Heartbreakers Series Chapter 59

But somewhere inside her head, a voice was enticing her. She had never been kissed before. Hindi naman masama ang isang halik. Isang halik lang.

“Synnovea! Miss Synnovea Alcaraz!” anang emcee sa microphone.

Magaang tinapik ni Andreas ang balikat niya. “They are calling for you.”

Ilang beses siyang kumurap bago naintindihan ang sinabi nito. Tinatawag pala ng emcee ang pangalan niya. “Para daw saan iyon?” tanong niya.

Naisip lang niya na hahalikan siya ni Andreas ay natunaw na ang paligid niya. Wala siyang naintindihan. Masamang senyales iyon.

“They need you to fix the couple’s bed.”

“Bakit kailangan kong gawin iyon? May chambermaid naman dito, di ba?”

“It is a custom here in Italy that the bridal couple's bed be made by a virgin,” he explained. “It’s a rare find nowadays.”

Her lips formed an O. Nice culture. Kailangan pang ipagladalran sa lahat na virgin siya. Nakita niya ang paghagikgik ni Mhelany. Kundi lang maraming tao ay inambaan na niya ito ng suntok. Kulang na lang kasi ay lagyan siya ng placard sa dibdib na may nakalagay na “Virgin pa ako”.

Lumapit siya para kunin ang mga bulaklak na isasaboy sa wedding bed at ang susi ng honeymoon suite ng mag-asawa.

“Is she still a virgin? You gotta be kidding me,” narinig niyang usal ng isa sa mga babaeng guest na may malisyosang ngiti.

“My thoughts exactly. Kung ikaw ang ka-date ni Andreas del Pierro, sa palagay mo ba virgin ka pa din?” tanong ng pinsan ni Mhelany.

“She won’t be a virgin anymore before this day is over,” narinig niyang sabi ng isa sa mga pinsan ni Bradley galing London. Naturingang lalaki pero napaka-malisyoso. Gusto niya itong sampalin ng stiletto niya.

Kung pwede lang ay maglaho nang parang bula ang lahat. Sa kanya nakatingin ngayon ang buong barko. Tiyak na tinatakbo ng isip ng lahat ang isyu ng virginity niya. She was already twenty-six. Old maid na nga daw siya. At sa mga di nakakakilala sa kanya at mas kilala si Andreas, isang malaking question mark kung ano ang gagawin nito para maiba ang status niya sa virginity issue.

“My, my, it’s getting hot in here!” biro ni Bradley at ipinaypay ang palad sa mukha. Ngumiti na lang siya sa pagbibiro nito. Pasalamat ito dahil kasal nito noon. Pero bukas ay biruin pa ulit siya nito tungkol sa isyu na iyon, ibibitin na niya ito sa mast ng barko.

Taas-noo siyang naglakad papunta sa penthouse suite kung saan tutuloy ang mag-asawa para sa gabing iyon. May anasan pa rin siyang naririnig. Nakasunod sa kanya ang mapanghusgan mga mata.

She wished that they would just drop the issue and leave it alone. Walang pakialam ang mga ito kung saka-sakali mang magiging virgin siya habambuhay.

Ngumiti siya habang inaayos ang kama ng mag-asawa dahil nakasunod ang camera sa kanya. Ang simpleng pag-aayos ng kama ay parang isang malaking dilemma na sa kanya. Sa bawat segundong pumapatak, parang may malaking palakol na nakabitin sa ulo niya. Parang naririnig pa rin niya ang tawanan at panunuya ng mga tao sa kanya.

Matapos isaboy ang talulot sa kama ay lumabas na ang mga cameraman. Palabas na siya ng kuwarto nang makitang nakasandal si Andreas hamba ng pinto.

“Anong ginagawa mo dito? Virgin ka din at makikiayos ka ng kama?” sarkastiko niyang tanong. “Suit yourself. Tapos na ako dito.”

“Synnovea, I am sorry. Dahil sa akin napag-usapan ka ng mga tao. Please forgive me.” He looked so damn charming with those pleading eyes. Lalo lang tuloy siyang nainis dito. Sanay na sanay kasi ito na sa isang tingin nito ay nalulusaw na ang pantyliners ng mga babae at tatanggapin agad ang sorry nito.

“Kahit naman wala ka, pag-uusapan pa rin nila ang virginity ko.” Parang salot na ba ang tingin sa kanya ng mga tao o kaawa-awa dahil virgin siya?

Ginagap nito ang kamay niya. “I only made things worse.” Inangat nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang mga kamay niya.

Napasinghap siya nang magsalubong ang mga kamay niya habang nakadikit ang labi nito sa likod ng palad niya. It wasn’t a simple kiss of apology. For her it was an outright seduction. Mabilis niyang binawi ang mga kamay.

“I told you it is not your fault.” Dinuro niya ito. “Pero oras na lumabas ito sa mga gossip columns, you will feel sorry that you met me.”

Hindi niya kailangan ng publicity kahit na gusto niyang sumikat.

“I won’t let it happen. I will protect you.”

Iwinaksi niya ang kamay. “Hindi ako mahina. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Kung gusto mo talagang makatulong, leave me alone!”

Nagmamadali siyang lumayo dito at nagpasalamat siya nang di na siya nito sundan pa. Her emotions were confusing whenever he was around. She felt a tinge of pain in her abdomen. Ipinaalala niyon sa kanya ang isang masakit na realidad. At hindi pa niya matatanggap ang realidad na iyon sa ngayon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.