"Eighty over hundred? Kanino ka kumopya?"
Natawa ako sa sinabi ni Reun at pabiro siyang hinampas sa braso. "Grabe ka talaga sa akin. Nag-study kaya ako, no?"
"Study?" Naningkit ang mga mata niya, at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Rishell, hindi ikaw ang tipong mag-aaral ng lesson."
Ngumuso ako. Talaga. Hindi ko hilig mag-aral ng lessons pero kasi, simula noong bumagsak ako sa exam, napagtanto kong dapat akong mag-aral. Kasi kailangan. Hindi naman basta-basta ang kursong Naval Architecture. Kailangang magsikap para ipasa ang grado. Kahit tumuntong lang sa retention. Kahit pasang-awa, ayos na. Basta pasado.
"Lesson learned na, e. Okay?" Pabiro pa akong umirap sa kaniya. Natawa lang siya at naiiling na bumalik sa upuan niya. Ulit. Ganiyan lang naman si Reun, lalapit tapos babalik sa upuan. Para lang nakiki-chismis.
Binalik ko sa folder ang papel na pinaglagyan ng score ko. Naglakad ako papunta sa harap at nilagay sa professor desk ang folder. Mukhang hindi papasok si Prof ngayon.
Naghintay lang ako ng oras. Tapos, dumiretso ako sa canteen. Nakasalubong ko pa si Jamaica sa hallway. May kausap siya sa cellphone.
"Couz? I don't know either. Maybe you could send him your love letters?" Natawa siya. "No, I can't. Just book a ticket now, okay? I don't want to see them."
Ni hindi siya tumingin sa gawi ko. Nilampasan niya ako. Hindi na rin ako naghabol. Hindi rin kasi kami close, e. Bumili lang ako ng snacks tapos naghintay ng susunod na subject.
Hinatid ako ni Gerard sa bahay. Kumain kami nang sabay nina Papa at Mama bago ako umakyat sa itaas. Nag-aral ako saglit tapos napatitig ako sa kisame nang may maalala. 'Yong books at merchandise ko! Natampal ko ang noo.
Nasa bahay ni Lyndon ang mga gamit ko. Tapos... tapos ako pa 'yong nagsungit. E, baka tinapon niya 'yong mga babies ko! Naman. 'Wag naman sana.
Mabilis kong inabot ang Xiaomi pero natigilan ako habang tinitipa ang passcode. Wala pala akong number niya. At wala rin kay Kervy kaya hindi ako makatanong kung anong number ng Engineer na 'yon. Saka, lulunukin ko ba ang pride?
"E... haist."
Masama kong tinitigan ang Xiaomi. Ano palang silbi ng phone na 'to kung walang contacts? Hay nako. Hindi ko alam kung magsisisi o hindi. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa ko sa hapon na 'yon. You're too impulsive, Rishell! Dapat iniisip mo 'yong consequences bago ka magdesisyon!
"Kay Papa na nga lang."
Lulunukin ko na lang ang pride. Para sa'n pa 'yong hundred thousand kung mapupunta lang sa basurahan? Ilang balde ng chicharon na rin 'yon, no?
Bumangon ako at naglakad palapit sa pinto. Kaso huminto nang akmang pipihitin ko ang seradura. Paulit-ulit akong lumunok. Grabe, nakakasama sa loob, ha? Pride versus happiness ang peg? Sumimangot ako at mabilis na pinihit ang seradura. Bahala na nga.
Hinanap ko si Papa sa sala, at ayun, nanonood ng action movie. Nakatalikod siya sa gawi ko. Sa tingin ko nga, nasa full volume ang speaker dahil sa itaas pa lang ay rinig na rinig ko na ang putukan.
Tumayo ako sa likuran ng sofa na inuupuan niya at kinalabit siya. Napatayo pa siya sa gulat. "Rishell!" bulalas niya.
Ngayon ko lang napansin nakaunan pala sa hita niya si Mama. Kaya nang bigla siyang napatayo ay muntik nang mahulog si Mama sa sofa. Hindi ko alam kung matatawa o hindi. Pulang-pula kasi ang mukha ni Mama habang nakakita ng multo si Papa.
"Ba't ganiyan itsura niyo?" bulong ko. At parang nabingi si Papa sa lakas ng volume dahil hindi niya ako narinig. Napakamot ako sa pisngi. Nilakasan ko 'yong boses. "May contact ka ba kay Engineer Lyndon, Pa?"
Kunot-noo niyang inabot ang cellphone sa center table. "Wag mo nang gawin 'yon, Rishell."
Nakita ko sa gilid ng mata ang pag-abot ni Mama sa remote control at hininaan ang volume ng speaker.
"Ano, Pa?" Tinanggap ko ang cellphone. "Yong ginawa ko, Pa? Kasi naman anlakas ng volume. 'Di mo rin ako maririnig. Kung wala naman kayong ginagawang milagro ni Mama, e hindi naman kayo magugulat nang ganiyan. Grabe."
Ngumiti ako at tumakbo papunta sa hagdan. "Anong sinabi mo, Rishell?" pasigaw niyang tanong. Natawa na lang ako. Duh, may kwarto kaya sila.
Dumiretso ako sa kuwarto ko at binuksan ang phone ni Papa. Agad akong nakapasok dahil walang security pass. Hinanap ko sa contacts 'yong pangalan ni Lyndon pero hindi ko mahanap sa directory ng letter L.
Naman. Almost hundred 'tong contacts. Pinindot ko na lang 'yong search bar at hinanap ang pangalan niya. Lyndon. Engineer. Lyndon Ephraim. Hayst. Wala pa rin.
Naalala ko bigla 'yong tinanong ni Mama. Mr. Davies. Tinipa ko 'yong sa keyboard at may isang nakarehistro sa ganoong pangalan. Napangiti ako at kinopya ang number. Tinipa ko sa contacts ng Xiaomi.
Ilang minuto ko 'yong tinitigan. Tatawagan ko na ba? Tatawagan o hindi. Hindi o tatawagan? Napanguso ako. Ang hirap mamili between my pride and my happiness, a?
Hay nako.
Pikit-mata kong pinindot ang call button, at ni-loudspeaker. Ayan na. Nagri-ring na!
Ngingiti na sana ako kaso bigla na lang napatay ang tawag! Aba, hindi ko naman pinatay, a? Kunot-noo kong tinawagan ulit ang number pero pinatay na naman? Naningkit ang mga mata ko. Binuksan ko ang text message at nagtipa.
To Mr. Davies: Answer me or you'll dead, Lyndon Ephraim Davies!
Pinadala ko ang message sa number. Tingnan natin kung 'di niya pa rin ako makikilala. Ilang segundo pa at may pumasok na text message sa inbox ko.
From Mr. Davies: Brat, I don't have time for you.
Mas lalong nagusot ang mukha ko sa text niya. Siya na nga 'yong may atraso, siya pa 'yong deadma?!
To Mr. Davies: Huy. Kung ako ang pipiliin, hindi kita iti-text! Pasalamat ka't nasa 'yo 'yong mga gamit ko! Ibalik mo lang 'yon at wala ka nang atraso sa akin!
Napangisi ako. Tingnan natin kung anong iri-reply niya. Ilang minuto pa bago may pumasok na text message.
From Mr. Davies: Are you high? I don't know you. Stop texting me, will you?
Napakurap-kurap ako. Aba, napaka - "Hayst! Ikaw na talaga, Mr. Engineer! Nasa 'yo na ang corona!"
Tinawagan ko ulit 'yong numero niya. Mabuti na lang at sinagot niya 'yong tawag!
"Mr. Engineer..." Naningkit ang mga mata ko. "Alam mo bang nilunok ko ang pride para lang tawagan ka? Alam mo bang gigil na gigil ako sa 'yo? Alam mo bang kanina pa kita gustong bigyan ng napaka-sweet na sapak ever? Alam mo ba 'yon, ha?!"
"No. I don't know."
Nangunot ako noo ko. "Teka, parang nag-iba ang boses mo."
"Who are you?"
"Ha?" Nilayo ko ang Xiaomi at tiningnan ang screen. Mr. Davies naman ang nakalagay. "Lyndon, 'wag mo nga akong i-deny!"
"Where did you get my number?"
"Kay Papa."
"Your father? Who is your father then?"
"Ano bang - hindi mo ba nakikilala ang boses ko? Ano 'to, si Rishell!"
Natahimik siya. Tapos umikhim at nagsalita. "Rishell... the friend of Tiden?"
Mas lalong nangunot ang noo ko. Aba, paano niya nakilala si Tiden? "Basta ako 'to. Kailan ka free? Kukunin ko na ang mga gamit ko."
"I'm sorry. I can't bring back your things. I'm not Lyndon Ephraim Davies. It's Levi."
Levi?
"Huy, 'wag mo nga akong lokohin!"
"I'm stating the truth, Rish. If you don't believe me, then how about that underwater kiss?"
Natutop ko ang bibig. Seryoso siya? Si Levi? As in Levitus Yushen? Napatili ako nang 'di oras. Napatalon ako pasalampak sa kama. "H-Hi, Levi. Hala, sorry nasigawan kita."
"It's okay. But how did you get my number?"
Napangiti ako. Agad kong tiningnan 'yong numero sa contacts ni Papa at hinambing sa numero sa contacts ko. Ayun pala. Namali ang dalawang digit sa dulo. Hay nako.
"Ano kasi, namali 'yong type ko sa number."
"I see."
"Pasensya na talaga, ha?"
"It's fine. I'll hang up now. Got some list to do this evening."
"Ah, s-sige! Bye. Uhm... call you next time?"
Natawa siya. "Sure. I would love to hear your sweet voice. Send me some vm sometimes."
"S-Sige! Walang problema sa akin 'yon." Nakagat ko ang labi. Gosh, totoo ba talaga 'to?
Nagpaalam siya ulit bago binaba ang tawag. Ngiting-ngiti akong napatihaya sa kama at tumitig sa kisame. Nakakainlab ka talaga, Levi! Ambait-bait pa!
Dahil good mood ako, hindi ko na sinigawan si Lyndon nang sinagot na niya ang tawag. Nakiusap na rin ako sa kaniyang ihatid sa bahay ang mga gamit ko.
Plano kong itambak dito sa kuwarto ang mga 'yon. Since malaki naman. Saka, kakausapin ko na lang si Mama. Bahala na kung mabulyawan. May kasalanan din ako. Bumili ako kahit pinagbawalan niya ako. I should accept the consequence.
Saka, ayokong ipaako kay Lyndon ang mga gamit ko. Akin 'yon kaya dapat nasa kuwarto ko ang mga 'yon. Saka hindi naman kami bati kaya nag-alala akong baka ipasunog niya ang mga 'yon.