my skin. Like soothing my bleeding heart. Why? Why can't you shut your mouth, Haret?

After seconds of looking up, I looked around at the corners of the street. No one. Really, no one? I can't see clearly due to the fog that sorrounded my eyes. Hoo. It's quiet cold, huh?

I slid my hands at the pocket of my cardigan to look for something that could ease the cold, but I only got a cold metal and paper. Tss. I threw them away. Useless things.

I picked Haret's dead body and placed him at the compartment of my car. I stared at his face. His forehead was slightly creased. I took a deep breathe.

I slowly smiled and closed the compartment. I went back inside my car and turned off the AC. I drove my car past the coastal road.

"I'm sorry, Haret. But it is my last resort."

~

Binaba ko ang cellphone at napatitig sa kisame. Ang galing.... sobrang galing niya. Parang totoo... parang sa dreams ko... parang nakita ko na 'tong eksenang to... pero 'di ko maiusal kung totoo o piksyon lang.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.