“Hindi kita pinagbantaan, Reese. I mean it.”
Huminga siya nang malalim. He was too serious. Di siya sanay sa Marcoe na kaharap. Lagi kasi itong nakangiti at masiyahin. “Ano bang problema mo?”
“Ikaw. Wala ka nang inisip at ginawa kundi ang trabaho mo. Lagi kang wala. Lagi kang walang panahon sa akin.”
Hinilot niya ang sentido. Di niya ine-expect na aabot sila sa ganitong klase nang diskusyon. “You know the nature of my job, Marcoe. I always have to travel. Dapat maintindihan mo iyon dahil bumibiyahe ka rin naman. Naiinis ka ba dahil wala ako mga importanteng okasyon? Dahil late ako sa mga date natin at minsan di na ako nakakarating? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa bulkan na huwag ka munang pumutok dahil may party kami na pupuntahan ng boyfriend ko. At di ko rin pwedeng sabihin sa mga naggi-giyera na mamaya na kayo magbarilan pagdating ko. Nagde-date pa kasi kami ng boyfriend ko.”
“Naiintindihan kita!” mariin nitong sabi. It was almost like a hiss. “Ilang beses na ba kitang inintindi? Pero ako naman ang hindi mo maintindihan. Ano ba ang tingin mo sa relasyon nating dalawa?”
Niyakap niya ito. “I love you, Marcoe. Ayokong magkaganito tayo. Yes, may pagkukulang ako sa iyo. But I always make it up with you, right?”
Binaklas nito ang braso niyang nakayakap dito. “By making love to me? Oo nga naman. Tuwing di ka nakakapunta sa usapan natin o late ka, you always make love to me. Kapag may inutos ako sa iyo na di ko sinunod, you make love with me afterwards. Is that what you call a relationship?”
“Well, that’s one of the good sides in our relationship. We always make up. Hindi natin kailangang magtalo, hindi ba?”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. His blue-gray eyes were blazing with anger. “No. Hindi ka bumabawi sa akin kapag ginagawa mo iyon. You make love to me so that I won’t chide you. Dahil ayaw mong marinig ang mga pagkakamali mo. That is hardly a relationship, Reese. Di pwedeng basta ka na lang babalik, we’ll roll on the bed and you will fly to wherever there’s a disaster happening.”
Naningkit ang mata niya. “Pinapipili mo ba ako sa trabaho ko at sa iyo?”
“Oo!” mariin nitong sagot. “Dahil ayokong pangalawa lang ako. And I am sick and tired of waiting for you to come home to me. Sawang-sawa na akong bina- balewala mo ang pag-aalala ko sa iyo dahil ikaw si Supergirl. You can dodge bullets. You don’t mind having wounds. You can face nature’s fury.”
Napanganga siya. “Iniisip mo na may super hero complex ako?”
“No. Sinasabi ko lang na magkaiba tayo ng pananaw. We don’t meet. Gusto ko lagi kang nasa tabi ko. I don’t want a part time girlfriend who bribes me with sex to pacify me.”
Umigkas ang kamay niya at sinampal ito. Sa lahat ng sinabi nito ay doon talaga siya nagalit ng todo. “How dare you lower down my love to that? Na bina-bribe kita sa pamamagitan ng sex? I love you, Marcoe! I love you that’s why I make love to you. Huwag mong pababain ang pagkatao ko,” aniya sa nanginginig na boses dahil sa nagbabantang luha. Pakiramdam niya ay sinaksak nito ang puso niya.
Hinawakan nito ang kamay niyang sumampal dito. “Nagagalit ka ba dahil sinabi ko ang totoo? I want a real relationship, Reese. Tulad noong nagsisimula pa lang tayo. We could talk and spend some quality time together. Naiisip mo ba kung ano ang mangyayari sa atin sa future? Kung kasal na tayo, igi-give up mo ba ang trabaho mo?”
“Marcoe, no!” Nanlaki ang mata niya. “I love my job!”
His lips compressed. Parang nasaktan ito sa sinabi niya. “See? Paano mo maalagaan kami ng magiging anak mo? Hihintayin na lang ba namin ang balita tungkol sa iyo? Mag-aabang kami sa TV kung kasama ka sa mga casualties? I can’t live like that.”
Huminga siya nang malalim. “Hindi ko kailangan ng lalaki na hindi ako naiintindihan. Mahal ko ang trabaho ko!”
“I know. You love your job more than you love me,” malungkot nitong usal. “Kaya nga mas mabuting tapusin na natin ito ngayon.”
Di na niya mapigilang umiyak at niyakap ito. “I love you, Marcoe. Bakit kailangan nating maghiwalay? We can work this out, right?”
Mariin itong pumikit. It took him a lot of effort to push her away from him. “I love you, too. You know how much I love you. But it is not enough, Reese. I want a real relationship with a whole woman. Hindi iyong babae na pupunta lang sa akin kapag may free time siya bago siya pumunta na naman sa kung saang gulo. Gusto kong protektahan ka. And I can’t do that because the nature of your work is dangerous. You are killing me everytime you leave. Kung hindi mo lang din naman maia-adjust ang trabaho mo para ma-accommodate ang relasyon natin, I don’t think it would really work.”
“Why, Marcoe? Why?” Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang maghiwalay ng dalawang taong nagmamamahalan. Maliit lang naman ang problema.
“A relationship is not all about love per se and making love. It is not enough for a relationship to exist. Kung malalagpasan natin ang barricade na iyon. Kapag handa ka nang ibigay sa akin nang buo ang sarili mo, saka ka bumalik sa akin.”
Tulala si Reese habang pabalik sa condo niya. Hinahayaan lang niyang tumulo ang luha niya. She was too hurt to feel anything, she was already numb.
“Katulad ka rin nila Papa, Marcoe. Lagi ninyong hinihingi sa akin ang mga bagay na parang napaka-imposible para sa akin na ibigay.” Her father hated the woman in her. Ang gusto lang nito ay ang anak nitong sikat na photojournalist. While Marcoe loved her as a woman, he could never live with her work.
She was broken. Sinira siya ng mga taong minahal niya. And she didn’t think she would be whole again.