Heartbreakers Series Chapter 10

Sinalubong ni Simone si Nikolos at hinalikan ito sa pisngi. “Hi, handsome! How’s the meeting?” tanong nito sa lalaki. Hindi niya inaasahan na sa dinami-dami ng lugar ay doon pa sila magkikita. At di niya alam na kaibigan ito ni Simone.

“Simone, busy na nga ako sa meeting maghapon. Tapos iyan pa ang itatanong mo sa akin. Have a heart, sweetie,” malambing na wika ni Nikolos.

Ang walang hiya! Pati yata ang kaibigan niya ay tina-target din nito. Matapos nitong takasan ang responsibilidad sa kanya, hindi na ito nagpakita pa. Busy pala sa pambababae. Alam ba ni Simone kung anong klaseng lalaki ang kausap nito?

“Nikos, this is my friend, Arizona Calderon. She had just arrived from the States,” pagpapakilala ni Simone sa kanya. “And this is Nikolos Theron, Arize.”

“Arizona Calderon?” nanlalaki ang mata nitong sabi at kinamayan siya.

“It is good to see you again, Mr. Theron,” she said in a tight voice. Mahigpit niyang hinawakan ang stem ng glass wine. Paano nito nagagawang makatulog sa gabi habang nakakakatakas ito mula sa mga taong nadehado nito?

Nikos looked uncomfortable when he took a seat. Lalo na’t katapat niya ito. Di niya ito hiniwalayan ng tingin. Gusto niyang malusaw ito.

“You know each other?” tanong ni Simone at nagpapalit-palit ang tingin sa kanila. “Did you meet in Miami?”

“Not exactly,” Nikos answered hesitantly.

“We met in a cruise,” she supplied the answer.

“The cruise in Eastern Caribbean?” tanong muli ni Simone. “I can’t believe it. Nagkakilala pa kayo sa cruise. Tell me more about it.”

“Saglit lang kaming nagkasama sa cruise ni Miss Calderon.” Now it was Miss Calderon. Samantalang dati ay Arizona agad ang tawag nito sa kanya kahit di pa naman sila close. “I had to fly to Greece in the middle of the cruise. But I hope you had a great time with the rest of the cruise,” anito sa kanya at ngumiti.

“I had a great time. Except for a few untoward incident at the beginning of the trip. But the rest of the experience was exquisite.”

“Untoward incident? Anong nangyari?”

She didn’t miss the weariness in his eyes. Nang nagsalubong ang tingin nila ay parang nagmamakaawa ang tingin nito. Ayaw nitong malaman ni Simone ang mga kalokohan nito. Don’t you think it is a bit late to plead now? I already had enough of those when we were on cruise. And I was stupid to be manipulated by your lies. Sa pagtakbo sa responsibilidad ka lang naman magaling.

Kung desidido talaga itong makipag-ayos sa kanya, sana ay ito mismo ang kumontak sa kanya. Halos isang linggo na ang nakakaraan mula nang huli silang nagkita. Masyado nang huli para maawa pa siya.

“It is not really important,” sabi niya.

Nakahinga nang maluwag si Nikos. Akala siguro nito at nakalusot na ito.

“Ikaw talaga, walang ikinu-kwento. Masyado kang naglilihim,” nagtatampong sabi ni Simone. “Ano ang pinaka-memorable na part ng cruise para sa iyo, Arize?”

Lumipad agad ang tingin niya kay Nikolos. “Nang makilala ko si Mr. Theron.”

“Really? How did the two of you meet?”

Tumayo siya at habang hawak ang kopita ng alak sa isang kamay. “It is so nice to refresh that moment with a twist.”

Walang kangiti-ngiti siyang tumingin kay Nikos at ibinuhos sa kandungan nito ang alak na laman ng kopita niya. Napasinghap ito at mabilis na tumayo. “Now we are even, Mr. Theron. Wala ka nang utang sa akin.”

TULOY-TULOY na lumabas ng restaurant si Arizona. She didn’t dare look back at the commotion she left. Subalit naririnig niyang hindi magkandatuto si Simone at ang mga waiter na dumalo kay Nikolos. “Dapat lang iyan sa iyo,” usal niya.

“Arize, wait!” Nag-aabang na siya ng taxi nang habulin siya ni Simone. “Sumakay ka na sa kotse ko. I can’t leave you like this. Lumipat na lang tayo ng restaurant. I think you need to calm down. Kailangan mo rin ng kausap.”

“Paano ang kaibigan mo?” tukoy niya kay Nikos. Naipagpasalamat na lang siya na di siya hinabol ng kumag na iyon. Ito nga naman ang lalabas na kahiya-hiya. A gorgeous guy with wet crotch. Tiyak na tatawa siya nang malakas.

Alangan nitong ibinalik ang tingin sa restaurant nang nagmamaneho ito palayo. “He can handle it on his own. Ikaw ang inaalala ko. Noon lang kita nakitang nagalit. Noong college tayo, lagi kang controlled kahit nang makita mo ang daddy mo na kasama ang babae niya sa mall.”

“Whatever I did to that damn Nikolos Theron, he deserves it!” Humalukipkip siya. “Kung tutuusin kulang pa nga ang ginawa ko sa kanya!”

Nakarating sila sa isang less crowded na café. She ordered a weasel coffee. Unti-unti na siyang natatauhan habang iniisip ang epekto ng ginawa niya sa kaibigan. “I am sorry that I drag you in this mess, Sim. When I saw him, all I see was red. I was so mad I forgot about you.”

She silently drank espresso and stared at her. “What happened between you and Nikos? Ginawa ka ba niyang fling habang nasa cruise kayo? Walang babae na nagpahiya sa kaniya nang ganoon. Yes, women cry because of him in public. But not the public display of rage like you did.”

“Well, it is about time that someone teaches him a lesson. I know that he is your friend. But I will never forgive a maniac like him,” she said though gritted teeth.

Simone’s espresso spilled a little. “Maniac? Si Nikos?”

“You heard it right!” she stressed.

“I can’t believe it.” She mechanically sipped her espresso. “People branded him a lot of names like international playboy or spoiler of women. May nag-try na I-trap siya sa pagsasabing buntis sila. Pero ngayon lang may nagsabing maniac siya. It is usually the women who harass him.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.