“WOW!” Di mapigilang humanga ni Reese habang pinagmamasdan ang ekta-ektaryang taniman ng ubas na pag-aari ng pamilya ni Marcoe. “Is this your kingdom?” tanong niya kay Marcoe.
Humalakhak si Marcoe. “I am glad you like it.”
Vallee de Esperar was a vineyard of thousand acres. Kahit saan yata siya tumingin ay puro taniman ng ubas ang nakikita niya. The Arezmendi’s villa provided a great view of it. Ayon kay Marcoe ay ilang dekada na iyong pag-aari ng pamilya.
“Of course, I do. It is like a paradise!” Nangalumbaba siya sa mesa at pinagmasdan ang tanawin. As if she could just sit there and do nothing at all. “Ilang beses na akong pabalik-balik dito sa France pero di pa ako nakakakita nang ganito kagandang lugar. I love it here!”
“Then I am sure you will enjoy your stay here. Do you want to visit Dad’s restaurant? Para naman mas ma-experience mo ang totoong France.”
Matatagpuan sa Southern gate ng vineyard ang restaurant ng daddy ni Marcoe na si Luc. “Accueillez, Mademoiselle!” pagwe-welcome sa kanya ni Luc. “I am glad that you finally spent a vacation in our humble vineyard.”
Nanlaki ang mata niya. “Humble? I think grand is more appropriate. And I love your restaurant. It is cozy.”
“I am happy that you like my place. At the balcony, you will get a nice view of the vineyard. Order whatever you want and I will charge everything to Marcoe,” he said with a wink.
“I like your dad. Parang lagi siyang masaya.”
“That’s why my mother fell in love with him. Nang dito sila tumira, halos ayaw nang umalis ni Mommy. Ayaw niyang iwan si Daddy.”
“I saw them at the party. In love na in love pa rin sila sa isa’t isa.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Gusto ko ganoon din tayo. In love pa rin tayo sa isa’t isa kahit na matanda na tayo.”
Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Iyon din ang gusto ko!”
Maya maya pa ay nai-serve na sa kanila ang pagkain. Hirap siyang kumain nang isang kamay lang dahil naka-cast ang isang braso niya. “I will help you,” sabi nito. Kung di nito hinihiwa ang pagkain niya ay sinusubuan siya nito. The food was great. Daddy daw mismo ni Marcoe ang nagluto para sa kanila.
Pabalik na sila sa villa nang mapansin niyang inaayos ang ibang bahagi ng vineyard. “Anong okasyon?” tanong niya.
“Bordeaux Wine Festival. Kaya kita niyaya dito para mapanood mo ang festival. Kahit pa mas gusto ko sa Pilipinas, pinipilit ko pa ring umuwi sa ganitong season para mapanood ang festival. People party, there’s wine tasting everywhere and this festival is for a bountiful harvest. Later, you’ll know why it is special.”
“Marcoe, I also want to watch the festival. Parang exciting kasi.”
DI MAPAKALI si Reese habang nasa harap ng villa. Hinihintay niya ang pagbaba ni Marcoe. Pupunta sila sa Girronde square kung saan gaganapin ang hudyat para sa pagsisimula ng festival. Iikot din sila ni Marcoe sa siyudad.
“Gusto ko ng camera,” mahina niyang usal. Bata pa lang siya ay bitbit na niya ang camera niya kahit na saan. Ayaw kasi niyang ma-miss ang magagandang lugar o mga interesanteng pangyayari na makikita niya. But her camera was broken during the riot. At kahit na may camera pa siya ay di rin naman niya magagamit dahil nga naka-cast ang kamay niya. Pakiramdam niya ay patay ang kalahati ng katawan niya.
“And this is my first real vacation with Marcoe. Gusto ko naman na may remembrance kaming dalawa.” Di siya masaya sa camera sa cellphone niya. Di kasi maganda ang quality ng pictures doon. Perfectionist pa mandin siya sa mga pictures.
“Are you ready to go?” tanong nito.
“Yes,” mahina niyang usal at sumakay sa Jeep nito.
“Here. Pag-aralan mo ang paggamit para magamit mo.” May inabot itong kahon sa kanya. Nang buksan niya ay isang mini digital camera ang nandoon.
“S-Sa akin ito?” tanong niya.
“Oo. Naisip ko kasi na baka gusto mo pa ring kumuha ng pictures. Ipinabili ko iyan sa tauhan ko sa Paris. It is small, I know. Baka di ka masanay. Pero ang maganda diyan, pwede mong gamitin nang isang kamay lang. And it has an LCD that you can flip. Para pwede kang mag-self photography.”
“I love it, Marcoe!” Niyakap niya ito. “Look!” Ipinakita niya ang manual dito. “I can adjust the speed and the resolution. May videocam pa siya at malaki ang memory ng card. This is exactly what I need. Okay lang ba sa iyo na kumuha ako ng pictures? Kasi di ba…”
“Galit ako sa trabaho mo?” Pinisil nito ang baba niya. “Sinabi ko nang tapos na tayo doon, di ba? Saka kahit ako manghihinayang kapag di mo nakunan ang festival na ito. Bakasyunista ka. Dapat lang may kasama kang camera.”
Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. “Thank you and I love you.” He knew exactly what could make her happy. Di ito madamot. Dapat na siguro niyang pag-isipan kung ano ang makakabuti sa kanila at sa relasyon nila.