Synnovea was a self sufficient woman. She was a very creative artist and she had a great career. May dalawang bagay lang siyang di kailangan- ang pag-ibig at lalaki.
Pero nang pumunta siya sa Italy para sa kasal ng kaibigan niya, nahirapan siyang iwasan si Andreas del Pierro. He loved the idea of romance and every inch of him could make every woman fall in love. At mukhang siya ang target nito.
He took her to his private villa in Sicily. At hindi ito titigil hangga’t di nito nakukuha ang puso niya. She also needed a few things from Andreas- his hot body and his child.
“Viva gli sposi!”
Nagpalakpakan ang lahat kasabay ng paghihinang ng labi ng bagong kasal. Nakipalakpak din si Synnovea. Lumutang ang ganda ng kaibigan niyang si Mhelany sa suot nitong headdress na gawa sa pearl na disenyo niya mismo. Kahit ang kasama sa entourage ay suot din ang creation niya. Bumagay iyon sa theme ng kasal na ginanap sa isang masted sail cruise ship kung saan nagkakilala si Mhelany at ang napangasawa nitong si Bradley na chef ng barko. Nadagdagan pa ang romantic atmosphere dahil nakaangkla ang barko nila sa Amalfi Coast sa Italy kung saan din nag-propose si Bradley dito.
Matapos ang traditional wedding sa Duomo Sant’ Andrea ay tumuloy sila sa barkong Wind’s Song. Parang nasa sinaunang panahon sila.
Niyakap siya ni Mhelany nang lapitan siya. “Synn, thank you. Ang ganda-ganda ko ngayon, di ba?” tanong nito at nagpaikot-ikot pa.
“Yeah! You look so pretty. Natupad mo na ang pangarap mong makapag-asawa ng maganda ang lahi.” Lalong nakaakit si Mhelany dahil magaling magluto si Bradley. Kaya nga ayaw nang bumaba ni Mhelany ng cruise ship noon. Tinamaan na ito.
“At di pa huli ang lahat para sa iyo.” Ngumuso ito sa direksiyon ng bestman. “Bakit di mo bingwitin si Andreas?”
Umikot ang mga mata niya nang sulyapan si Andreas, ang half-Filipino, half-Italian na boss ni Bradley. Umangat ang gilid ng labi ni Andreas nang mahuli siyang nakatingin dito. She hated those blue green sensual eyes. Girls go crazy over those brooding eyes. Di siya tumitingin nang mahigit limang segundo sa mga mata nito kundi maging siya ay mawawala na rin sa sarili. At iyon ang huling bagay papapayagan niya.
“Andreas del Pierro is not the marrying kind. And I don’t intend to get married either. Well, I don’t have anything to do with men.”
“Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nai-in love.”
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Huwag mo na akong intindihin. Basta umayos iyang asawa mo. Kapag sinaktan ka niya, isasabit ko siya sa mast ng barko at patatamaan ko siya sa kidlat.”
“Shhh!” saway nito. “Baka mamaya isipin nila na amazona din ako tulad mo. Bigla akong hiwalayan ng asawa ko.”
“Kaya mo namang mabuhay ng walang lalaki.”
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Kakakasal ko pa lang, kung anu-ano na ang sinasabi mo.” Pumalatak ito. “Girl, you badly need a man.”
Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi nito at ng isa pang boses na paulit-ulit din niyang narinig. Synnovea, what you really need is a man.
Ipinilig niya ang ulo at tumango nang magpaalam si Mhelany na pupunta na sa bisig ng asawa nito. Ayaw na niyang marinig pa ang boses na iyon. Nasa Italy siya para mag-relax. At di niya kailangan ng lalaki para sa bakasyon niya o sa kahit anong aspeto ng buhay niya.
Pinagmasdan niya habang ngumiti si Mhelany nang may ibulong ang asawang si Bradley na kasayaw nito. She looked so happy. Bata pa lang sila ay hopeless romantic na si Mhelny. Iyon ang kaligayahan nito. Habang di niya forte ang romantic entanglements. Ni di siya naa-attract sa mga guwapong lalaki. Sadyang manhid siya. Nagsa-shut down ang utak at puso niya kapag pag-ibig na ang pinag-usapan.
“Weddings are always romantic, cara mia.”
Nahigit niya ang hininga nang marinig ang boses na animo’y humahaplos sa pagkatao niya. Hindi na niya kailangan pang lingunin ang lalaki na nakatayo sa likuran niya. It was Andrea Stefano del Pierro.
Hindi siya kumibo at nagkunwaring walang narinig. Magsalita ito sa hangin kung gusto nito. Wala siyang planong kausapin ito o I-recognize ang presensiya nito.
“I think you would look lovely in that white wedding dress as well, cara mia.”
Napapitlag siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga niya. Mukhang gusto talaga nitong magpapansin sa kanya. Hinaplos niya ang tainga niya at matalim ang mata nang lingunin ito. “Ano ba?!” asik niya. “Walang cara mia tainga ko.”
Tumawa ito at hinaplos ang dulo ng kulot niyang buhok na kumawala mula sa pagkakapusod. “You are my one and only cara mia.”
“Hindi cara mia ang pangalan ko. It’s Synnovea!”
“Cara mia is an endearment. Ayaw mong maging malambing ako sa iyo?”
Humalukipkip siya at nakasimangot nang ituon ang atensiyon sa bagong kasal. “Hindi ko kailangan ng paglalambing mo.”
Tumayo ito sa harap niya at hinagod ang nakakunot niyang noo. “Cara, huwag mong sirain ang romantic atmosphere. Wedding is a time for joy and a prospect of new romance.”
Inalis niya ang pagkakakunot ng noo at sarkastikong ngumiti. “I am not here for romance. Di ako katulad mo. Nasa iyo ang lahat ng oras sa mundo para magliwaliw at habulin ng kung sinu-sinong babae. What a charmed life.”