Buhok ang una kong napansin kay Lyndon. Nagpagupit siya. Barber cut. Bagay naman sa kaniya kasi mukha na siyang miyembro ng AFP. Mamumutok pa ang muscles sa sobrang hapit sa katawan niyang yellow shirt. Sa tingin ko nga, kaunting push pa at mati-trace na ng shirt ang abs niya. Kung meron siya no'n.
Hindi na siya ngumingiti na tulad ng dati. Bahagya pang nakakunot ang noo na para bang hindi siya natutuwang makita ako. Wow, suplado. Parang kailan lang nang sabihin niya sa aking may gusto siya! Bilis maka-move on sa ganda ko. Pero... oo nga pala, kasinungalingan lang pala 'yon. Hayst.
"O, ba't ganiyan mukha mo?" inis kong tanong. Humalukipkip pa ako at tinaasan siya ng kilay.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Your modesty, Larica?" Humalukipkip din siya. Mas lalong nangunot ang noo.
"Wag mo nga akong ma-modes modes diyan. Whisper gamit ko!"
Mas lalo lang yatang sumama ang tingin niya. "I don't buy jokes, Larica. Go back to your room and dress up properly."
"Hay nako." Umirap ako at pinaningkitan siya ng mata. "Hindi na. Siya, let's go. Ibaba na natin ang mga gamit ko."
"The work's done. They will move it inside in a minute."
Napatitig ako sa kaniya. "Talaga?" Nag-angat ako ng tingin sa dingding. Alas-sais pa ng umaga sa wall clock. "Ang aga mo yata," sabi ko at muling tumingin sa kaniya.
"I have things to do. I just dropped them off." Huminga siya nang malalim. "Still boarding to Panglao?"
"Why you'd asked?" tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "Nothing. I just want to know your whereabouts."
"Honest." Nangunot ang noo ko. "Baka mamaya stalker na kita. Hindi na ako magtataka kung makita man kita sa Panglao."
"See you there then," sabi niya sabay pihit at naglakad palabas ng sala.
Napakurap ako. Ang supladong 'yon! Anong see you there ang sinasabi niya? Pupunta rin siya roon? Aba, stalker talaga!
Kunot-noo kong tiningnan ang ilang hardinero ng EGL na binubuhat ang mga eco bags na pinaglagyan ko ng mga gamit. Sumaludo ang ilan sa akin sabay lapit at lagay ng mga gamit sa paanan ko. Humalukipkip ako. "Pakibuhat na lang sa itaas ng kuwarto."
Umakyat ako sa hagdan, nakasunod lang ang mga hardinero. Dumiretso ako sa kuwarto at pinagbuksan sila ng pinto. "Diyan lang sa tabi ng pinto. 'Wag na kayong tuluyang pumasok."
"Sige, Maam."
Ilang minuto silang nagbalik-balik mula sa sala paakyat sa kuwarto, at pababa naman sa sala tas paakyat ulit. Nakita ko na lang ang pagbukas ng kuwarto nina Mama at Papa. Unang lumabas si Papa kasunod si Mama. Naku naman. Bumati sa kanila ang ilang hardinerong nag-akyat baba ng hagdan.
"Ano 'to, Joy?" takang tanong ni Mama habang sinusundan ng tingin ang mga hardinero.
Lumunok na muna ako. "Mga g-gamit ko, Ma."
"Yan ba ang nasa Port?" kunot-noong tanong ni Papa. Tumango ako. Umiling siya at nauna nang bumaba ng hagdan. Naman. Alam kong iniwan ako ni Papa sa kamay ni Mama para bulyawan ng huli. O, 'di ba? Answeet niya.
"Ipaliwanag mo nga sa akin, Joy."
Kamot sa pisngi, kinuwento ko sa kaniya 'yong pagbili ko ng merchandise at mga libro. At habang nagsasalita ako, ni hindi man lang nabawasan ang kunot sa noo ni Mama. Mas lalo pa nga yatang nagusot ang mukha niya.
"Bumibili ka niyan? Bakit, Joy? Makakain ba ang mga 'yan? Sagot!"
Napapikit ako. Grabeng boses. Umaabot na sa kalakip na hasyenda. "Ma naman..."
"Sagutin mo ako, Joy. Makakain ba ang mga 'yan?"
Napatungo ako. Umiling. Naku naman, nakakahiya sa mga hardinero at katulong. Pero deserve ko naman. Naging pasaway ako kay Mama. Hayst. Lumunok ulit ako. "Sorry M-Ma..."
"Alam mo ba kung bakit ayaw kong bumibili ka ng mga walang kwentang bagay na 'yan?"
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Alam mo ba, Joy?" Huminga siya nang malalim. "Alam mo bang mahirap maghanap ng pera para lang ipakain sa 'yo? Kumakayod ang Papa mo para lang ipantustos sa kolehiyo mo at may ipambili ng mga pagkain. Tapos malalaman ko na lang na winawaldas mo ang pera mo para diyan? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon!"
"M-Ma..."
"Hindi mo alam ang hirap na dinanas namin ng Papa mo, Joy! Madali sa 'yong gumastos para sa walang kwentang bagay dahil hindi mo alam ang hirap sa paghanap ng pera!"
Nanlabo ang paningin ko. Hindi dahil sa lakas ng sigaw niya pero dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
"Joy, bago namin narating 'tong tuktok, lumakad pa kami ng dalawampung kilometro araw-araw para lang makapunta sa pabrika. Kumain kami ng alikabok. Gumapang kami sa putik. Lumuha kami ng dugo bago namin narating kung saan kami ngayon!"
"Ma..."
"Kaya sabihin mo sa akin kung pwede bang kainin ang mga 'yan sa oras ng pangangailangan!" Marahas siyang bumuntong-hinga. "Hindi sa lahat ng oras, mananatili tayong nasa tuktok, Joy. Mag-isip ka kung ano ang mas nakakabuti!"
"S-Sorry na, M-Ma..."
Ilang minuto siyang tumahimik. Paulit-ulit na huminga nang malalim. "Wag mong ipakita sa akin ni isa sa mga 'yan. Alam mong hindi ako magdadalawang-isip na sunugin ang mga 'yan!"
"O-Opo, Ma..."
Humugot ulit siya nang malalim na hininga. "Sabihin mo nga sa akin kung bakit bumili ka ng mga 'yan."
"M-Ma..." Napalunok ako. "F-Fangirl ako, Ma. At... at nakikita ko ang mga co-fangirls ko na bumibili ng mga 'yan. G-Gusto ko lang magkaroon ng merchandise."
"Tapos? Anong mapapala mo sa pagbili ng mga 'yan?"
"M-Ma..."
"Sabihin mo kung ano, Joy!"
Napapikit ako. "H-Hindi ko po alam, M-Ma..."
Natahimik siya saglit. "Joy," mahinahong sambit ni Mama. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Huminga siya nang malalim. "Hindi mo 'yan makakain 'pag wala na tayong bigas. Ang unang dapat mong isipin ay kung makakatulong ba sa oras ng pangangailangan. 'Yang barya na binili mo riyan, pwede mo 'yang magamit sa mas makabuluhang bagay. Alam mo dapat ang pinagkaiba ng pangangailangan at kagustuhan. Tandaan mo 'yan."
"Y-Yes, M-Ma." Tumango ako at nagbaba ulit ng tingin.
"Magbihis ka ng disente at bumaba. Kakain ka ng agahan."
"Opo, Ma."
Naglakad siya pababa ng hagdanan. Paulit-ulit akong huminga nang malalim. Pinahid ko ang basang pisngi. At least, nabawasan ang bigat ng dibdib ko.
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko, at nangunot ang noo ko nang makita ko ang undies ko na kapansin-pansin sa ilalim ng see-through night gown. Kaya ba gusto ni Lyndon na magbihis ako ng disente dahil dito? Napakamot ako ng pisngi.
HINDI ko na ginalaw ang mga gamit. Pinabayaan ko na lang na matambak sa sulok. Nawalan kasi ako ng gana matapos 'yong sinabi ni Mama. Kasi naman, may punto siya. Alam ko naman kung bakit ayaw niya akong bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Pero masyadong matigas ang ulo ko.
Napanguso ako. Tumihaya ako sa kama at tumitig na naman sa puting kisame. Naiinggit kasi ako sa kapwa ko fangirls. May mga merchandise sila na pini-picturan tapos pino-post sa Facebook. Humahakot kasi ng likes, reacts, at comments. Gusto ko ring maranasang maging viral. Para maraming mainggit na fangirls.
"Hayst. Torn na naman ako between happiness at obedience," saad ko.
Bumangon ako at naupo sa gitna ng kama. Tiningnan ko 'yong mga gamit kong nakasilid pa sa eco bags. Hay nako. Isa pa sa dahilan kung bakit bumibili ako ay dahil gusto kong magkaroon ng mga bagay na uso. Kumbaga, sabay sa trends. Feeling ko kasi, hindi ako tunay na fangirl kapag walang merchandise. Sino ba naman kasing fangirl ang walang merchandise?
"Maka-cellphone na nga lang," bagot kong sambit.
Inabot ko ang Xiaomi at binuksan ang reading app. Bigla na lang nag-pop up sa notification bar ang bagong update ni CLGF. Napangiti ako. Nice! May update ang The Last Resort.
~
THE LAST RESORT
Chapter 5
I did my best but I guess it wasn't enough. Haret, my childhood friend, was my friend. But I don't consider him as my close buddy. We're doing stuffs, professing that we have the best companionship. I think people were happy seeing us close to each other. Maybe he was happy, too. But I? No, I'm not happy being with him. And will never.
He'd been the stealer of the spot. He was loved by many. My girl crush was madly in love with him but he dumped her. He could make girls drool over him. While me? I was the second option. The best when he was not around.
"Magnus." I turned and saw Stella. She smiled at me and stalked closer. "I thought you're with Haret."
I shook my head. "I want to breathe fresh air. You go. They might look for you."
"Baby," she whispered. She reached for my nape and tiptoed to kiss me. We were running out of breath when I freed her. She smiled widely. "I know you're a good kisser. Your lips taste like honey."
I chuckled. I held her nape and grabbed her again for a second kiss. We almost rolled on the ground but someone cleared a throat. Annoyed, I looked up. That's when I saw Haret. He was smirking. "Grab some room, man," he joked.
I just shrugged my shoulders off, not minding his presence. I tried to kiss Stella more but I heard another footsteps coming from the inside. I breathe deeply. "Some other time, Baby." I gave her a smack on her lips. She smiled again.
I looked for a smudge on her lips but I found none. I helped her to stand up and I escorted her inside the hall once again. Haret was following us from the back.
People were looking at us. No, at Haret. They were smiling at him. I've tried to ignore the fact that they adore Haret more than me. But what can I do? He is the leader while I'm just an ordinary member of the team.
I looked down at Stella. She was looking up on me. "You're my handsome man. Don't mind them, Magnus. Even if people dislike you, I will be your number one fan. Forever. I promise."
"Baby."
She smiled once again. "I love you."
And right at that moment, I smiled mischieviously.
~
Napangiti ako sa bagong update. Masyadong sweet si Magnus kay Stella. Pero, ang sad naman. Hindi napapansin ng mga tao ang presensiya ni Magnus. Kaya siguro binaril niya si Haret sa Prologue ng kuwento.
Hayst. Ano kaya ang ending nito?