ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jeanette matapos magsalaysay ng staff sa trekking registration booth roon sa Saturn Cove. Kaaalis lamang raw ng afternoon team. Lagpas ala-una na ng makarating siya roon at ano pa nga bang aasahan niyang madadatnan. Kumbakit ba naman kasi alangang oras pa tumawag si Maruki? Sana ay nakapaghanda kaagad siya sa pag-alis at hindi na nagbabad ng dalawang oras sa bath tub. Gusto niyang maging napakabango at napakaganda sa sandaling magpakalat-kalat sa Sun Cove. Para naman kapag nagkasalubong sila ni Gelo ay malunod ito sa bango at ganda niya at maisip nitong hindi lang ang mga blonde ang magaganda. Pinaghahandaan na niya ng husto ang planong iyon maski pa nga nginangatngat siya ng selos kaninang makita na kalampungan ni Gelo ang blonde girl nito, ngunit nang sa pagtawag naman ni Maruki para ihatid ang masamang balita ay nawalan din ng saysay.
Nadismaya siya ng sobra. Hindi na nga siya umabot sa pag-alis ng mga mountain trekkers ay nabalewala pa ang pagpapaganda niya.
Ngayon, hindi niya alam kung paanong magtatago kay Maruki. Wala na siyang takas pa sa mga mata noon. Siguro nga, sa mga sandaling ito ay pinaghahahanap na siya ng kanyang boss.
“Sige, salamat nalang.” Aniya sa staff.
Lulugo-lugong naglakad siya palayo sa booth. Saan na siya pupunta? Babalik ba siya sa Sun Cove at bibili ng ticket sa ferry terminal para makabalik na sa Maynila? Pero anong oras pa aalis ang ferry? Siguro, bago iyon makaalis, natagpuan na siya ni Maruki. Kung babalik naman siya sa hotel, anu-anong mga dahilan ang gagamitin niya para makatakas sa boss niya? Alangan naman na buruhin niya ang sarili sa hotel room? Ano pang saysay ng ilang araw niyang bakasyon kung mananatili lang siya sa loob ng silid?
Papalapit si Jeanette sa isang punong mangga ng may marinig na tila tumatawag sa kanya.
“Jeanette!”
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala naman siyang mahagip na kakilala na posibleng tumatawag sa kanya. Abala ang ilang naroroon sa kung anu-anong pinagkakaabalahan. May mga nagpi-picnic sa lilim ng mga puno. May mga nagbibisikleta palabas ng cove patungo sa kasunod na cove. May mga nagho-horseback riding at may mga nakikipag-tsismisan sa iba pang registration booth ng kung anu-anong nature activity.
Bumuntong-hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa lilim ng punong mangga. Mas magandang pumuwesto roon. Walang masyadong makakapansin sa kanya dahil medyo tago ang puno sa kinaroroonan ng ilang tao na nasa cove. Napakainit ng panahon pero malakas rin naman ang ihip ng hangin na nagmumula sa bundok na sana’y pupuntahan niya. Sasalampak nalang siya ng may magsalita na naman.
“Jeanette, ano ba? Hindi ka man lang huminto! Kanina pa akong tumatawag sayo!”
Napabaling siyang bigla sa kanyang likuran. Nakita niya si Gelo na sobra ang pagkakakunot ng noo habang humihingal. Marahil ay tinakbo nito ang papunta roon. May malaking bag pack rin na nakasukbit sa balikat nito. Nakasumbrero, printed white shirt at cargo shorts. Magkatulad pa sila ng brand ng rubber shoes—Fila.
Napakagwapo pa din nito maski messy na ang buhok nito matapos tanggalin ang sumbrero at naghahabulan ang mga butil ng pawis mula sa anit at kilay ng binata. Palagay nga niya ay mas naging hot and sexy ito sa kanyang paningin habang halos maligo na sa pawis. Idagdag pang mas naging kaakit-akit ang mamasa-masang mga labi nito habang walang tigil sa pagkibot.
Kaya naman nga, hindi na kataka-taka kung kulang nalang ay ubusin na ng Ania na iyon ang mga labi nito sa paghalik.
Nabwisit na naman siya. Para kasing nanunukso ang kanyang utak na basta-basta nalang niyang maaalala ang nakaka-eyesore na eksena.
“Buti nalang, naabutan pa kita. Malayo din itong Saturn cove mula sa Earth Cove. May nakita akong nagho-horse back ride mula sa Enchanted Mazed Garden papunta rito kaya nakisakay ako para lang makahabol sa team niyo.”
Nag-igkasan ang mga kilay niya dahil sa sinabi nito. “Nagpa-register ka din sa trekking activity? Akala ko ba manonood ka ng beach kite festival?”
Kasama ng Ania mo! Ang babaeng iyon, kulang nalang ay hilahin ka papunta sa kama! At gustong-gusto mo rin naman. Hmp.
“Nagpa-reserve ako, in case tumuloy ka.” Tugon nito. Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap.
“Nakaalis na sila. Na-late na tayo.” Nanghihinayang na sabi niya.
“Mas mabuti kung ganoon.” Bumaling itong bigla sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat na ipinagtaka niya. “Ano bang pumasok sa isip mo? Tutuloy ka pa talaga sa pagte-trekking ganoong puro lalaki ang mga kasama mo? Nag-back out ang mga babaeng nagpa-reserve kaninang tanghali. At dahil afternoon team kayo, malamang na abutin kayo ng madaling araw. Hindi ka man lang ba natatakot o nag-aalala man lang na aabutin ka ng dilim sa gubat at bundok na puro mga lalaking hindi mo naman kilala ang mga kasama mo?” galit na paninita sa kanya ni Gelo.
“M-malay ko ba na nag-back out ‘yung ibang mga babae? Tsaka, may tinataguan kasi ako kaya tumuloy na din ako sa trekking activity.”
Teka, tutal alam naman nito na hindi kasama si Beatrice, bakit pa ito humabol sa pagte-trekking? At saka, hindi ba’t nandoon na nga ang blonde girl nito, bakit naghahanap pa ito ng ibang babae?
Ah, men! Nasa nature nga pala ng mga ito ang magbilang ng mga babae. Kung minsan nga ay pinagsasabay-sabay pa. At hindi exemption ang lalaking ito sa mga iyon. Gusto lang talaga ng maidadagdag sa collection nito.
“Teka nga? Huwag mong sabihing nag-aalala ka kaya ka sumunod?” deretsang tanong niya rito.
Kahit paano ay umaasa siyang magugustuhan niya ang magiging sagot ni Gelo. Pero dapat pa nga ba niyang magustuhan kung positive man ang isasagot nito? Anong pinagkaiba? Nasa paligid lang ang babae nito pero hayun at lumalapit-lapit pa sa kanya. Ano kaya kung sapakin nalang niya ito?
“Sinong pinagtataguan mo?” sa halip na sagutin ang tanong niya ay binato rin siya ng tanong nito.
“Nauna akong magtanong, mauna kang sumagot.”
“Fine! Oo na! Kahit naman siguro sinong may kilalang babaeng hindi nag-iisip na tulad mo ay mag-aalala sa desisyon mo na halatang ni hindi mo man lang pinag-isipan.”
Nabubwisit na binalingan niya si Gelo. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Siya? Tinatawag nitong babaeng hindi nag-iisip? Wala na ba talaga itong ibang makita sa kanya kundi mga kapintasan at mga hindi kaaya-ayang bagay? Napapikit siya ng mariin. And force her self to calm down.
Hindi siya dapat na magpaapekto sa pagkabruhildo nito. Kahit kailan talaga, hindi niya maririnig mula rito ang mga bagay na gusto niyang marinig. At bakit pa ba siya umaasa? Ilang beses ba niyang dapat na isaksak sa kukote nito na may babae pa ito sa buhay nito at hindi niya dapat na bigyan ng kulay ang paglapit nito sa kanya. And if he really had an intention of getting into her, well, sadly, he just wanted to win her to add to his collections.
“Excuse me nga, Mr. Fucking geek!” Naiinis na saad niya. “Pinag-isipan kong mabuti ang pagsama sa pagte-trekking. Bukod sa gusto ko talaga ang activity na iyon, kailangan ko ding makaalis ng Sun Cove. I need to get away from Maruki!”
“Si Gonzalo? Bakit?”
“Nandito na siya sa Costa Galaxia at malamang na kukulitin ako noon na sumama sa mga beach activity o baka humiling pa ng date. And I don’t like the idea. Hindi ko rin naman alam kung paanong tatanggi lalo pa at boss ko siya. Isa pa, siya ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. So, the best thing to do is to run away!” paliwanag niya.
“Ayan ang napapala ng nanggagamit ng ibang tao para sa sariling kapakinabangan.” Pumalatak si Gelo. “Next time, think first before you act. Para hindi ka namomoroblema sa bandang huli!”
“Okay.” Tugon niya sa pangangaral nito. Gustuhin man niyang umangal sa panenermon nito ay hindi niya magagawa. Tama kasi ito at aminado siyang mali ang ginawa niya.
Pero naiinis pa din siya. Mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi na siya dapat na nakikipag-usap sa magaling na lalaki pero heto siya, ni hindi magawang itaboy ang walanghiya. Ano ba ang dapat na itawag sa kanya? Tanga o malanding tanga?
Dahil sa totoo lang, kalandian din na matatawag na nakikipagclose-close pa siya rito gayong alam na nga niyang may babae na sa buhay nito. Kung wala man iyong malisya kay Gelo, sa kanya ay may malisya ang simpleng pagkakalapit nila. Dahil sa totoo lang, gustong-gusto na niya ang binata. Hindi niya alam kung papaano nangyari gayong kailan lang sila nagkakilala, pero nagising nalang siyang gustong-gusto ang presensiya ni Gelo. Pinipigilan niya lang ang sarili pero gusto na niya itong dambahin at pupugin rin ng halik. Gusto niyang ipakita na kung magaling humalik ang blonde girl na iyon, kaya niya rin. Basta ba gagabayan siya nito.
“Okay?” Nangunot ang noo ni Gelo.
“Okay, I mean, oo na. Tama nga ‘yung sermon mo. Alam ko na ang pagkakamali ko. Nakakahiya mang aminin pero naging user ako. Pero wala na kasi akong choice eh. Iyon ang hiniling sa akin ni Trix.”
Napatawa si Gelo na ipinagtaka na naman niya.
“Bakit ka tumatawa?”
“It’s just that I’m not expecting it from you. Amazing!” Tila natutuwang bulalas nito. “Ang inaasahan ko talaga, ‘yung ipag-aargumento mo ang sarili mo at hindi matatanggap na mali ka.”
Sumimangot siya. “Amazing, amazing ka diyan! Pinupuri mo ba ako o inaasar?”
“Take it as a compliment. Hindi ko talaga inaasahan iyan mula sayo.”
“You do really tend to under estimate me, Mr. Gelo Martinez. Para sa iyong makitid na kaalaman, hindi naman ako kasing kitid ng iniisip mo. Kahit kakarampot itong kukote ko, bukas naman ako sa paliwanag!”
Sumalampak siya sa damuhan at inalis sa pagkakasukbit sa balikat ang bag pack. Nakakangawit rin namang tumayo. Mukhang magiging mahaba na naman ang kanilang argumento nito.
“Oo na, oo na.” He sighed and plump down suddenly and heavily beside her. “I’m sorry.” Anito. Inalis na rin ni Gelo ang bagpack na nakasukbit sa mga balikat nito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay ng humarap sa kanya. “For what?”
“For turning everything into war. Hindi ko iyon sinasadya. Nagkakataon lang na nagsasalubong parati ang inis natin… or nami-misinterpret natin ang isa’t-isa.”
Napangiti si Jeanette. Gusto na niya si Gelo kapag nagbabangayan sila, pero mas nagugustuhan niya ito kapag ganoong nagiging mabait ito sa kanya. Mas lalo tuloy lumalalim ang ginagawa nitong hukay sa kanyang puso.
Anyway, hindi naman nga ito mahirap magustuhan. Mabait naman ito maski may pagkaarogante kung minsan. And since he was totally handsome, she should expect an amount of arrogance in him. It will balance his humanity and makes him normal.
After all, tama si Missy. Para masabing normal ang isang tao, dapat na balanse ang personality. Kalahating positive at kalahating negative!
“It’s okay. Ganoon daw talaga ang buhay, hindi exciting kung wala kang kaaway.” Tanging nasabi niya.
“So, ano nang plano mo, since hindi ka natuloy sa trekking?”
“Hindi ko pa alam. Basta kailangan kong makapagtago kay Maruki.”
“Sabay nalang tayong bumalik sa Maynila. Hihiramin ko sa admin ang chopper ng Costa Galaxia para makabalik tayo ng Maynila nang hindi na bumabalik ng Sun Cove. Dito ko na padederetsuhin ang chopper.” Mungkahi nito.
‘At talagang pinangatawanan mo na ang pakikipaglapit sa akin ha? Paano na ang blonde girl mo?’
Gustong-gusto na niya iyong isigaw sa pagmumukha nito pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang buksan kay Gelo ang tungkol sa eksenang nakita niya. Ayaw niyang ma-sense nito na nagseselos siya dahil nakakahiya. Bakit siya magseselos samantalang wala namang kahit ano sa pagitan nila? They’re not even friends!
“Gagawin mo iyon para tulungan ako?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Bakit hindi? Mas hindi ako matatahimik kung aali-aligid sayo ang boss mong iyon. Dapat na mag-ingat ka sa kanya.” Seryoso nang hayag ni Gelo. Hindi naman niya nauunawaan ang ibig nitong sabihin. Matagal na rin naman niyang amo si Maruki at bukod sa napaka-persistent noong makipaglapit sa kanya ay wala na siyang ibang maipunang masama sa amo niya. “Isa pa. Peace offering ko na din iyon sayo.” Dugsong pa nito.
“We’re in peace.” Giit niya.
“Ngayon.” Anito. “Anong malay ko mamaya at topakin ang isa sa atin.”
“So, inaamin mo na topakin ka din pala?”
Napatawa ito. “ Tao ako at hindi ako perpekto. May negative attitude din ako.”
“And that what makes you a normal human. Wala yatang nilalang na perpektong masama o perpektong mabuti. At kung meron man noon, hindi siya tao.”
Humiga siya sa damuhan at ipinikit ang mga mata. Napakasarap ng ihip ng hangin. Kaya niyang makatulog roon kung ganoon ka-presko ang hangin na umiihip sa paligid niya.
“Ang sarap ng hangin!” aniya habang nakapikit.
Ilang sandali pa ang lumipas nang maramdaman niyang tila may nakatitig sa kanya. At hindi nga siya nagkamali nang sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nabungaran niya ang ngiting-ngiting nakatunghay sa kanya na si Gelo.
Naumid ang dila niya at di nagawang magsalita o magtanong man lang. Masyado itong gwapo sa kanyang mga paningin para bumuka pa ang bibig niya at makipagtalakan na naman rito.
Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang makipagtitigan nalang sa gwapong nilalang sa kanyang harapan. Hindi na niya naunawaan kung ano pa ba ang ibang nangyayari at tila nararamdaman niyang bumababa ang mukha nito sa kanya. Ang parating mga mamasa-masa at mapupula nitong labi ay tila nanghahalinang lumalapit sa kanya.
She couldn’t help closing her eyes while waiting for his lips to claim hers. Kabaliwan nga siguro na hindi niya ito pinigilan sa halip ay nasasabik na hinintay ito pero ano bang magagawa niya? Gusto niya ito! Gustong-gusto niya si Gelo, pero pinipigilan siya ng kanyang utak. Wala naman sigurong masama kung pagbigyan niya ang sariling makatikim ng isang halik mula sa lalaking kanyang nagugustuhan. Isang halik lang.
Siguro nga, malandi lang din itong si Gelo kaya’t nais na magbilang ng tropeo. At kung ganoon nga, pagbibigyan nalang niya ito. Tutal ay magbe-benefit din naman siya.
““You smells divine, Jeanette.” Mahinang saad ni Gelo sa pagitan ng mga labi nila. “Kanina mo pa akong nilulunod at hindi ko na kayang magpigil pa.”
Nagmulat siya ng mga mata para sermonan ito sa pagpapasabik sa kanya. Kung hindi na pala ito makapagpigil, bakit ang bagal-bagal pa nitong kumilos? Umawang ang bibig ni Jeanette para sitahin si Gelo subalit nagulat siya ng bigla nalang lumapat ang mga labi nito sa kanya. Muli siyang napapikit dahil sa ginawa nito.
And he kissed her with passion and adoration! Lalo pa siyang natakam sa mga labi nito ng maramdaman ang marahang pagkagat-kagat nito sa ibabang labi niya na tila inuudyukan siyang tumugon. At hindi niya nagawang pigilan ang sarili na sundin ito. Bakit niya pipigilan kung nagugustuhan naman niya ang ginagawa nitong paghalik sa kanya?
She felt his one hand running inside her crop blouse. Tila ginagalugad ng ekspertong kamay nito ang kabuuan ng nasa loob ng kanyang blusa. Hindi niya maramdaman ang pagtutol, sa halip, bawat himaymay niya ay nagre-react sa mga haplos nito. Ni hindi niya namalayan ang pagtaas ng mga kamay niya patungo sa batok at mukha ni Gelo.
She even arched her body to feel him more! She couldn’t help letting out a delicious moan when she felt his one hand squeezing her right breast.
Nang bigla nalang masira ang napakagandang sandali na iyon dahil sa ingay ng bwisit na cellphone!
Humiwalay ang tila nananabik pang mga labi ni Gelo sa kanya. She felt the same feeling. Ayaw pa niyang maputol ang halik na namagitan sa kanila. Ayaw niyang matapos na kaagad ang bawal na gawain. Ngayon lang naman, minsan lang…
Pesteng cellphone!
Mabilis na sinagot ni Gelo ang bwisit na cellphone nito. Kung sino man ang caller nito ay talagang napakawalang modo! Nasa gitna pa sila ng isang magandang gawain ay bigla naman iyong umentra!
“Hey, Ania. Napatawag ka?”
Tumayo si Gelo at lumayo sa kanya habang nakikipag-usap sa cellphone nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kanina lamang ay pinagsasaluhan nila ni Gelo ang isang mainit na halik tapos ngayon ay tila tuwang-tuwa itong nakikipag-usap sa ibang babae sa kabilang linya. Bakit ba nakalimutan niyang bukod sa tila interesado ito sa pinsan niya ay may Ania pa nga pala ito?
Habang pinagsasaluhan nila ang labi ng isa’t-isa ay tila nilipad na rin ng hangin ang lahat ng kanyang alalahanin. Pakiramdam niya, walang mali sa ginagawa nila. Lahat ay tama, lahat ay nararapat. Pero matapos ang magic moment ay para siyang pinukpok ng maso at nagising mula sa isang napakagandang panaginip.
Letse!
Isang maling gawain ang pinagsaluhan nila. Dapat ba siyang magsisi? Pero wala siyang makapang pagsisisi. She loves everything they did.
Think first before you act!
Dito na mismo nanggaling ang babala na iyon pero hindi pa rin siya sumunod!
“I’m sorry, Jeanette. Hindi na pala kita masasamahan pabalik sa Maynila. Tinawagan ko na ang admin. Paparating na rito ang chopper. Ipapahatid nalang—”
“Wait!” pigil niya sa dere-deretsong mga labi nito.
Kung kanina ay gustong-gusto niya ang pakiramdam na ibinibigay noon, ngayon ay nais niyang isumpa ang mga salitang inilalabas ng mga iyon.
Inabot ni Jeanette ang bag pack at naghalungkay. Matapos makita ang hinahanap ay hinugot niya iyon at ibinato sa binata. Sapul ng itim na bestida ang dibdib ni Gelo. Bahagya pang nahagip ang may labi nito ng laylayan ng damit.
“Pakibalik mo sa Ania na iyon. At pakisabing salamat!” naiinis na saad niya.
“Why? It’s yours!” giit nito na ibinabalik sa kanya ang damit.
“Isosoli mo sa kanya iyan o itatapon ko iyan sa pinakamalapit na kanal na makikita ko?” nabubwisit na banta niya.
Ayaw na ayaw na niyang makita ang damit na pag-aari ng official girl nito! Nabubwisit siya!
“Ano na naman bang problema mo?” angil na ni Gelo sa kanya.
“Wala! Wala akong problema!” sigaw niya sa mukha nito at saka tinalikuran. “Umalis ka na! Bumalik ka na sa Sun Cove, sa float mo o sa kahit saang impyerno mo man gustong pumunta!”
Mabilis na nahagip ni Gelo ang isang braso niya para pigilan siya. “Alam mo, hindi kita maintindihan! Ang labo mo!”
‘Ikaw ang malabo! Hinalikan mo ako! Tapos, nung tinawagan ka lang ng babae mo, umasta ka na na parang walang anumang nangyari! Bwisit ka! I’m expecting more of it. Kung sana ay nag-alok ka man lang maski kahit anong uri ng relationship, magiging masaya na ako. Hindi ko tatanggapin pero kahit paano, makakagamot iyon sa sinugatan mong damdamin ko. Pakiramdam ko kasi, para lang akong pagkain na matapos mong matikman at hindi mo gaanong nagustuhan ay basta mo nalang iiwan.’
“Jeanette!”
Sabay silang lumingon sa tumatawag sa kanya. Ang boss na pinagtataguan niya, natunton na siya!
Pahaklit na binawi niya ang braso mula kay Gelo at naglakad palayo rito, pasalubong sa papalapit na si Maruki. Hindi niya alam kung nakikita pa ba siya nito dahil tila nakapikit na ang singkit noong mga mata dahil sa mainit na panahon. Pero wala na rin siyang pakialam. Wala na siyang pakialam sa kahit na sino. Ang gusto nalang niya ay makaalis sa lugar na iyon! Nang magtangkang lapitan siya ni Maruki habang sumasalubong ay nilagpasan niya ito.
“Hey Jeanette!” habol nito sa kanya. “May Beach Kite Festival sa Sun Cove—”
“May emergency po sa bahay, Sir. Kailangan ko na pong bumalik sa Maynila.” Pormal na saad niya.
“Ihahatid na kita.”
“Natawagan ko na ang pilot ng chopper ng Costa Galaxia. Iyon na ang maghahatid sa kanya.” Narinig niya ang boses ni Gelo.
Hindi na niya kailangan pang lingunin ito dahil nahuhulaan niyang tulad ni Maruki ay sumusunod rin ito sa kanya. At lalo niya iyong ikinabubuwisit. Kapag ganitong lumalapit ito sa kanya, lalo niyang nare-realize kung gaano siya katanga! Paano niya nagawang hayaan ang sarili na mahulog sa pesteng gwapong life insurance agent na ito?
Pakiwari niya, maski hindi siya nito nagawang bentahan ng insurance, nagawa naman nitong nakawin ang puso niya. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang isigaw ang lahat ng nilalaman ng dibdib niya, pero hindi pwede.
“Hey Jeanette! Wait! Hintayin mo naman ako! Malapit lang ang helipad ng Saturn Cove. Hindi mo kailangang magmadali! Besides, hindi na sumusunod si Gonzalo!”
“Shut up and go to hell!” Hindi lumilingong angil niya kay Gelo na nasa likuran niya at humahabol sa mabilis niyang paglalakad.
“Angelo baby, you’re here. Kanina pa kitang hinahanap.” Anang may American accent na tinig.
Napalingon siyang bigla sa nagsalita. Hindi pa man siya gaanong nakakalayo pero hayun at may iba na namang ka-sparring ang nguso ni Gelo habang tila sawang nakapulupot rito ang babaeng nakita niyang kahalikan rin nito kanina. Wala na yatang ibang alam gawin ang dalawa kundi maglamukusan ng mga labi.
Muli siyang tumalikod at naglakad palayo. Sumakit na ang lalamunan niya dahil pinipigilan niya ang sariling mapaiyak. Pero hindi rin naman siya nagwagi. Hindi niya pa rin napigilan ang sarili na mapaluha.
Bakit kasi ganoon? Bakit lahat yata ng lalaking magustuhan niya, pag-aari na ng iba? Si Quelvin kay Beatrice at si Gelo kay Ania. Wala ba talagang para sa kanya? Well, kung hindi rin lang si Gelo ang para sa kanya, maigi pa ngang wala nalang nakatakdang lalaki para sa kanya. Dahil palagay niya, wala na siyang ibang lalaking magugustuhan ng tulad ng pagkagusto niya kay Gelo.
O baka nga mahal na niya ito. Dahil kung hindi, bakit kahit alam niyang pag-aari na ito ng iba ay hindi mamatay-matay ang interes niya para rito? Hindi mamatay-matay ang damdaming meron siya para rito.
Naiinis na pinunasan niya ng mga palad ang luhaang mukha. Hindi siya dapat na umiiyak dahil sa simula pa lang naman, wala na siyang karapatang umiyak. Gelo isn’t for her. Baka nga pakikipaglaro lang ang intensyon ng paglapit-lapit nito sa kanya.