“YAAAA!” sigaw ni Marcoe at kasunod niyon ay ang sunud-sunod na pagtama ng kendo stick sa dummy target na ginagamit sa pagpa-practice. Umaanglingawngaw sa private dojo ni Ryuji ang mga sigaw niya. Doon niya ibinuhos ang lahat ng galit niya. Galit siyang sumigaw nang nasira ang practice dummy at nawasak na rin ang stick. Ihinagis niya ang stick sa sahig at itinumba ang dummy.
Hingal na hingal niyang kinuyom ang palad. Basang-basa na rin ng pawis ang katawan niya subalit wala siyang pakialam. Matalim niyang tiningnan ang pagpasok ni Ryuji kasama ang mga kaibigan niya. “Bakit ganyan ka tumingin? Parang naghahamon ka ng away,”tanong ni Nikos.
“Mukhang naghahamon nga siya ng away,” sabi Alonzo at tiningnan ang mga nagkalat na sirang kendo sticks.
Pinagpupulot ng mga ito ang kalat niya. “Ibig sabihin magpapagawa pa pala ako ng panibagong dummy at kendo stick. Sinira mo ang lahat ng gamit ko.”
“Magkano at babayaran ko?” tanong niya. “At kung may reserba ka pa, ilabas mo pa. Di pa ako tapos mag-practice.”
“Hindi practice ang tawag diyan. It is called berserk,” sabi ni Andreas. “Ryuji, gawin mo na lang panggatong sa fire place ang mga ito.”
“Nagkakaganyan ka ba dahil umalis ulit si Reese?” tanong ni Wyndham.
“Di ko na siya iniisip,” kaila niya. Isang buwan na silang hiwalay. She traveled the dangerous spots in the world at isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Madalang na rin siyang lumabas. Puro private get together lang nilang barkada siya sumasama.
“Nasa France si Reese ngayon. Kaya masama ang mood mo?” anang si Nikos.
Tinadyakan lang niya ang dummy bilang sagot. Inakbayan siya ni Wyndham. “Di ba plano ninyong pumunta sa France this month. Nasa France na siya ngayon. Di mo na siya kailangang piliting pumunta. Gusto mo ba ilipad kita doon ngayundin?”
Matalim niya itong tiningnan. “Nandoon siya para mag-cover ng riot sa Paris. Hindi para magbakasyon kasama ako,” ngitngit niya.
“If you love her, go to her. Take her back,” sabi ni Alonzo. “Maswerte ka nga dahil may pagkakataon ka pang makasama ang babaeng mahal mo.”
Umalingawngaw sa dojo ang music tone ng cellphone niya. “Hello.”
“Marcoe, ang Tita Harlene ito ni Reese. Kababalita lang sa CNN na kasama siya sa mga injured sa riot sa France. B-Baka malubha siya.”
GUSTO ulit ipikit ni Reese ang mga mata nang matuklasang nasa ospital pa rin siya. Naka-cast ang braso niya at wala man lang siyang makausap maliban na lang kung may mga nurse o doktor na dumadalaw. Hirap ang mga ito sa English habang limitado ang alam niya sa French. “Gising ka na pala,” anang boses ni Harlene.
“Tita!” maluha-luha niyang sabi. Niyakap siya nito.
“Pinag-aalala mo ako. Napanood ng Papa mo sa CNN ang balita. Itinawag agad niya sa akin. Ano ba ang nangyari?”
It was the height of civil disturbance in France. Maraming mga mamamayan nito ang di masaya sa kasalukuyang estado ng bansa. Maraming walang trabaho at may isyu pa ng racial discrimination. Libo-libong kotse ang sinunog, maaring sugatan at maraming naaresto.
“Kinukuhanan ko po ng pictures ang isang lalaki na hinuhuli ng pulis. Nang makita ng mga protestors na hinuhuli ang kasamahan nila, dinumog at sinaktan nila ang pulis. Kasama ako sa naipit. Naramdaman ko na lang bumagsak ako at pinag-aapakan ng mga tao. Buti nga naka-cast lang ang braso ko.” Luminga-linga siya. “Nasaan po si Papa at si Kuya?”
“May importanteng inaasikaso sa Manila. Pero hinihintay nila ang pagbabalik mo. Sabi nila iuwi ka agad ng Pilipinas kapag may clearance ng doktor.”
“Di man lang nila ako pinuntahan.” Parang di naman concern ang mga ito sa kanya. Huminga siya nang malalim. “Mahigit isang buwan akong walang trabaho. Hindi po ako makakahawak ng camera, Tita.”
“It’s okay. Gagaling ka rin naman.”
The door burst open and Marcoe entered. Matagal na sandali silang nagkatinginan ni Marcoe. Tumakbo ito sa kanya at niyakap siya. “Reese!”
He held her for what seemed like forever. Mariin siyang pumikit. It was such a great dream. Ilang gabi na niyang pinapangarap na sana ay magkikita sila ni Marcoe at yayakapin siya nito. Na babalik ulit ito sa buhay niya.
“God! I am glad you are safe!” Mariin nitong hinalikan ang labi niya. “A-Ano pang masakit sa iyo? Nahuli ba kung sino ang nanakit sa iyo?”
“Hindi ko na iniisip iyon, Marcoe. Bahala na ang gobyerno ninyo sa kanila.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “Damn them for hurting you.”
“Bakit ka nandito, Marcoe?”
“Ano ba namang tanong iyan, hija? Siyempre para dalawin ka,” anang Tita Harlene niya. “Alam mo ba nang tawagan ko si Marcoe na nadisgrasya ka, sinundo agad niya ako sa bahay at sumakay agad kami sa private plane nila para mapuntahan ka. Gusto pa nga niyang mag-teleport agad para lang makita ka. Hindi siya mapakali habang nasa flight kami.”
“Talaga? Nag-alala ka sa akin? Hindi ba galit ka?”
Umiling ito at hinalikan ang kamay niyang walang cast. “No. I am not mad at you anymore. Mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa iyo kaysa sa galit ko. I am sorry for pushing you away, chere. I am here to take you back. I still love you.”
Sinulyapan niya ang naka-cast na kamay. “Baka naman gusto mo lang akong balikan dahil naka-cast ang kamay ko at hindi ako makakapagtrabaho.”
Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “No. I don’t want to see you hurt, Reese. It was silly of me to get jealous of your work. Iyan ang mundo mo. Dapat lang na maging masaya ka. Gusto ko lang naman maayos ang relasyon natin.”
Iniyakap niya ang isang kamay dito. “Sorry. Masyado akong naging selfish. Hindi ko naisip na nasasaktan na kita. Forgive me, Marcoe. Di ko naipaparamdam sa iyo nang tama pero mahal kita.”
“Kalimutan na natin iyon. Siguro naman ngayon mapag-uusapan na natin ang relasyon natin. Basta aalagaan pa rin kita.”
“Ngayong nasa France ka na, dapat siguro na ituloy natin ang plano nating bakasyon,” nakangiti nitong sabi. “Nandito rin sila Mommy. Kaya tiyak na matutuwa sila kapag idinala kita sa vineyard.”
“Pero gusto ni Papa na umuwi agad ako,” sabi niya.
“Akong bahala sa Papa mo. Mag-enjoy ka kasama si Marcoe,” anang tita niya.