Four Hearts and a Friendship w/ Bonus Friendship Stories Chapter 8

PAGKATAPOS ng isang linggo ay lumabas muli sina Ginny at Luc. Niyaya siya nitong makipag-date. Pumunta sila sa mall at doon ay kumain, nanood ng sine at naglakad-lakad pagkatapos. Alas singko na ng hapon pero dahil hindi pa nila gustong umuwi para mas ma-enjoy pa nila ang isa’t isa, naglakad-lakad muli sila. Sa kanilang paglalakad ay nakarating sila sa isang bear shop at nasabik kaagad si Ginny nang makita iyon. Natuwa kasi siya nang makita ang malaking teddy bear na naka-display sa labas. Napayakap siya sa teddy bear.

“Like it?”

Tumango si Ginny. “I love teddy bears,”

Sandaling pinagmasdan siya ni Luc at maya-maya ay ngumiti. “Kung ganoon, bilhin natin ang teddy bear na iyan.”

Akmang maglalakad na si Luc papunta ng counter nang pigilan ito ni Ginny. “Hindi! Hindi mo bibilhin ang teddy bear na iyon.”

Tumaas ang kilay ni Luc. “Why? Halata naman na gustong-gusto mo ang teddy bear. You looked so happy. I want to make you happier by buying that and give it to you so you can hug it forever.”

“Masyado ka ng maraming naibigay sa akin. Hindi lang sa akin at pati na rin sa pamilya ko. Kakabili mo lamang ng mga bagong laruan kayna Gerard at Gerome noong nakaraang linggo at ngayon ay bumili ka muli. Ang mga bulaklak na ibinigay mo sa akin, napakaganda noon at dahil roon, alam ko na mahal ang bili mo roon. Ayaw ko ng ganoon ang ginagawa mo sa akin, Luc. Na-appreciate ko naman but it seems too much. Simpleng babae lang naman ako. Hindi ko kailangan ng maraming gamit. Oo at natutuwa ako sa teddy bear pero hindi ibig sabihin noon, kailangan mo akong ibili ng ganito. Marami na akong ganito sa bahay at kahit hindi man ganito kalaki ay masaya na ako roon. Hindi dahil gusto ko, kailangan ko na makuha. Hindi naman lahat ng gusto ay kailangan. Mas prefer ko ang mga bagay na kailangan kaysa sa bagay na gusto.”

Sandaling natulala si Luc sa sinabi niya. Kapagkuwan ay ngumiti ito. “Nababanggit na rin naman ang kailangan sa gusto, magbibigay ako ng pahayag tungkol diyan. Ikaw, Ginny Reyes, hindi ka lang kagaya ng sinasabi mo sa teddy bear na ito. Hindi lang kita gusto. It was both. Kailangan at gusto rin kita.”

“Dumali ka na naman,” sabi na lang niya kay Luc pero hindi naman niya napigilan na mamula. Nagustuhan niya iyon. Kinilig siya.

“And you like it. Don’t deny it.”

“Hindi naman kayang mag-deny ng mukha ko `di ba?”

“Oo. And you looked very beautiful whenever you blush...” wika ni Luc at hinaplos ang mukha niya. Kung nagiging PDA na sila sa pinagagawa nila sa loob ng teddy bear shop na iyon ay hindi na gusto pang pahalagahan ni Ginny. Parang may mga paru-paro na naglalaro sa tiyan niya sa hawak pa lang nito. Gusto niya iyon. Gusto niya ang mga pinaparamdam sa kanya ni Luc. Heck, kapag magkasama nga lamang sila ay gusto niya pa rin iyon.

Dumating ang alas siyete at hindi pa rin nila gustong mawalay sa isa’t isa ni Luc. Doon na rin sila nag-dinner upang mapatagal pa ang date nila. Dinala siya nito sa isang restaurant sa mismong mall rin pero kahit masasabi na maganda at disente iyon ay hindi nila masasabi ni Luc na ganoon ang lahat ng tao rin na papasok roon. Paano kasi, maingay ang nasa katabi nilang lamesa na sa tantiya ni Ginny ay kagaya nila ni Luc ay nagde-date rin. Iyon nga lamang, mukhang mga teenager pa ang mga ito sa tingin at pati na rin sa ugali. Paano kasi ay maingay ang mga ito. Kasalukuyan na nagpapalitan ng mga corny quotes ang mga ito sa isa’t isa.

“Gusto mo bang lumipat tayo?” tanong niya kay Luc. Sanay naman siya sa ingay kapag nakain dahil na rin kay Gerome pero hindi niya sigurado kay Luc.

Umiling si Luc at ngumiti. “Sa tingin ko nga ay naaliw pa ako.”

Namilog ang mga mata ni Ginny. “Huwag mong sabihin na naaliw ka na pakinggan sa pagpapalitan ng banat ng dalawa?”

“I don’t find it corny. I find it amusing. Ikaw ba?”

Nagkibit-balikat lang si Ginny bilang sagot.

“Hindi mo gusto ang mga ganoong banat?” napakamot ng ulo si Luc. “Sayang, gusto ko pa naman sanang gumawa ng para sa `yo.”

Napataas ng kilay si Ginny. “Seryoso?”

“Oo. Kaya lang, mukha namang ayaw mo kaya---“

“Subukan natin.” Hindi naman masasabi ni Ginny na corny iyon para sa kanya pero sa tingin niya ay hindi na appropriate sa edad at panahon kung nasaan sila ang pagpapalitan ng mga ganoong bagay.

Ngumiti si Luc. Sinalubong nito ang tingin niya. “Matalino ka naman `di ba? Bakit hindi mo ako maggawang sagutin?”

Nagulat si Ginny sa sinabi ni Luc. Ramdam niya na double meaning iyon. “N-naiinip ka na ba, Luc?”

Sandaling hindi nakapagsalita si Luc. Bumuntong-hininga ito. “Sorry. Nabigla lang ako.”

“Kung ganoon ay seryoso ang banat na iyon?”

“M-madalas na naiisip ko iyon, oo. Ayaw ko naman na isipin mo na naiinip na ako pero sana ay maintindihan mo ang sitwasyon ko. Kinakabahan rin ako sa ginagawa ko. Ito ang unang beses na ginawa ko ito at pakiramdam ko ay nawawalan ako ng kompiyansa ko sa sarili ko lalo na at hindi ko naman alam ang pakiramdam mo sa akin. Wala kang sinasabi sa akin. Para akong nasa isang trial and error process.”

Naalala ni Ginny na nalagay rin siya sa ganoong sitwayson. Akmang magsasalita na siya nang hawakan ni Luc ang kamay niya.

“Pero huwag mong isipin na minamadali kita. Kaya ko naman na mag-antay. Nabigla lang talaga ako. Kaya kong magtiis dahil gusto ko na maniwala na gusto mo rin ako. Pero kung hindi man, handa pa rin naman ako na ipaglaban ka. Gagawin ko ang lahat. At iyon ay hindi lang dahil sa gusto kita. Iyon ay dahil sa matindi pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa `yo. Mahal na kita at gagawin ko ang lahat para makasama ka habang buhay, Ginny.”

“M-mahal mo na ako?” kahit nararamdaman naman ni Ginny iyon, hindi niya maiwasan na magitla.

Tumango si Luc. “Napakabilis ng lahat pero sigurado ako, Angel. Mahal na kita. Nang makilala at makasama kita nang lubos, marami akong naramdaman na kakaiba sa `yo. Gusto ko na palagi kitang kasama. Kapag hindi ko nagagawa iyon, palagi ko naman naiisip ang mga panahon na magkasama tayo. When you are there, I am thinking of you. When you are not there, I am still thinking of you. Hindi ko maggawang maalis ka sa sistema ko. Kapag wala ka, hindi kompleto ang buhay ko.”

Lumambot ang puso ni Ginny sa mga sinabi ni Luc. “At ganoon rin ako, Luc.”

“Mahal mo rin ako?” si Luc naman ang nagulat.

Tumango si Ginny. “Sa tingin ko. Kapag kasama kita, masaya ako. Kapag nakakausap at nakikita kita, kompleto at buo na ang araw ko. Hinahawakan mo lang ako, parang may mga paru-paro ng naglalaro sa tiyan ko. Hindi ko maggawang maalis sa mukha ko ang ngiti ko kapag naiisip lamang kita.”

Nagliwanag ang mukha ni Luc. “Kung ganoon...tayo na ngayon?”

Sandaling natigilan si Ginny. “Gusto kita, Luc. Pakiramdam ko ay mahal na rin kita. Pero puwede bang maghintay muna tayo ng ilang linggo bago natin umpisahan ang relasyon na ito?”

Kumunot ang noo ni Luc. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Gusto ko sanang makapasa muna sa board exam bago ako magkaroon ng official na relasyon. Gusto ko muna na makamit ang pangarap ko.”

Tumango si Luc. “Naiintindihan ko. P-pero paano kung hindi ka makapasa? Alam ko na hindi ko dapat iniisip iyon pero---“

“Sinabi mo na mahal mo ako, Luc. Dapat ay pinagkakatiwalaan mo ako.” Nakalabing wika ni Ginny.

Matamang tinignan siya ni Luc. Kapagkuwan ay ngumisi. “I know it. I feel it. Papasa ka...at pareho nating makukuha ang isa’t isa.”

NANGINIG si Ginny nang mabasa ang text message ng kaklase niya. Lumabas na daw ang resulta ng board exam! Hindi niya inaasahan iyon dahil na rin wala pang thirty-two days ang nakalipas simula nang mag-board exam sila. Pero inisip na lang ni Ginny na baka napaaga iyon kaya ganoon.

Hindi sinabi ng kaklase ni Ginny kung nakapasa siya o hindi. Sa tantiya niya ay isang group message ang text. Kinakabahan siya. Nagtitiwala siya sa sarili niya pero alam niya na maaaring bumagsak pa rin siya. We never know what is there in life, ika nga.

Hindi muna sinabi ni Ginny sa mga magulang ang balita. Umalis siya ng bahay at nagpunta sa pinakamalapit na computer shop upang makita ang resulta. Ganoon na lang ang pagtili niya nang makita ang listahan sa kanyang pangalan. Hindi na niya inisip kung ano ang iisipin sa kanya ng tao.

Teacher Ginny Reyes. Maaari na niyang matawag ang sarili niya na ganoon. Natupad na niya ang pangarap niya. At bukod pa roon...magiging opisyal na ang relasyon nila ni Luc. Boyfriend na niya si Luc dahil natupad na ang pangarap niya.

Napakasaya ni Ginny.

Umuwi agad si Ginny upang ipaalam sa pamilya ang nangyari. Kagaya niya ay napakasaya rin nito. Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ina at ganoon rin ang kanyang dalawang kapatid. Proud daw ang mga ito sa kanya. Tinawagan ng kanyang Nanay ang Tatay niya upang ipaalam ang nangyari at siya naman ay hindi rin napigilan na tawagan si Luc sa kabila ng alam niya na pagtatrabaho nito.

“Oh my God! What a wonderful news. Congratulations, Angel. Pupunta ako diyan sa bahay niyo ngayon rin,”

“Ha? Pero wala pang alas singko y medya.” Iyon ang oras ng labas ni Luc sa trabaho. Alas kuwatro pa lang ng oras na iyon. Wala rin silang plano na magkita.

“I’ll go undertime. Mahalaga pa ba ang trabaho kaysa sa mga ganyang balita? Magse-celebrate tayo kasama ang pamilya mo. Isasama ko rin ang Tatay mo.”

Hindi na umangal pa si Ginny. May punto rin naman si Luc. Isa pa, gusto rin niyang i-celebrate ang araw na iyon kasama si Luc at ang mga espesyal na tao sa buhay nila.

Alas sais na nang dumating si Luc at ang kanyang Tatay sa bahay. Humaba ang biyahe ng mga ito dahil daw sa traffic. Niyakap siya ng dalawa pagdating ng mga ito.

“I’m so proud of you. I love you,” bulong ni Luc habang yakap siya.

Hindi mapigilan ni Ginny na mapangiti. Bukod sa pagkapasa sa board exam, espesyal rin sa kanya ang araw na iyon dahil tuluyan na niyang masasabi na boyfriend niya si Luc. Kaya na rin niyang sagutin ang bulong nito. Hindi nga lamang niya ginawa sa ngayon dahil ayaw niyang mailang ang kanyang pamilya.

Kumain sila sa labas bilang celebration na rin ng pagkapasa ni Ginny. Pagkatapos kumain ay niyaya niya ang mga ito na magpunta sa simbahan kahit na ba medyo lumalalim na ang gabi. Ngayon lang kasi niya naalala na kailangan rin niya na magpasalamat sa Panginoon. Pero dahil na rin sa oras at nagiging mainitan na ang ulo ni Gerome dahil gusto na nitong matulog, umuna na ang pamilya niya. Tanging si Luc na lang ang isinama niya sa simbahan.

Matagal na lumuhod si Ginny at nagdasal. Pinuna naman siya ni Luc pagkatapos niyang magdasal. “Mukhang marami kang sinabi kay Lord, ah.”

“Siyempre. Sobrang blessed ko kaya.” Ipinagpasalamat niya ang lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ngayon. Pakiramdam niya ay napakasuwerte talaga niya. Maayos ang pamilya niya, natupad na niya ang matagal na niyang pangarap at biniyayaan pa siya nito ng isang Luc sa buhay niya. Sa ngayon, wala na siyang mahihiling sa buhay niya. Her life seems so perfect.

“Kung ganoon... puro pasasalamat lang ang sinabi mo kay Lord?”

“Humiling rin naman ako sa kanya.”

“Hmmm... care to tell me what is it?”

Tinignan ni Ginny si Luc at ngumiti. “I wish na sana ay kagaya ng buhay ko ngayon, pagpalain rin niya ang relasyon namin ng boyfriend ko na ngayon.”

Ngumiti nang malawak si Luc at niyakap siya. “Ang akala ko ay nakalimutan mo na.”

“Inaantay ko rin ang araw na ito, Luc.”

Tumingin si Luc sa altar. “Thank you Lord for all the blessings. Higit sa lahat, ang pagbibigay sa akin ng babaeng ito na ngayon ay malaya ko ng matatawag na girlfriend,”

Pagkalabas nila ng simbahan ay hinalikan siya ni Luc para ma-seal ang relasyon nila. Hindi na siya umangal dahil gusto rin naman niya iyon. At kagaya ng pakiramdam ni Ginny sa buhay na dinaranas niya ngayon ay ganoon rin ang halik ni Luc: it was perfect. Marahan lang ang halik ni Luc. Napayakap pa siya rito habang sinunod naman nitong hinalikan ay ang kanyang noo. Ginny felt very special.

“I will love you endlessly, Angel.”

“And I will to you, too, Luc---or should I call you Honey, Sweetheart or Babe?”

“Love will do,” nakangiting sagot ni Luc kahit wala iyon sa sinabi niya.

Love. Kay sarap isipin na may matatawag na siyang tao na ganoon. Kay sarap rin isipin na nakuha na ni Ginny iyon sa edad pa lamang niya ngayon. Napakabata pa niya at marami pa rin na pagdadaanan sila ni Luc pero gustong maniwala ni Ginny na dahil mahal nila ang isa’t isa, makakayanan nilang pagdaanan ang mga iyon.

Nilakad nila ni Luc ang daan pauwi sa bahay nila. Dahil kasi mas marami ang pamilya niya, pinadala nila ang kotse sa ama para na rin mas maging komportable ang mga ito. Nagpababa na lamang sila sa simbahan na hindi naman kalayuan sa bahay nila Ginny.

Habang magkahawak-kamay na naglalakad, napansin ni Ginny ang kakaibang kulay ng buwan. “Red. Its a red moon!” nasisiyahan pang turo ni Ginny kay Luc sa buwan.

“Wow,” humanga rin si Luc sa nakita. “Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.”

“Ako rin. Nakakamangha,” tumingin si Ginny kay Luc. “At masaya rin ako na nakita ko ang ganitong nakakamanghang pangyayari kasama ka. I wonder kung may kakaibang meaning ang ganitong pangyayari.”

“Siguro. I’ll search that later and I’ll call you,”

“Paano? Hindi ba sinabi mo kanina na nalimutan mo ang cell phone mo kanina sa office?” dahil daw sa pagmamadali ni Luc kanina, nakalimutan nitong damputin ang cell phone na sandali nitong binitawan habang nag-aayos ng gamit paalis ng opisina.

“May spare phone naman ako sa bahay. I will still call you kapag nakauwi na ako. Hindi ko gustong pag-aalalahin ang girlfriend ko lalo na sa unang araw ng relasyon namin...”

“At gusto kong gawin mo rin `yan sa bawat araw ng relasyon natin.”

“Sa bawat araw ng panghabang buhay na relasyon natin.” Madamdamin na wika ni Luc sa kanya at hindi mapigilan ni Ginny na mapangiti.

Sana ganito ang buhay araw-araw.

NATATAWA si Luc sa sitwasyon niya. Naiwan niya ang cellphone niya sa opisina pero ang Ipad niya ay naggawa niyang isuot sa bag niya. Sa sobrang pagmamadali kasi niya ay hindi na niya inisip pa ang kung anong mailalagay sa bag. Dahil mahaba pa ang biyahe pabalik ng Maynila, napagpasyahan na lang niya na gamitin iyon upang hindi mainip. Si Tatay Greg na ang nagdrive pabalik sa kanila sa Maynila dahil alam rin nito na pagod na siya.

Tatay Greg na ngayon ang tawag niya rito. Ngayon ay feel na feel na niya iyon. Girlfriend na niya si Ginny. Pagkauwi nila ng bahay nila Ginny ay ibinalita nila sa pamilya nito ang tungkol roon. Kagaya ng damdamin nila, masayang-masaya rin ang mga ito para sa kanila. It was a very special day indeed.

Sa pagkaalala rin ng special day na iyon ay naisip rin ni Luc ang tungkol sa nangyari pauwi nila ni Ginny sa buhay. It seems so special to see a red moon. Naalala niya ang sinabi niya kay Ginny na aalamin niya ang ibig sabihin noon. Sinubukan niyang mag-internet gamit ang Ipad niya at naging matagumpay naman siya na mahanap ang ibig sabihin noon pero hindi niya ikinatuwa ang nabasa.

Sumisimbolo raw ang isang red moon na may hindi magandang pangyayari ang magaganap.

Sandaling ikinabahala ni Luc iyon. Hindi pala maganda ang ibig sabihin ng red moon pero inisip pa nila na espesyal iyon ni Ginny. Pero bakit ba siya mababahala? Nagtitiwala siya kay Ginny. Wala rin na mangyayaring masama. Kakaumpisa lamang nila. Hindi dapat rin siya nag-iisip ng ganoon.

Mahal niya si Ginny. Mahal na mahal niya ito. Hindi niya maisip ang araw na mawawalay ito sa kanya. Hindi niya kaya.

Sapat na ang mga dahilan na iyon para hindi siya mag-isip ng masama. He was blessed after all. Ano pa ang karapatan niya para mag-isip noon kung puro saya ang nararamdaman niya ngayon?

Pero nang makabalik si Luc sa bahay nila...doon siya naniwala na totoo ang red moon. Natagpuan niya si Joy na nakatayo sa labas ng gate ng bahay nila. Madilim na madilim ang mukhang nilapitan siya nito at namutla si Luc nang maisip ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura nito.

Ika-labing limang araw ng buwan ngayon. Friendship day nila. Ngayong araw ay isini-celebrate nila ang limang taon ng pagbuo nila ng espesyal na araw na iyon.

Hindi na nagtaka si Luc na sa halip na batiin ni Joy ay isang malakas na sampal ang natanggap niya mula rito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.