GF Trilogy Chapter 5

NAGPALINGA-LINGA si Beatrice sa paligid. Naroroon sila ni Jeanette sa Galactic Bar para sundan si Kirk na kanina ay naipagtanong na nila sa receptionist ng hotel kung saan naka-check in. Sinuswerte rin sila na na-spot-an ng mga mata niya ang kanyang boyfriend. Isang matangkad, moderna at napakagandang babae ang karay-karay nito at doon nagderetso sa Galactic Bar. Ang Galactic bar ang open-air bar ng resort at nagiging napakakulay kapag ganoong gabi.

Matapos nilang umorder ni Jeanette ay namaalam sa kanya ang pinsan na pupunta muna ng restroom bago iyon magpaka-audience sa gagawin niyang pagpapakita ng sarili kay Kirk. Gusto raw makita ng bruha kung ano ang magiging reaksyon ni Kirk kapag nagpakita na siya sa kanyang boyfriend at ipaalam na nabisto na niya ang panloloko noon. Pero kanina pang missing in action si Jeanette at atat na atat na siyang sugurin at kumprontahin sina Kirk.

Ang walanghiyang Kirk na iyon na walang kamalay-malay na gusto na niyang patayin sa tingin.

Nangangati na ang palad niyang padapuin iyon sa mukha ng taksil niyang kasintahan. Naubos na ang itinaning ni Beatrice na oras sa pinsan. Nagdesisyon na siyang sugurin sina Kirk. Isang lagok pa sa kanyang inumin at ipinasya na niyang maglakad palapit sa naghaharutang mga talipandas. Bitbit ang baso ay lumapit siya sa mga iyon. Sa mismong malapit sa pwesto nina Kirk sa dance floor siya dumaan. Ang plano niya ay magpakita lamang ngunit hindi ganoon ang eksaktong nangyari. Hindi lamang siya basta nakita ng dalawa kundi naramdaman pa ang kanyang presensiya dahil hindi sinasadyang nabangga siya ng isang nagsasayaw. Ang lamang alak ng kanyang baso na bitbit niya ay sumaboy sa likuran ng babaeng kalandian ni Kirk.

Totoong pagkabigla ang rumehistro sa mukha ni Beatrice dahil hindi naman iyon ang mismong plano niya.

“Shit!” pagmumura ng babae na hindi magkaintindihan sa paglingon sa likod nitong nabasa. “Wala ka bang mata o sadyang tanga ka lang? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” bulyaw pa nito sa kanya.

‘Aba’t…!’

Sumaklolo si Kirk at agad na napalingon sa kanya. Ganoon nalang ang pagkagulat nito ng makilala siya. “Trix!”

“You know her?” nagtatakang nagpalipat-lipat ang mga mata nito sa kanila ni Kirk.

“Yes, I’m his—”

“Friend.” Sambot bigla ni Kirk sa sinasabi niya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “What?”

“Bakit parang nagulat ka pa kung talagang magkaibigan kayo?” hindi maniwalang tanong ng babae kay Kirk.

“We’ve been friends since college, Brenda.” Sabi nito sa babae.

Brenda pala ang pangalan ng malditang babaeng iyon. Hindi niya mapaniwalaan na ipagpapalit siya ni Kirk sa ganito kamalditang babae. Oo at maganda ito, pero pupusta siya na kabaligtaran ang ugali nito. Base sa pag-igkas ng mga kilay ni Brenda at sa mga salitang lumalabas sa bibig nito, hindi maganda ang ipinahihiwatig noon.

“Talaga, Kirk? We’re friends? We’re just friends?” pigil ang emosyong tanong niya rito. Gustong-gusto na niya itong kalmutin. Anong klaseng lalaki ito at ganoon ang ginagawa nito sa kanya?

“We’ll talk some other time, Trix okay? Aasikasuhin ko lang ang damage mo kay Brenda.” Nakikiusap ang tinig nito. Para bang takot na takot itong malaman ni Brenda ang totoo.

“What?” nagpupuyos ang dibdib niya. Siya pa pala ang nakagawa ng damage ngayon ha? “Gusto ko ngayon na!” demand niya.

“Hindi mo ba siya narinig? Kailangan niya akong asikasuhin. Friends lang kayo. Huwag kang mag-demand na para bang girlfriend ka niya. O baka nga?” mataray na singhal ni Brenda sa kanya pagkuway bumaling kay Kirk. Umiling naman ang huli.

“We’re just friends, believe me.”

Hindi niya maramdaman ang panliliit sa ginagawang pagtatatwa sa kanya ni Kirk kundi ang sakit at matinding galit!

‘Brute!’

‘Bastard!’

“Friends pala, ha?”

Umangat ang isang kamay niya. Hindi niya maunawaan kung sino ang uunahin, ang malditang si Brenda o ang hudas niyang boyfriend! Pinili niya ang huli. Isasampal nalang niya ang kanang palad sa pagmumukha nito nang maramdaman ang isang matigas na kamay na pumigil sa pupulsuhan niya at ibinaba iyon sa kanyang tagiliran. Magpupumiglas pa sana siya mula sa kung sinong kampon din ni satanas na pumigil sa kanya para bigyan ng leksyon ang isa pang kampon ng matigilan sa pamilyar na boses.

“Hey, sweetheart. Ano bang ginagawa mo rito? Kanina pa kitang hinihintay sa table natin. Sabi mo, sasaglit ka lang sa wash room.”

Napanganga siya. Nakangiting kumindat naman si Quelvin sa kanya. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? At anong pinagsasasabi nito?

“Sweetheart?” Narinig niya ang nagtatakang tinig ni Kirk.

Napabaling tuloy siya rito. Kitang-kita niya rin kung paanong nanginginang ang mga mata ni Brenda pagkakita kay Quelvin.

“Yes. Beatrice is my girlfriend. I’m Quelvin de Luna, anyway.”

Napabaling na naman siya sa nagsalita na namang si Quelvin na iniangat ang kamay sa harapan ni Kirk. Nang hindi iyon tanggapin ng huli ay ibinaba na nito. Mukhang nauunawaan na niya ang nangyayari. Muling bumalik ang mga paningin niya kay Kirk. Gusto niyang makita ang reaksyon nito.

“May problema ba, pare?” untag pa nito kay Kirk.

“No. Hindi ako naniniwala. You can’t be her boyfriend.” Nagtatagisan ang mga bagang ni Kirk na tila ba galit na galit. Ang hitsura nito’y tulad ng natalo at nadaya sa isang pustahan at napakalaki ng naipusta nito.

“You want a proof?”

Sa pagkagulat ni Beatrice ay hinapit siya ni Quelvin sa kanyang bewang at marahang iniangat ang kanyang baba. Iglap lamang at dumikit ang mga labi nito sa kanya.

She felt paralyze and unvoluntarily opened her mouth. She felt the delicious feeling of his tongue inside her while it was moving inside. He even bites her lower lip gentle, teasing her to respond.

Pakiwari niya’y saglit na huminto sa pag-ikot ang mundo at wala na siyang ibang nais gawin kundi ang tumugon sa mga halik ni Quelvin. Masyado niyang nagugustuhan ang pakiramdam ng halik na iyon at ni hindi niya namalayan na naikawit na pala niya ang mga braso sa leeg nito.

“Shit!”

Ang pagmumura ni Kirk ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Kumawala siya kay Quelvin ngunit hindi ang binata. Kinabig pa nga siya nito palapit sa katawan nito. At dahil doon, pakiwari niya, sinisilihan ang kanyang pakiramdam sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga katawan.

“Naniniwala ka na?” nakangiting tanong ni Quelvin kay Kirk. At muling bumaling sa kanya. “Sweetheart, halika na. Iwan na natin sila at mukhang naaabala na natin sila.”

Nagpatianod siya kay Quelvin ng igiya siya nito palayo sa Galactic bar. Ni hindi na niya namalayan na malayo na pala ang naabot nila sa paglalakad dahil masyado siyang preoccupied ng mga nangyari.

“What do you think you’re doing? Magsisimula ka ng gulo sa loob ng Costa Galaxia! Gusto mo bang ipatapon ka ng security rito at ma-banned ng ilang linggo ang kung sino mang koneksyon mo rito sa loob?”

Saka pa lamang siya nahimasmasan nang marinig ang mariing pagsita na iyon sa kanya ni Quelvin. Nag-alala siya para sa magiging reputasyon ni Maruki, at lalo’t higit kay Jeanette na kinulit niya para lang makapasok sila roon.

“Si Jeanette. Naiwan siya sa bar.” Wala sa loob na saad niya at umakmang babalik.

Pinigilan naman siya ni Quelvin. “Wala na siya roon. Kasama na siya ni Gelo.”

Tiningala niya si Quelvin. Nasa mukha niya na hindi makapaniwalang iniwanan siya ng pinsan.

“Gelo? Gelo Martinez?”

“Angelo Martinez Benson.” Pagtatama nito.

“Anong ginagawa… Benson?” Napahinto siyang bigla sa pagtatanong at gulat na hinarap si Quelvin. “Siya ang kapatid ng may-ari ng isa sa mga Galaxy Float?”

Tumango ito. “Oo. Pero isang sekreto iyon.”

“At bakit sila magkasama ng pinsan ko?”

Nagkibit-balikat ito. “Malay ko. Basta nakita ko silang sabay na lumabas ng bar. Narinig ko pang binanggit ni Jeanette na kokomprontahin mo na daw ang two-timer mong boyfriend. Hindi na daw siya magtataka kung ang susunod mong gagawin ay magha-hire ng gun man para ipapatay iyon. Na-curious ako sa posibleng nangyayari sa loob kaya naisipan kong hanapin ka. At iyon na nga ang naabutan ko. Paano kang nakapasok dito? Sino ang koneksyon mo dito sa loob?”

“Si Maruki Gonzalo, suitor ng pinsan ko.”

“Si Gonzalo?” It seems like he knew the guy. Madami pa sana siyang gustong itanong pero nagulat siya sa sumunod na sinabi nito. “Kung ganoon, padadalhan siya ng warning ng administration office sa unit niya.”

“Teka lang. Hindi naman nagkagulo di ba?” apela niya.

Malay ba niyang istrikto sa lugar na iyon na maski konting komprontasyon lamang ay maba-banned na ang resident? Normal lang naman sa kahit saang bar ang paminsan-minsang may magsampalan ah?

Nakakahiya kay Maruki kung pati ito ay madadawit sa kaguluhang plano niya. Kung nalaman lang siguro noon na ang totoong plano nila ni Jeanette sa lugar na iyon ay sundan at hulihin si Kirk, malamang na hindi sila binigyan ng imbitasyon.

“Thanks to me, then.” Sabi ni Quelvin.

“Oo nga. Thanks to you. Bakit mo nga pala naisip na saluhin ako? At bakit ka naririto?” kalmado nang pagtatanong niya.

Pakiwari niya kanina ay na-brain freeze siya sa mga nangyari. Buo na ang desisyon niyang magtatalak kay Kirk pero parang sa isang iglap, sa isang pagkakamali ay napakalaki ng nabago sa kanyang plano.

“Ayoko lang makakita ng may manggugulpi o magugulpi dito sa community ng ninong ko. Pina-practice ang katahimikan rito at walang ibang gusto ang administration kundi ang mag-enjoy ang mga residents at guests.”

Napamaang si Beatrice. “Community ng ninong mo?”

“Uh-huh?”

“Community ito ng ninong mo?” di makapaniwalang ulit niya. Umaasa siyang magbabago ang sagot nito.

“Bale tito ko din siya dahil pinsan siya ng ama ko.”

Napakurap-kurap si Beatrice. Gusto niyang makasigurado na hindi siya nabibingi.

That explains why he was here.

“Are you okay?”

Naramdaman niya ang mahinang pagtapik sa pisngi niya. Muli siyang nahimasmasan.

“Ganoon kayo kayaman?”

Napatawa si Quelvin sa reaksyon niya. “Lilinawin ko lang, pagmamay-ari ito ni ninong at hindi sa akin o sa mga magulang ko. Resident lang ako sa Earth Cove.”

“Pero kamag-anak niyo ang may-ari ng Costa Galaxia. Meaning angkan nga kayo ng mayayaman.”

Tumawa na naman ito. “Okay. Siguro ganoon nga.”

“Pwes! Bakit hindi mo pa ako pinag-refund tutal barya lang naman ang perang ini-invest ko sa inyo. Sana’y naipabugbog ko na ang talipandas na Kirk na iyon!”

Ngayon niya naramdaman ang matinding galit na dapat ay naramdaman niya kanina. Masyado kasi siyang nalito sa mga sunod-sunod at di inaasahang pangyayari. Tuloy ay late na nakapag-react ang utak niya.

“Mag-aaksaya ka pa ng pera, samantalang nakaganti ka na?”

“Paanong nakaganti, ni hindi ko siya nasampal dahil pinigilan mo ako.” Paninisi niya rito.

“Nasaktan mo naman ang ego niya. Mas masakit pa iyon sa suntok o sampal. Hindi mo ba nakita ang reaksyon niya kanina? Kulang nalang ay magwala siya dahil malamang na iniisip na tinatarantado mo siya sa buong panahon ng relasyon niyo.” Paliwanag nito.

Maski paano ay lumuwag ang galit niya. Pero hindi iyon sapat. “Mas mapapanatag ako kung makakalmot ko man lang ang mukha niya o di kaya, masasabunutan ko ang Brenda na ‘yun.”

“Know this. Hindi mo kailangang maging brutal sa pagganti. Minsan, nadadala iyon sa pagiging mahinahon.”

'Fine! Eh di ikaw na ang peace loving person!'

“At inaasahan mong magiging mahinahon ako habang hantarang ipinakikita saken ng walanghiyang iyon na may iba siyang babae? Harapan pa niya akong itinatanggi! Walanghiya siya! Demonyo! Sinungaling! Ahas! Anaconda!” Nagpapadyak siya. “Walanghiya! Walanghiya! Walanghiya!”

Nakahalukipkip na pinagmasdan lang siya ni Quelvin habang walang tigil naman siya sa pagsipa sa buhangin hanggang sa maukab na ang kinatatayuan niya dahil sa kakasipa.

“Baka hindi mo namamalayan na naghuhukay ka na diyan. Mamaya niyan, hanggang bewang mo na ang hukay.” Puna ni Quelvin sa kanya.

Napahinto naman siya. Halos isang dangkal na nga ang lalim ng hukay sa kinatatayuan niya. Nakasimangot na lumipat siya ng pwesto at sinipa ang mga buhangin pabalik sa nahukay niya. Napatawa naman si Quelvin sa ginagawa niya.

Inirapan ni Beatrice si Quelvin, pagkuway humalukipkip siya. Umihip naman ang malamig na hangin sa pwesto nila kaya’t naiyakap niya ang mga braso sa sarili.

“Bakit ka kasi naka-crop blouse at maong shorts lang eh ang lamig kapag gabi.” Puna nito sa suot niya.

“Anong gusto mo? Mag-gown ako dito sa baybaying dagat?” sarkastikong tugon niya.

Lumapit si Quelvin sa kanya at hinila siya palapit.

“Just to keep you warm. It’s a boyfriend duty.” Pagbibiro nito.

Ngayon niya lang napansin na mas gumagwapo ito kapag ganoong panay ang ngiti ni Quelvin. Teka, anong binatak nito at ngiti lang ng ngiti sa kanya? Gayong naba-badtrip nga siya.

Nakakaasar ha!

“Hindi kita boyfriend! Tsaka pwede ba? Huwag kang makangiti-ngiti diyan! Nakakaloko ka na! Nakukuha mo pa akong biruin sa sitwasyon ko?” Angil niya rito.

“Baka biglang dumaan ang ex mo, mahalata tayo.”

Hindi na siya nagsalita. Nagugustuhan niya rin naman ang pakiramdam ng mainit na katawan nito kaya’t bakit pa siya magrereklamo? She felt vulnerable at the moment and what she really needs was someone who can talk to.

Kahit anong pilit niyang pagmamatigas at pagtataray ay hindi niya mahagilap ang katatagan sa sarili. Napaluha tuloy siya matapos maalala na naman ang eksena sa Galactic Bar. Ayaw niyang kaawaan ang sarili sa ginawang iyon ni Kirk sa kanya pero iyon na nga ang nangyayari. Lalo pang lumakas ang hikbi niya at nauwi sa hagulhol ng maramdaman ang pagdantay ng isang kamay ni Quelvin sa likod niya.

Sumalampak siya sa buhanginan. Nakakaunawang hinayaan lang naman siya ni Quelvin hanggang sa matapos na siya sa pag-e-emote.

Matapos ang ilang sandali ay tumayo siya at nagpahid ng mga luha.

“Baka gusto mong mamasyal para makalimutan mo ang nangyari. May alam akong magandang lugar. Madalas ako dun kapag nandito ako sa Costa Galaxia.” Alok ni Quelvin.

“Mas gusto kong uminom.”

“Pwede nating gawin ng sabay.”

May hinugot si Quelvin na kahalintulad ng isang pager sa loob ng bulsa ng summer shorts nito at pinindot ang pulang buton. Ilang sandali lang at may dumating na speed boat palapit sa kanila. Inakay siya ni Quelvin na sumakay roon. Ewan ba kung bakit hindi niya maramdaman ang pagtutol. Siguro dahil nakuha nito ang loob niya nang saluhin siya nito sa nangyari kanina. Saglit lamang at nasa kalagitnaan na sila ng laot, papalapit sa isang float na nasa kalagitnaan ng dagat. Nagulat pa siya nang alalayan siya ni Quelvin paakyat sa iron ladder ng float na itinawid at iniangkla sa speed boat.

‘Ang sinasabi niyang magandang lugar para mamasyal ay ang Galaxy Float ng Costa Galaxia?’

‘Kaya naman pala maputla ang kulay ng balat mo maski nagpupunta ka sa beach. Kahit nandito ka, hindi ka din nasisinagan ng araw dahil nagluluom ka dito sa float mo.’

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.