HUMILIG si Reese sa balikat ni Marcoe habang pinapanood ang fireworks display. They were seated at the bank of Garonne River. Apat na araw ginanap ang festival. Tumulong sila sa pag-a-assist sa wine tasting. Marami nga silang naibentang alak dahil sa dami ng mga tourists na pumunta.
Isinama din siya ni Marcoe sa tour ng vineyard. Ipinaliwanag doon kung paano ginagawa ang iba’t ibang klaseng wine at kung para saang alak ang iba’t ibang klase ng ubas. Nang umagang iyon ay nanood sila ng mga Bacchus floats na nasa ilog. Kasama ang pamilya nito at mga kaibigan ay dumalo sila sa giant picnic sa Etals du Terroir. Parang walang katapusan ang festival na iyon.
“Inaantok ka na ba?”
“Hindi pa. Maganda ngang panoorin ang fireworks. Hindi ba may pupuntahan pa tayo bukas?” tanong niya.
“Yes. We will explore the estuary vineyards by water. Hindi ka ba naiinip dito? Wala kasing giyera. Walang sumasabog na bulkan.”
“Nag-enjoy ako nang husto. Kapag nagko-cover ako ng festivals dati di ko siya nae-enjoy. Kahit na gaano pa kaganda ang isang lugar, di ko magawang magsaya. Lagi kasing puro trabaho ang nasa isip ko. I don’t have time to relax. And I am glad that you take me here.”
Di agad sila pumasok sa kanya-kanyang nilang kuwarto pag-uwi nila sa villa. Nasa balkonahe lang sila at nag-uusap habang umiinom ng kape. “Babalik na pala tayo sa Manila next week. Parang gusto ko na dito na lang.”
“Well, you can stay here longer. Pero baka magalit ang papa mo.”
Nilanghap niya ang aroma ng kape. “Alam mo ba na buong buhay ko, si papa na lang at ang approval niya ang iniisip ko?”
“Natural lang naman siguro iyon. I feel the same way with my dad.”
Umiling siya. “No. It’s different. Noong bata pa ako, invisible na ako sa kanya. He never appreciated me as a daughter. Puro lang si Kuya ang nakikita niya. So I did everything to please him. Pinilit kong maging magaling na photojournalist. I thrive on danger because that was what he did during his prime. Saka lang niya ako napansin. Kinalimutan ko na nga na babae ako para lang maibigay sa kanya ang anak na pinapangarap niya.”
“It must be tough trying to grow up like a son instead of a daughter.”
“Mahirap na mabuhay sa mundo na binuo niya para sa akin. Sabi ni Kuya Stephen, di mo daw ako maiintindihan. Tulad ka rin ng girlfriend niya. Iiwan mo rin ako. Do you know that my mother died of heartache because my father loved to chase bullets instead of staying home with us? Kaya noong una akala ko di mo ako naiintindihan. Mali pala. Ikaw ang di ko naiintindihan.”
“No. It is not your fault.” Niyakap siya nito. “Masyado mo lang minahal ang Papa mo. You wanted to please him. Tulad niya, na-overlook mo ang mga pagkukulang mo. Because that is how your world works.”
“Nang mawala ka sa akin, saka ko lang naramdaman na malungkot kapag walang magmamahal sa akin. The fame, the danger and money can’t keep me warm at night. It is not enough to make me happy.”
“Reese, I don’t want you to give up the job you love. Ang gusto ko lang naman mag-compromise tayo para may space para sa relasyon natin.”
Nakangiti siyang tumango. “Naisip ko na iyan ngayon. Don’t worry. I will think of something. Promise, hindi na natin magiging problema ito sa susunod.”
He touched her hair. “I am not pressing you. Mahaba pa naman ang panahon mo para mag-isip. Take your time. Matulog na tayo.”
“Marcoe, I want to ask something. Ano ba ang dapat na sasabihin mo noong bago ako umalis papuntang Lebanon?”
Mahabang sandali siya nitong tinitigan. “I was about to ask you if you want to be Mrs. Marcoe Arezmendi. Buti na lang hindi ko siya tinanong noon. Baka kasi magtalo lang tayo kapag ni-reject mo ako.”
Nilapitan niya ito. “I want to know if the offer still stands.”
“Yes. I want to know if you’d marry me.”
She smiled and kissed him deeply. “Oui! I will marry you.”
”ANO? Pakakasalan mo ang lalaking iyan?” Dumagundong sa sala ang galit na boses ni Rodrigo. Pagkagaling sa France ay ipinaalam agad nila ni Marcoe sa pamilya niya ang plano nilang pagpapakasal. Kailangan na lang hingin ang consent mula sa pamilya para makapamanhikan na nang pormal si Marcoe at ang magulang nito.
“Yes. He asked me to marry him and I accepted,” she said with a straight unwavering face. Hindi niya inaalis ang tingin sa Papa niya.
“Naghiwalay na kayo dati. Magkakahiwalay lang ulit kayo. Tapos malakas ang loob mo na pakasalan siya?” nakangising sabi ng Kuya Stephen niya. “You must be insane. Use your brain for once.”
“Naayos na namin ni Reese ang problema namin,” sabi ni Marcoe. “Aalagaan ko naman po si Reese. Hindi ko siya sasaktan.”
“Hindi ba tutol ka sa trabaho ng anak ko?” tanong ni Rodrigo. “Ibig bang sabihin hindi ka na magagalit kahit na lagi siyang wala dahil nasa malayo at peligrosong lugar siya para mag-cover?”
“Nagawan na rin namin iyan nang paraan, Papa,” nakangiti niyang sabi. “I am quitting my job as a photojournalist.”
“What?” Bigla tumayo si Rodrigo mula sa kinauupuan. “Pinaghirapan mo ang trabahong iyan tapos ipapalit mo lang sa lalaking iyan? Baliw ka na.”
“I will take my Masterals. Magtuturo ako sa university pagkatapos para naman maka-produce pa ako ng maraming mga journalists para sa inyo,” kaswal niyang sabi. Iyon ang naisip niyang paraan para maayos ang schedule nila ni Marcoe at di na nito kailangang mag-aalala na pumunta siya sa peligrosong lugar.