Heartbreakers Series Chapter 46

“Okay lang. Um-order ka na,” anito sa seryosong boses.

“Chicken salad and Perrier,” order niya. Busog pa siya sa luto ni Marcoe.

“Iyan lang ba ang kakainin mo?” gulat na tanong ng kuya niya.

“Tarte aux Myrtilles à l'Orange,” dagdag niya bilang dessert. “So do we have another heart stopping project?”

The drug cartel expose was a success. Pinag-uusapan di lang sa Pilipinas kundi maging sa international arena ang balita. Nagsasagawa na ng investigation ang Kamara at Senado. Iginigisa na ang mga sangkot at witness.

“No. Wala pang bagong in depth report sa ngayon,” anang kuya niya.

“Is it true that you are dating that playboy?” her father asked without ado.

“He is pertaining to Marcoe Arezmendi,” her brother supplied.

Di agad siya nakasagot. She was in daze. “Yes, Pa. We are dating.”

The corner of her father’s lips twitched. Ibig sabihin ay nagkokontrol lang ito ng galit. “Your brother told you to stay away from him. Bakit di ka sumunod?”

“He is just a playboy, Pa. Hindi siya kriminal. Saka matanda na ako. I know what I am doing. Marcoe and I get along. He is a nice and intelligent guy. You will like him once you get to know him.”

“Kasi di pa niya nakukuha ang gusto niya,” maanghang na wika ni Stephen.

“You don’t know him personally so don’t judge him.”

Ang nakikita lang ng mga ito ay ang nakalagay sa magazines at scandal sheets. Walang alam ang mga ito sa tunay na nararamdaman ni Marcoe. When he told her that he felt empty with those girls he used to date, she knew that he was a lonely man. She wanted to fill the emptiness in his life.

“Kapakanan mo ang iniisip namin,” mariing wika ni Stephen.

“Thanks but I can handle this. Pinagkakatiwalaan ninyo ako sa mga sensitive na reports. Ilang beses ko nang naisugal ang buhay ko. Kung tutuusin mas maliit na problema si Marcoe. Walang masama kung magde-date kami.”

“Umaasa ka ba na seseryosohin ka niya? Get real, Reese. Noong una pa nga lang nagtaka ako kung bakit ka niya idine-date. Kung iyong magaganda nauuto niya, mas lalo na ikaw!” maanghang na wika ni Stephen.

Parang dinaganan siya ng mabigat na bato sa dibdib. “Dahil hindi ako maganda according sa standard meter mo, wala na akong karapatan na seryosohin ni Marcoe? Just because I am not a supermodel or a Hollywood star type?”

She was insulted. Wala ba siyang karapatan na maging masaya? Isa pa, wala ba itong konsiderasyon sa nararamdaman niya. Kung gusto nitong sabihin na di siya kagandahan, di siya nito kailangang talampakin.

“Your brother is right, Reese,” her father said firmly. “Hindi ikaw ang tipo ng babae na tototohanin lalaking iyon.”

“Pa!” Nang mga oras na iyon ay parang dinurog siya ng malaking maso. Pati ang papa niya ay mababa ang tingin sa pagkatao niya. Gusto niyang magprotesta pero pinili na lang niyang manahimik. Ano nga ba ang laban niya sa mga ito?

“Kung seryoso siya sa iyo, pupunta siya sa bahay natin,” hamon ni Stephen.

Huminga siya nang malalim. “Excuse me. I will just go to the ladies’ room,” she said in a controlled voice. Tumalilis na siya bago pa magdagdag ng insulto ang kapatid niya. Nagkulong agad siya sa isang cubicle at doon umiyak nang umiyak.

Noong bata siya, nagagalit ang papa niya kapag umiiyak siya. Wala daw itong anak na iyakin at mahina. Natuto siyang kontrolin ang luha kapag kaharap ang mga ito. Saka lang siya iiyak kapag nag-iisa na lang siya. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para ma-appreciate ako. When will you appreciate the real me?”

Nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya dahil si Marcoe ang tumatawag. Gusto niyang makausap ito. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.

“Hello.” Kinokontrol niya ang panginginig ng boses.

“Reese? Hey, are you crying?” tanong nito.

“Hindi. Masakit lang ang lalamunan ko,” palusot niya at napahikbi.

“Iyong totoo, Reese.” May babala na sa tinig nito. Ayaw nitong nagtatago siya ng totoong nararamdaman niya.

“Kasama kong nag-lunch sila Papa at Kuya.”

“Nalaman nila ang tungkol sa akin at nagalit sila,” hula nito.

“O-Oo,” pilit niyang sagot. Pero hindi iyon ang iniiyakan niya. Kundi ang kawalan ng mga ito ng kompiyansa sa kanya. Na parang ubod siya nang pangit. Shen was not the alluring model type. Pero maganda siya. Marcoe said so. She was like a little doll. Mi petite poupée as he called her. Masarap daw siyang titigan dahil paganda siya nang paganda. Di ba nakikita ng kuya at papa niya ang nakikita nito?

“Oh! Stop crying, chère. Ayokong umiyak ka dahil lang sa akin. Pupunta ako diyan. Kakausapin ko ang Papa at Kuya mo. Kakausapin ko sila.”

“Pupunta ka dito? Pero Marcoe…”

“Don’t worry. They won’t skin me alive.”

Matapos mag-retouch ay bumalik na siya sa table. Gumamit siya ng eyedrop para di halata ang pamumula ng mata niya. Ano kayang gagawin ng mga ito kapag nakaharap na si Marcoe? Di kaya maghurumentado ang mga ito?

“Good afternoon!” Lumingon silang lahat sa direksiyon ni Marcoe. Magka-halong tuwa at kaba ang naramdaman niya. Pero tiyak niyang nakakuha siya ng kakampi. “I didn’t expect to see you here, Reese!” Kunyari ay di nito alam na nandoon din sila ng pamilya niya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.

“Marcoe!” That innocent-like kiss irritated the two other men. “I am having lunch with my family. My father, Rodrigo Polavieja. And my brother, Stephen.”

“Marcoe Arezmendi, Sir.” Kinamayan nito ang dalawang lalaki.

“Join us, young man,” her father said politely.

“Thank you, Sir. Your newspaper is the first one I read every morning. I like the balance in reporting. It’s not sensationalized.” He was trying to charm her father.

Bahagyang umaliwalas ang mukha ng Papa niya. Gusto nitong napupuri. “It is nice to know that you are an intelligent reader.”

Bumaling naman ito sa kapatid niya. “Stephen, right? Your drug cartel expose is a bomb! Congratulations.” Samantalang mas dapat ay dito ang credit.

“Thanks.So what do you do, Mr. Arezmendi?” pormal na tanong ng kuya niya.

“I run Vallee Esperar, a family vineyard in France.”

“But I am more familiar with your escapades with women,”her brother baited.

Napapikit siya. Talagang mainit ang dugo nito kay Marcoe.

“That’s history. I am dating your sister now.”

“Yes. You are dating her until she became a part of history.”

Tumigas ang anyo ni Marcoe. “Your sister is a special woman with unique beauty. I highly doubt that she would be just a part of history. We are dating seriously. Mabuti at nakita ko kayo ngayon. Kasi ipagpapaalam ko siya. I want to court her formally. Sa bahay ninyo. Is it okay to pay her a visit this weekend?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.