Heartbreakers Series Chapter 56

“No! It simply won’t do,” sabi ng kuya niya. “You love your job. Bakit ka nagpapa-impluwensiya sa lalaking iyan na iwan ang trabaho mo?”

“It is not his idea. Ako ang nagdesisyon na umalis!”

“But you are leading a boring life, Reese. Mami-miss mo rin ang trabaho mo.”

“I can always travel the world, Kuya. Pwede ko pang makasama si Marcoe at ang magiging anak namin. May offer na ako sa France kung sakaling gusto kong magtrabaho sa isang travel magazine. I can still do what I want.”

“I had enough of this lunacy, Beatreese! That man is no good for you!” galit nitong itinuro si Marcoe. “Kung iiwan mo ang trabaho mo, kalimutan mo nang anak kita. You are not good enough to be my child!”

“I was never enough for you,” she said blandly. Sa pagkakataong ito ay wala na siyang nararamdaman na sakit. “Ibinubuwis ko ang buhay ko para pasayahin kayo. Kailan ba kayo nagiging proud sa akin? Nang pumutok ang noo ko dahil nasaktan ako sa rally? Kapag sinasabi ko na iyong nabuhay ako kahit sumabog ang bomba sa tabi ko. But you never asked if I am okay. Nang madisgrasya ako sa France, di ninyo ako dinalaw. Wala akong halaga sa inyo!”

“Now you are being a sissy!” bulyaw ng papa niya. “This man is softening you up. Kailan ka pa naging emotional, Reese?”

“Matagal na po. Di lang ninyo nakikita dahil takot ako na magalit kayo. Isa pa, wala naman kayong pakialam sa nararamdaman ko. Maybe you also call my mother a sissy. Kasi mahina at emotional din siya tulad ko.”

“Leave your mother out of this!”

“Hindi ninyo matanggap na namatay si Mama dahil sa sama ng loob? Ayokong mangyari ang nangyari sa inyo. I want someone to love. Gusto ko ring may nagmamahal sa akin. Iyong totoong pagmamahal.”

“Anak kita kaya mahal kita! Kami lang ng kuya mo ang makakaintindi sa iyo at alam namin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo.”

Umiling siya at humawak sa kamay ni Marcoe. “No. Si Marcoe ang nagmamahal sa akin. Mahal ninyo ako dahil pinasasaya ko kayo bilang successful sa field kung saan kayo kabilang. Because I grew up like you. Pero kapag wala nang kinalaman sa trabaho, natuwa ba kayo sa akin? Ikakasal ako pero ayaw ninyo dahil iniisip ninyo na sagabal iyon sa trabaho ko. Ayaw ninyo kay Marcoe dahil di ninyo siya katulad na puro sarili ninyo ang iniisip. I had enough, Pa!”

“Gusto mong sumama sa lalaking iyan? Sige! Magsama kayo! Pero huwag mong asahan na ako ang maghahatid sa iyo sa altar. Di ako pupunta sa kasal ninyo.”

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Marcoe. Masakit para sa kanya ang binitiwang salita ng Papa niya pero di siya susuko sa una na niyang desisyon. “Naiintindihan ko kung iyan ang desisyon ninyo, Pa. I am tired of pleasing you, for living through your expectations. Ayoko nang mabuhay nang ginagaya ko kung paano kayo mag-isip, gumalaw, huminga. Gusto ko namang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa akin. I want my own happiness. I want a life that is mine.”

Malungkot silang bumalik ni Marcoe sa condo niya. Wala silang kibuan. Niyakap agad siya pagsara ng pinto. “It’s okay, Reese. It’s okay.”

Di niya mapigilang umiyak. “Di ako nasasaktan dahil galit sa akin si Papa. Nalulungkot lang ako dahil di ko mai-share sa kanya ang kaligayahan na nararamdaman ko. Na masaya ako dahil nagmamahalan tayo.”

“Let him take his time. Mawawala rin ang galit niya sa iyo.”

“You don’t know my father. Malalim siyang magtanim ng galit.”

Sumalampak sila sa carpet habang umiinom ng wine. Isang linggo na lang at matatanggal na ang cast niya. Magtatrabaho pa rin siya sa International Press Photo hanggang makakita ang mga ito ng ipapalit sa kanya. Sa susunod na buwan ay magte-take up na siya ng exam para sa Masterals niya.

Sa susunod na taon na ang kasal niya. Mahabang panahon para lumambot ang puso ng Papa niya sa kanya. Sa kabila ng mga nasabi niya, gusto pa rin niya na makasama ito sa kasal niya.

“Reese, phone call from your brother,” sabi ni Marcoe at inabot sa kanya ang cordless phone. “Kausapin mo na.” Inabot niya ang awditibo.

“Reese, pasensiya na sa mga nasabi ni Papa kanina. Nabigla lang siguro siya na malamang ikakasal ka na.”

“It’s okay. Sanay na ako,” matabang niyang sabi. Hindi niya alam kung bakit nagso-sorry ito samantalang wala naman itong pakialam sa kanya noon.

“Sorry rin kung hindi ako naging mabuting kapatid sa iyo. Tama ka naman. Hinuhulma ka namin ni Papa ayon sa amin. Nakalimutan namin na may sarili kang identity. Na gusto mo ring maging masaya. Iyong hindi namin kayang ibigay.”

“Bakit sinasabi mo ito sa akin, Kuya?”

“I respect you for being so brave a while ago. Nagawa mong sabihin ang nararamdaman mo. Di katulad ko. Wala akong ginawa kundi sundin si Papa. Maswerte ka dahil ipinaglaban mo si Marcoe. Di ko man lang kasi naipaglaban ang relasyon namin ni Allison. Di ko siya hinabol dahil ayaw din ni Papa sa kanya.”

“Bakit hindi mo subukan? You don’t have to give up your job. Imo-moderate mo lang siya para magkasama pa kayo.”

“Nandito si Papa sa likod ko,” bulong nito. Saglit itong nawala sa linya pero di ibinaba ang phone. “Sabi ni Papa dito na kayo mag-dinner ni Marcoe mamaya.”

“Marcoe!” tili niya at niyakap ang kasintahan pagkababa ng phone. “Sabi ni Papa doon tayo mag-dinner sa bahay. Would you believe that?”

“I told you. Lalambot din ang puso niya sa iyo.”

She linked her hand with his. “Thank you for not giving up on me.”

“No. I should thank you for coming into my life, chère. Je vous aime.”

“And I love you, mon dieu du vin. My God of Wine.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.