Maraming lalaki ang maiinggit dito. He was more than six feet tall. He had an unusual pair of blue green eyes, aristocratic nose and lips that could easily smile and could kiss forever as well. And he had that perfect olive tone skin. At hindi rin maitatago ng white tuxedo na suot nito ang magandang katawan nito.
He was son of an Italian cruise liner magnate Stefano del Pierro. At the age of thirty-one, he was one of the most sought after bachelors in the world. Ilang beses na itong na-feature sa magazine na nakasakay sa mega yacht nito kasama ang kung sinu-sinong sikat na celebrities.
Bata pa lang ay magkakilala na sila. Kaibigan ng Tita Beatrix niya ang mama ni Andreas na si Paquita. Pitong taon siya noon at nasa dose naman ito. He didn’t look his age. At madaming mga dalagitang dumadalaw sa bahay nila para lang makita ito. Hindi pa maintindihan ng batang isip niya noon kung bakit pinagkaka-guluhan ito ng mga babae. Nang nasa edad na siya, laman na ng mga magazine si Andreas at ang mga babae sa buhay nito. And she didn’t like it a bit.
Ito ang lalaking di seseryosohin ang isang babae. He would maximize the full potential of his great looks and attract as much women as he could. At dahil nasa tamang huwisyo pa siya, hindi siya tutulad sa mga babaeng naakit nito.
“Wala akong oras sa romance na sinasabi mo. Hindi naman ako kikita doon.”
“That’s a cold remark,” malungkot nitong usal. Ayaw kasi nitong makarinig ng kahit anong negatibo tungkol sa pag-ibig.
Inilahad niya ang palad. “I am sure the rest of the women in this ship would willingly discuss romance and weddings with you.”
Hindi ito natinag sa kinatatayuan at bahagya pang dumikit sa kanya. “No. I’d rather stay here with you. Isa sa mga social host ko ang kanina pa titig na titig sa iyo. He is a playboy, you know. Kung magkasama tayo, di ka niya lalapitan. Mahirap na dahil baka mabola ka pa niyan.”
Sinapo niya ang sariling dibdib at nginisihan ito. “How touching! Bakit ka nagwa-warning sa akin samantalang mas malala kang playboy tiyak sa kanya.”
Sinapo din nito ang sariling dibdib at umaktong nasaktan. “You wound me, cara. You are so damn beautiful. Dapat lang kitang protektahan.”
“Bakit hindi ka na lang mag-enjoy kasama ang ibang babae? Kanina pa maraming umaasa na makikipagsayaw ka sa kanila. Don’t waste your time on me.”
Hind kaila sa kanya ang matatalim na tingin ng ibang kababaihan doon. Parang gustong dukutin ang iba ang mata niya sa inggit. Para namang gusto niya ang atensiyon ni Andreas.
“Hindi ako nagsasama ng ka-date sa mga kasalan. Women tend to be emotional during weddings. I don’t want to give them wrong ideas. That will land me on hot waters.”
“At dahil hindi ako katulad ng mga babaeng tinutukoy mo, nagtatago ka ngayon sa likod ng palda ko?”
Pumaikot ang braso nito sa baywang niya at hinila siya palapit sa katawan nito. “You can be my date if you want.”
There was a sparkle of dare in his eyes. She wanted to hate him so badly. Napakalapit nila sa isa’t isa at hindi na madali sa kanya na iwasan si Andreas. Pigil niya ang paghinga habang nararamdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ang boses nito ay parang sedang humahagod sa balat niya. At unti-unti rin siyang tinutunaw ng titig nito.
Matagal na niyang napatunayan na hindi siya naaapektuhan ng kahit sinong lalaki. Gaano man kaguwapo o kamacho. Andreas was an exemption. Mukhang napakahirap para sa kanya na balewalain ito.
Naramdaman siya ng kilig nang hulihin ng daliri nito ang ilang hibla ng buhok niya. “So are you my date now?” tanong nito at unti-unting bumaba ang mukha sa kanya. Hahalikan siya nito!
NAGTRIPLE ang bilis ng tibok ng puso ni Synnovea. Seryoso ba si Andreas na halikan siya sa hrap ng maraming tao? Hindi naman kaila sa kanya kung paano tratuhin ni Andreas ang mga babaeng nadidikit sa pangalan nito at nadidikit dito mismo. She could imagine all those women kissing him, almost making love with him in public. That’s why he was branded as the Amorous Lover. He was like the god love, leaving a trail of lovestruck women on his wake.
Magiging isa ba siya sa mga babaeng iyon? Would he kiss her and would be the featured in some trashy tabloids. Andreas was a hot item. Tiyak na magugulo maging ang mundo niya. Di naman kaila sa kanya na may mga paparazzi na nakasunod dito. Isang maling galaw lang, makakaladkad ang pangalan niya.